Home / Romance / The Ruthless BILLIONAIRE / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Ruthless BILLIONAIRE : Chapter 21 - Chapter 30

41 Chapters

Chapter 20: I CAN'T LEAVE YOU

Malalim ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Trixie. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina. Si Dylan… nagsabi ng "I’m sorry." At hindi lang iyon sa unang pagkakataon, nakita niya ang takot sa mata nito. Takot na mawala siya.Pero… bakit?Bago pa siya makapag-isip ng sagot, bumukas ang pinto. Si Adrian. May dalang tray ng pagkain at isang banayad na ngiti sa labi."Hey, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, inilapag ang tray sa lamesa."Medyo okay na," sagot ni Trixie, pinilit ngumiti."Good. You need to eat para mas bumilis ang paggaling mo." Umupo si Adrian sa tabi niya at inabot ang kutsara. "Ako na ang magsusubo sa'yo."Nanlaki ang mata ni Trixie. "H-ha? Hindi na! Kaya ko naman!"Napangiti lang si Adrian. "Gusto ko lang alagaan ka. Hindi ko nagawa noon, Trix. At ayokong maulit 'yon."May kung anong bumigat sa dibdib ni Trixie. Noon pa man, may espesyal na lugar si Adrian sa buhay niya. Pero nagbago na ang lahat. Tama ba na pabayaan niyang muli itong mapalapit sa kany
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 21: MISUNDERSTANDING

Nakahinga lang nang maluwag si Trixie matapos lumabas si Adrian. Pero kahit wala na ito sa loob ng kwarto, hindi pa rin siya mapakali.Si Dylan, sa kabilang banda, ay nanatiling nakatayo sa tabi niya, nakakunot-noo habang nakatingin sa pinto na parang may gustong suntukin."Dylan, ano ba ‘yon?" mahina pero puno ng inis na tanong ni Trixie."Ano'ng alin?" malamig niyang sagot, hindi man lang siya tinapunan ng tingin."‘Yung sinabi mong… boyfriend mo ‘ko!" Muntik nang mabulunan si Trixie sa sariling salita. "Bakit mo sinabi ‘yon sa harap ni Adrian?!"Dahan-dahang lumingon si Dylan sa kanya, at sa titig nitong puno ng intensity, biglang lumakas ang kabog ng puso niya."Anong gusto mong sabihin ko? Na wala akong pakialam? Na hayaan lang kitang palibutan ng ibang lalaki na parang wala lang sa ‘kin?" madiin niyang sabi. "Hindi ako ganun, Trixie."Napasinghap siya. Hindi niya alam kung paano isusulat ang sagot sa eksenang ito. Gusto niyang magalit, pero bakit parang… kinikilig siya?!"Pero Dy
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 22: TENSION

Matapos ang ilang araw ng pagpapagaling sa ospital, pinayagan na ring makalabas si Trixie. Wala na ang mga gamot na nakalagay sa kanyang IV, at ang mga sugat niya ay mabilis nang maghihilom. Ngunit sa kabila ng pisikal na paggaling, ang mga emosyon na nararamdaman niya ay nananatili pa ring magulo.Si Dylan ay nasa tabi niya, hindi na kailanman iniwan. Ang kanilang mga mata ay nagkakasalubong sa bawat hakbang nila palabas ng ospital. Hindi maitatanggi na kahit may tensyon sa kanilang pagitan, ramdam niya ang alaga at proteksyon ni Dylan na para bang hindi niya kayang maglakbay mag-isa.Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi pa niya kayang mag-isip nang maayos. Ang mga salitang binitiwan ni Dylan "Mahal kita, Trixie" ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa nararamdaman niyang hindi maipaliwanag. Puno siya ng takot, kalituhan, at hindi pagkakatiwala sa sarili.Habang naglal
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 23: PAGKALITO

Pagkasara ng pinto ng sasakyan, nanatiling tahimik si Trixie habang nasa tabi niya si Dylan sa driver's seat. Ang tension sa loob ng sasakyan ay parang mabibigat na ulap na hindi matunaw-tunaw. Hindi pa rin niya makakalimutan ang nangyayari kanina. Ang matinding sagupaan ng dalawang lalaki, ang init ng kamay ni Dylan sa kanyang pulso, at ang lalim ng boses nitong punong- puno ng determinasyon."Huwag mo na akong pahirapan pa. Hindi mo ba nakikita?"Paulit-ulit iyong nag-e-echo sa kanyang isipan.Napalingon siya kay Dylan. Nakatitig lang ito sa daan, mahigpit ang hawak sa manibela, pero kita niya ang tensyon sa panga nito.Galit ba siya? O nasaktan?Hindi niya alam. Pero isang bagay ang sigurado may bumabagabag dito.Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Dylan—""Magpahinga ka na lang." Malamig at maikling sagot nito, hindi man lang siya nilingon.Napakagat siya sa labi. Ramdam niya ang distansya sa pagitan nila, kahit sobrang lapit nilang dalawa.Ano ba ang nangyayari sa amin?
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 24: LIHIM NA NARARAMDAMAN

Hindi mapakali si Trixie habang nakatanaw sa malawak na dagat mula sa balkonahe ng kanyang kwarto sa resort. Ang hampas ng alon at ang malamig na simoy ng hangin ay dapat na nagbibigay sa kanya ng kapayapaan, pero ang isip niya ay mas magulo pa kaysa dati.Dito siya dinala ni Dylan matapos siyang makalabas ng ospital—isang pribadong resort na pag-aari ng Montenegro Corporation. Aniya, kailangan daw niyang magpahinga, lumayo sa stress, at makabawi mula sa aksidente. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi niya magawang pakalmahin ang pusong bumibilis ang tibok tuwing kasama si Dylan.“Trixie, hindi ko alam kung kailan ko naramdaman ito. Pero alam kong mahalaga ka sa akin at ayaw kong mawala ka.”Paulit-ulit niyang naaalala ang sinabi ni Dylan. Ramdam niyang totoo ito, pero takot siyang bumigay.Hindi ba ito ang matagal na niyang gustong marinig? Hindi ba noon pa man, may lihim na siyang damdamin para kay Dylan?Napabuntong-hininga siya at bahagyang napailing. Hindi siya pwedeng ba
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 25:

Naputol ang tensyon sa pagitan nina Dylan at Trixie nang biglang sumulpot si Lance sa dining area."Kuya Dylan!" tawag nito, halatang nagmamadali.Agad na bumitiw si Dylan kay Trixie at lumayo nang bahagya. Halata ang iritasyon sa mukha nito sa pagkakagambala. Napatingin naman si Trixie kay Lance, na ngayon ay nasa harapan na nila, may bahagyang pag-aalalang ekspresyon."Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Dylan.Napakamot si Lance sa batok. "Hinahanap kita. May kailangan tayong pag-usapan tungkol sa kumpanya, pero mukhang masyado kang abala rito," anitong may bahagyang ngisi habang palihim na tumingin kay Trixie.Si Trixie naman ay hindi pa rin makagalaw sa kinauupuan. Pakiramdam niya, may kung anong nakabitin sa ere, isang bagay na hindi niya kayang pangalanan.Lance finally stepped closer. “Kuya, ang aga mo namang magpa-sunrise date,” biro nito, pero may halong pagsusuri ang tingin niya kay Dylan.Dylan rolled his eyes and leaned back against his chair. “Anong ginagawa m
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 26:

Trixie swallowed hard, pilit pinapanatili ang composure niya kahit na parang gusto niyang sumabog sa halo-halong emosyon. Hindi niya alam kung ano bang mas nakakainis ang pagiging sobrang possessive ni Dylan o ang epekto nito sa kanya.Hindi siya dapat natataranta. Hindi siya dapat kinikilig.Pero heto siya ngayon, nakatitig kay Dylan habang ang buong sistema niya ay tila natutunaw sa intensity ng mga mata nito.Pinilit niyang bumuntong-hininga at hinawi ang kamay ni Dylan sa pulso niya."Dylan, hindi kita pag-aari. Hindi mo rin ako pag-aari. Kung gusto kong kausapin si Adrian, wala kang magagawa."Nagtagilid ang ulo ni Dylan, waring iniisip kung paano siya sasagot. "Sa tingin mo ba, masaya akong malaman na may ibang lalaki na gustong bumalik sa buhay mo?""At ano naman ngayon?" taas-kilay niyang sagot.Dylan smirked, pero halatang wala siya sa mood makipagbiruan. "Ikaw, masaya ka bang malaman na may ibang babaeng gusto akong balikan?"Nanigas ang katawan ni Trixie. "Anong ibig mong s
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 27: TRIXIE'S CONFESSION

Nagngingitngit si Trixie habang palakad-lakad sa loob ng kanyang kwarto. Ano ba ‘tong pinasok ko? Simula pa kanina, matapos ang nangyari sa kanila ni Dylan, hindi na siya makapag-isip nang maayos. Lahat ng sinabi nito, lahat ng titig, lahat ng pahiwatig—paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. At ang mas malala? Tumatalab ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago padapang bumagsak sa kama at tinakpan ang mukha gamit ang unan. “Ugh! Ano bang nangyayari sa ‘kin?!” Pero kahit anong pilit niyang itanggi, hindi na niya kayang lokohin ang sarili niya. Gusto niya si Dylan. Hindi lang bilang boss. Hindi lang bilang isang taong kinaiinisan niya. Gusto niya ito sa isang paraang nakakatakot. Kasi kapag inamin niya ‘yon, alam niyang wala nang atrasan. Biglang bumukas ang pinto, at napabalikwas siya ng bangon. Nakatayo doon si Dylan, nakapamulsa at may nakakalokong ngiti sa labi. “Talking to yourself now, Trixie?” he teased. She glared at him. “Wala bang kumakatok sa inyo?” He leane
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 28: SELOS

Maagang umagang umalis sina Dylan at Trixie sa resort, dalawa lang sila na babalik ngayon sa Maynila dahil nagpaiwan nanaman si Lance. Tahimik lang si Trixie habang nasa sasakyan, pero hindi dahil inaantok siya—kung hindi dahil hanggang ngayon, hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi.Sinabi ko na.Napakagat siya sa labi.Inamin ko na kay Dylan na may nararamdaman ako para sa kanya.At pagkatapos nun? Wala namang nagbago sa kanya. Pero si Dylan? Mas lalo siyang naging clingy. Mas lalo siyang naging confident.Napatingin siya sa lalaking nagmamaneho. Kahit naka-shades ito, ramdam niyang ilang beses na siya nitong nililingon.“Anong tinitingin-tingin mo?” inis niyang tanong.Dylan smirked. “Ikaw.”Tumaas ang kilay ni Trixie. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”“Nope,” he answered casually. “Gusto ko lang tignan kung iwas ka pa rin ng tingin.”Her heart skipped a beat.Alam niyang tinutukso lang siya ni Dylan, pero ang nakakainis? Tama siya.Hindi siya makatingin nang diretso dito nang
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 29: SECRET AFFAIR

Pagdating ng Lunes, balik trabaho na sina Dylan at Trixie. Pero sa pagkakataong ‘to, may malaking pagbabago, sila na.Pero syempre, secret relationship ang peg nila sa office. Kailangan nilang magpaka-professional, lalo na’t CEO si Dylan at secretary niya si Trixie.Pagpasok ni Trixie sa opisina, halos magtago siya sa bag niya para lang hindi mapansin ng mga kasamahan niya. Dahil ba sa bagong issue? Nope.Dahil ba sa workload? Hindi rin.Dahil sa isang malaking problema na ang pangalan ay Dylan Montenegro.Kahapon lang, muntik na siyang mahimatay sa sobrang kahihiyan sa ginawa nitong pag-agaw ng phone at pagsagot kay Adrian. At ngayon? Kailangan niyang magpanggap na parang walang nangyayari sa kanila ni Dylan sa harap ng mga kasamahan nila.Pero paano niya gagawin ‘yon kung sobrang clingy ng isang Dylan Montenegro?!—Pagpasok pa lang niya sa office, agad siyang sinalubong ni Marga at Kevin, dalawa sa mga malalapit niyang kaibigan."Trixie!" bulong ni Marga, habang pilit siyang hinihi
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status