Matapos ang dalawang linggo sa Montenegro Corporation, tila ba unti-unti na akong nasasanay sa mabilis na takbo ng trabaho. Bagama’t hindi pa rin nawawala ang mga reklamong malamig at mataas ang standard ni Dylan Montenegro, nagagawa ko pa ring tapusin ang lahat ng mga gawain. Ngunit hindi ko maipagkakaila, may mga pagkakataon na parang gusto kong iuntog ang ulo sa dingding tuwing nagkakamali."Sir, here's your coffee," sabi ko habang maingat na inilalapag ang tasa sa lamesa ni Dylan.Hindi man lang ako nilingon nito. "Did you double-check the budget proposal for the board meeting later?""Yes, Sir! Triple-checked pa nga po," sagot ko na may pilit na ngiti."Good," malamig na tugon nito, habang abala pa rin sa pagbabasa ng mga papeles.Habang naglalakad ako pabalik sa aking desk, napadaan ako sa conference room kung saan naroon ang mga miyembro ng marketing team. Narinig kong nagtatawanan ang ilan sa kanila habang nag-uusap tungkol kay Dylan."Grabe, no? Hindi ko talaga maintindihan si
Last Updated : 2024-12-25 Read more