Home / YA / TEEN / Crush Me Back / Chapter 7.2: Disappointed

Share

Chapter 7.2: Disappointed

Author: J.R. McKay
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.

Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.

“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.

Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.

“Basta magtiwala ka lang sa akin,” mahihimigan ang inis sa tinig nito pero may halo ‘yong pag-aalala. “Naiintindihan mo ba?”

Napatango siya nang wala sa oras. Hindi niya maunawaan kung bakit ito nagagalit. Kapag ganoon ang mood nito, awtomatiko siyang sumasangayon dito.

“Gutom na ako,” reklamo nito. “Kumain na tayo.”

Kumakalam na rin ang sikmura niya. Tiyak na mapapalaban siya sa kainan dahil sa samu’t saring emosyong kaniyang nararamdaman. Sa pagkain niya ibubuhos ang lahat ng hindi magandang nangyari sa kaniya. “Tara na sa pantry.” Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at tinangay ito.

ELIZABETH felt anxious. First time niyang magre-report sa harapan ng mga bagong kaklase kaya abot-abot ang kaniyang kaba kahit last subject pa nila ang Araling-Panlipunan. Wala siyang maayos na dulog nang nagdaang gabi dahil doon.

Inaral niyang mabuti ang topic na na-assign sa kaniya dahil ayaw niyang mapahiya sa buong klase, lalo na kay Lester na leader ng grupo nila. Ayaw niya ring bigyan ng pagkakataon si Lucy at Cara na kutyain siya sa oras na pumalpak siya sa pagre-report.

Nagparoo’t parito siya sa hallway ng fourth floor. Mas maaga siyang gumayak kay Thad kaya sobrang aga nilang nakarating sa school. Iilan pa lang ang estudyanteng nandoon.

Nahihilo na siya sa kakalakad kaya huminto muna siya. Pinagmasdan niya ang mga mag-aaral sa katapat na building, doon ang Elementary Department. May mangilan-ngilang estudyanteng may hawak na libro at nagbabasa. Ang iba naman ay notebook ang hawak, at mukhang nagbabatuhan ng tanong sa isa’t isa.

Napailing siya at nagpakawala ng buntong-hininga. Mabuti na lang talaga at sa public school siya nag-aral ng elementary dahil kung dito, baka hindi siya naka-survive. Sobrang competitive ang bata roon na kabaligtaran niya. Napakatamad niyang mag-aral. Ang gusto niya lang gawin noon ay ang kumain nang kumain at mag-drawing nang mag-drawing ng kung ano-ano sa likod ng kaniyang kuwaderno na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya.

“Sh*t!” hiyaw niya. 

Nagambala ang kaniyang pagmumuni-muni nang biglang may bumangga sa kaniyang puwet. Pumihit siya paharap at inambahan ng suntok ang mapangahas na gumawa niyon sa kaniya. Ngunit natigilan siya nang mapagsino ‘yon. Pasalamat ito dahil hindi pa lumapat ang kamao niya sa mukha nito.

“Ikaw lang pala ‘yan, Carlo.” Classmate niya ito noon.

“Carla,” pagtatama nito. “Carla nga ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang magkasama.” Tumayo ito sa tabi niya.

“Tsk!” Inirapan niya ito. “May pa-Carla Carla ka pang nalalaman, e, takot ka naman sa papa mo.”

Matagal na niyang alam na binabae ito dahil umamin ito sa kaniya pero hindi nito magawang ipangalandakan sa lahat ang totoo dahil sa ama nito. Kilalang siga ang tatay nito sa kanilang lugar, maging ang mga kapatid ni Carlo. Hindi nga mapaghahalataang may pusong babae ito dahil gaya ng ama, brusko ito.

“Sissy, pagbigyan mo na ako. Ikaw lang naman ang nakakaalam ng sekreto ko, eh.”

Muli niyang pinaikot ang mga mata. “Para namang may illicit affair tayo niyan, eh.”

Ngumisi lang ito. “Sissy, totoo ba ‘yong chika na nasagap ko?” pag-iiba nito sa usapan. “Si Lester daw ang mapapabilang sa top section? I-chika mo naman sa akin,” maarteng demand nito at nakatikwas pa ang kilay. Hinampas nito ang kaniyang braso.

“Umayos ka nga, Carlo,” saway niya rito. Marami-rami na rin ang dumaraan sa hallway. “Maliban na lang kung gusto mong malaman ng lahat ang sekreto mo.”

“Ayoko!” matigas nitong turan. Ipinatong nito ang braso sa balikat niya. “Okay na ba ‘to?” Bumalik na sa dati ang tinig at kilos nito.

“Ako naman ang mai-issue nito.” Pumalatak siya pero hinayaan na lang niya ito. Ikinuwento niya rito ang lahat ng gusto nitong malaman. “Huwag mong ipagkakalat ang tungkol doon dahil ipapaalam ko sa lahat na crush mo sina—”

Tinakpan nito ang bibig aniya gamit ang palad nito. “I’ll zip my mouth,” anito bago tinanggal ang kamay sa bibig niya.

Nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan at naglabas siya ng hinaing sa lalaki. Disappointed talaga siya sa nangyari, lalo na sa kaniyang sarili. Naudlot ang kanilang pag-uusap nang magsimula ang flag ceremony. Pabalik na siya sa classroom nang masalubong niya si Ma’am Caballero, ang adviser ng fourth year top section. Binati niya ito.

“Good thing at nasalubong kita. Come with me to the Principal’s Office.”

Nagtaka man siya sa ginang pero hindi na siya nag-abalang magtanong dito. Tahimik niyang sinundan ang ginang. Naghihintay ang principal pagpasok nila sa office nito.

“Congratulation’s, Elizabeth! Makakabalik ka na sa top section,” anunsyo ng principal.

“Ho?” Parang may mali yata sa sinabi nito. “Si Lester po ang qualified, ‘di ba?”

“Well, nag-back out siya,” tugon ni Ma’am Caballero. “Ito na ‘yong chance mo na makabalik sa top section.”

“Pero…” Paano si Lester? Bakit nag-back out ito? “Puwede ko po bang kausapin si Lester?”

“Sure,” Principal Cabral agreed. “If that’s what you want but I need your answer today.”

Agad-agad? Samantalang binigyan nito ng mahabang panahon si Lester. “Sige po. Maraming salamat.” Nagtungo siya sa classroom at agad na nilapitan si Lester.

“Good morning, Queen,” bati nito nang makita siya.

Tinukso ito ng mga kaibigan pati na siya pero hindi niya na lang pinansin. Wala siyang oras para sa ganoong bagay. “Can we talk?” Wala pa naman ang kanilang adviser at may oras pang natitira bago mag-start ang klase.

Pumayag naman ito. Lumabas sila ng classroom upang doon mag-usap. “Hindi mo tinggap ang offer sa ‘yo,” bulong niya dahil baka may makarinig sa kanila. Hindi nila napag-usapan ang tungkol doon kaya nabigla siya sa naging desisyon nito. “Bakit?”

“Nalaman mo na pala,” nakangiting wika nito. “Congratulations, Queen!”

Paano siya magdiriwang kung alam niyang ito ang karapat-dapat na mapabilang sa top section. “Ikaw ang dapat na i-congratulate ko dahil para sa ‘yo ‘yon, hindi sa akin. Bakit mo tinanggihan ang magandang oportunidad?”

“Ayoko sa top section.”

“Bakit?” Pangarap ‘yon ng karamihan pero tinanggihan nito. “Last year na natin sa school at last chance mo na rin na makapasok sa top section.”

“Hindi ako interesado.” Ngumiti ito, iyong tipo ng ngiting makakapagpalusaw ng alalahanin niya. “Kapag lumipat ako ng section, hindi ko na magiging classmate ang mga kaibigan ko.  Limitado na rin ang magiging oras ko sa basketball dahil mas magpo-focus ako sa academics. Ayoko namang mapabayaan ang team ko. Responsibilidad ko sila as a team captain. At saka, masaya at kuntento na ako kung nasaan man ako ngayon.”

She didn’t expect that Lester would say that. Maganda ang kalooban nito at may sense ang pagkatao. Hindi niya tuloy maunawaan kung bakit hindi ito makasundo ni Thad.

“Ayokong ma-pressure nang sobra. Alam ko na competitive ang mga nasa top section. Hindi ako bagay roon. Mas gusto kong i-enjoy ang huling taon na ilalagi ko rito sa TOP Academy.”

Napangiti siya. “Naiintindihan ko na.”

“Mayroon pang isang dahilan,” habol nito.

“Ano ‘yon?”

“Gusto kong bumalik ‘yong Elizabeth na masiyahin. Hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala pero nasanay akong palagi kang nakangiti.”

“Lester…” Kumabog nang malakas ang kaniyang d****b. Ilang beses siyang kumurap dahil baka panaginip lang ‘yon pero hindi naman ito naglaho sa kaniyang paningin.

Pinisil nito ang kaniyang pisngi. “Pero mami-miss kita.”

Teka, tama ba ‘yong narinig niya? Trumiple ang tibok ng kaniyang puso at baka atakihin siya kahit wala naman siyang sakit. “Nasa kabilang classroom lang naman ako,” kalmado niyang turan kahit na kumakabog-kabog ang kaniyang d****b. “Araw-araw pa rin naman tayong magkikita.”

“Iba pa rin kapag classmate at seatmate kita, Queen.”

Tuluyan nang nagwala ang kaniyang puso. Tila gusto niyong kumawala mula sa katawan niya at lumundag patungo sa lalaki.

“Puwede bang humingi ng favour bago ka bumalik sa top section?”

“A-ano i-iyon?” nagkandautal-utal niyang tanong.

“Next week ka na lumipat ng section. Gusto kong makasama ka bilang classmate ko sa huling pagkakataon.”

“Ah…oo, oo naman!” Akala niya kung ano na ang favour na hihingiin nito. “May report din tayo sa Araling-Panlipunan. Gusto kong tapusin ‘yon bago ako lumipat.” 

Mabilis na natapos ang araw na ‘yon. Nakapag-report sila nang maayos at nakakuha ng pinakamataas na marka sa buong klase. Excited siyang lumabas ng classroom upang ibalita kay Thad ang magandang nangyari sa kaniya. Atat na atat na siyang ibahagi ‘yon sa kaibigan noong nag-lunch sila pero pinigilan lang niya ang sarili.

“Thad!” sigaw niya sa pangalan nito. Nasa loob pa ito ng classroom kaya siya na mismo ang pumasok doon. “Thad, tama nga ang sinabi mo,” masaya niyang wika sabay yakap nang mahigpit sa kaibigan, “makakabalik na ako. Makakasama na ulit kita!”

Tumingala siya upang makita ang reaksyon nito. Hindi ito nakangiti pero kumikislap ang mga mata nito. “Matutuwa nito sina Tita Gina, Tito Benjie, pati na si Ninang Carmie.”

“At ang mama mo,” dugtong nito. “Sigurado akong babalik na sa dati ang allowance mo.”

Ngumisi siya dahil tama ito. Binawasan kasi ng kaniyang ina ang kaniyang allowance nang malaman nitong napatalsik siya sa top section. “Umuwi na tayo para malaman na nila. Maniningil pa ako kay Ninang ng maagang pamasko,” nasisiyahan niyang wika.

Dinutdot nito ang kaniyang noo. “Abusada ka!”

Tinawanan niya lang ito. Kumalas siya sa pagkakayakap sa lalaki para kumapit sa braso nito. “Tara na, umuwi na tayo.”   

Related chapters

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Prologue

    “Small circle, small circle, big circle,” pabulong na awit ng batang babae habang ginuguhit ang mga katagang binibigkas sa pinakalikod na bahagi ng kuwaderno.“Quiet!” saway ng katabi nitong batang lalaki na masungit. Palibhasa’y matalino ito kaya ayaw ng istorbo. “Magagalit sa ‘yo si Teacher kapag narinig ka niya.”Napatingin ang batang babae sa nakatalikod na guro na abala sa pagsusulat sa blackboard na green naman ang kulay. Tumahimik ito at napaisip. Hindi maintindihan ng bata kung bakit panay ang sulat ng guro sa pisara at pinapakopya sa mag-aaral ang mga isinulat imbes na magturo.“Small circle, small circle…” awit ng batang lalaki na medyo may katabaan. Bilog na bilog ang pisngi nito, maging ang braso at hita. “Big circle,” panggagaya nito sa batang babae.Napagitnaan ang batang babae sa upuan ng dalawang batang lal

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 1: Late

    “Elizabeth!” tawag ni Gina sa pamangkin kasabay nang mahinang pagkatok sa pinto. “Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka. Gusto mo bang umpisahan ang school year na ‘to sa pagiging late?”“Maliligo na po,” naghihikab niyang sagot.Nakahilata pa rin siya sa higaan at walang planong kumilos. Binalot niya ng kumot ang sarili at niyakap nang mahigpit ang malaking teddy bear na kasama niyang nakasukob sa kumot. Unti-unti siyang hinihila ng antok kaya hinayaan niyang bumagsak ang mga talukap.“Gising!”Marahas na yugyog sa kama ang pumutol sa napipintong pagtulog niya. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na gumawa no’n sa kaniya—si Thaddeus Franco. Pamangkin ito ng asawa ng tiyahin niyang si Gina, na kapitbahay nila. Magkababata sila at magkaibigan, pero madalas silang mag-away dahil pasaway siya.“Ano ba?&

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 2: Leader

    Natapos ang unang flag ceremony na hindi namamalayan ni Elizabeth dahil busy siya sa pag-iisip kung paano iinisin si Trixie. Dumagsa rin ang late comers, may namumukhaan siya pero ‘yong iba ay parang ngayon niya lang nakita. Naka-graduate na yata ang iba niyang kasamahan na palaging late o baka nagbagong buhay na ang mga ito.“Ano pang hinihintay n’yo? Mag-umpisa na kayo,” nakasimangot na utos ni Trixie. Nagpresinta itong bantayan ang late comers kaya umalis na ang ibang officers.Hindi maganda ang tingin nito sa kanila ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang nasa gilid ng stage dahil gusto ni Trixie na sila ang mamuno roon. Malaki yata ang galit nito sa kaniya at mukhang pinag-iinitan siya. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.“Hindi ako nagdarasal,” palusot ng lalaki. “Ikaw na ang bahala sa opening prayer,” anito.“Wala rin akon

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 3: New Friends

    “I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.“Tama ka riyan, Cara.”Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.“Wala ka bang mauupuan?”Napakislot siya nang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

DMCA.com Protection Status