Hindi mapakali si Trixie matapos ang pag-uusap nila ni Dylan. Parang nagkaroon ng malaking shift sa pagitan nila—mula sa pilyong asaran, naging seryoso ang mga banat ng kanyang boss."Akin ka lang.""Gusto kong ako lang ang tinitingnan mo."Ramdam pa rin niya ang kilig at kaba sa sinabi nito. Ano ba ang ibig sabihin ni Dylan? At bakit parang gusto niya itong paniwalaan?"Tsk! Trixie, tama na! Huwag mong hayaang guluhin ng boss mo ang utak mo!" sabi niya sa sarili habang pinipilit na mag-focus sa trabaho.Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isipan ang paraan ng pagsasalita ni Dylan—ang titig nito, ang lambing sa boses, at ang matamis pero mapang-asar na ngiti nito.Sa loob ng opisina...Habang sinusuri ni Dylan ang mga dokumento, hindi niya maiwasang mapangiti sa reaksyon ni Trixie kanina."Namula siya… nag-panic… Mukhang may epekto na ako sa kanya."Alam niyang hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam. Noon, hindi siya basta-basta naaapektuhan ng kahit sino, pero iba si Tr
Sa kotse ni Dylan... Habang tahimik sila sa pagababyahe ay di mapakalai si Trixie sa trip ng boss niya, di niya alam anong nasa isip nito."Sigurado ka bang okay lang na mag-leave tayo today?" tanong ni Trixie habang nakatingin sa daan."Mmhmm," sagot ni Dylan habang nakapirmi lang ang tingin sa kalsada. "Lance is handling everything. And I need a break."Hindi alam ni Trixie kung paano siya dapat mag-react."Si Boss, gusto ng break?! Parang himala.""Hindi ba dapat ako ‘yung may say dito? Assistant mo ako," biro niya."Bakit? Ayaw mo bang makasama ako sa labas ng opisina?" sabay tingin ni Dylan sa kanya saglit, may nakakalokong ngiti.Muntik nang mabulunan si Trixie sa ka corny-han ng boss. "Hindi ko naman ‘yon sinabi!""Ah, so gusto mo akong makasama?"Napangiwi si Trixie. "Ugh, ang kulit mo!"Tawa lang ang isinagot ni Dylan, na lalo lang nagpakulo sa utak ni Trixie."Ano ba ‘tong nangyayari?! Bakit parang lumalambing ‘tong boss ko?"Sa isang beach resort sila napadpad....Pagdating
Sa tabing dagat....Makaraan ang ilang oras ng pagtambay sa cabana, nagdesisyon silang lumabas at maglakad-lakad sa tabing-dagat. Nasa harap si Trixie, habang si Dylan ay tahimik na naglalakad sa tabi niya, at nakatitig kay Trixie."Uy, anong iniisip mo?" tanong ni Trixie nang mapansin niyang tulala si Dylan."Ikaw."Napahinto siya. "H-Ha?!"Napangiti si Dylan. "Sabi ko, iniisip ko kung gusto mong maglaro.""Huwag kang pa-smooth talker diyan, boss!" singhal ni Trixie, pero halatang tinamaan."Anong laro naman ‘to?" dagdag niya habang pilit na pinapakalma ang sarili."Race," sagot ni Dylan, sabay turo sa isang puno malapit sa cottage. "Kung sino mauna ro’n, mananalo."Napakunot-noo si Trixie. "Aba, parang gusto kong manalo ah! May premyo ba?"Nag-isip si Dylan sandali, tapos ngumiti. "Sige, kung manalo ka, bibigyan kita ng isang wish.""Wish? Kahit ano?"Tumango si Dylan. "Oo. Pero kung ako ang manalo…"Napalunok si Trixie. "Ano?""Gagawin mo ang gusto kong ipagawa sa’yo.""Aba, parang
Hawak pa rin ni Dylan ang kamay ni Trixie habang nakatayo sila sa surfboard. Kahit na ang dapat niyang iniisip ay ang balanse, hindi maiwasan ni Trixie na mapansin kung gaano kainit ang palad ng lalaki—at kung paano siya nito inaasikaso nang hindi man lang nag-aalangan.Hindi makapag focus si Trixie sa pagbabalanse dahil sa mga nararamdaman niya ng mga sandali na magdikit ang katawan nila ni Dylan."Okay ka lang?" tanong ni Dylan, bahagyang nakayuko upang tingnan ang ekspresyon ni Trixie.Napalunok siya. Bakit parang ang lapit-lapit ng mukha niya?!"O-oo naman," sagot niya, kahit na pakiramdam niya ay hinahamon siya ng sariling puso na huwag mahulog.Nagbigay ng isang maliit na ngiti si Dylan bago dahan-dahang binitawan ang kamay niya. "Try mo nang mag-balance nang mag-isa."At doon siya nagkamali.Dahil sa sobrang pagtuon sa pagkawala ng hawak ni Dylan, hindi niya napansin ang paparating na alon—at bago pa siya makareact, nawalan na siya ng balanse at diretso siyang bumagsak sa tubig.
Kinabukasan, balik sa realidad ang lahat. Pagkarating ni Trixie sa opisina, tila normal lang ang takbo ng araw paggawa ng mga schedule ni Dylan, pag-aasikaso sa mga dokumentong kailangang ipareview, at pagsagot sa mga tawag. Tahimik ngunit maayos ang kanilang trabaho, pero paminsan-minsan, nahuhuli ni Trixie si Dylan na nakatitig sa kanya. Para bang may gusto itong sabihin pero pinipigilan ang sarili. Hindi maiwasan ni Trixie ang magtanong sa isip niya totoo kaya ang mga pinaparamdam ni Dylan sa kanya? O baka naman panandalian lang ang lahat? "Sana nga, laging ganito na lang..." bulong niya sa sarili habang nagtatype. Pero hindi mo talaga masasabi kung ano ang mangyayari. Habang abala siya sa ginagawa, isang di inaasahang bisita ang dumating isang bisitang susubok sa katahimikan at kasiyahan nilang dalawa. "Excuse me, is this Dylan’s office?" Napatingala si Trixie. Isang matangkad, eleganteng babae ang nakatayo sa harapan niya. Para itong buhay na barbie—balingkinitan, may mahaban
Nagising si Trixie sa malamig at maputing silid. Naamoy niya ang malinis na halimuyak ng disinfectant at narinig ang mahinang beep ng monitor sa tabi niya. Dahan-dahan siyang bumaling, pilit inaaninag ang paligid."Nasa… ospital ako?" Mahina niyang bulong habang pilit inaalala ang nangyari.Isang pigura ang lumapit sa kanya matangkad, nakasuot ng puting coat, at may suot na ID. Maamong mukha, matalim ngunit may init na titig. Para bang may pamilyar na pakiramdam sa puso niya… isang bagay na hindi niya maipaliwanag."Sino siya?"Napansin ng lalaki ang pagkalito sa kanyang mga mata at bahagyang ngumiti.“Sa wakas, gising ka na rin,” mahina ngunit may halong tuwang sabi nito.Tinitigan niya ito nang mabuti. Sa likod ng kanyang malabong alaala, may biglang bumalik sa isip niya mga tawanan, mahahabang usapan sa university bench, isang matamis na pangakong hindi natupad."Ikaw… ikaw ba si… Adrian?" bulalas niya, hindi makapaniwala.Bahagyang tumawa ang lalaki at tumango. "At least naaalala
Malalim ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Trixie. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina. Si Dylan… nagsabi ng "I’m sorry." At hindi lang iyon sa unang pagkakataon, nakita niya ang takot sa mata nito. Takot na mawala siya.Pero… bakit?Bago pa siya makapag-isip ng sagot, bumukas ang pinto. Si Adrian. May dalang tray ng pagkain at isang banayad na ngiti sa labi."Hey, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, inilapag ang tray sa lamesa."Medyo okay na," sagot ni Trixie, pinilit ngumiti."Good. You need to eat para mas bumilis ang paggaling mo." Umupo si Adrian sa tabi niya at inabot ang kutsara. "Ako na ang magsusubo sa'yo."Nanlaki ang mata ni Trixie. "H-ha? Hindi na! Kaya ko naman!"Napangiti lang si Adrian. "Gusto ko lang alagaan ka. Hindi ko nagawa noon, Trix. At ayokong maulit 'yon."May kung anong bumigat sa dibdib ni Trixie. Noon pa man, may espesyal na lugar si Adrian sa buhay niya. Pero nagbago na ang lahat. Tama ba na pabayaan niyang muli itong mapalapit sa kany
Nakahinga lang nang maluwag si Trixie matapos lumabas si Adrian. Pero kahit wala na ito sa loob ng kwarto, hindi pa rin siya mapakali.Si Dylan, sa kabilang banda, ay nanatiling nakatayo sa tabi niya, nakakunot-noo habang nakatingin sa pinto na parang may gustong suntukin."Dylan, ano ba ‘yon?" mahina pero puno ng inis na tanong ni Trixie."Ano'ng alin?" malamig niyang sagot, hindi man lang siya tinapunan ng tingin."‘Yung sinabi mong… boyfriend mo ‘ko!" Muntik nang mabulunan si Trixie sa sariling salita. "Bakit mo sinabi ‘yon sa harap ni Adrian?!"Dahan-dahang lumingon si Dylan sa kanya, at sa titig nitong puno ng intensity, biglang lumakas ang kabog ng puso niya."Anong gusto mong sabihin ko? Na wala akong pakialam? Na hayaan lang kitang palibutan ng ibang lalaki na parang wala lang sa ‘kin?" madiin niyang sabi. "Hindi ako ganun, Trixie."Napasinghap siya. Hindi niya alam kung paano isusulat ang sagot sa eksenang ito. Gusto niyang magalit, pero bakit parang… kinikilig siya?!"Pero Dy
“You’re mine.”Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip ni Trixie.Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig kay Dylan, pero ang lalaking nasa harapan niya confident, dominant, and completely serious ay parang wala lang."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong niyang tanong.Dahan-dahang ngumiti si Dylan, pero hindi iyon ‘yung usual na nakakalokong smirk. Ito ‘yung delikadong ngiti niya."You heard me," sabi nito habang dahan-dahang inaabot ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon."DYLAN!" Napaatras siya, pero agad siyang sinundan nito.Bago pa siya tuluyang makatakas, sinandal siya ni Dylan sa pader, ang isang kamay nito ay nakapirmi sa tabi ng kanyang mukha.Wala na siyang takas.Mabilis ang tibok ng puso niya. "H-Hindi ako iyo!"Napataas ang kilay ni Dylan, halatang naiinis sa sagot niya."Oh?" Bumaba ang mukha nito, halos magdikit na ang kanilang ilong. "Sabihin mo ‘yan ulit nang hindi namumula."Kahit anong gawin niya, hindi niya maitatanggi na natataranta siya s
Naguguluhan pa rin si Trixie nang makalabas siya ng opisina ni Dylan. Kanina lang, parang gusto na siyang lunukin ng lupa sa tindi ng titig nito, tapos ngayon? Bigla na lang siyang pinalaya?Weird.Napailing siya at tinapik ang pisngi. Wag mong isipin, Trixie. Magkikita lang kayo ni Adrian, wala namang masama dun!Pero kahit anong pilit niya, hindi niya maiwasang balikan ang ekspresyon ni Dylan kanina. Iba 'yung paraan ng pagtitig nito—halatang hindi lang basta inis.Parang… territorial.Argh! Anong pinagsasabi mo, Trixie?! Hindi ka naman aso para ariin niya!After 30 Minutes…Nasa café na siya at nakaupo sa isang private booth kasama si Adrian. Nakasuot ito ng navy blue dress shirt na nakatupi hanggang siko, may suot pang wristwatch na halatang mamahalin. Likas na gwapo si Adrian tall, charming, at may refined aura bilang isang doktor."Salamat at nakipagkita ka, Trix," nakangiting sabi nito matapos sumipsip ng kape.Ngumiti rin siya. "Ano ka ba, wala ‘yon."Napansin niyang panay ang
Pagkarating ni Trixie sa pantry, agad niyang tinungga ang isang basong tubig para pakalmahin ang sarili.Pero kahit anong pilit niyang burahin sa isip ang nangyari kanina, hindi niya magawa."Are you jealous?"Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit siya napaka-obvious? At bakit parang natutuwa pa si Dylan?!She groaned in frustration, pero bago pa niya maituloy ang pagsisisi sa sarili, biglang bumukas ang pinto ng pantry.Hindi siya na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Ramdam niya pa lang ang presensya ni Dylan, alam na niya.Napatayo siya nang maayos at nagkunwaring abala sa pagsasaayos ng baso. "Anong ginagawa mo rito?"Narinig niya ang marahang pagsara ng pinto."You ran away," sagot nito, ang boses ay mababa at parang may bahid ng amusement.Hindi siya lumingon. "Hindi ako tumakbo. May kailangan lang akong gawin."Ramdam niya ang paglapit ni Dylan. Mula sa gilid ng paningin niya, nakita niyang nakasandal ito sa counter, bahagyang nakahalukipkip habang nakatitig sa k
KinabukasanWala sa sariling naglalakad si Trixie papunta sa kanyang desk, malalim ang iniisip. Kahit anong pilit niyang huwag magpaapekto sa mga sinabi at ginawa ni Dylan kagabi, hindi niya maiwasang kiligin.“Sa akin ka lang puwedeng humalik.”Napatakip siya ng bibig at napalugmok sa kanyang upuan. Ano bang ginawa ng lalaking ‘yon sa akin?!"Good morning, Miss Lopez."Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na malambing na boses. Dahan-dahan siyang napatingin at muntik nang mabitawan ang ballpen niya.Si Anjelique.Nakatayo ito sa harapan niya, naka-eleganteng white blazer at pencil skirt, may dalang documents habang nakangiti sa kanya.Nagulat si Trixie. "A-Angelique?""Hi! Ang tagal nating hindi nagkita," masayang sabi nito bago bahagyang yumuko. "Pasensya na, hindi kita na-update. Bumalik na ako rito sa office."Tila nag-freeze ang utak ni Trixie. Bumalik na si Anjelique? Ibig sabihin, makakasama na niya ito ulit sa trabaho… at makakasama rin nito si Dylan?!Napad
Sa kabila ng excitement at kilig, hindi mawala sa isip ni Trixie ang bagong development tungkol sa aksidente. Sa wakas, may lead na sila, may nakuha nang plate number mula sa CCTV footage.Pero bago pa niya tuluyang pagtuunan ng pansin ang nangyari, isang malaking pagsubok ang kailangan muna niyang lampasan...Ang date nila ni Dylan sa condo nito.6:30 PM – Labas ng OpisinaNakatayo si Trixie sa gilid ng daan, halatang balisa. Kanina pa niya pinag-iisipan kung paano siya makakatakas sa plano ni Dylan.Condo niya? Talaga?! At paano kung may makakita sa kanila?"Miss Lopez."Napakurap siya nang marinig ang boses ni Dylan sa likuran niya. Paglingon niya, nandoon na ito—nakatayo sa tabi ng itim nitong sports car, nakaayos ang sleeves ng coat niya at nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo. Casual pero nakakamatay sa appeal."D-Dylan, kailangan ko pa yatang umuwi nang maaga ngayon. Marami akong gagawin!" palusot niya."Hindi ka marunong magsinungaling, Trixie," anitong nakataas ang
Pagdating ng Lunes, balik trabaho na sina Dylan at Trixie. Pero sa pagkakataong ‘to, may malaking pagbabago, sila na.Pero syempre, secret relationship ang peg nila sa office. Kailangan nilang magpaka-professional, lalo na’t CEO si Dylan at secretary niya si Trixie.Pagpasok ni Trixie sa opisina, halos magtago siya sa bag niya para lang hindi mapansin ng mga kasamahan niya. Dahil ba sa bagong issue? Nope.Dahil ba sa workload? Hindi rin.Dahil sa isang malaking problema na ang pangalan ay Dylan Montenegro.Kahapon lang, muntik na siyang mahimatay sa sobrang kahihiyan sa ginawa nitong pag-agaw ng phone at pagsagot kay Adrian. At ngayon? Kailangan niyang magpanggap na parang walang nangyayari sa kanila ni Dylan sa harap ng mga kasamahan nila.Pero paano niya gagawin ‘yon kung sobrang clingy ng isang Dylan Montenegro?!—Pagpasok pa lang niya sa office, agad siyang sinalubong ni Marga at Kevin, dalawa sa mga malalapit niyang kaibigan."Trixie!" bulong ni Marga, habang pilit siyang hinihi
Maagang umagang umalis sina Dylan at Trixie sa resort, dalawa lang sila na babalik ngayon sa Maynila dahil nagpaiwan nanaman si Lance. Tahimik lang si Trixie habang nasa sasakyan, pero hindi dahil inaantok siya—kung hindi dahil hanggang ngayon, hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi.Sinabi ko na.Napakagat siya sa labi.Inamin ko na kay Dylan na may nararamdaman ako para sa kanya.At pagkatapos nun? Wala namang nagbago sa kanya. Pero si Dylan? Mas lalo siyang naging clingy. Mas lalo siyang naging confident.Napatingin siya sa lalaking nagmamaneho. Kahit naka-shades ito, ramdam niyang ilang beses na siya nitong nililingon.“Anong tinitingin-tingin mo?” inis niyang tanong.Dylan smirked. “Ikaw.”Tumaas ang kilay ni Trixie. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”“Nope,” he answered casually. “Gusto ko lang tignan kung iwas ka pa rin ng tingin.”Her heart skipped a beat.Alam niyang tinutukso lang siya ni Dylan, pero ang nakakainis? Tama siya.Hindi siya makatingin nang diretso dito nang
Nagngingitngit si Trixie habang palakad-lakad sa loob ng kanyang kwarto. Ano ba ‘tong pinasok ko? Simula pa kanina, matapos ang nangyari sa kanila ni Dylan, hindi na siya makapag-isip nang maayos. Lahat ng sinabi nito, lahat ng titig, lahat ng pahiwatig—paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. At ang mas malala? Tumatalab ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago padapang bumagsak sa kama at tinakpan ang mukha gamit ang unan. “Ugh! Ano bang nangyayari sa ‘kin?!” Pero kahit anong pilit niyang itanggi, hindi na niya kayang lokohin ang sarili niya. Gusto niya si Dylan. Hindi lang bilang boss. Hindi lang bilang isang taong kinaiinisan niya. Gusto niya ito sa isang paraang nakakatakot. Kasi kapag inamin niya ‘yon, alam niyang wala nang atrasan. Biglang bumukas ang pinto, at napabalikwas siya ng bangon. Nakatayo doon si Dylan, nakapamulsa at may nakakalokong ngiti sa labi. “Talking to yourself now, Trixie?” he teased. She glared at him. “Wala bang kumakatok sa inyo?” He leane
Trixie swallowed hard, pilit pinapanatili ang composure niya kahit na parang gusto niyang sumabog sa halo-halong emosyon. Hindi niya alam kung ano bang mas nakakainis ang pagiging sobrang possessive ni Dylan o ang epekto nito sa kanya.Hindi siya dapat natataranta. Hindi siya dapat kinikilig.Pero heto siya ngayon, nakatitig kay Dylan habang ang buong sistema niya ay tila natutunaw sa intensity ng mga mata nito.Pinilit niyang bumuntong-hininga at hinawi ang kamay ni Dylan sa pulso niya."Dylan, hindi kita pag-aari. Hindi mo rin ako pag-aari. Kung gusto kong kausapin si Adrian, wala kang magagawa."Nagtagilid ang ulo ni Dylan, waring iniisip kung paano siya sasagot. "Sa tingin mo ba, masaya akong malaman na may ibang lalaki na gustong bumalik sa buhay mo?""At ano naman ngayon?" taas-kilay niyang sagot.Dylan smirked, pero halatang wala siya sa mood makipagbiruan. "Ikaw, masaya ka bang malaman na may ibang babaeng gusto akong balikan?"Nanigas ang katawan ni Trixie. "Anong ibig mong s