Home / YA/TEEN / Crush Me Back / Chapter 4.2: Annoyed

Share

Chapter 4.2: Annoyed

Author: J.R. McKay
last update Huling Na-update: 2021-12-06 11:11:11

Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”

Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.

“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.

“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.

“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”

“Ako mismo ang kakausap sa kanila kapag hindi ka nagsalita,” banta nito.

Natigilan siya at hinarap ang lalaki. Ganoon din ang ginawa nito. Dapat hindi niya binanggit ang tungkol doon. Kilala niya si Thad, gagawin nito kung anong sinabi.

“Ang sinabi ni Cara, para akong aso na buntot nang buntot sa ‘yo. At linta naman ang tawag sa akin ni Lucy dahil dikit ako nang dikit sa ‘yo.”

Naningkit ang mga mata nito at nagtagis ang bagang. “Sinabi nila ‘yon sa ‘yo?”

She nodded. “Hayaan mo na.” She beamed widely at him to hide her pain. “Wala naman sa akin ‘yon. Ikaw nga ahas ang tingin sa akin. Baka mukha lang talaga akong hayop.” Binuntutan niya ng tawa ang sinabi pero hindi tumawa ang lalaki. Lalong nagdilim ang mukha nito.

“Sa tingin mo ba, gaya nila ang tingin ko sa ‘yo?”

“Malay ko.” She shrugged her shoulders. “May katotohanan din naman kasi ang sinabi nila.” Aminado naman siyang panay ang buntot at dikit niya kay Thad dahil magkaibigan sila at para na ring magkapatid. Mali lang ang interpretasyon ng mga tao sa paligid nila.

“Damn it!”

Namilog ang mga mata niya nang narinig itong magmura. Sa kanilang dalawa, siya ang mahilig magsalita ng bad words. “Uy, Thad, ‘yang bibig mo!”

“Iba ako sa kanila,” may diin sa bawat katagang binitiwan nito. “E di, lumingkis ka sa akin parang ahas. I don’t care!”

Iniumang nito ang braso sa kaniya. Tinitigan niya lang ang lalaki dahil hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito. Nang hindi siya gumalaw, hinila siya nito palapit dito at ito na mismo ang nagpulupot ng braso nito sa kaniya bago hinawakan ang kaniyang kamay. Nagpatuloy sila sa paglalakad dahil hila-hila siya nito.

“Thad, pinagtitinginan tayo,” nangangamba niyang turan. Binawi niya ang kamay rito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. “Thad, baka ma-issue tayo nito.” Ang dami na ngang nasusuklam sa kaniya pagkatapos gagatungan pa nito.

“Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin basta para sa akin, wala ‘tong malisya.”

Oo nga naman, bahala na ang mga tsismosa na nagbibigay ng malisya sa pagkakaibigan nila.

“Mayroon kang itatanong sa akin, ‘di ba?” pag-iiba nito sa usapan. “Ano ba ‘yon?”

Noon lang muling sumagi sa isip niya ang ilang araw na ring bumabagabag sa kaniya. “Bakit hindi pumapasok si Sheena?”

Classmate niya ang babae noong nasa top section pa siya. Natapos na ang unang linggo ng pasukan pero hindi niya nakita ang babae. Sa lahat nang naging kaklase niya noon, maliban kay Thad, ito ang pinaka-close sa kaniya. Masyado itong tahimik noong first year pa lamang sila at palaging nag-iisa. Dahil likas ang pagiging madaldal niya, nagtitiyaga siyang kausapin ito hanggang sa naging magkaibigan sila.

“Tungkol sa kaniya ang gusto kong sabihin sa ‘yo.”

“Alam mo ba kung bakit hindi siya pumapasok?” Tumango ito bilang tugon. “Bakit? Anong nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?” sunod-sunod niyang tanong. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi ito sumasagot. Nag-text na rin siya pero hindi ito nag-reply.

“Sa bahay na lang natin pag-usapan.”

“Ayoko,” protesta niya. “Paghihintayin mo pa ako, eh.” Pinitik nito ang noo niya pero mahina lang ‘yon. “Ano ba?” pag-iinarte niya.

“Confidential ‘yon. Huwag kang mapilit.”

Natahimik siya. Kung ganoon, mayroong hindi magandang nangyari sa kaibigan niya. Mabuti na lang at malapit ang school sa bahay nila kaya mabilis silang nakauwi. Puwede silang mag-jeep, mag-tricycle, o maglakad. Pinili nilang sumakay ng tricycle para hindi na sila maglakad papasok ng subdivision.

“Hello, Ninang Carmie,” masiglang bati niya sa mama ni Thad. Hinalikan niya ito sa pisngi. Naabutan nila itong nagwawalis sa bakuran pagpasok nila sa gate. “Dito po ako magme-merienda.”

“Sige ‘nak, kainin mo lahat ng gusto mong kainin.”

“Salamat, Ninang.”

Sunod na lumapit si Thad sa ina at nagmano ito. Dumungaw naman siya sa kabilang bakuran upang silipin ang kaniyang tiyahin. “Mama! Mama, Gina!” tawag niya rito nang hindi ito makita sa labas ng bahay. Agad naman itong lumabas nang marinig ang kaniyang tinig. “`Ma, rito muna ako.”

“Magpalit ka muna ng damit at mag-merienda.”

“Mamaya na po. Atat na atat na siyang malaman ang nangyari kay Sheena. “Dito na ako magme-merienda.”

Agad siyang tumakbo papasok sa bahay nila Thad bago pa makapag-react ang kaniyang tiyahin. Pagdating sa pintuan, hinubad niya ang sapatos at itinabi ‘yon sa shoe rock. Kinuha niya rin ang pambahay na tsinelas na nakalagay roon at isinuot. Ganoon siya ka-close sa pamilya ni Thad kaya pati tsinelas ay mayroon siya roon. Binili ‘yon ng ninang niya para sa kaniya.

Hindi niya namataan sa sala si Thad kaya dumeretso siya sa kusina. Hinila niya ang bangko at inilapag doon ang bag. Naghanap siya ng puwedeng kainin. Nakakita naman siya ng slice bread, peanut butter, at pineapple juice. Nilagyan niya ng palaman ang tinapay at nagtimpla na rin ng juice para sa kanilang dalawa ni Thad.

“Gutom na gutom ka.”

Nilingon niya ang lalaki sabay kagat sa tinapay. Nakabihis na ito ng pambahay na damit. Umupo ito sa katabi ng kaniyang inuupuan sabay dampot ng sandwich. “Ano bang sasabihin mo?” tanong niya nang malunok ang nginuyang tinapay.

Inubos muna nito ang sandwich at uminom ng juice bago siya sinagot. “Lilipat ng school si Sheena.”

“Ha? Bakit?”

“Family problem,” tipid nitong tugon.

Naghintay siya kung may karugtong pa ang sasabihin nito pero nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Iyon lang?”

“Iyon lang,” kumpirma nito.

“Ang akala ko naman alam mo ang lahat ng tungkol kay Sheena. Binitin mo pa ako kanina ‘yon pala kaunti lang ang sasabihin mo.”

“Iyon lang ang narinig ko.”

“Paano mo ba nalaman ang tungkol doon?” usisa niya.

“Tsismosa ka talaga.”

“Paano nga?” pangungulit niya.

Napailing ito at nagpakawala ng buntonghininga. “Noong Monday, inutusan ako ni Sir Lim na kunin ‘yong class record niya sa faculty room. Naabutan ko roon ang mama ni Sheena na kausap ang adviser namin na si Mrs. Caballero. Hindi sinasadyang narinig ko ang usapan nila,” paliwanag nito.

Kumusta na kaya si Sheena? Sana okay lang ang kaibigan niya. Masyado pa naman itong tahimik at kinikimkim lang ang nararamdaman kaya labis ang pag-aalala niya rito.

“Natahimik ka na riyan,” puna nito.

“Nag-aalala lang ako kay Sheena.” Sumimsim siya ng juice. “By the way, may gusto pa akong itanong sa ‘yo.”

“Ano ‘yon?”

“Bakit hindi mo ako pinapansin? Galit ka ba sa akin dahil kay Lester?” Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang kasagutan sa tanong na ‘yon.

“Hindi.”

“Kung hindi, bakit nga?”

Huminga ito nang malalim. Tila nauubusan na ito ng pasensya sa kaniya dahil naglabasan na ang mga linya sa noo nito. “Dahil alam kong magtatanong ka sa akin kapag napansin mong hindi na pumapasok si Sheena.”

“Iyon lang?” Hindi siya kontento sa sagot nito.

“Puwede bang patapusin mo muna akong magsalita?”

“Okay.” Alanganin siyang ngumiti. “Sorry.”

“Sinabi sa akin ni Mrs. Caballero na posibleng makabalik ka sa top section kapag natuloy ang paglipat ni Sheena sa ibang school. Nakiusap siyang ilihim ang tungkol doon hangga’t hindi pa nakakalipat si Sheena. Kapag palagi kitang kasama, baka masabi ko pa sa ‘yo ang tungkol doon dahil napakakulit mo.”

“Pero sinabi mo pa rin sa akin.”

“Dahil matutuloy na ang pag-transfer ng school ni Sheena.”

“Ibig sabihin, puwede akong makabalik sa top section?” excited niyang tanong pero agad din ‘yong napawi nang maalala niya ang kaibigan. “Pero aalis naman si Sheena.” Parang biglang bumigat ang pakiramdam niya.

“Hindi naman natin kontrolado ang mga mangyayari. Huwag mong masyadong dibdibin.”

“Hindi ko pa rin maiwasang malungkot para kay Sheena.” Nawalan ito ng kibo at pinagmasdan lamang siya. Nailang tuloy siya. “Anong tinitingin-tingin mo riyan?”

Bago pa ito makapag-react ay biglang nag-ring ang kaniyang cell phone. Kinuha niya ‘yon mula sa bulsa at sinagot ang tawag. “Sino ka?”

Hindi naka-register ang numero nito sa kaniyang phone. Pero nang magsalita ang caller ay nabosesan niya ito—si Lester. Napangiti siya. Tinatanong nito kung nakauwi na raw ba siya.

“Nandito ako sa bahay nila Thad,” sagot niya. “Bakit ka nga pala tumawag?”

“Gusto ko lang tiyakin na nakauwi ka nang maayos, Queen.”

“Ah…” Hindi niya alam kung anong itutugon dito. Hindi niya kasi ‘yon inaasahan. “Ano bang ire-

report ko?” sa halip ay tanong niya.

“Puwede bang pag-usapan na lang natin ‘yan sa ibang araw? Matagal pa naman bago tayo mag-report.”

“Pero kasi—” Inagaw ni Thad ang phone mula sa kaniya. “Uy, Thad! Akin na ‘yan!”

“Sabihin mo sa akin kung ano ang ire-report ni Elizabeth,” utos nito. “Gagawin na niya ang report bukas.”

Pilit niyang binawi ang cell phone mula rito pero magaling itong umilag kaya hindi niya ‘yon makuha-kuha. Narinig niya ang boses ni Lester mula sa kabilang linya pero hindi malinaw ang dating sa kaniya. Hanggang sa pinutol ni Thad ang tawag ay hindi man lang niya nabawi ang cell phone rito.

Kinalikot muna nito ang phone niya bago ‘yon ibinalik sa kaniya. Agad niyang tiningnan ang call history upang i-save ang number ni Lester pero sa kasamaang palad, binura nito ang numero ng lalaki. Tatalakan na sana niya si Thad pero mabilis itong naglaho sa kaniyang paningin.

“Thaddeus Franco, ang sama mo talaga!”

J.R. McKay

Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana i-add niyo ito sa library at i-vote na rin. Thank you! Puwede rin po kayong mag-comment.

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

    Huling Na-update : 2021-12-10
  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

    Huling Na-update : 2021-12-13
  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

    Huling Na-update : 2021-12-17
  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

    Huling Na-update : 2021-12-20
  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

    Huling Na-update : 2021-12-24
  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

    Huling Na-update : 2022-01-21
  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

    Huling Na-update : 2022-01-24
  • Crush Me Back   Prologue

    “Small circle, small circle, big circle,” pabulong na awit ng batang babae habang ginuguhit ang mga katagang binibigkas sa pinakalikod na bahagi ng kuwaderno.“Quiet!” saway ng katabi nitong batang lalaki na masungit. Palibhasa’y matalino ito kaya ayaw ng istorbo. “Magagalit sa ‘yo si Teacher kapag narinig ka niya.”Napatingin ang batang babae sa nakatalikod na guro na abala sa pagsusulat sa blackboard na green naman ang kulay. Tumahimik ito at napaisip. Hindi maintindihan ng bata kung bakit panay ang sulat ng guro sa pisara at pinapakopya sa mag-aaral ang mga isinulat imbes na magturo.“Small circle, small circle…” awit ng batang lalaki na medyo may katabaan. Bilog na bilog ang pisngi nito, maging ang braso at hita. “Big circle,” panggagaya nito sa batang babae.Napagitnaan ang batang babae sa upuan ng dalawang batang lal

    Huling Na-update : 2021-08-25

Pinakabagong kabanata

  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status