Home / Romance / The Ruthless BILLIONAIRE / Chapter 1: MAKAIBANG MUNDO

Share

Chapter 1: MAKAIBANG MUNDO

Author: ladyaugust
last update Last Updated: 2024-12-25 15:08:42

Mabilis na lumipas ang unang linggo ni Trixie bilang secretary ni Dylan Montenegro. Sa loob ng limang araw na iyon, pakiramdam niya ay tumanda siya ng sampung taon. Araw-araw, tila laging may mali sa ginagawa niya—mali ang font size sa report, hindi tama ang pagkakaayos ng schedule, o kaya naman ay kulang ang kape ng isang packet ng sugar. Ngunit kahit ganoon, hindi siya nagpatalo.

"Ano bang mali sa taong 'to? Wala na bang tao sa mundo na pasado sa standards niya?" bulong ni Trixie sa sarili habang tahimik na nagta-type sa kanyang computer. Nasa harapan niya ang mahigit limang meeting schedules ni Dylan, lahat may kanya-kanyang detalye at adjustment na paulit-ulit niyang inayos.

"Trixie," malamig na tawag ni Dylan mula sa kanyang opisina.

Agad siyang napatayo, bitbit ang notebook na laging nasa tabi niya. "Yes, Sir?"

"Nasaan na ang updated report para sa meeting mamaya?" Hindi man lang siya nilingon ni Dylan habang abala ito sa pag-check ng mga dokumento sa harap niya.

"Here, Sir. Kakaprint ko lang po kanina." Iniabot niya ang dokumento, pilit na ngumingiti kahit halata namang wala itong epekto kay Dylan.

Kinuha ni Dylan ang papel, pinagmasdan ito saglit, at saka tumingin sa kanya nang matalim. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo na ilagay ang mga graphs sa Appendix B? Bakit nasa gitna pa rin ito?"

Napakurap si Trixie, biglang napansin ang kanyang pagkakamali. "Oh, my God, pasensya na po, Sir. Aayusin ko po agad!"

"Next time, make sure it’s perfect," malamig na tugon ni Dylan bago ito muling binaling ang atensyon sa ibang gawain.

Sa labas ng opisina, sumandal si Trixie sa dingding at malalim na huminga. "Grabe, kaloka. Pati graphs, may issue."

Sa tanghalian, nagpunta si Trixie sa pantry, bitbit ang baon niyang adobo at kanin. Doon niya nakilala ang ilan sa mga empleyado ng Montenegro Corporation—sina Jenny, ang HR officer na mahilig sa tsismis; si Marco, ang IT specialist na laging mukhang puyat; at si Liza, ang financial analyst na mahilig sa milk tea.

"Uy, ikaw pala 'yung bagong secretary ni Sir Dylan," bati ni Jenny habang ngumunguya ng chips.

"Oo nga," sagot ni Trixie, sabay upo sa tabi ng mga ito. "And let me tell you, ang hirap niyang i-please! Feeling ko, may checklist siya ng bawat pagkakamali ko."

Tumawa si Marco. "Welcome to the club. Lahat ng naging secretary niya, di tumagal. Last month lang, umalis si Carla kasi halos mag-breakdown na siya."

"Talaga? Bakit naman?" tanong ni Trixie, habang nagsasalin ng sauce sa kanin niya.

"Eh kasi, sobrang perfectionist ni Sir Dylan. Lahat ng bagay, kailangan eksakto. Wala siyang pasensya sa mga pagkakamali. Pero sabi nila, may pinagdaanan daw siya kaya ganyan," sagot ni Liza habang iniinom ang milk tea niya.

Tumingin si Trixie sa kanila. "Pinagdaanan? Anong klaseng pinagdaanan?"

"Wala pang nakakaalam ng eksaktong kwento, pero sabi ng iba, iniwan daw siya ng girlfriend niya noon kaya naging ganyan. From sweet boyfriend to ruthless CEO," dagdag ni Jenny.

"Eh paano kayo nakakatagal dito kung ganun siya?" tanong ulit ni Trixie.

"Basta, huwag mo lang siyang kukulitin at gawin mo nang maayos ang trabaho mo. Kapag ginalit mo siya, good luck na lang," biro ni Marco.

Napangiti si Trixie, pero sa isip niya, Challenge accepted.

KINABUKASAN, mas maaga siyang dumating sa opisina kaysa sa normal niyang oras. Determinado siyang ipakita kay Dylan na kaya niyang maging perpekto sa trabaho. Sinigurado niyang tama ang lahat ng schedule na nasa calendar nito, inayos ang bawat dokumento, at inulit ang report na kailangan para sa meeting.

Ngunit habang abala siya sa pagsa-sort ng mga papeles, biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napatigil siya, akala niyang si Dylan ang dumating. Ngunit isang binata ang pumasok—matangkad, naka-casual attire, at may dalang box ng donuts.

"Hi! Ikaw pala ang bagong secretary ni Kuya Dylan?" bati nito, sabay lapit sa desk ni Trixie.

Nagulat siya. "Ah, hello! Secretary nga po ako ni Sir Dylan. Pero... Kuya Dylan?"

Tumawa ang binata. "Oo, ako si Lance, younger brother niya. At ikaw naman siguro si Miss Trixie Lopez."

"H-how do you know my name?" tanong ni Trixie, halatang nabigla.

"Well, ikaw lang ang pinag-uusapan dito ngayon. Sabi nila, you're the longest-standing secretary in weeks," biro ni Lance, habang inilapag ang box ng donuts sa mesa ni Trixie.

Napangiti siya sa sinabi nito. "Oh, hindi pa naman po matagal. One week pa lang ako."

"Well, let’s see if you’ll survive. Pero mukhang kaya mo naman. You seem tough," sabi ni Lance habang nakangiti.

Hindi niya napigilan ang sarili na magtaka. Ang layo ng personality nila ni Sir Dylan. Si Lance ay approachable, palangiti, at halatang chill. Sa kabila ng pagkakahawig nila sa mata at panga, parang magkaibang tao sila.

Habang nag-uusap sila, biglang bumukas ang pinto ng opisina. Dumating si Dylan, may dala-dalang laptop at abalang nagta-type habang naglalakad.

"Lance, what are you doing here?" malamig na tanong nito nang makita ang kapatid.

"Oh, Kuya! Napadaan lang ako. May dala akong donuts, baka gusto mong kumain," sagot ni Lance, hindi man lang tinatablan ng malamig na aura ni Dylan.

"I'm not interested. And you shouldn’t disturb my employees," tugon ni Dylan, bago binaling ang atensyon kay Trixie. "Trixie, is the report ready?"

"Yes, Sir! Nasa desk n’yo na po," sagot niya, pilit na itinatago ang kaba.

Nagpatuloy si Dylan sa paglalakad papasok ng opisina, habang si Lance ay nakangiti lang kay Trixie.

"Good luck," bulong nito bago tuluyang umalis.

Habang tumatagal ang araw, napansin ni Trixie na parang may nagbabago kay Dylan. Oo, malamig pa rin ito, pero may mga pagkakataong nahuhuli niya itong tinitingnan siya. Hindi niya alam kung may mali ba siyang ginagawa o sadyang curious lang ito sa kanya.

Sa hapon, habang magkasama sila sa isang client meeting, naramdaman niyang parang iba ang kilos ni Dylan. Noong una, akala niya ay siya lang ang nag-iisip ng ganito. Pero nang makita niya ang mga tingin nito tuwing may kausap siyang ibang empleyado, tila may kakaibang tensyon.

Pagbalik nila sa opisina, hindi na siya nakatiis.

"Sir, may problema po ba?" tanong niya nang maingat.

Tumingin si Dylan sa kanya, ang malamig na mata nito ay parang nagbabaga. "Bakit mo naitanong?"

"Ah, wala naman po. Napansin ko lang po na parang—uhm—mainit ang ulo n’yo ngayon," sagot niya, sabay iwas ng tingin.

Tumayo si Dylan, naglakad papunta sa bintana, at tumingin sa malayo. "Trixie, do your job and stop asking unnecessary questions."

"Yes, Sir," sagot niya, kahit na sa loob-loob niya ay naintriga siya lalo.

Sa pagtatapos ng araw, umuwi si Trixie nang may halong pagod at saya. Hindi man perpekto ang araw na iyon, naramdaman niya na unti-unti na siyang nasasanay sa trabaho at sa ugali ng kanyang boss. Ngunit sa likod ng lahat, may isang tanong na bumabagabag sa kanya: Ano kaya talaga ang kwento ni Sir Dylan?

Hindi niya alam na sa parehong sandali, si Dylan ay nakaupo sa kanyang opisina, tahimik na tinitingnan ang isang lumang litrato sa kanyang wallet. Sa litrato, makikita ang isang mas batang bersyon niya, kasama ang isang babaeng nakangiti.

Related chapters

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 2: THE SECRETS

    Matapos ang dalawang linggo sa Montenegro Corporation, tila ba unti-unti nang nasasanay si Trixie sa mabilis na takbo ng trabaho. Bagama’t hindi pa rin nawawala ang mga reklamong malamig at mataas ang standard ni Dylan Montenegro, nagagawa pa rin niyang tapusin ang lahat ng mga gawain niya. Ngunit hindi niya maipagkakaila, may mga pagkakataon na parang gusto niyang iuntog ang ulo niya sa dingding tuwing nagkakamali siya."Sir, here's your coffee," sabi ni Trixie habang maingat na inilalapag ang tasa sa lamesa ni Dylan.Hindi man lang siya nilingon nito. "Did you double-check the budget proposal for the board meeting later?""Yes, Sir! Triple-checked pa nga po," sagot niya na may pilit na ngiti."Good," malamig na tugon nito, habang abala pa rin sa pagbabasa ng mga papeles.Sa kabila ng maayos niyang pagganap sa trabaho, ramdam pa rin ni Trixie na may pader sa pagitan nila ni Dylan. Sa tuwing sinusubukan niyang maging casual o mag-joke, laging deadpan ang reaksyon ng kanyang boss. Para

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 3: ANG LARAWAN SA LIKOD NG KWENTO

    Sa loob ng maaliwalas na conference room ng hotel kung saan ginaganap ang meeting, hindi maipinta ang mukha ni Trixie habang patuloy na pinagmamasdan si Dylan. Para itong robot na walang emosyon habang nagpapaliwanag sa kliyente. Malinaw na sanay itong magdala ng presensya sa kwarto—isang CEO na laging handa, matalino, at hindi natitinag ng anumang sitwasyon.Pero bakit hindi mawala sa isip ni Trixie ang nakita niyang larawan?Matapos ang halos tatlong oras na pagpupulong, nagpaalam na ang mga kliyente. Bumalik si Dylan sa kanyang upuan, at kitang-kita ni Trixie ang bigat ng responsibilidad sa mga mata nito. Lumapit siya bitbit ang notebook niya."Sir, may kailangan po ba kayong idagdag sa agenda natin mamaya?" tanong niya, sinusubukan ang normal na tono.Bahagyang nagtaas ng tingin si Dylan. "Nothing. Prepare the minutes for this meeting. Make sure to send it to my email before 5 PM.""Noted, Sir," sagot niya.Habang paalis na siya, biglang tumikhim si Dylan. "Trixie."Nagulat siya p

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 4: SA LIKOD NG MASKARA

    Malalim ang iniisip ni Trixie habang nakaupo sa harap ng laptop niya. Ilang oras na siyang nagtatype ng reports at emails para kay Dylan, pero hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Ang malamig na tingin ni Dylan, ang bigat ng boses nito, at ang hindi malirip na sakit sa mga mata niya nang tanungin niya tungkol sa litrato.May pinagdadaanan talaga siya… pero bakit hindi ko mapigilang alamin? bulong niya sa sarili.Napabuntong-hininga siya at muling bumalik sa trabaho. Pero bago pa niya matapos ang isa pang email, may kumatok sa pinto.“Come in,” sagot niya, inaasahang si Dylan iyon para muling magbigay ng trabaho. Pero laking gulat niya nang si Lance ang pumasok, nakangiti at may dalang dalawang tasa ng kape.“Trixie, mukhang seryoso ka ah. Stress ka na ba?” tanong ni Lance habang inilalapag ang isang tasa sa mesa niya.Napangiti si Trixie. “Hindi naman. Mas mabuti nang busy kaysa wala kang ginagawa, ‘di ba?”“Hmm. Tama ka riyan,” sagot ni Lance habang umupo sa kabilang upuan.

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 5: THE PAST

    Tahimik ang buong opisina habang si Samantha ay pumasok sa silid ni Dylan. Tila ang bawat empleyado ay hindi makagalaw, nangingibabaw ang kaba at pagkagulat. Si Trixie, sa kabilang banda, ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. May halong kaba, inggit, at kuryosidad. Sino ba talaga si Samantha? At ano ang dahilan ng biglaang pagdating nito?“Sir Dylan, your visitor is here,” mahinang sabi ni Trixie nang kumatok siya sa opisina.Tumingin si Dylan mula sa kanyang laptop, halatang hindi handa sa sinuman. Ngunit nang makita niya si Samantha, biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Napalitan ang malamig niyang aura ng pagkagulat… at kaunting sakit.“Samantha,” halos pabulong niyang sabi.Ngumiti si Samantha, halatang kampante sa reaksyon ni Dylan. “Hello, Dylan. Long time no see.”Hindi agad nakasagot si Dylan. Tumayo siya mula sa kanyang upuan, halatang nag-aalangan kung lalapit o mananatili sa puwesto niya. Si Trixie, na nasa pintuan pa rin, ay tila hindi rin malaman ang gagawin.“Miss

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 6: Mga Sulyap at Sekreto

    Matapos ang masalimuot na pagbisita ni Samantha sa opisina, hindi mapakali si Dylan. Bumalik siya sa kanyang upuan at tumitig sa bintana, tinatanaw ang mga gusali ng lungsod. Sa bawat tingin niya, tila bumabalik ang mga alaala—mga masayang araw nila ni Samantha at ang masakit na gabing iniwan siya nito.Hindi niya mapigilang muling isipin ang sinabi ni Samantha: "I want to fix things, Dylan." Ngunit paano mo nga ba aayusin ang isang bagay na basag na?Sa kabilang banda, si Trixie…Sa pantry, tila hindi pa rin makaget-over si Trixie sa presensya ni Samantha. Nasa harapan niya ang kanyang tasa ng tsaa, pero hindi niya ito naiinom. Nakatitig lang siya sa kawalan, pilit iniintindi ang nararamdaman."Hoy, Trixie!" sigaw ni Lani habang biglang umupo sa tabi niya. "Ano na naman iniisip mo? Si boss? Or ‘yung ex niya?"Napapitlag si Trixie. "H-ha? Wala! Hindi ako interesado!""Eh bakit parang wala ka sa sarili? Halata naman eh. Ang tanong, na-insecure ka ba kay Miss Samantha?" tanong ni Lani n

    Last Updated : 2024-12-25
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 7: Lihim na Pusong Nagtatago

    Ang opisina ay abala muli sa normal na takbo nito kinabukasan, pero may kakaibang tensyon sa hangin na tila lahat ng empleyado ay nakikiramdam. Ang pagbisita ni Samantha ay tila nag-iwan ng marka, hindi lamang kay Dylan kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Trixie.Habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa desk niya, napansin ni Trixie ang paparating na anino ni Lance. May dala itong kape at ang trademark na ngiti nito."Good morning, beautiful secretary!" bati ni Lance habang inilalapag ang cup ng coffee sa mesa ni Trixie.Napailing si Trixie sa tawag nito, pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ang aga-aga, Lance. Hindi pa ako gising sa mga pambobola mo.""Para kang hindi sanay," biro ni Lance, sabay umupo sa gilid ng mesa niya. "Kumusta ka kagabi? Mukhang napagod ka sa drama sa opisina kahapon."Tumaas ang kilay ni Trixie. "Ikaw? Concerned? Akala ko kasi, mas enjoy ka lang mang-asar."Natawa si Lance. "Ouch. Ganyan ba talaga tingin mo sa akin, Trixie? Pe

    Last Updated : 2024-12-26
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 8: Ang Aninong Hindi Maalis

    Sa araw na ito, tahimik ang buong opisina, ngunit ang tensyon ay tila nananatiling nakabitin sa hangin. Nasa meeting room si Dylan kasama ang mga department heads ng kumpanya para talakayin ang isang bagong proyekto. Pero sa kabila ng mga presentasyon at mga ideya, ang kanyang utak ay wala roon. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang sinabi ni Samantha kagabi.Sa labas naman ng meeting room, abala si Trixie sa pag-aasikaso ng mga papeles na kailangan ni Dylan. Pero habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang mapaisip sa naging pag-uusap nila ni Samantha. “I hope you take care of Dylan,” muling bumabalik sa isip niya ang mga salitang iyon, tila bumibigat ang kanyang pakiramdam.Pagkatapos ng meeting...Mabilis na lumabas si Dylan mula sa meeting room, deretso ang lakad pabalik ng opisina. Halatang hindi siya kuntento sa mga narinig niya. "Trixie," tawag niya habang papasok sa kanyang office.

    Last Updated : 2024-12-27
  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 9: Lihim na Nakatatago

    Kinabukasan, maagang dumating si Dylan sa opisina. Nakapila ang maraming meeting, pero ang pinakamahalaga sa araw niya ay ang pag-uusap nila ni Samantha. Nasa conference room na siya, hinihintay ito. Tahimik niyang iniisip kung tama ba ang desisyon niyang harapin muli ang babaeng minsan nang sinaktan ang puso niya.Nang bumukas ang pinto, pumasok si Samantha na parang laging kontrolado ang paligid. Ang kanyang maayos na postura at matamis na ngiti ay tila hindi nagbago. Pero para kay Dylan, ang presensiya nito ay parang paalala ng lahat ng sakit na dinaanan niya noon."Thank you for meeting me, Dylan," panimula ni Samantha habang naupo sa harap niya."Make it quick. Marami akong trabaho," malamig na sagot ni Dylan.Napabuntong-hininga si Samantha. "I just wanted to say sorry… again. I know it’s been years, pero hindi ko kayang mag-move on nang hindi ko inaayos ang lahat sa atin."Napatingin si Dy

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 14: Ang Kirot ng Nakaraan

    Madilim na ang kalangitan nang umuwi si Dylan mula sa opisina. Sa buong biyahe pauwi, tila hindi siya mapakali. Puno ng emosyon ang kanyang isipan—galit, selos, at ang hindi maipaliwanag na takot. Ang tanong ni Lance ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isipan: "Ano bang plano mo kay Trixie?" Pagdating sa kanyang condo, dumiretso si Dylan sa mini bar na nasa tabi ng sala. Kumuha siya ng isang baso ng whisky at tinungga ito. Hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata dahil sa mga imahe ng nakaraan na biglang bumalik.FlashbackDalawang taon ang nakaraan, masaya at puno ng pagmamahal ang relasyon nina Dylan at Samantha. Isa siyang babaeng matapang, ambisyosa, at tila perpekto sa paningin ni Dylan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay unti-unting nasira nang maungkat ang tunay na intensyon ni Samantha. Ginamit lamang pala siya nito upang makuha ang koneksyon ng pamilya Montenegro sa mga investors para sa sariling negosyo nito.Nang malaman ni Dylan ang katotohanan, tila

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 13: Mga Pagbabago at Pag-aalinlangan

    Habang lumilipas ang mga araw, hindi maikakailang nag-iba ang ihip ng hangin sa opisina. Kahit ang mga empleyado ay napapansin ang pagbabago kay Dylan. Hindi na ito masyadong naninigaw o nagpapakita ng matinding galit. Bagama’t seryoso pa rin ito sa trabaho, mas tila approachable na siya. Lalo na tuwing kausap si Trixie, halatang may mas malalim na koneksyon ang dalawa na pilit nilang itinatago sa iba.“Alam mo, Trixie,” bulong ni Ria, isang kaopisina nila, habang nasa pantry. “Iba talaga ang aura ni Sir Dylan kapag nandiyan ka. Parang nagiging mas tao siya.”“Hala! Hindi naman,” tanggi ni Trixie habang pilit na itinatago ang pamumula ng kanyang mukha.“Hmm… Sabagay, hindi naman imposible. Ikaw pa? Ang dami mong charm,” dagdag pa ni Ria na tila nang-aasar.Ngumiti na lang si Trixie, pero sa loob-loob niya, hindi niya maiwasang mapaisip. Totoo nga kayang siya ang dahilan ng pagbabagong ito kay Dylan? O baka naman nagkataon lang?“Kuya,” bungad ni Lance habang pumasok sa opisina n

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 12: MGA ALON NG NAKARAAN

    Tahimik na bumalik si Dylan at Trixie sa opisina matapos ang hindi inaasahang paglabas. Habang naglalakad papasok sa elevator, naramdaman ni Trixie ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang usapan o kung dapat pa niyang tanungin si Dylan kung bakit siya ang piniling kasama nito."Sir," sabay niyang sabi bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator, "Okay lang po ba kayo?"Tumingin si Dylan sa kanya, isang tingin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi kayang bigkasin. "I'm fine, Trixie," sagot niya sa mababang tono.Ngunit sa likod ng salitang iyon, alam ni Trixie na may malaking bagay na bumabagabag kay Dylan.Pagbalik nila sa desk, bumalik si Trixie sa trabaho. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa pag-aayos ng mga papeles nang dumating si Samantha sa opisina. Halata ang determinasyon sa kilos nito, na para bang may mahalagang balak sabihin.

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 11: Ang Mga Bagong Alon ng Pagkakataon

    Sa isang tahimik na restoran sa gitna ng lungsod, naganap ang isang eksenang hindi inasahan ni Trixie—ang makasama si Dylan para sa dinner. Kahit pa nasa harap nila ang masarap na pagkain, hindi pa rin niya mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng imbitasyon ni Dylan."Relax, Trixie," sabi ni Dylan habang naglalapag ng table napkin sa kanyang kandungan. "Hindi kita kakainin."Napangiti si Trixie, ngunit halatang hindi pa rin komportable. "Sorry, Sir. Hindi ko lang po kasi inasahan na mangyayari ito. Baka naman po may special occasion na hindi ko alam?"Umiling si Dylan. "Wala. Na-realize ko lang… you’ve been working hard, and you deserve a break."Hindi alam ni Trixie kung paano sasagutin iyon. Kakaibang Dylan ito—hindi ang cold at seryosong boss na kilala niya. "Salamat po," maikli niyang sagot, pilit pinipigil ang kaba.Habang kumakain, sinimulan ni Dylan ang usapan. "So, Trixie… bakit mo nga ba piniling magtrabaho sa kompanya ko?""Well…" Saglit na nag-isip si Trixie, saka ngu

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 10: Ang Pusong Natutong Tumibok

    Kinabukasan, masigla si Trixie habang naglalakad papasok sa opisina. May kakaiba siyang sigla kahit hindi niya lubos maintindihan kung saan ito nanggagaling. Maaga siyang pumasok upang maayos ang schedule ni Dylan, lalo na’t alam niyang medyo mabigat ang araw nito kahapon dahil kay Samantha. Pagdating niya sa desk, sinalubong siya ni Lance na tila may iniisip. "Good morning, Lance! Ang aga mo rin ah," masiglang bati ni Trixie habang inilalapag ang kanyang bag. "Good morning din," sagot ni Lance. "Trixie, may sasabihin sana ako sa’yo…" Bigla siyang napatingin kay Lance, kita ang pag-aalinlangan nito. "Ano yun? Mukha kang seryoso." Hindi pa man nakakasagot si Lance ay biglang dumating si Dylan mula sa elevator. Agad itong naglakad papasok ng opisina, pero huminto saglit sa desk ni Trixie. "Good morning," sabi ni Dylan, diretso kay Trixie. "Good morning din po, Sir," sagot ni Trixie

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 9: Lihim na Nakatatago

    Kinabukasan, maagang dumating si Dylan sa opisina. Nakapila ang maraming meeting, pero ang pinakamahalaga sa araw niya ay ang pag-uusap nila ni Samantha. Nasa conference room na siya, hinihintay ito. Tahimik niyang iniisip kung tama ba ang desisyon niyang harapin muli ang babaeng minsan nang sinaktan ang puso niya.Nang bumukas ang pinto, pumasok si Samantha na parang laging kontrolado ang paligid. Ang kanyang maayos na postura at matamis na ngiti ay tila hindi nagbago. Pero para kay Dylan, ang presensiya nito ay parang paalala ng lahat ng sakit na dinaanan niya noon."Thank you for meeting me, Dylan," panimula ni Samantha habang naupo sa harap niya."Make it quick. Marami akong trabaho," malamig na sagot ni Dylan.Napabuntong-hininga si Samantha. "I just wanted to say sorry… again. I know it’s been years, pero hindi ko kayang mag-move on nang hindi ko inaayos ang lahat sa atin."Napatingin si Dy

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 8: Ang Aninong Hindi Maalis

    Sa araw na ito, tahimik ang buong opisina, ngunit ang tensyon ay tila nananatiling nakabitin sa hangin. Nasa meeting room si Dylan kasama ang mga department heads ng kumpanya para talakayin ang isang bagong proyekto. Pero sa kabila ng mga presentasyon at mga ideya, ang kanyang utak ay wala roon. Patuloy na naglalaro sa isipan niya ang sinabi ni Samantha kagabi.Sa labas naman ng meeting room, abala si Trixie sa pag-aasikaso ng mga papeles na kailangan ni Dylan. Pero habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang mapaisip sa naging pag-uusap nila ni Samantha. “I hope you take care of Dylan,” muling bumabalik sa isip niya ang mga salitang iyon, tila bumibigat ang kanyang pakiramdam.Pagkatapos ng meeting...Mabilis na lumabas si Dylan mula sa meeting room, deretso ang lakad pabalik ng opisina. Halatang hindi siya kuntento sa mga narinig niya. "Trixie," tawag niya habang papasok sa kanyang office.

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 7: Lihim na Pusong Nagtatago

    Ang opisina ay abala muli sa normal na takbo nito kinabukasan, pero may kakaibang tensyon sa hangin na tila lahat ng empleyado ay nakikiramdam. Ang pagbisita ni Samantha ay tila nag-iwan ng marka, hindi lamang kay Dylan kundi pati na rin sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Lalo na kay Trixie.Habang abala sa pag-aayos ng mga papeles sa desk niya, napansin ni Trixie ang paparating na anino ni Lance. May dala itong kape at ang trademark na ngiti nito."Good morning, beautiful secretary!" bati ni Lance habang inilalapag ang cup ng coffee sa mesa ni Trixie.Napailing si Trixie sa tawag nito, pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ang aga-aga, Lance. Hindi pa ako gising sa mga pambobola mo.""Para kang hindi sanay," biro ni Lance, sabay umupo sa gilid ng mesa niya. "Kumusta ka kagabi? Mukhang napagod ka sa drama sa opisina kahapon."Tumaas ang kilay ni Trixie. "Ikaw? Concerned? Akala ko kasi, mas enjoy ka lang mang-asar."Natawa si Lance. "Ouch. Ganyan ba talaga tingin mo sa akin, Trixie? Pe

  • The Ruthless BILLIONAIRE    Chapter 6: Mga Sulyap at Sekreto

    Matapos ang masalimuot na pagbisita ni Samantha sa opisina, hindi mapakali si Dylan. Bumalik siya sa kanyang upuan at tumitig sa bintana, tinatanaw ang mga gusali ng lungsod. Sa bawat tingin niya, tila bumabalik ang mga alaala—mga masayang araw nila ni Samantha at ang masakit na gabing iniwan siya nito.Hindi niya mapigilang muling isipin ang sinabi ni Samantha: "I want to fix things, Dylan." Ngunit paano mo nga ba aayusin ang isang bagay na basag na?Sa kabilang banda, si Trixie…Sa pantry, tila hindi pa rin makaget-over si Trixie sa presensya ni Samantha. Nasa harapan niya ang kanyang tasa ng tsaa, pero hindi niya ito naiinom. Nakatitig lang siya sa kawalan, pilit iniintindi ang nararamdaman."Hoy, Trixie!" sigaw ni Lani habang biglang umupo sa tabi niya. "Ano na naman iniisip mo? Si boss? Or ‘yung ex niya?"Napapitlag si Trixie. "H-ha? Wala! Hindi ako interesado!""Eh bakit parang wala ka sa sarili? Halata naman eh. Ang tanong, na-insecure ka ba kay Miss Samantha?" tanong ni Lani n

DMCA.com Protection Status