Sa loob ng maaliwalas na conference room ng hotel kung saan ginaganap ang meeting, hindi maipinta ang mukha ni Trixie habang patuloy na pinagmamasdan si Dylan. Para itong robot na walang emosyon habang nagpapaliwanag sa kliyente. Malinaw na sanay itong magdala ng presensya sa kwarto—isang CEO na laging handa, matalino, at hindi natitinag ng anumang sitwasyon.
TRIXIE
Matapos ang halos tatlong oras ng pagpupulong, nagpaalam na ang mga kliyente. Bumalik si Dylan sa kanyang upuan, at kahit na walang sinabi, ramdam ko ang bigat ng mga responsibilidad na nakaatang sa kanya.
"Sir, may kailangan po ba kayong idagdag sa agenda natin mamaya?" tanong ko, sinusubukang magsalita ng normal.
Tumingin siya sa akin ng bahagya, parang naguguluhan sa pag-ibig ng mga tanong ko. "Nothing. Prepare the minutes for this meeting. Make sure to send it to my email before five PM."
"Noted, Sir," sagot ko na lang, hindi na alintana ang mabigat na presensya ng kanyang mga mata.
Papalabas na ako ng conference room nang bigla siyang tumikhim.
"Trixie."
"Yes, Sir?" Saglit akong napalingon, naguguluhan sa tono ng boses niya.
Nagtaglay ng ilang sandaling katahimikan si Dylan, parang may gustong itanong ngunit nag-aalangan. Sa wakas, sumagot siya, "Do you need anything? Or may problema ba?"
Nagulat ako, hindi ko akalain na tatanungin niya ako ng ganoon. "Ah, wala naman po, Sir. Ako nga dapat ang magtanong kung okay lang po kayo," sagot ko, pilit na ikino-comfort ang sarili ko.
Tinutok ni Dylan ang tingin sa akin, at nagkunot ang kanyang noo. "I'm fine. Bakit mo naman naisip 'yan?"
Napatingin lang ako sa kanya, iniwasan ko na ang mag-comment pa. “Wala lang po. Napapansin ko lang po kasi na parang pagod na pagod po kayo sa sunod-sunod na meetings," sagot ko, medyo nag-aalinlangan.
Nagulat siya sa sinabi ko, ngunit mabilis din niyang ibinalik ang malamig na ekspresyon. “Focus on your work, Trixie. I don’t need distractions.” Ang tono niya ay may kabigatan, kaya’t nagmamadali akong umalis sa conference room.
"Kung di lang pogi, eh di kita papansinin," bulong ko sa isip ko. Tsk, paano ba naman ako matututo sa kanya?
Kinagabihan, habang tahimik na nagta-type ng minutes ng meeting sa hotel room, hindi ko maiwasang balikan ang litrato sa folder.
"Sino kaya ang babaeng iyon? At ano ang kinalaman nito kay Sir Dylan?"
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang tumunog ang telepono. Si Lance.
"Uy, Trixie! Kumusta na? Mukhang abala ka ah," bungad ni Lance sa kabilang linya.
"Lance, anong ginagawa mo? Late na ah. Hindi ka pa ba natutulog?" tanong ko, pilit na ibinabalik ang focus ko sa trabaho.
“Eh kasi naman, curious lang ako. Kumusta si Kuya? Still acting like a robot?” biro ni Lance.
Napatawa ako sa biro ni Lance. "Grabe ka. Hindi naman robot. More like... yelo na hindi natutunaw kahit mainit na." Sagot ko sa kanya.
“Haha! That’s my brother. Pero alam mo, Trixie, hindi naman talaga siya ganyan dati.”
Napahinto ako sa sinabi niya. "Talaga? So may panahon pala na... normal siya?" biro ko, sabay ngisi.
“Of course! Pero—" Biglang natigilan si Lance, may biglang naisip na hindi na yata niya kayang sabihin. "Never mind. I don't think it’s my story to tell."
"Anong ibig mong sabihin, Lance?" tanong ko, hindi na malaman kung dapat ba akong magtanong pa.
Tahimik sa kabilang linya si Lance. Naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. “You saw the picture?”
"Oo. Kaninong litrato 'yun? Girlfriend ba niya? Asawa? Ex?" Tanong ko na medyo naguguluhan.
Nagbuntong-hininga si Lance. "Trixie, alam kong madaldal ka, pero this time, promise me, you won't ask Kuya about it." Sabi niya na may konting pagbibiro.
"Bakit?" Tanong ko, medyo nalilito na sa mga nangyayari.
“Because...” Tumigil si Lance. "That woman in the picture... she's someone Kuya doesn't want to talk about. At kung gusto mong manatili bilang secretary niya, trust me—don't bring it up." Pagpapa-alalang tugon niya.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa lobby na si Dylan, naghihintay para sa kanilang susunod na meeting. Hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang pananahimik. Mukhang mas tahimik siya ngayon, hindi tulad ng mga nakaraang araw na tila may nangyayaring mabigat sa kanyang isipan.
Habang nasa meeting, hindi ko maiwasang titigan siya habang nagsasalita sa gitna ng meeting. Hindi ko maiwasang pagpantasyahan siya sa kagwapuhan ba naman ng boss ko. Hindi ko maipaliwanag, pero parang magnet siya na patuloy akong hinihila.
Kaya di ko rin masisisi ang mga kababaihang nagpapakita ng motibo dito. Bukod sa taglay nitong kagwapuhan at talino complete package na ito dahil sa pagiging mayaman at lakas ng karisma nito.
"D*mn, Trixie! Nagde-daydream ka na naman," kastigo ko sa sarili ko.
Hindi ko rin namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. Bigla akong napatigil at iniwas ang mata. “Ano ba naman yan, Trixie, nakakahiya ka,” Gigil ko sa sarili ko.
Dahil sa sobrang kahihiyan, nagkunwari na lang akong busy sa pagsusulat ng minutes. Parang napakabagal ng oras ng mga sandaling iyon, at hindi ko maiwasan ang ma-distract sa bawat sulyap ni Dylan. Lalo na nung nagkasalubong ang mga mata namin—napansin ko kung paanong kahit sa kanyang mga titig, ay parang may kung naghahabulan sa dibdib ko.
Nagmadali akong magligpit pagkatapos ng meeting, ngunit nang akala ko ay ligtas na, bigla siyang nagsalita.
"Do you have any problem? Mukhang kanina ka pa parang di mapakali?" Tanong niya, may halong sarcasm.
"Amm, nothing sir," sagot ko na hindi makatingin.
Lumapit siya ng konti kaya't mas tumindi ang kaba ko. Ang distansya namin ay napakaliit na, ramdam ko ang bawat hininga ko.
"You're daydreaming again, Miss Lopez," sinabi niya na may nakangiting nang-aakit.
Habang tinutukso ako, sinubukan kong itago ang nararamdaman. Muling ibinalik ang sarili ko sa pagpapanggap. Alam kong gaano na kapula ang pisngi ko ng mga oras na iyon kaya lalo ako natataranta.
"Ano daw?! Ako nagde-daydream?" Inis ko sa sarili ko habang sinundan siya. “Kapal niya, tsk—apaka-hambog!” maktol ko sa sarili.
Hindi ko kayang magpatalo, kaya nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanya, pero nagbigay na ako ng konting distansya—baka mamaya may masabi na naman siya. At dahil sa mabilis na paglakad ni Dylan, halos hindi ko siya maabutan.
"Can you walk faster, Miss Lopez?" Inis na tanong niya.
Napabuntong-hininga ako at binilisan na lang ang hakbang ko, kahit naiinis sa kanya. Ang lakas ng mando!
TRIXIE Maaga akong nagising kahit wala akong pasok ngayon. Plano kong mamili ng mga kailangan ko sa apartment, kaya mabilis akong naligo para hindi maipit sa traffic. Pagkatapos mamili, agad akong umuwi. Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin ang isang taong papalapit sa akin. Masyado yatang mabigat ang mga pinamili ko kaya nawalan ako ng balanse—muntikan na akong mapasubsob! Pero bago pa ako bumagsak, may malakas na bisig na sumalo sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakahawak sa bewang ko. "S-Sir Dylan...?" Napasinghap ako at agad na tumayo nang tuwid. "Pasensya na po! Hindi ko po kayo namalayan—" "It's okay," putol niya, isang bagay na bihirang-bihira niyang gawin. "Hindi ko rin naman nakita na may nakasalubong ako." Parang ibang Dylan ito. Wala ang usual na irap niya. Wala rin ang pasimpleng inis sa boses niya. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong... normal lang siyang tao ngayon. "Parang di siya bad mood ngayon," bulong ko sa isip ko. Naalala ko
KINABUKASAN di ko namalayan na nasa opisina ni sir Dylan si Lance kaya nagulat nalang ako pagpasok na nandun ito. "Hi, Miss Secretary," bati nito. "Lance?! bakit ang aga mo ata dito wala pa si sir Dylan." "It's okay aantayin ko nalang siya dito." "Ah, okay gusto mo ba ng coffee?" tanong ko bago lumabas sa opisa ni sir Dylan. "No, thanks," maikling tugon niya. Habang nag-aayos ako ng akin desk ay napansin ko ang paparating na si sir Dylan at nagulat ako sa babaeng kasunod niya. Naalala ko ang yung nasa picture na nakita ko siya yung babaeng yun. "Good morning sir." bati ko kay sir Dylan na di man lang tumugon at halata sa mukha nito na wala sa mood. Deretso lamang ito sa kanyang opisina at kasunod ang babaeng kasama nitong dumating. Hindi ko mapigilang magtanong sa isip ko: Sino siya? At ano ang ginagawa niya dito kasama si Sir Dylan? Napabuntong-hininga ako. Ano bang pakialam ko? Trabaho lang ang dahilan kung bakit nandito ako, hindi para mag-usisa sa personal na buhay ng bos
Matapos ang masalimuot na pagbisita ni Samantha sa opisina, hindi mapakali si Dylan. Bumalik siya sa kanyang upuan at tumitig sa bintana, tinatanaw ang mga gusali ng lungsod. Sa bawat tingin niya, tila bumabalik ang mga alaala—mga masayang araw nila ni Samantha at ang masakit na gabing iniwan siya nito. Hindi niya mapigilang muling isipin ang sinabi ni Samantha: "I want to fix things, Dylan." Ngunit paano mo nga ba aayusin ang isang bagay na basag na? Sa kabilang banda, si Trixie… Sa pantry, tila hindi pa rin makaget-over si Trixie sa presensya ni Samantha. Nasa harapan niya ang kanyang tasa ng tsaa, pero hindi niya ito naiinom. Nakatitig lang siya sa kawalan, pilit iniintindi ang nararamdaman. "Hoy, Trixie!" sigaw ni Lani habang biglang umupo sa tabi niya. "Ano na naman iniisip mo? Si boss? Or ‘yung ex niya?" Napapitlag si Trixie. "H-ha? Wala! Hindi ako interesado!" "Eh bakit parang wala ka sa sarili? Halata naman eh. Ang tanong, na-insecure ka ba kay Miss Samantha?" tanong ni L
Ang opisina ay abala muli sa normal na takbo nito kinabukasan, pero may kakaibang tensyon sa hangin na tila lahat ng empleyado ay nakikiramdam. Ang pagbisita ni Samantha ay tila nag-iwan ng marka, hindi lamang kay Dylan kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Trixie.Habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa desk niya, napansin ni Trixie ang paparating na anino ni Lance. May dala itong kape at ang trademark na ngiti nito."Good morning, beautiful secretary!" bati ni Lance habang inilalapag ang cup ng coffee sa mesa ni Trixie.Napailing si Trixie sa tawag nito, pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ang aga-aga, Lance. Hindi pa ako gising sa mga pambobola mo.""Para kang hindi sanay," biro ni Lance, sabay umupo sa gilid ng mesa niya. "Kumusta ka kagabi? Mukhang napagod ka sa drama sa opisina kahapon."Tumaas ang kilay ni Trixie. "Ikaw? Concerned? Akala ko kasi, mas enjoy ka lang mang-asar."Natawa si Lance. "Ouch. Ganyan ba talaga tingin mo sa akin, Trixie? Per
Sa labas ng meeting room... Abala si Trixie sa pag-aasikaso ng mga papeles sa labas ng opisina ni Dylan, pero kahit anong pilit niyang mag-focus, hindi niya maiwasang balikan ang nangyari kahapon. "Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Sir Dylan at bakit parang ang bigat ng aura niya buong araw?" tanong niya sa sarili habang inilalagay sa folder ang ilang reports. Napabuntong-hininga siya. Hindi siya dapat nakikialam, pero hindi niya rin mapigilan ang sariling mag-alala. Pagkatapos ng meeting... Mabilis na lumabas si Dylan mula sa meeting room, halatang iritado. Diretso siyang naglakad pabalik sa opisina niya, hindi man lang nilingon ang ibang executives. Maging si Trixie ay bahagyang nagulat sa inis na nakaukit sa mukha ng kanyang boss. "Trixie," malamig na tawag ni Dylan habang binubuksan ang pinto ng kanyang opisina. Agad na sumunod si Trixie, dala ang folder ng mga reports. "Yes, Sir?" "Cancel all my afternoon meetings," utos ni Dylan habang naupo sa swivel chair niya. Napakun
Maagang dumating si Dylan sa opisina kinabukasan, dala pa rin ang bigat ng pag-uusap nila ni Samantha kahapon. Nakatakda silang magkita ulit mamaya, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang may bumabagabag sa kanya. Pagpasok niya sa opisina, nasalubong niya agad si Trixie na abala sa pag-aayos ng schedule niya. Nang makita siya, agad itong tumayo at ngumiti. "Good morning, Sir!" masiglang bati ni Trixie. Napakunot ang noo ni Dylan. "Bakit ang sigla mo?" "Eh kasi po, kahapon ang sungit niyo. Ngayon mukhang maaliwalas ang mukha niyo, baka may good news?" panunukso ni Trixie. Umirap si Dylan at dumiretso sa mesa niya. "Masyado kang observant. Wala akong good news." Ngumuso si Trixie. "Eh ‘di sana sinabi niyo nalang na wala kayong tulog kagabi kakaisip sa akin, Sir." Napatingin si Dylan sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. "Bakit kita iisipin? Naka-on leave ka ba para mawala sa sistema ko?" "Hindi po, Sir. Pero aminado po akong ako ang stress reliever niyo, kahit ala
Kinabukasan, sa opisina... Abala si Trixie sa pag-aayos ng mga documents sa desk niya nang biglang lumapit si Lance, may dala na namang dalawang baso ng kape. "Déjà vu?" natatawang isip ni Trixie. “For you, Miss Secretary.” Nakangiting inabot ni Lance ang coffee. “Uy, nagiging generous ka na naman, ah. Ano na namang kapalit nito?” biro niya habang inaabot ang baso. “Wala. Gusto ko lang kasing bumawi. Parang ang dami mong iniisip kagabi.” Napatingin si Trixie kay Lance, kunot-noo. “Bakit naman?” “Ewan ko. Pakiramdam ko, may gumugulo sa’yo. At alam mo ba kung ano yun?” Bumaba ang boses ni Lance, parang may sikreto. “Ano?” “Si Kuya.” Halos mabilaukan si Trixie sa iniinom niyang kape. “Ha?! Ano naman ang konek ni Sir Dylan sa akin?” Ngumisi lang si Lance. “Hmm, ikaw ang makakasagot niyan.” Bago pa makasagot si Trixie, biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Dylan. Agad niyang nakita sina Lance at Trixie na magkasamang tumatawa habang hawak ang kape. Hindi niya alam
Kinabukasan... Tahimik na pumasok si Trixie sa opisina. Ang eksena kagabi sa sasakyan ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya—ang biglaang pagdikit ng mukha nila ni Dylan, ang sandaling pagkakakuryente ng mga mata nila. "Ano ba kasi ‘tong nararamdaman ko?!" Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at tumambad sa kanya ang boss niyang nakakunot ang noo. “Trixie, coffee.” Napakunot ang noo niya. "Aba, parang bumalik sa pagiging dragon 'tong si Sir ah. Kakaligo ko lang ng malamig, pero eto na naman siya." Habang nagtitimpla ng kape, napansin ni Trixie si Lance na papalapit. Nakangiti ito at may dalang doughnut. “Good morning, Miss Secretary!” masayang bati ni Lance. Ngumiti si Trixie. “Good morning! Mukhang masaya ka ngayon ah.” “Syempre, pag ikaw kasama ko, sino bang hindi sasaya?” pabirong sagot ni Lance. “Heeh, Ang aga-aga, Lance. Wala ako sa mood sa mga pakilig mo,” natatawang tugon ni Trixie. Biglang bumukas muli ang pinto ng opisina ni Dylan. Tumambad sa ka
Naramdaman ni Trixie ang tensyon sa opisina habang patuloy na nagri-ring ang phone niya. Ang mga mata ni Dylan ay matalim na nakatutok sa pangalan sa screen.Adrian.Parang automatic na nag-scan si Trixie sa utak niya ng kahit anong excuse, pero bago pa siya makagalaw, mas lalong sumeryoso ang mukha ni Dylan."Sagutin mo," malamig nitong sabi.Napalunok siya.Kung ibababa niya ang tawag, siguradong mas maghihinala ito. Pero kung sasagutin naman niya, ayaw niyang magalit lalo si Dylan.Bago pa siya makapagdesisyon—BAGO PA SIYA MAKAGALAW—Hinablot ni Dylan ang phone niya."D-Dylan!"Napatayo siya sa gulat, pero huli na. Sinagot na nito ang tawag."Hello?" Malalim at matigas ang boses ni Dylan habang nakatitig kay Trixie.Alam niyang si Adrian ang nasa kabilang linya, pero hindi niya narinig ang sagot nito dahil naka-on ang speaker ng phone."Yeah, si Dylan ‘to," dagdag pa ng binata. "Bakit ka tumatawag kay Trixie?"Napalunok si Trixie at napatingin kay Samantha at sh*t, hindi niya nag
Hinalikan ko siya.As in, HINALIKAN KO SI DYLAN.OH MY GOD.Pero bago pa niya ma-panic ang sarili, bigla siyang hinatak ni Dylan palapit.At ang balak lang niyang mabilis na halik?Naging mas malalim.Damn it.Ramdam na ramdam niya kung paano lumalim ang halik ni Dylan.Paano nito marahang sinakop ang mga labi niya.Paano nito dahan-dahang hinaplos ang batok niya, hinihigop ang bawat segundo ng halik nila.She felt weak.Nanghina ang mga tuhod niya, at kung hindi siya mahigpit na hawak ni Dylan, malamang bumagsak na siya sa sahig."Uhm… Dylan…"Ramdam niyang unti-unti na siyang nauubusan ng hangin.Pero hindi pa rin siya nito binitawan.Instead, lalo lang itong naging mapanukso.Hanggang sa…KNOCK. KNOCK."Sir Dylan, may naghahanap po sa inyo."Putangina.Halos manigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Dylan, on the other hand, clearly looked pissed.With a heavy sigh, slowly, he pulled away.Pero bago siya tuluyang bumitaw, muli nitong hinalikan ang gilid ng labi niya."Tapos tayo mama
From a distance, nakamasid lang si Samantha habang pinapanood ang tatlo.Nakatayo si Trixie sa pagitan nina Dylan at Adrian—halatang nasa awkward situation.Nakangiti siya. Perfect timing.She turned to her phone and sent a quick message."Nandito na siya. Siguraduhin mong aabot si Sir Ethan."Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa tatlo.Now, let’s see how much pressure Dylan can handle.Pakiramdam ni Trixie ay literal siyang nasa gitna ng nagbabanggaang kidlat at kulog.Nakaharap siya kay Adrian, na mukhang kalmado pero may bahagyang amusement sa mga mata, habang nasa likuran naman niya si Dylan—at kahit hindi pa siya lumilingon, alam niyang ang lalaki ay parang isang bulkang handa nang sumabog.Oh my God, bakit ngayon pa?"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit ni Dylan, mas mababa at mas matalim ang tono."Sinusundo ko si Trixie," simpleng sagot ni Adrian, walang bahid ng kaba o alinlangan. "Bakit, may problema ba?"Trixie wanted to run away. NOW.Pero bago pa siya makakilos, naramdaman
Trixie was doomed.Kitang-kita niya ang paghigpit ng panga ni Dylan habang nakatitig sa pangalan sa screen ng cellphone niya. Adrian.Tangina. Ngayon pa talaga tumawag si Adrian?!Lumingon siya kay Samantha, na tahimik na nakamasid lang sa kanila. Pero hindi iyon ang focus ni Trixie ngayon—ang mas kinatatakutan niya ay ang lalaking nakaupo sa harapan niya.Dylan was staring at her like he was seconds away from murder."Are you not going to answer that?" malamig na tanong ni Dylan.Nagkibit-balikat si Trixie, pilit na hindi nagpapahalata na kinakabahan. "Bakit? Akin naman ‘tong phone, ‘di ba?"Napakuyom ng kamao si Dylan. "Sagutin mo."Oh, hell no.Alam niyang delikado kapag sumunod siya. Alam din niyang delikado kapag hindi.Lose-lose situation ‘to, Trixie. Good luck sa buhay mo.Sa isang iglap, napansin niyang tumigil na ang pag-ring ng phone niya. Thank God!Pero bago pa siya makahinga nang maluwag, biglang…RING!Adrian is calling again.Halos mapamura siya nang makita ang galit sa
“Trixie, gusto mo bang ipakita ko kung gaano ako ka-OA?” SH*T. Halos hindi makahinga si Trixie habang unti-unting bumaba ang mukha ni Dylan papunta sa kanya. Too close. Too intense. At sa sobrang lapit nila, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa labi niya. Napakapit siya sa gilid ng desk, pilit na nilalabanan ang tuksong pumikit at hayaang mangyari ang hindi dapat mangyari. Pero bago pa man may mangyari— TOK. TOK. TOK. “Dylan?” BIGLANG NATIGIL ANG MUNDO NI TRIXIE. Wait… THAT VOICE. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig habang napaatras si Dylan, halatang naistorbo. Nanatili siya sa pagkakaupo sa desk, hindi pa rin makagalaw. Napatingin siya sa pintuan. Kilala niya ang boses na ‘yon. At nang bumukas ang pinto— Nagkatotoo ang hinala niya. SAMANTHA. Nakatayo ito sa may pintuan, nakaputing fitted dress, nakaayos ang buhok, at may matamis na ngiti sa labi. Pero kahit nakangiti ito, hindi maikakaila ang lungkot at kakaibang tensyon sa mga mata nito. "L
Nanigas si Trixie sa kinatatayuan niya.Si Justin. SI JUSTIN ANG NAKAHULI SA KANILA.“Oh. My. God.”Kitang-kita niya ang unti-unting pag-angat ng kilay nito, kasabay ng paglaki ng ngiti. Tangina, mukhang may mababago na namang chismis sa office!"Uhh… Boss? Trixie?" May halong pang-aasar sa boses ni Justin habang napapakamot sa batok. "Mukhang… wrong timing yata ako?"Shit. Wrong timing ka nga, Justin.Agad niyang sinubukang kumawala sa yakap ni Dylan, pero mas lalong humigpit ang kapit nito.“D-Dylan!” bulong niyang sigaw, pero ni hindi siya tinapunan ng tingin nito.Sa halip, kalma lang itong sumandal sa desk niya habang hawak pa rin siya sa baywang.“What do you want, Justin?” malamig na tanong ni Dylan.Kunot-noong tumingin si Justin sa kanila, halatang pinipigil ang ngiti. "Sabi ko lang, boss… may meeting ka in five minutes.""Tsk. Reschedule it.""HA?!" sabay nilang reaksyon ni Justin.Napanganga si Trixie. Dahil lang sa eksenang ‘to, willing siyang ipagpaliban ang meeting?!Per
“You’re mine.”Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip ni Trixie.Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig kay Dylan, pero ang lalaking nasa harapan niya confident, dominant, and completely serious ay parang wala lang."A-Anong sinabi mo?" halos pabulong niyang tanong.Dahan-dahang ngumiti si Dylan, pero hindi iyon ‘yung usual na nakakalokong smirk. Ito ‘yung delikadong ngiti niya."You heard me," sabi nito habang dahan-dahang inaabot ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon."DYLAN!" Napaatras siya, pero agad siyang sinundan nito.Bago pa siya tuluyang makatakas, sinandal siya ni Dylan sa pader, ang isang kamay nito ay nakapirmi sa tabi ng kanyang mukha.Wala na siyang takas.Mabilis ang tibok ng puso niya. "H-Hindi ako iyo!"Napataas ang kilay ni Dylan, halatang naiinis sa sagot niya."Oh?" Bumaba ang mukha nito, halos magdikit na ang kanilang ilong. "Sabihin mo ‘yan ulit nang hindi namumula."Kahit anong gawin niya, hindi niya maitatanggi na natataranta siya s
Naguguluhan pa rin si Trixie nang makalabas siya ng opisina ni Dylan. Kanina lang, parang gusto na siyang lunukin ng lupa sa tindi ng titig nito, tapos ngayon? Bigla na lang siyang pinalaya?Weird.Napailing siya at tinapik ang pisngi. Wag mong isipin, Trixie. Magkikita lang kayo ni Adrian, wala namang masama dun!Pero kahit anong pilit niya, hindi niya maiwasang balikan ang ekspresyon ni Dylan kanina. Iba 'yung paraan ng pagtitig nito—halatang hindi lang basta inis.Parang… territorial.Argh! Anong pinagsasabi mo, Trixie?! Hindi ka naman aso para ariin niya!After 30 Minutes…Nasa café na siya at nakaupo sa isang private booth kasama si Adrian. Nakasuot ito ng navy blue dress shirt na nakatupi hanggang siko, may suot pang wristwatch na halatang mamahalin. Likas na gwapo si Adrian tall, charming, at may refined aura bilang isang doktor."Salamat at nakipagkita ka, Trix," nakangiting sabi nito matapos sumipsip ng kape.Ngumiti rin siya. "Ano ka ba, wala ‘yon."Napansin niyang panay ang
Pagkarating ni Trixie sa pantry, agad niyang tinungga ang isang basong tubig para pakalmahin ang sarili.Pero kahit anong pilit niyang burahin sa isip ang nangyari kanina, hindi niya magawa."Are you jealous?"Gusto niyang batukan ang sarili. Bakit siya napaka-obvious? At bakit parang natutuwa pa si Dylan?!She groaned in frustration, pero bago pa niya maituloy ang pagsisisi sa sarili, biglang bumukas ang pinto ng pantry.Hindi siya na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Ramdam niya pa lang ang presensya ni Dylan, alam na niya.Napatayo siya nang maayos at nagkunwaring abala sa pagsasaayos ng baso. "Anong ginagawa mo rito?"Narinig niya ang marahang pagsara ng pinto."You ran away," sagot nito, ang boses ay mababa at parang may bahid ng amusement.Hindi siya lumingon. "Hindi ako tumakbo. May kailangan lang akong gawin."Ramdam niya ang paglapit ni Dylan. Mula sa gilid ng paningin niya, nakita niyang nakasandal ito sa counter, bahagyang nakahalukipkip habang nakatitig sa k