Maagang dumating si Dylan sa opisina kinabukasan, dala pa rin ang bigat ng pag-uusap nila ni Samantha kahapon. Nakatakda silang magkita ulit mamaya, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang may bumabagabag sa kanya. Pagpasok niya sa opisina, nasalubong niya agad si Trixie na abala sa pag-aayos ng schedule niya. Nang makita siya, agad itong tumayo at ngumiti. "Good morning, Sir!" masiglang bati ni Trixie. Napakunot ang noo ni Dylan. "Bakit ang sigla mo?" "Eh kasi po, kahapon ang sungit niyo. Ngayon mukhang maaliwalas ang mukha niyo, baka may good news?" panunukso ni Trixie. Umirap si Dylan at dumiretso sa mesa niya. "Masyado kang observant. Wala akong good news." Ngumuso si Trixie. "Eh ‘di sana sinabi niyo nalang na wala kayong tulog kagabi kakaisip sa akin, Sir." Napatingin si Dylan sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. "Bakit kita iisipin? Naka-on leave ka ba para mawala sa sistema ko?" "Hindi po, Sir. Pero aminado po akong ako ang stress reliever niyo, kahit ala
Kinabukasan, sa opisina... Abala si Trixie sa pag-aayos ng mga documents sa desk niya nang biglang lumapit si Lance, may dala na namang dalawang baso ng kape. "Déjà vu?" natatawang isip ni Trixie. “For you, Miss Secretary.” Nakangiting inabot ni Lance ang coffee. “Uy, nagiging generous ka na naman, ah. Ano na namang kapalit nito?” biro niya habang inaabot ang baso. “Wala. Gusto ko lang kasing bumawi. Parang ang dami mong iniisip kagabi.” Napatingin si Trixie kay Lance, kunot-noo. “Bakit naman?” “Ewan ko. Pakiramdam ko, may gumugulo sa’yo. At alam mo ba kung ano yun?” Bumaba ang boses ni Lance, parang may sikreto. “Ano?” “Si Kuya.” Halos mabilaukan si Trixie sa iniinom niyang kape. “Ha?! Ano naman ang konek ni Sir Dylan sa akin?” Ngumisi lang si Lance. “Hmm, ikaw ang makakasagot niyan.” Bago pa makasagot si Trixie, biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Dylan. Agad niyang nakita sina Lance at Trixie na magkasamang tumatawa habang hawak ang kape. Hindi niya alam
Kinabukasan... Tahimik na pumasok si Trixie sa opisina. Ang eksena kagabi sa sasakyan ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya—ang biglaang pagdikit ng mukha nila ni Dylan, ang sandaling pagkakakuryente ng mga mata nila. "Ano ba kasi ‘tong nararamdaman ko?!" Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at tumambad sa kanya ang boss niyang nakakunot ang noo. “Trixie, coffee.” Napakunot ang noo niya. "Aba, parang bumalik sa pagiging dragon 'tong si Sir ah. Kakaligo ko lang ng malamig, pero eto na naman siya." Habang nagtitimpla ng kape, napansin ni Trixie si Lance na papalapit. Nakangiti ito at may dalang doughnut. “Good morning, Miss Secretary!” masayang bati ni Lance. Ngumiti si Trixie. “Good morning! Mukhang masaya ka ngayon ah.” “Syempre, pag ikaw kasama ko, sino bang hindi sasaya?” pabirong sagot ni Lance. “Heeh, Ang aga-aga, Lance. Wala ako sa mood sa mga pakilig mo,” natatawang tugon ni Trixie. Biglang bumukas muli ang pinto ng opisina ni Dylan. Tumambad sa ka
Maagang dumating si Trixie sa opisina, dala ang kape ni Dylan at ilang mahahalagang papeles na kailangan pirmahan. Habang papasok sa office ni Dylan, napansin niyang tila tahimik ang paligid. "Hmm, hindi pa yata dumarating si boss?" bulong niya sa sarili. Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya ng bumungad sa kanya si Dylan—nakasandal sa swivel chair, nakapikit, at mukhang hindi pa ganap na gising. Halatang puyat ito, marahil dahil sa bigat ng isipin kahapon. Napangiti si Trixie. "Ang cute niya pag natutulog—wait, Trixie! Ano na naman yang iniisip mo?!" sigaw niya sa isipan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa at marahang inilapag ang mga papeles at kape. Pero bago pa siya makalabas ng opisina… "Trixie…" mahinang tawag ni Dylan, bahagyang idinilat ang mga mata. "Ay! Gising ka na pala, Sir! Akala ko tulog ka pa," sabi ni Trixie habang napaatras ng bahagya. Umayos ng upo si Dylan at kinuha ang tasa ng kape. "Kanina ka na bang nandito?" tanong niya habang nilalasahan ang un
Tahimik ang loob ng sasakyan habang magkasamang nakaupo sina Dylan at Trixie. Ramdam ni Trixie ang tensyon sa pagitan nila—hindi ito tulad ng normal nilang banter o asaran. May kung anong bigat sa mga mata ni Dylan habang nakatitig sa kanya. "Hindi ako madaling paasahin. Pero kung ikaw… handa akong subukan." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga salitang iyon. Totoo ba ang narinig niya? O nagkamali lang siya ng pandinig? Napakapit siya sa kanyang bag, pilit hinahanap ang tamang sasabihin. Pero bago pa siya makapag-isip ng sagot, dumaan ang sasakyan sa isang maliit na lubak. "Ay!" gulat niyang sigaw nang bahagyang matumba ang katawan niya paharap. Mabilis siyang sinapo ni Dylan, hawak siya sa braso upang hindi tuluyang mapasubsob. Ngunit sa halip na mabilis siyang bitawan, nanatili ang kamay nito sa kanya. "Tsk. Ang clumsy mo talaga," bulong ni Dylan, pero may bahagyang ngiti sa labi. Ramdam ni Trixie ang init ng kamay nito. Hindi siya makatingin nang diretso. "S-sor
Hindi mapakali si Trixie matapos ang pag-uusap nila ni Dylan. Parang nagkaroon ng malaking shift sa pagitan nila—mula sa pilyong asaran, naging seryoso ang mga banat ng kanyang boss."Akin ka lang.""Gusto kong ako lang ang tinitingnan mo."Ramdam pa rin niya ang kilig at kaba sa sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin ni Dylan? At bakit parang gusto niya itong paniwalaan?"Tsk! Trixie, tama na! Huwag mong hayaang guluhin ng boss mo ang utak mo!" sabi niya sa sarili habang pinipilit na mag-focus sa trabaho.Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isipan ang paraan ng pagsasalita ni Dylan—ang titig nito, ang lambing sa boses, at ang matamis pero mapang-asar na ngiti nito.Sa loob ng opisina...Habang sinusuri ni Dylan ang mga dokumento, hindi niya maiwasang mapangiti sa reaksyon ni Trixie kanina."Namula siya… nag-panic… Mukhang may epekto na ako sa kanya."Alam niyang hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam. Noon, hindi siya basta-basta naaapektuhan ng kahit sino, pero iba si Tr
Sa kotse ni Dylan... Habang tahimik sila sa pagababyahe ay di mapakalai si Trixie sa trip ng boss niya, di niya alam anong nasa isip nito."Sigurado ka bang okay lang na mag-leave tayo today?" tanong ni Trixie habang nakatingin sa daan."Mmhmm," sagot ni Dylan habang nakapirmi lang ang tingin sa kalsada. "Lance is handling everything. And I need a break."Hindi alam ni Trixie kung paano siya dapat mag-react."Si Boss, gusto ng break?! Parang himala.""Hindi ba dapat ako ‘yung may say dito? Assistant mo ako," biro niya."Bakit? Ayaw mo bang makasama ako sa labas ng opisina?" sabay tingin ni Dylan sa kanya saglit, may nakakalokong ngiti.Muntik nang mabulunan si Trixie sa ka corny-han ng boss. "Hindi ko naman ‘yon sinabi!""Ah, so gusto mo akong makasama?"Napangiwi si Trixie. "Ugh, ang kulit mo!"Tawa lang ang isinagot ni Dylan, na lalo lang nagpakulo sa utak ni Trixie."Ano ba ‘tong nangyayari?! Bakit parang lumalambing ‘tong boss ko?"Sa isang beach resort sila napadpad....Pagdating
Sa tabing dagat....Makaraan ang ilang oras ng pagtambay sa cabana, nagdesisyon silang lumabas at maglakad-lakad sa tabing-dagat. Nasa harap si Trixie, habang si Dylan ay tahimik na naglalakad sa tabi niya, at nakatitig kay Trixie."Uy, anong iniisip mo?" tanong ni Trixie nang mapansin niyang tulala si Dylan."Ikaw."Napahinto siya. "H-Ha?!"Napangiti si Dylan. "Sabi ko, iniisip ko kung gusto mong maglaro.""Huwag kang pa-smooth talker diyan, boss!" singhal ni Trixie, pero halatang tinamaan."Anong laro naman ‘to?" dagdag niya habang pilit na pinapakalma ang sarili."Race," sagot ni Dylan, sabay turo sa isang puno malapit sa cottage. "Kung sino mauna ro’n, mananalo."Napakunot-noo si Trixie. "Aba, parang gusto kong manalo ah! May premyo ba?"Nag-isip si Dylan sandali, tapos ngumiti. "Sige, kung manalo ka, bibigyan kita ng isang wish.""Wish? Kahit ano?"Tumango si Dylan. "Oo. Pero kung ako ang manalo…"Napalunok si Trixie. "Ano?""Gagawin mo ang gusto kong ipagawa sa’yo.""Aba, parang
Naramdaman ni Trixie ang tensyon sa opisina habang patuloy na nagri-ring ang phone niya. Ang mga mata ni Dylan ay matalim na nakatutok sa pangalan sa screen.Adrian.Parang automatic na nag-scan si Trixie sa utak niya ng kahit anong excuse, pero bago pa siya makagalaw, mas lalong sumeryoso ang mukha ni Dylan."Sagutin mo," malamig nitong sabi.Napalunok siya.Kung ibababa niya ang tawag, siguradong mas maghihinala ito. Pero kung sasagutin naman niya, ayaw niyang magalit lalo si Dylan.Bago pa siya makapagdesisyon—BAGO PA SIYA MAKAGALAW—Hinablot ni Dylan ang phone niya."D-Dylan!"Napatayo siya sa gulat, pero huli na. Sinagot na nito ang tawag."Hello?" Malalim at matigas ang boses ni Dylan habang nakatitig kay Trixie.Alam niyang si Adrian ang nasa kabilang linya, pero hindi niya narinig ang sagot nito dahil naka-on ang speaker ng phone."Yeah, si Dylan ‘to," dagdag pa ng binata. "Bakit ka tumatawag kay Trixie?"Napalunok si Trixie at napatingin kay Samantha at sh*t, hindi niya nag
Hinalikan ko siya.As in, HINALIKAN KO SI DYLAN.OH MY GOD.Pero bago pa niya ma-panic ang sarili, bigla siyang hinatak ni Dylan palapit.At ang balak lang niyang mabilis na halik?Naging mas malalim.Damn it.Ramdam na ramdam niya kung paano lumalim ang halik ni Dylan.Paano nito marahang sinakop ang mga labi niya.Paano nito dahan-dahang hinaplos ang batok niya, hinihigop ang bawat segundo ng halik nila.She felt weak.Nanghina ang mga tuhod niya, at kung hindi siya mahigpit na hawak ni Dylan, malamang bumagsak na siya sa sahig."Uhm… Dylan…"Ramdam niyang unti-unti na siyang nauubusan ng hangin.Pero hindi pa rin siya nito binitawan.Instead, lalo lang itong naging mapanukso.Hanggang sa…KNOCK. KNOCK."Sir Dylan, may naghahanap po sa inyo."Putangina.Halos manigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Dylan, on the other hand, clearly looked pissed.With a heavy sigh, slowly, he pulled away.Pero bago siya tuluyang bumitaw, muli nitong hinalikan ang gilid ng labi niya."Tapos tayo mama
From a distance, nakamasid lang si Samantha habang pinapanood ang tatlo.Nakatayo si Trixie sa pagitan nina Dylan at Adrian—halatang nasa awkward situation.Nakangiti siya. Perfect timing.She turned to her phone and sent a quick message."Nandito na siya. Siguraduhin mong aabot si Sir Ethan."Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa tatlo.Now, let’s see how much pressure Dylan can handle.Pakiramdam ni Trixie ay literal siyang nasa gitna ng nagbabanggaang kidlat at kulog.Nakaharap siya kay Adrian, na mukhang kalmado pero may bahagyang amusement sa mga mata, habang nasa likuran naman niya si Dylan—at kahit hindi pa siya lumilingon, alam niyang ang lalaki ay parang isang bulkang handa nang sumabog.Oh my God, bakit ngayon pa?"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit ni Dylan, mas mababa at mas matalim ang tono."Sinusundo ko si Trixie," simpleng sagot ni Adrian, walang bahid ng kaba o alinlangan. "Bakit, may problema ba?"Trixie wanted to run away. NOW.Pero bago pa siya makakilos, naramdaman
Trixie was doomed.Kitang-kita niya ang paghigpit ng panga ni Dylan habang nakatitig sa pangalan sa screen ng cellphone niya. Adrian.Tangina. Ngayon pa talaga tumawag si Adrian?!Lumingon siya kay Samantha, na tahimik na nakamasid lang sa kanila. Pero hindi iyon ang focus ni Trixie ngayon—ang mas kinatatakutan niya ay ang lalaking nakaupo sa harapan niya.Dylan was staring at her like he was seconds away from murder."Are you not going to answer that?" malamig na tanong ni Dylan.Nagkibit-balikat si Trixie, pilit na hindi nagpapahalata na kinakabahan. "Bakit? Akin naman ‘tong phone, ‘di ba?"Napakuyom ng kamao si Dylan. "Sagutin mo."Oh, hell no.Alam niyang delikado kapag sumunod siya. Alam din niyang delikado kapag hindi.Lose-lose situation ‘to, Trixie. Good luck sa buhay mo.Sa isang iglap, napansin niyang tumigil na ang pag-ring ng phone niya. Thank God!Pero bago pa siya makahinga nang maluwag, biglang…RING!Adrian is calling again.Halos mapamura siya nang makita ang galit sa
“Trixie, gusto mo bang ipakita ko kung gaano ako ka-OA?” SH*T. Halos hindi makahinga si Trixie habang unti-unting bumaba ang mukha ni Dylan papunta sa kanya. Too close. Too intense. At sa sobrang lapit nila, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa labi niya. Napakapit siya sa gilid ng desk, pilit na nilalabanan ang tuksong pumikit at hayaang mangyari ang hindi dapat mangyari. Pero bago pa man may mangyari— TOK. TOK. TOK. “Dylan?” BIGLANG NATIGIL ANG MUNDO NI TRIXIE. Wait… THAT VOICE. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig habang napaatras si Dylan, halatang naistorbo. Nanatili siya sa pagkakaupo sa desk, hindi pa rin makagalaw. Napatingin siya sa pintuan. Kilala niya ang boses na ‘yon. At nang bumukas ang pinto— Nagkatotoo ang hinala niya. SAMANTHA. Nakatayo ito sa may pintuan, nakaputing fitted dress, nakaayos ang buhok, at may matamis na ngiti sa labi. Pero kahit nakangiti ito, hindi maikakaila ang lungkot at kakaibang tensyon sa mga mata nito. "L
Nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Si Justin. SI JUSTIN ANG NAKAHULI SA KANILA.“Oh. My. God.”Kitang-kita niya ang unti-unting pag-angat ng kilay nito, kasabay ng paglaki ng ngiti. Tangina, mukhang may mababago na namang chismis sa office!"Uhh… Boss? Trixie?" May halong pang-aasar sa boses ni Justin habang napapakamot sa batok. "Mukhang… wrong timing yata ako?"Shit. Wrong timing ka nga, Justin.Agad niyang sinubukang kumawala sa yakap ni Dylan, pero mas lalong humigpit ang kapit nito.“D-Dylan!” bulong niyang sigaw, pero ni hindi siya tinapunan ng tingin nito.Sa halip, kalma lang itong sumandal sa desk niya habang hawak pa rin siya sa baywang.“What do you want, Justin?” malamig na tanong ni Dylan.Kunot-noong tumingin si Justin sa kanila, halatang pinipigil ang ngiti. "Sabi ko lang, boss… may meeting ka in five minutes.""Tsk. Reschedule it.""HA?!" sabay nilang reaksyon ni Justin.Napanganga si Trixie. Dahil lang sa eksenang ‘to, willing siyang ipagpaliban ang meeting?!Per
“You’re mine.”Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip ni Trixie.Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig kay Dylan, pero ang lalaking nasa harapan niya confident, dominant, and completely serious ay parang wala lang."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong niyang tanong.Dahan-dahang ngumiti si Dylan, pero hindi iyon ‘yung usual na nakakalokong smirk. Ito ‘yung delikadong ngiti niya."You heard me," sabi nito habang dahan-dahang inaabot ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon."DYLAN!" Napaatras siya, pero agad siyang sinundan nito.Bago pa siya tuluyang makatakas, sinandal siya ni Dylan sa pader, ang isang kamay nito ay nakapirmi sa tabi ng kanyang mukha.Wala na siyang takas.Mabilis ang tibok ng puso niya. "H-Hindi ako iyo!"Napataas ang kilay ni Dylan, halatang naiinis sa sagot niya."Oh?" Bumaba ang mukha nito, halos magdikit na ang kanilang ilong. "Sabihin mo ‘yan ulit nang hindi namumula."Kahit anong gawin niya, hindi niya maitatanggi na natataranta siya s
Naguguluhan pa rin si Trixie nang makalabas siya ng opisina ni Dylan. Kanina lang, parang gusto na siyang lunukin ng lupa sa tindi ng titig nito, tapos ngayon? Bigla na lang siyang pinalaya?Weird.Napailing siya at tinapik ang pisngi. Wag mong isipin, Trixie. Magkikita lang kayo ni Adrian, wala namang masama dun!Pero kahit anong pilit niya, hindi niya maiwasang balikan ang ekspresyon ni Dylan kanina. Iba 'yung paraan ng pagtitig nito—halatang hindi lang basta inis.Parang… territorial.Argh! Anong pinagsasabi mo, Trixie?! Hindi ka naman aso para ariin niya!After 30 Minutes…Nasa café na siya at nakaupo sa isang private booth kasama si Adrian. Nakasuot ito ng navy blue dress shirt na nakatupi hanggang siko, may suot pang wristwatch na halatang mamahalin. Likas na gwapo si Adrian tall, charming, at may refined aura bilang isang doktor."Salamat at nakipagkita ka, Trix," nakangiting sabi nito matapos sumipsip ng kape.Ngumiti rin siya. "Ano ka ba, wala ‘yon."Napansin niyang panay ang
Pagkarating ni Trixie sa pantry, agad niyang tinungga ang isang basong tubig para pakalmahin ang sarili.Pero kahit anong pilit niyang burahin sa isip ang nangyari kanina, hindi niya magawa."Are you jealous?"Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit siya napaka-obvious? At bakit parang natutuwa pa si Dylan?!She groaned in frustration, pero bago pa niya maituloy ang pagsisisi sa sarili, biglang bumukas ang pinto ng pantry.Hindi siya na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Ramdam niya pa lang ang presensya ni Dylan, alam na niya.Napatayo siya nang maayos at nagkunwaring abala sa pagsasaayos ng baso. "Anong ginagawa mo rito?"Narinig niya ang marahang pagsara ng pinto."You ran away," sagot nito, ang boses ay mababa at parang may bahid ng amusement.Hindi siya lumingon. "Hindi ako tumakbo. May kailangan lang akong gawin."Ramdam niya ang paglapit ni Dylan. Mula sa gilid ng paningin niya, nakita niyang nakasandal ito sa counter, bahagyang nakahalukipkip habang nakatitig sa k