Inagahan ni Sarah ang pagpasok sa trabaho. Iniiwasan niyang makasabay sa paglalakad ang bagong kapitbahay dahil nahihiya siya sa nangyari. Naging mapanghusga siya at hindi niya ito hinayaang magpaliwanag. Dapat ba siyang humingi ng tawad?
“Pero, bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong ginawang masama!” iritadong wika niya. Natural lang naman na pag-isipan niya ito nang hindi maganda dahil sa pagsunod-sunod nito sa kanya. “Hindi ako magso-sorry!”
“Miss, kung ayaw mong matulog, huwag kang maingay!” sita ng kung sino mang naistorbo niya sa pagtulog.
Madilim sa sleeping quarters kaya hindi niya makita ang mukha ng sumita sa kanya. Doon siya nagpalipas ng oras dahil maaga pa, pero hindi naman siya makatulog. Sobrang lamig doon, para siyang nasa loob ng chiller. “Sorry.”
Nagpasya siyang lumabas para hindi makaistorbo sa iba. Binuksan niya ang cell phone at ang liwanag na nagmumula roon ang nagsilbi niyang ilaw. Ingat na ingat siya sa paghakbang upang hindi makalikha ng tunog. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at tahimik na lumabas ng kuwarto. Isasara na niya ang pinto nang biglang may sumundot sa tagiliran niya.
Napigilan niyang sumigaw ngunit nabitiwan niya ang seradura. Malakas na kalabog ang kanyang narinig sa pagpinid ng pinto. Dinig niya mula sa labas na may nagmura sa loob ng sleeping quarters.
“Oops! Sorry…”
Pinanlisikan niya ng mata ang salarin. Gusto niya itong sabunutan. “Nakakainis ka!”
Ngumisi ito. “Nakasalubong ko nga pala si Viggo at hinahanap ka. Sinabi ko na hindi pa kita nakitang dumating.”
“Mabuti naman kung ganoon.” Naghikab si Jessica kaya binuksan niya ang pinto at pinapasok ito. Minsan, natutulog ito kapag break time. “Matulog ka na.” Tumango ito at isinara ang pinto.
Magkatabi ang locker area at sleeping quarters, tatambay muna siya locker area kung saan mayroong mini pantry. Mamaya na siya papasok sa production floor dahil iniiwasan niya si Viggo. Ilang beses na niya itong tinanggihan, pero mukhang wala itong balak na tantanan siya hanggang hindi siya bumibigay.
And speaking of the devil, nakatayo ito malapit sa kanyang locker. Balak niyang humakbang paatras at bumalik sa pinanggalingan subalit nakita na siya ni Viggo. Matamis na ngiti ang isinalubong ng binata na tinanguan lamang niya.“Sarah, break ko ngayon. Samahan mo akong kumain,” anito sa paraang pautos. “Mamaya pa naman ang oras ng pasok mo.”
Hindi siya na-inform na ito pala ang magpapasya kung anong gusto niyang gawin sa libreng oras niya. Dapat hindi na lang siya pumasok nang maaga. Kasalanan ‘to ng kapitbahay niya. “Ayoko, kumain na ako,” malamig niyang tugon.
Naglakad siya patungo sa kanyang locker at binuksan ‘yon. Dama niya ang pagsunod ng tingin ni Viggo sa kanya kaya nagkunwari siyang may hinahanap sa loob ng locker. “Maghanap ka na lang ng ibang kasama,” pagtataboy niya rito dahil naiilang siya sa presensya nito.
“How about let’s eat together during your break? Tamang-tama na out ko na ‘yon sa trabaho.”
So, na-check na pala nito ang schedule niya? 24/7 ang customer service ng financial account na handle niya kaya iba-iba ang oras ng pasok at break ng mga empleyado. “No, thanks!” Pabagsak niyang isinara ang locker at ini-lock ‘yon bago hinarap ang binata. “Kasabay ko ang team ko.”
“Sasama ako sa inyo,” pangungulit nito. “Hindi naman ako iba sa team ninyo, nasa iisang cluster lang naman tayo.”
Bilib din siya sa kakulitang taglay ni Viggo at sa pagkamanhid nito. Hindi ba nito gets na ayaw niya itong makasama o nagbubulag-bulagan ito? “Umuwi ka na lang.”
Bakas sa mukha ng binata ang pagkadismaya. “Hanggang kailan mo ba ako tatanggihan, Sarah? Ginawa ko na ang lahat para lang mapansin mo. Ano pa ba ang kulang?” nagmamakaawang tanong nito, dahilan upang mapalingon sa kanila ang ibang taong nandoon.
Wala sa hinagap niya na gagawa ng eksena si Viggo. Hindi niya tuloy alam kung paano magre-react sa sinabi nito. Naumid ang kaniyang dila nang mapansing naghihintay ang lahat sa magiging sagot niya. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili, pero ayaw niyang ipahiya ang binata dahil alam niyang masakit siyang magsalita.
“Sarah!”
Napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay nang makita ang maputla niyang kapitbahay. Paano nito nalaman ang pangalan niya?
“Bakit mo ako iniwan? Delikadong maglakad mag-isa sa dis-oras ng gabi. Dapat sabay na tayong pumasok sa trabaho,” may himig na pag-aalala sa boses nito.“Ah, kasi…” Natigilan siya. What the hell? Bakit siya magpapaliwanag dito?
Lumapit ito sa kanya. “I’m sorry.” Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya sa mga mata. “I know, it was my fault. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa ‘yo ang totoo. Nalaman mo pa kay Aling Nena. Huwag ka nang magalit sa akin,” paglalambing nito.
Napalunok siya. Ano bang pinagsasabi nito? Kung ang tinutukoy nito ay tungkol sa nangyari noong nakaraan, hindi naman nito kailangang umakto nang ganoon. “Ewan ko sa ‘yo!” Inirapan niya ito at tinabig ang kamay. Pinaalala lang nito ang ginawa niyang kahihiyan.
“Sino ka?” tanong ni Viggo sa binata. Nawala sa isip niya na nandoon pa ito.
“Magkasama kami sa apartment.”
Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin ni Viggo sa kanilang dalawa. “Magkasama kayo?” Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nito sa kanya. Alam nitong si Jessica ang roommate niya, hindi lalaki. “Don’t tell me that he is your boyfriend.”
Gusto niya sanang itama ang maling akala nito, pero biglang nagbago ang isip niya. “Hindi ko naman siguro kailangang ipaliwanag sa ‘yo kung ano ang relasyon naming sa isa’t isa, ‘di ba?”
Labag man sa kaniyang kalooban, nilapitan niya ang kapitbahay at umangkla sa braso nito. Naramdaman niyang nanigas ang katawan nito, marahil ay nabigla sa kaniyang ginawa. Pero mabilis itong nakabawi at ini-relax ang katawan.
Hindi nakapagsalita si Viggo, pero halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. Bago pa ito mag-usisa ay hinila niya palabas ng locker room ang kapitbahay niya. Walang sabi-sabing dinala niya ito sa fire exit. Dere-deretso niyang tinahak pababa ang hagdanan kasama ang lalaki. Tumigil lang siya sa paglalakad nang makalayo sila sa 18th floor.
“Bakit mo ako dinala rito?” basag nito sa katahimikan.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Ano ‘yong pinagsasabi mo kanina? Close ba tayo?” sikmat niya.
His brows knitted. “Look who’s talking?” Tinitigan nito ang magkahugpong nilang braso. “Kumuyapit ka sa braso ko at kinaladkad mo ako dito. Close ba tayo?” balik-tanong nito.
Kumalas siya sa pagkakahawak dito at bahagya ito itinulak. “Ginawa ko lang ‘yon dahil feeling close ka,” pagdadahilan niya. “At sinakyan ko ‘yong trip mo para hindi ka mapahiya.”
“Aminin mo na lang na nakatulong ako sa ‘yo.”
She rolled her eyes. “Sa paanong paraan ka nakatulong? Tiyak na pinag-uusapan na ako dahil sa ‘yo.”
He looked at her with disappointment. “Ang akala ko, magpapasalamat ka sa ginawa ko.”
“Bakit ko naman ‘yon gagawin?”
“Never mind!” His face went blank ang walked away.
Hindi makapaniwalang sinundan niya ng tingin ang bulto ng papalayong lalaki hanggang sa maglaho ito sa kanyang paningin. Mayroon ba siyang maling sinabi? “Bahala na nga siya sa buhay niya! Wala akong paki sa kanya!”
Binuksan niya ang pinto ng fire exit sa 16th floor. Mag-e-elevator siya pabalik sa 18th floor. Pupuntahan niya si Jessica sa sleeping quarters upang abisuhan ito sa naganap. Tiyak niyang magtatanong si Viggo sa kaibigan. Kailangan niya ring mag-log out sa sleeping quarters at ibalik ang bed number sa guard na naka-assign sa 18th floor.
Maraming nais itanong si Jessica nang malaman nito ang nangyari, pero hindi niya nagawang magpaliwanag dahil kailangan na niyang magtrabaho. Si Viggo naman ay hindi siya pinapansin hanggang sa matapos ang shift nito na ipinagpasalamat niya.
Inaasahan niyang magkakasabay sila sa pag-uwi ng kaniyang kapitbahay ngunit hindi ‘yon nangyari. Kung sabagay, mas mainam na hindi magkrus ang kanilang landas dahil hindi naman sila magkasundo. Pagpasok niya sa gate ng apartment ay naabutan niyang nag-uusap si Jessica at ang binata. Napailing siya. Tiyak na ini-interview na ito ng babae tungkol sa nangyari nang nagdaang gabi.
“Sarah, nandiyan ka na pala. Bakit hindi pa kayo sabay na umuwi ni Tisoy?”
“Bakit gising ka pa?” balewala niyang tanong. Nilagpasan niya ng tingin ang kausap nito.
“Nakatulog na ako. Sinadya kong gumising nang ganitong oras para makausap ko siya.”
“Ah…” Tumango-tango siya at saka binalingan ang lalaki. “Anong pinag-usapan ninyo?” usisa niya sa binata. Pinagtaasan niya ito ng kilay at tinitigan nang matalim. Bago pa makapagsalita ang lalaki ay siniko siya ni Jessica. Napalingon siya sa kaibigan. “Ano ba?”
“Huwag mo siyang sindakin,” saway nito. Tinitigan nito ang binata at ngumiti nang matamis. “Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. Mukha lang siyang masungit pero mabait talaga siya.”
“Ayos lang,” anito sabay ngiti. “Sige, magpapahinga na ako.”
“Okay! Nagpapasalamat ulit ako sa ginawa mo. Matulog ka nang mahimbing,” pa-cute nitong turan.
Napangiwi siya sa ikinilos ni Jessica. Para itong teenager na nakikipag-usap sa crush nito. “Bakit ka nagpapasalamat sa lalaki na ‘yon?” tanong niya nang makapasok sila sa bahay.
“Dahil alam kong hindi mo siya nagawang pasalamatan. Inaway mo pa nga, eh.”
So, nagsumbong na pala ito sa kaibigan niya. “Bakit naman ako magte-thank you sa kanya?”
“Dahil niligtas ka niya sa pa-victim na Viggo na ‘yon. Aba, ang kapal ng mukha ni Viggo na palabasing ginawa niya ang lahat para sa ‘yo. Paano kung hindi dumating si Erhart? Anong gagawin mo?”So, Erhart pala ang pangalan niya. Napaisip siya sa sinabi ni Jessica. May point ito, pero kaya naman siguro niyang ipagtanggol ang sarili.
“At kung hindi ka pabor sa ginawa ni Erhart, dapat sinabi mo kay Viggo ang totoo.”
May point ulit ito. Kung tutuusin, ginamit niya ang lalaki para makalusot kay Viggo. Pero sa kabila ng lahat, nagawa niya pa ring pagsungitan ito.
“AALIS na ako,” paalam ni Sarah sa kaibigan. Rest day nito at naisipan nitong magluto ng spaghetti kaya naman nagbaon siya no’n. “Salamat sa pagkain.”“Wait!” pigil nito sa kanya. “Ibigay mo ‘to kay Tisoy.” Inabot nito sa kanya ang maliit na paper bag na may lamang baonan. “Gusto kong matikman niya ang luto ko.”
“Ikaw na ang magbigay sa kaniya.”
“Ikaw na!” pamimilit nito. “Nakaalis na siya, eh! ‘Tapos rest day rin ng roommate niya.”
“Ayoko nga!” mariin niyang tutol. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaki na ‘yon kung siya ang magbigay ng pagkain. “Bukas mo na lang ibigay. ‘Bye!”
Hindi basta-bastang sumusuko si Jessica kaya hinabol nito ang dalaga. “Sarah, sasabihin ko kay Viggo na kapitbahay lang natin si tisoy!” banta nito kaya napilitan siyang huminto sa paglalakad at hinarap ito.
“Huwag!” Hinablot niya ang paper bag na hawak nito. “Ako na ang bahala rito.” Kumaripas siya ng takbo bago pa magkomento si Jessica.
Kalat na kalat na ang tsismis sa opisina tungkol sa isang playboy na team manager na pinaasa ng isang malditang team manager na under sa iisang operating manager. Usap-usapan na ang naturang TM na babae ay may ka-live in na newbie mula sa iisang kompanya, pero magkaiba ng account. Halata namang siya ang tinutukoy sa blind item na ‘yon. Parang showbiz lang!
Wala siyang paki dahil hindi naman ‘yon totoo. Pero ayaw niyang malaman agad ni Viggo ang katotohanan dahil baka kulitin siya nito ulit. Mabuti nang makahanap ito ng ibang lalandian bago nito malaman ang totoo.
Pagdating ni Sarah sa opisina, sa 18th floor, nakita niya ang binata na papunta sa fire exit. Marahil ay galing ito sa locker area at papunta na ito sa 19th floor. “Erhart!” tawag niya sa pangalan nito. Lumingon naman agad ang binata. Napalunok siya nang bigla itong ngumiti. Kasabay nang paglulon niya ng laway ay naumid ang kaniyang dila.
“Bakit?”
Tinitigan niya lang ito at nanatili sa kinatatayuan. Nang wala itong makuhang sagot mula sa kaniya ay nilapitan siya nito. Inabot niya na lang ang paper bag dito. Tinagggap ‘yon ng binata na nakakunot ang noo. “Bigay ni Jessica,” aniya at mabilis itong tinalikuran.
Bumalikwas ng bangon si Sarah. Nagising siya sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses ni Jessica at ng lalaking kausap nito. Napagpasyahan niyang bumaba. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ay nakita na niya ang kakuwentuhan ng kaibigan. Tumikhim siya upang ipabatid ang kaniyang presensya. “Uy, gising ka na pala!” masiglang wika ni Jessica. “Nakapagluto na ako ng hapunan.” “Ang ingay n’yo kasi,” reklamo niya. Masuwerte ang mga ito dahil wala siyang pasok sa gabing ‘yon kaya palalagpasin muna niya ang pag-iingay ng mga ito. “Maliligo lang ako ‘tapos kumain na tayo.” “Okay.” Bumalik siya sa taas upang kumuha ng towel at damit na pamalit. Maliit lang ang apartment na ‘yon at isa lang ang banyo. Pagbaba niya ay nandoon pa rin si Erhart at prenteng nakaupo sa sofa. Nilagpasan niya ito na parang wala siyang nakitang tao. Binilisan niy
Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya. Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito. “Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!” “Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?” Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”
Gumuhit ang sakit sa ulo ni Sarah. Dalawa ang absent sa team niya, ‘yong isa nagpaalam na masama ang pakiramdam, at ‘yong isa naman ay No Call, No Show. Basta-basta na lang um-absent nang walang paalam. May naka-schedule siyang team huddle at isang coaching. May na-monitor na call ang isang Quality Analyst o QA na sabaw ang isa niyang agent. Wala sa hulog ang pinagsasabi nito sa call at kailangan niya itong i-coach kung paano ito mag-i-improve.Pinakinggan niya ang call ni Edgar, ang sabaw niyang agent. Naka-full ang volume ng kaniyang headset pero halos wala siyang marinig dahil nangingibabaw ang boses ng mga ahente na nagte-take ng calls. Queuing o mataas ang volume ng calls kaya sobrang ingay sa production floor. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halos bumula na ang bibig ng agents sa pagsasalita. Napansin niyang nangangalahit na ang tubig sa tumblers ng agents niya kahit kakaumpisa pa lang ng pasok ng mga ito.Isa-isa niyan
A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae. “You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.” Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?” “Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.” “Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan. Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila. Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko. “Tisoy!” Su
Jessica enjoyed the company of Harry. Hindi niya lubos maisip na sa likod ng seryosong awra nito ay nagtatago ang isang pilyong lalaki. Ikinuwento nito sa kaniya ang mga kalokohang ginawa nito noong bata pa ito. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang kadaldalan nito o gusto siya nitong kausap. Ano pa man ang dahilan, masaya siyang makasama at makausap ito.“Paano kayo nagkakilala ni Tisoy?” tanong niya rito matapos niyang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Sarah.“He’s my brother.”“Hmm?” Tama ba ang kaniyang narinig? “What did you say?” Hindi niya alam kung nakailang bote na siya ng beer kaya posibleng mali ang kaniyang narinig.“I’m his uncle, but his like a brother to me,” he explained. Hindi naman ganoon kalayo ang gawat ng edad namin.”“Uncle?” He nodded. “Kaya pala pareh
“Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?” Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos… “Huwag kang tumulala riyan!” “Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya? Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad. Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag ka
Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”“Sige.”Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,&r
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka
Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka
Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya
She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”