Chapter: Chapter 23.2: HolidaysPagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
Last Updated: 2022-01-26
Chapter: Chapter 23.1: Holidays“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
Last Updated: 2022-01-12
Chapter: Chapter 22: Message(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Last Updated: 2021-12-15
Chapter: Chapter 21: WarningErhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Last Updated: 2021-12-01
Chapter: Chapter 20: ClingyMarahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Last Updated: 2021-10-15
Chapter: Chapter 19.2: Traditional CourtshipNatagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka
Last Updated: 2021-10-14
Chapter: CHAPTER 9.2: Sticky NotePinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy
Last Updated: 2022-01-24
Chapter: Chapter 9.1: Sticky NoteMatiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”
Last Updated: 2022-01-21
Chapter: Chapter 8: Same FeatherNaghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit
Last Updated: 2021-12-24
Chapter: Chapter 7.2: Disappointed“Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang
Last Updated: 2021-12-20
Chapter: Chapter 7.1: DisappointedAbala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd
Last Updated: 2021-12-17
Chapter: Chapter 6 FarewellTama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani
Last Updated: 2021-12-13