Agad na tumalikod si Hexy kay Brix at binilisan ang paglakad paalis sa parking lot.
"Hey," pagpipigil sa kaniya nito saka hinawakan ang kaliwang braso ni Hexy. Napahinto naman siya at dahan-dahang humarap kay Brix habang nakagat sa kaniyang labi.
Seryoso ang mukha ni Brix at doon mas napagmasdan ni Hexy ang mukha nito.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay, maputi, manipis lang ang bibig, at makapal ang nakaayos na buhok.
"About what happened—"
"S-Sorry po, Sir! Hindi ko po kayo kilala at wala po akong maalalang nangyari sa gabing iyon. Hindi ko po alam kung paano po ako nakarating sa kuwarto niyo. Lasing na lasing po ako!" Sambit ni Hexy at napapikit pa matapos dirediretsong sabihin iyon.
Napamulat lang siya ng kaniyang mga mata nang marinig na humagikhik si Brix.
"Sorry din. Wala rin akong maalala. I'm also drunk at that time. I shouldn't have kiss you," malumanay na wika niya ngunit malalim ang boses. Namula naman si Hexy nang maalala ang halikan nilang dalawa na gumising sa kaniya.
Napakamot na lang ng batok si Hexy at umiwas ng tingin.
"Paano ka ba nakarating sa unit ko? I mean, oo, wala kang maalala pero nakakapagtaka lang na nakarating ka sa unit ko dahil alam naman nila na private 'yon," tanong ni Brix.
"N-Nag-inuman po kasi kami ng friends ko sa bar, same building din ng unit niyo, Sir," nahihiyang sagot naman ni Hexy. Tumango-tango naman si Brix at ilang segundong natahimik.
Umayos ng tayo si Brix at inilahad ang kaniyang kanang kamay sa harap ni Hexy. Napatingin naman si Hexy sa kamay niya, saka dahan-dahang napatingin sa mukha niya.
"I'm Brix Ivane Royale," pagpapakilala nito.
Napalunok naman si Hexy at nanginginig pa ang kaniyang kamay na iniabot ang kamay ni Brix.
"I'm H-Hexy Avory Ocampo, Sir."
Ngumiti naman si Brix na siyang ikinagulat ni Hexy ngunit sinuklian niya rin ito ng ngiti.
"Nice to meet you. No need to call me 'Sir'. Do you need to call me that after we kissed?" Panunukso ni Brix sa kaniya matapos bitawan ang kaniyang kamay.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy kaya natawa sa kaniya si Brix.
"Before ako umalis, dito ka pala nagtatrabaho?"
Tumango naman si Hexy sa kaniya.
"O-Opo," sagot niya.
Tumango-tango naman si Brix.
"Kaya pala you seem familiar. Dito ako laging kumakain kapag may oras akong lumabas. Malapit lang kasi ang office ko," wika nito. Dahan-dahan namang tumango-tango si Hexy.
"I need to go. Nice to meet you, Miss Hexy," sambit niya. Ngumiti na lang si Hexy bago ito tuluyang sumakay sa isang itim na kotse.
"Tunog 'sexy' kapag siya ang nagsasabi ng pangalan ko," mahinang sabi ni Hexy saka siya bumuntong hininga.
Napatalon naman siya nang pagtalikod niya ay papalapit sa kaniya si Maverick habang isinusuot ang jacket nito.
"Puwedeng sumabay sa'yo?" Nakangiting tanong niya nang makalapit ito sa kaniya.
"Hindi," sagot nito at sumakay sa motor na nasa tabi ni Hexy. Lumabi naman si Hexy sa kaniya.
"Grabe ka naman. Pareho lang naman tayo ng pupuntahan," pagmamaktol niya.
Inayos naman ni Maverick ang gloves niya saka isinuot ang kaniyang helmet.
"Iba ang pupuntahan ko," sagot nito sa kaniya saka pinaharurot na ang kaniyang motor.
Bumuntong-hininga naman si Hexy at walang choice kung hindi ang pumara ng traysikel patungo sa tagpuan nila nina Shantal.
Kinabukasan ay maraming guests sina Hexy kaya naging abala siya, dahilan upang hindi niya matanong si Maverick kung saan siya nagpunta kahapon.Habang pabalik siya sa dining area ay napahinto siya nang makita si Brix na nakapuwesto sa pinakaharap na table.
Napapikit si Hexy at nagpakawala ng malalim na hininga.
‘Nandito na naman? Paano rin ako makakaiwas sa isang 'to?’
Habang nakatingin si Hexy sa mga guests ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni Brix.
‘Mabuti na rin pala at hindi ko kinuwento kina Shantal na magkakilala na kami. Baka kung ano pa'ng sabihin nila.’
"Hexy."
Muntik nang mapatalon si Hexy nang tawagin siya ni Maverick. Nakatayo ito sa kaniyang likod at bahagyang nakatungo ang ulo dahil hindi sila parehas ni Hexy ng height.
"Bakit?" Mahinang tanong naman ni Hexy sa kaniya. Pinilit niyang iwasan ang mapangiti nang sobra dahil hindi siya laging tinatawag ni Maverick.
"Nag-aaya sina Aldrin na manuod sa cinema after duty. Sasama ka?" Tanong nito.
Doon naman napangiti si Hexy.
‘Magkakaroon na rin tayo ng moment.’
"Oo naman. Ikaw ba?"
Nag-finger crossed naman siya habang nakatago ang kamay sa kaniyang likod.
Tumango lang si Maverick sa kaniya.
"Okay," wika ni Hexy.Nang makabalik si Maverick sa kaniyang pwesto ay hindi niya maiwasang mapangiti. Naging magkaibigan sila simula high school, ngunit hindi sila masyadong namamasyal.
Abot-tainga ang ngiti ni Hexy nang makita sina Vanessa sa labas ng sinehan habang kasama si Maverick, kahit hindi sila sumakay sa iisang sasakyan."Progress. Iniangkas ka niya?" Tanong ni Vanessa sa kaniya. Umiling-iling naman si Hexy.
"Dalian niyo, baka maubusan tayo ng popcorn," pagmamadali ni Shantal sa kanila.
Napatigil naman sila nang umingay ang kanilang paligid.
"Ano'ng mayroon?" Tanong ni Vanessa.
"Baka may celebrity na manunuod?" Sabi naman ni Hexy saka sila lumingon sa mga taong nag-iingay at waring may nakitang artista.
"Oh? Si Sir Brix pala, eh," wika ni Rio.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy nang makita si Brix na may mga kasamang dalawang bodyguards.
"Oh my God, Hexy," kilig na kilig na sambit ni Shantal. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hexy.
"Tara na sa loob," sambit ni Hexy at nagmamadaling nagpunta sa pila.
Sumunod naman sa kanila ang kanilang mga barkada.
"Hexy?"
Napalunok si Hexy nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kaniyang likuran.
"Hex," kurot ni Shantal sa kaniya at pinilit siya nitong humarap kay Brix.
"Hi, Sir!" May pag-aalangang bati niya kay Brix at saka ngumiti nang pilit.
"You're here. Manunuod ba kayo?" Tanong ni Brix at isa-isa silang tinignan.
"O-Opo," kilig na kilig na sagot sa kaniya ni Shantal at halos umabot na sa kaniyang tainga ang kaniyang labi.
Tumango-tango naman si Brix habang nakangiti. Si Hexy naman ay bahagyang napatingin kay Maverick. Seryoso lamang itong nakatingin sa ibang tao at hindi sa kanilang kaharap habang nakapamulsa.
"Hexy, why don't you introduce your friends?"
Napalunok naman si Hexy dahil sa kaba."P-Po?"
"I'm Shantal, Sir!" Pagpiprisinta ni Shantal at kumaway kay Brix.
Sunod namang tumingin si Brix kay Vanessa.
"I'm Vanessa po," wika ni Vanessa saka ngumiti sa kaniya.
"Ako si Aldrin, and this is Rio," pagpapakilala ni Aldrin at inakbayan pa si Rio.
Nang dumako ang tingin ni Brix kay Maverick ay hindi man lang ito nakatingin sa kaniya. Nakatingin lamang ito sa paligid at blangko pa rin ang mukha.
"A-Ah, this is M-Maverick po," sambit ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Maverick. Napatingin naman si Maverick kay Hexy nang gawin niya iyon, saka tumingin kay Brix at tumango.
"Nice to meet you all. I'm Brix," saad nito at saka ngumiti.
‘Ngayon, alam na nilang magkakilala na kami.’
Napakagat naman si Hexy sa loob ng kaniyang labi dahil sa sobrang kaba. Hindi niya namalayang napapahigpit na ang kaniyang kapit sa braso ni Maverick.
May ibinulong si Brix sa isa sa kaniyang mga bodyguards at nagmadali naman iyong nagtungo sa counter.
"You wanna watch a movie, right? I'll rent the whole cinema for us to watch," sabi nito.
Napanganga naman si Hexy.
"Oh my God! Really?" Eksaheradang tanong ni Shantal. Tumango naman si Brix habang nakangiti.
"Uuwi na lang ako," mahinang sambit ni Maverick. Lumabi naman si Hexy at hindi binitawan si Maverick.
Napalingon naman ito sa kaniya saka nagbuntong-hininga.
"Let's go," aya ni Brix sa kanila at nauna na siyang pumasok sa loob.
"Iba talaga kapag big time," komento naman ni Aldrin.
"Sinabi mo pa," ani naman ni Rio.
Napailing na lang si Hexy at hindi nagugustuhan ang nangyayari.
"Hex," tawag ni Vanessa kay Hexy nang papasok sila at papunta sa mga upuan. Napalingon naman si Hexy habang nakahawak pa rin kay Maverick.
"Nakakahiya kay Sir Brix. Dapat tumabi ka sa kaniya. Tutal ikaw ang kakilala niya sa'tin," wika nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy.
"Ano? Ayoko nga!" Mahinang sambit niya.
"Sige na, Hex. Ililibre na nga tayo, oh!" Sabi naman ni Shantal at itinuro pa si Brix na nakaupo na.
Napakamot naman ng batok si Hexy at dahan-dahang naglakad patungo sa puwesto ni Brix. Hinatak niya si Maverick at pinaupo sa kaniyang kaliwa.
Napangiti naman si Brix sa kaniya at nameke naman siya ng ngiti.
Dahan-dahan namang tinanggal ni Maverick ang pagkakahawak niya sa kaniyang braso.
"Nilalamig ako," mahinang sambit ni Hexy sa kaniya ngunit humalukipkip lamang ito. Nag-make face naman si Hexy at isinandal ang likod niya sa upuan.
Nagulat siya nang ilagay ni Brix sa kaniyang kanang braso ang coat niya.
"S-Sir, hindi na po kailangan," mahinang wika niya at inilapit pa ang mukha niya.
"Nilalamig ka, right? Remember the morning—"
"Kukunin ko na," mabilis na sabi ni Hexy at kinuha ang coat saka niya isinuot. Napangiti naman si Brix saka umiling-iling.
‘Humanda kayong dalawa sa'kin kapag nakalabas tayo rito.’
Nang magsisimula na ang pag-play ng movie ay hindi maituon ni Hexy ang paningin sa screen. Ikinikiskis niya ang kaniyang kanang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib dahil sa kaba.
Napalunok naman siya nang maamoy ang pamilyar na amoy mula sa coat na nakasuot sa kaniya.
Napailing siya nang bahagya at umayos sa pagkakaupo.
"Puwede bang 'wag kang galaw nang galaw?" Bulong ni Maverick sa kaniya.
Lumabi naman siya saka inis na kinuha ang popcorn at kumain.
Nang maburyo siya sa pinapanuod nila ay sumandal siya sa kaniyang upuan, at ini-relax ang kaniyang mga kamay sa armrest.
Nakaramdam siya ng daloy ng kuryente nang aksidenteng maidikit niya ang kaniyang hinliliit sa naka-relax ding kaliwang kamay ni Brix.
Napatingin siya sa lalake ngunit abala si Brix sa panunuod. Napatingin ulit siya sa kaniyang kamay na nakadampi sa itaas ng kamay ni Brix.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang biglang gumalaw ang kamay ni Brix at mas lalong nagdikit ang mga palad nila.
"Sorry. I didn't mean to—"
"Ayos lang," pamumutol ni Hexy sa sasabihin niya saka mabilis na inilapat ang kamay sa kaniyang mga hita.
Isinandal na lamang ni Hexy ang kaniyang ulo malapit sa gawi ni Maverick at pilit na itinuon ang atensyon sa screen.
Matapos ang ilang oras ay inilabas ni Brix ang kaniyang cellphone, at nakita ni Hexy na nag-aalarm iyon.
Napatingin naman si Hexy sa kaniyang relo at nakitang alas sais na ng gabi.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-vibrate ulit ang cellphone ni Brix at agad niya naman itong sinagot.
"Yes, Dad. Papunta na ako. May tinatapos lang ako," mahinang sambit ni Brix saka ibinaba ang cellphone.
Napalingon naman si Hexy sa kaniya.
"May gagawin ka pa ba?" Bulong ni Hexy."Yeah. Pero patapos naman na ang movie. Tapusin ko na lang," sagot niya. Tumango-tango naman si Hexy.
Nang matapos ang movie ay agad na tinanggal ni Hexy ang suot niyang coat."Thank you sa treat, Sir Brix," pagpapasalamat ni Shantal saka ngumiti nang malapad.
"No problem," sagot naman nito.
"Kailan kaya ang next time?" Pagbibiro naman ni Aldrin. Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy at napatingin sa kaniya.
"Anytime. You can have my number," sambit ni Brix at inilabas ang calling card mula sa kaniyang wallet saka ibinigay kay Aldrin. Pumalakpak naman sa tuwa si Shantal at tumingin pa sa card.
"Thank you again, Sir," nakangiting sabi ni Vanessa at bahagya pang tumungo. Tumango naman si Brix sa kaniya.
"S-Sir, puwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Hexy. Napatingin naman sina Shantal sa kaniya. At kumawala sa bibig nina Vanessa at Shantal ang mahinang tili.
"Sure," sagot naman ni Brix at bahagyang lumayo sa kanila. Bumuntong-hininga naman si Hexy at sumunod sa kaniya.
Nang makalayo sila ay agad niyang iniabot kay Brix ang coat nito.
"Thank you, Sir."
Napangiti naman si Brix sa kaniya.
"I had fun," wika naman niya saka kinuha ang coat.
"Actually, gusto kong s-sabihin na sana last na po i-ito," mabagal na sambit ni Hexy at saka ipinunas ang kaniyang mga palad sa ibaba ng kaniyang damit
Napakunot-noo naman si Brix.
"Why? I mean it's okay na maging friends tayo," saad niya."S-Sorry po. Pero 'yong nangyari po kasi sa'tin, nakakababa po ng dignidad bilang isang babae. A-And ngayon nagkasama pa po tayo. N-Nakakahiya. Hindi naman tayo magkakilala, S-Sir," mahinang sambit ni Hexy saka napaiwas ng tingin at napalingon siya sa mga kaibigan niyang sobra ang ngiti sa kanila.
"Who told you that? Pareho tayong walang maalala sa nangyari, Hexy. I'm sorry if I wanna hang out with you. I'm just being good, dahil masama ang naging first impression mo sa'kin," sabi ni Brix. Bumuntong-hininga siya at mas lalong tumitig kay Hexy.
"I'm not a fan of drama, but only we could..." sambit ni Brix ngunit hindi itinuloy ang sasabihin.
"S-Sorry po," pagbabalik ng tingin ni Hexy sa kaniya.
"I'm sorry again. And I should go. May gagawin pa ako," wika ni Brix at itinuon ulit ang paningin kay Hexy.
"Thank you po ulit. Nag-enjoy po sila," sabi ni Hexy saka tumingin kina Shantal. Nag-uusap naman sila habang nakangiting nakatingin sa kanila ni Brix.
"How about you?" Tanong ni Brix.
"P-Po? Nag-enjoy po ako," sagot ni Hexy saka nameke ng ngiti. Tumango-tango naman si Brix sa kaniya.
"Mauna na ako. Salamat din sa oras," pagpapaalam nito.
Kumaway pa muna ito kina Shantal bago umalis.
Agad namang lumapit sina Vanessa sa kaniya at saka siya kinurot sa tagiliran.
"Imagine ganiyan ka tratuhin ng isang Royale, paano pa kaya kapag naging kayo?" Tuwang-tuwang sambit ni Shantal habang pumalakpak.
"Straight out from the novel ang love story niyo kapag nagkataon," komento naman ni Vanessa. Umiling-iling naman si Hexy at napakamot ng batok. Palihim siyang tumingin kay Maverick kung ano ang reaksyon nito, ngunit abala ito sa kaniyang cellphone habang mabilis na nagta-type.
"Puwede na natin siyang ayain kapag may inuman tayo. Sure akong siya ang magbabayad," natatawa namang wika ni Rio saka sila nag-apiran ni Aldrin.
Habang naglalakad sila palabas doon ay bahagyang tumabi si Maverick sa kaniya.
"You know, hindi lalapit sa'yo ang isang mayaman kung wala siyang kailangan," mahinang sambit nito habang nakatingin sa dinaraanan nila. Napakunot-noo naman si Hexy at napatingin sa kaniya.
"So, lalapit lang ang isang tao sa'kin kapag may kailangan? Napaka-judgmental mo 'no?" Inis na sabi ni Hexy.
"And what's the reason bakit siya lumalapit sa'yo?" Tanong ni Maverick.
"Eh, sana tinanong mo kanina sa kaniya. Malay ko ba kung nagandahan pala siya sa'kin?" Pang-iinis ni Hexy sa kaniya.
Kahit tapos na ang duty ni Hexy sa sumunod na araw ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang pakikisama ni Brix sa kanila, lalo na ang naputol nitong sinabi sa kaniya."Ang pogi rin nu'ng kausap ni Maverick," wika ng isa nilang katrabaho habang kinukuha ang mga gamit sa locker. Napakunot-noo naman si Hexy at napatingin sa kanila.
"Baliw! Si Sir Brix 'yon, hindi mo ba kilala?" Natatawang tanong naman ng isa nilang kasama. Nanlaki ang mga mata ni Hexy at hindi pa natapos na kunin ang mga gamit.
"Ano? Nasaan sila?" Pangingialam ni Hexy. Napatingin naman ang dalawa sa kanila.
"Nasa parking lot. Kanina pa nga—"
Hindi na pinakinggan ni Hexy ang mga sumunod na sinabi ng kasama nila at saka nagmadaling nagpunta sa parking lot.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang seryosong nagtititigan ang dalawa habang idinidiin ni Maverick ang sigarilyo niya sa coat ni Brix at unti-unti itong umuusok.
"Maverick!"
Tumakbo si Hexy palapit kina Brix at agad na itinulak si Maverick. Tumilapon naman ang hawak nitong yosi at agad namang tinanggal ni Brix ang coat niya. "Ano ba'ng problema mo, Maverick?" Sigaw ni Hexy saka sinamaan ito ng tingin. Galit ding nakatingin sa kaniya ito na parang hindi nagustuhan ang tanong niya. "Hexy, do you really know your friend?" Umiigting ang pangang tanong ni Brix. Napalingon naman si Hexy kay Brix."S-Sorry, Sir. Mainit lang po talaga ang ulo niya minsan," pagpapaumanhin ni Hexy. Pumagitna siya upang pigilan ang maaari pang sumunod mangyari."Ano'ng pinagsasabi mo, Hexy? Alam mo ba kung ano'ng nangyari?" Sambit ni Maverick saka niya pinaharap si Hexy sa kaniya."Bakit? Ano ba'ng nangyari at binastos mo pa si Sir Brix? Alam mo namang kakakilala lang natin sa kaniya at hindi lang siya basta kung sino lang dito," inis na wika naman niya habang magkasalubong ang mga kilay."He asked me what you taste like. Sinabi ko we just kissed. I answered him because I thought
Bago pa man lumapat ang labi ni Brix ay iniharang na ni Hexy ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang bibig. Dumampi ang labi ni Brix sa kamay ni Hexy kaya napaatras siya."S-Sorry, hindi ko sinasadya," pagpapaumanhin ni Hexy saka umayos ng upo."I'm sorry. I'm tempted," nahihiyang wika ni Brix at napaiwas ng tingin.Hindi naman maiwasang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang maramdaman niyang pamilyar sa kaniya ang lambot ng labi ni Brix.Napahawak siya sa kaniyang palad kung saan tumama ang labi ni Brix."M-Mauna na ako," sambit ni Hexy at biglang tumayo saka kinuha ang bag."What about our dinner?" Tanong naman ni Brix saka tumayo na rin."Next time na lang siguro? May pupuntahan pa kasi ako," sagot naman niya.Napakagat siya sa loob ng kaniyang bibig nang ma-realize niyang gusto niya pa ng 'next time'."Okay. Ihahatid na lang kita," pagpriprisinta ni Brix.Hindi pa man nakakasagot si Hexy ay napatingin agad si Brix sa kaniyang cellphone na nag-vibrate. Pinatay niya agad ito nang mak
Halos mahinto ang paghinga ni Hexy nang sabihin niya iyon."Are you serious?" Tanong ni Vanessa saka napatakip sa kaniyang bibig. Napakamot naman ng batok si Hexy saka dahan-dahang tumango.Nagpigil naman ng tili si Vanessa saka humawak sa magkabilang kamay ni Hexy at pinisil ito."Alam mo, excited na ako sa inyo. Wait. May plano ka bang sabihin sa kaniya?" Tanong ni Vanessa saka napatingin sa direksyon nina Brix.Umiling naman si Hexy."What? Bakit hindi? Eh mukhang nanliligaw na nga siya sa'yo," kunot-noong tanong nito sa kaniya."Gusto ko lang siya. Tsaka hindi ba parang masyadong mabilis? Kasi mag-iisang linggo ko pa lang siyang nakakasama. Tapos 'yong first encounter pa namin, hindi maganda," mahinang saad ni Hexy."Sa bagay, everything takes time," nakangiting sabi ni Vanessa kaya napangiti na lang din si Hexy."Ano'ng pinag-uusapan niyo? Mukhang magandang tsismis 'yan ah?" Tanong ni Shantal nang makalapit sa kanila. Inilagay nito ang kaniyang shades sa kaniyang damit saka ipin
Halos mabingi si Hexy dahil sa lakas at bilis ng tibok ng kaniyang puso sa narinig."M-May nagsabi ba s-sa'yo na..." Namamaos niyang sabi."S-Sinabi ba sa'yo ni Vanessa?" Utal na tanong niya matapos ang ilang segundong pagkatulala.Napakunot-noo naman si Brix."Ano'ng sasabihin niya?"Umiling-iling naman si Hexy saka itinulak nang bahagya si Brix upang malayo ito sa kaniya. "Sorry. Papasok na ako. S-Salamat," natatarantang wika ni Hexy at agad na tumalikod at muntik pa niyang hindi mahanap sa kaniyang bag ang susi ng kaniyang apartment.Agad siyang nakahinga nang maluwag nang makapasok siya sa loob. Napakagat-labi siya nang marinig niyang isinara ni Brix ang gate at umalis na.Napaupo siya sa sofa saka inilapag ang bulaklak sa lamesa. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay.Nang kumalma siya ay nagpakawala siya ng tili sa pagitan ng kaniyang mga kamay. "Ganito pala ang pakiramdam," nakangiting wika niya saka tumitig sa mga bulakl
Napalunok si Hexy at nakaramdam ng init sa palad ni Maverick kahit nilalamig siya kanina."A-Ano'ng sasabihin mo?" Mahinang tanong niya at napatitig kay Maverick. Nakailang lunok siya dahil iyon ang unang beses na magkalapit ang mukha nilang dalawa."I'll tell you later. Baka mawala ka sa mood," sagot naman ni Maverick saka tinanggal ang pagkakaakbay at napatingin kay Brix na nagmamaneho.Umayos ito ng pagkakaupo at ibinaling ang paningin sa labas.Inayos naman ni Hexy ang kaniyang sarili at ipinunas ang mga palad sa kaniyang pantalon. Ilang beses siyang bumuntong-hininga upang pakalmahin ang puso niyang mabilis ang tibok.Itinuon na lang niya ang kaniyang atensyon sa harap habang nakatingin sa daan. Hindi niya mapigilang mapakagat sa loob ng kaniyang bibig, lalo na kapag nadidikit ang kaniyang balat kay Maverick.Ilang beses niyang nahuling nakatingin sa kaniya si Brix sa salamin kaya umusog siya nang kaunti sa tabi ni Shantal.Pumasok sila sa isang matayog na gate na may mataas na b
Hindi nakaimik si Hexy at bigla siyang namutla. Agad siyang inalalayan ng kaniyang katrabaho upang maupo sa isang silya nang muntikan itong matumba dahil sa panginginig ng kaniyang tuhod."H-Hindi..."Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha kaya napatakip siya sa kaniyang mukha habang umiiyak.Agad namang ibinaba ng kasama niya ang kaniyang cellphone at hinaplos siya sa likod."Hexy, ilang beses na kitang gustong kausapin na may fiancee na si Sir Brix, kaso hindi mo naman kami minsan kinakausap," wika nito."M-Matagal niyo nang alam, Drea?" Tanong ni Hexy at tumingin sa kaniya.Dahan-dahang tumango ito sa kaniya."Akala namin ay alam mo dahil minsan na silang na-cover ng isang magazine, tsaka may social media si Ma'am Joyce at doon siya nag-uupdate," sagot nito.Napahilamos naman ng mukha si Hexy habang hindi mapigilan ang paninikip ng kaniyang dibdib."Hindi k-ko alam. Hindi ako nag-oopen ng social media," nanlulumo niyang sambit at hindi na niya mapigilang mahikbi
Napaawang ang bibig ni Hexy nang makitang dumudugo ang ibabang bahagi ng labi ni Brix sa lakas ng pagkakasuntok ni Maverick. Napahawak naman sa parteng 'yon si Brix."You better stay away, or else—""Or else, what? Don't threaten us. You're the one who's wrong here, " pamumutol ni Maverick sa sasabihin ni Brix. Hinawakan agad ni Hexy ang kaliwang braso ni Maverick upang pigilan sa ano pang gagawin nito."Umalis ka na," wika ni Hexy kaya napalingon ito sa kaniya."No, Hexy—""Ayaw kitang makita. Ayaw kitang makausap," sambit ni Hexy habang pinipigilan ang kaniyang pag-iyak.Lumapit naman nang bahagya si Brix kahit nasa tabi lang ni Hexy si Maverick."Hexy, I'm sorry. Ayaw kitang saktan. I just don't have a choice," sabi nito at aabutin sana ang kamay ni Hexy ngunit iniharang naman ni Maverick ang kaniyang kanang kamay sa harapan niya kaya napatingin na naman ito kay Maverick."Napakasinungaling mo. Para saan lahat ng 'yon, ha? Gusto mo lang bang saktan ang fiancee mo?" Namumulang saad
"I'm sorry, Hexy," pagpapaumanhin ng isa sa kaniyang kaharap.Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin sa kanila."K-Kanino galing 'yan?" Tanong niya sabay turo sa cellphone kung saan nakita niya ang isang picture na nakahiga siya sa kama habang natutulog at may kasamang lalake na walang suot at tanging kumot lang ang takip nito sa katawan, habang siya ay may suot na damit."S-Sabi ni Sasha, pinasa lang daw sa kaniya. Isinend niya sa group chat natin," sagot ng isa.Kumuyom ang kaniyang mga palad dahil sa galit."Nasaan siya?" Kalmadong tanong nito."Day off niya ngayon," sagot naman ng kaharap niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay umalis na ang dalawa sa harap niya. Muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha at naupo sa isang upuan saka ilang beses na huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili."Why are you still—"Hindi natapos ni Maverick ang kaniyang sasabihin nang tumingin si Hexy sa kaniya habang umiiyak.Lumapit siya kay Hexy at umupo sa kaniyang harapan.
Salamat po sa mga bumasa ng aking nobela! Sana po ay nagustuhan niyo. Gusto ko sanang pasalamatan ang mga nag-cocomment. Lalo na po ang kauna-unahang nag-comment sa aking nobela. Ako po ay nagpapasalamat sa pag-iiwan niyo ng mga hula niyo sa mga susunod na mangyayari. Sana ay ganoon pa rin po sa mga susunod. You can leave any comments, good or bad, tungkol po sa story. Matapos ang HER MISTAKE, may mga suggestions po ba kayo kung kaninong story ang isusunod ko? Story nina Shantal, Aldrin, or Joaquin. Sana po ay suportahan niyo ulit ang mga susunod kong isusulat. Salamat! -Haneibuns
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya."P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya."Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo."Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."Huminga naman sila nang malalim."Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.Umiling naman si Hexy."My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito."H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Nang magsimula na silang kumain sa venue ay hindi maiwasan nina Maverick at Hexy ang mapatingin sa mga bisita nila at pati na rin sa mga sulok ng venue. Sinabi na rin nila iyon kay Maximus, kaya nagpadagdag ito ng security sa buong lugar."Is that Joaquin?" Kunot-noong tanong ni Maverick habang nakatingin sa lalakeng papalapit sa table nina Hexy.Napatingin naman si Hexy sa gawi nito."I have already put my gift there," turo ni Joaquin sa side ng stage kung saan naroon ang mga regalo nila nang makalapit siya.Napangiti naman sina Maverick sa paglapit nito."Can I carry him?" Tanong ni Joaquin saka nilapitan at ngumiti sa kanilang baby."Sige," sagot ni Hexy at dahan-dahang ipinaubaya kay Joaquin ang kanilang anak.Niyakap naman ni Joaquin ang baby nila at tuwang-tuwa siya habang tumatawa itong nakatingin sa kaniya."You look different," komento ni Maverick at tinignan ang kabuuan nito.Napangiti naman lalo si Joaquin saka tumingin sa kanila."So, I met this girl—"Nagkatinginan naman
"They're okay na po, Sir. May emergency lang po ako," sagot ng nurse saka ito ngumiti."You should've washed your hands before going out," mahinang sambit ni Maverick nang makalayo ito saka siya umiling-iling at hinawakan ang kaniyang dibdib."Maverick, kumusta si Avory?"Napatingin naman si Maverick sa paparating na sina Hannah kasama ang mga kaibigan nila at si Maximus."A-Ang sabi ng nurse ay okay na raw sila. I'm not sure if we can go in now," sagot niya saka ipinunas ang kaniyang mga nanginginig na palad sa kaniyang shorts."Then let's just wait kung ano'ng sasabihin nila," wika naman ni Shantal.Nanatili naman silang nakatayo sa labas ng kuwarto ni Hexy kahit may nakalaang upuan para sa kanila.Biglang bumukas ang pintuan matapos ang ilang minuto at lumabas doon ang Ob-gyn kaya naman napatingin sila.Napalunok naman si Maverick."Nanganak na po si Mrs. Del Rosario. For now, kaunti lang po ang puwedeng pumasok. Lahat po ng papasok ay kailangang magsuot ng facemask, because the ba
Bigla namang natawa si Joaquin kaya hinampas ni Hexy ang kaniyang kaliwang braso."Napakaseryoso niyo namang dalawa. I'm just kidding," saad ni Joaquin.Natawa naman si Maverick saka siya umiling-iling."Hindi ka naman nakakatawa," sagot ni Hexy."Heto namang si Miss Preggy, ang KJ. Ilang tumbling na lang, you are about to give birth."Natawa na lang din si Hexy sa kaniya."Kanina lang ay bad mood ka, why are you smiling now?" Tanong ni Maverick."Hindi kasi sumasagot 'yong isang employee ko kanina. She texted me that she has a fever that's why she can't go to work," sagot ni Joaquin.Tumango-tango naman si Maverick."Kumusta ka na? Ang tagal mong walang paramdam, ah!" Sambit ni Hexy."I went to California. But I had a hard time adjusting, so I went home and now, I'm managing my own business. It's not easy kasi kakasimula ko pa lang pero madami nang nangyari," sagot ni Joaquin."Eh, aalis ka kaagad?" "Hindi naman. I will stay here for a few more days. Besides, I missed it here," saad
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban