Home / YA/TEEN / Crush Me Back / Chapter 5 Slippers

Share

Chapter 5 Slippers

Author: J.R. McKay
last update Last Updated: 2021-12-10 11:11:11

Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.

“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.

“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.

“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”

“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”

Hawak niya ang cell phone habang naghihintay ng tawag o kahit text man lang galing kay Lester. Hindi na ulit ito tumawag simula nang makausap nito si Thad. At ang lokong Thad na ‘yon, na tanging pag-asa niya upang malaman ang kaniyang ire-report, ay maghapong wala sa bahay. Paggising niya ay nakaalis na ito. Malapit nang lumubog ang araw pero hindi pa ito dumarating. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi ito sumasagot.

Napakislot siya nang tumunog ang kaniyang phone. Dali-dali niyang binuksan sa pag-aakalang si Lester ang nag-text. Napamura siya nang mabasa ang mensahe na nanalo raw ang sim number niya ng Six Hundred Fifty Thousand Pesos. Ngali-ngali na niyang ihagis ang cell phone dahil sa sobrang inis.

“Cool ka lang, Elizabeth Marie,” kausap niya sa sarili. “Inhale.” Nag-ipon siya ng hangin sa d****b. “Exhale.” At ibinuga ‘yon. Tamang-tama naman na natanaw niya si Thad na naglalakad at may kasamang babae. Buwisit! Paano siyang magre-relax?

Ipinagbilin niya kay Brenda si Glenn at mabilis siyang lumipat sa kabilang bakuran. Natatanaw pa rin naman niya ang magkapatid kahit nasa kabilang bahay siya. Nakapamaywang na sinalubong niya si Thad at Trixie sa bukana ng gate.

“May kasalanan ka sa akin,” bungad niya pagpasok ng lalaki sa gate. Hindi niya pinansin ang kasama nito, kahit sulyap man lang. “Bakit mo binura ‘yong number ni Lester? Paano ko malalaman ‘yong report ko?”

Noon, wala siyang pakialam sa group reporting dahil madalas niyang nakakasama si Thad o si Sheena sa grupo. At kung hindi man, mababait naman ang mga classmate niya kaya chill lang siya. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kailangan niyang magsipag para hindi siya mapahiya sa mga bagong kaklase.

“Puwede bang mamaya na lang tayo mag-usap?”

“Ano?” Nalukot ang kaniyang mukha. “Maghapon kitang hinintay pagkatapos paghihintayin mo ulit ako?”

“May hihiramin lang akong libro kay Thad,” sabat ni Trixie. “Hindi naman ako magtatagal.”

“Wala akong pakialam kung ano ang gagawin mo rito at kung hanggang kailan ka mag-i-stay,” mataray niyang wika sa babae bago mabilis n aibinalik ang paningin kay Thaddeus. “Sasabihin mo ba sa akin kung anong topic ang ire-report ko o ibibigay mo ang number ni Lester sa akin?”

Malakas ang kutob niyang tinandaan nito o natandaan nito ang numero ni Lester dahil magaling itong magkabisa at pinakialaman nito ang phone niya bago ‘yon ibinalik sa kaniya. Pakiwari niya ay may kakaibang ginawa si Thad. Hindi niya lang matukoy kung ano ‘yon.

“Mamaya na.”

“Mamaya?” She smiled sweetly at him but the tone of her voice was sarcastic. “Sige, mamaya na lang.”

Sinilip niya ang mga pinsan sa kabilang bahay. Pumasok na ang mga ito sa loob kaya naman tumakbo siya papasok sa bahay nila Thad. Pinuntahan niya ang kaniyang ninang na nagluluto sa kusina. May sinabi siya sa ginang na ikinakunot ng noo nito. Lihim siyang napangiti. Wala siyang balak na magpatalo kay Thad.

Sabay silang nagtungo ng ginang sa living room. Naabutan nilang nakaupo sa sofa si Trixie pero wala roon si Thad. Tumayo agad ang babae nang makita sila.

“Magandang hapon po, Tita,” magalang nitong bati.

Tita? Makatawag naman ito ng ‘Tita’, akala nito close ito sa ninang niya. Ang kapal!

“Magandang gabi sa ‘yo,” kaswal na bati ni Carmie sa panauhin ng anak. Tamang-tama naman na bumaba si Thad mula sa taas ng bahay. May dala itong libro. “Thaddeus, kung hindi pa lulubog ang araw hindi mo rin maiisipang umuwi samantlang ang aga mo namang umalis kanina,” mahinahon ang tinig nito pero magkasalubong ang kilay.

“May ginawa po kasi kaming report, Mom.”

“Report?” Sinulyapan nito si Trixie bago muling hinarap ang anak. “Natapos mo ‘yong report ninyo pero hindi nasimulan ni Elizabeth ‘yong sa kaniya dahil sa ‘yo.”

Napatingin si Thad sa kaniya. Blangko ang ekspreyon ng mukha nito. Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Hindi siya natatakot dito kaya nga isinumbong niya ito sa mama nito. Gusto pa sana niyang sabihin pati ang ginawa sa kaniya ni Trixie pero nakapagtimpi pa siya. Si Thad ang kaaway niya ngayon kaya ito ang haharapin niya.

“Ako na po ang bahala sa report ni Elizabeth.”

“Hindi puwede,” mariing tutol niya. Hindi puwedeng habang-buhay siyang umasa rito. “Kaya ko naman ‘yong gawin.” Kailangan niyang tumayo sa sariling mga paa dahil sooner or later, magkakaroon na sila ng kaniya-kaniyang buhay.

Hindi siya pinansin ng lalaki. Ibinigay nito ang hawak na libro kay Trixie na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Lalo lang siyang nayamot at nadagdagan pa ‘yon nang mapansing suot ni Trixie ang pambahay niyang tsinelas.

Dere-deretso siyang pumsok kanina sa loob ng bahay at hindi siya nag-abala pang magsuot ng tsinelas. Mabilis pa namang mag-init ang ulo niya kapag may gumamit sa kaniyang gamit na hindi nagpapaalam sa kaniya. “Bakit suot mo ‘yang tsinelas ko?”

“Sa ‘yo pala ‘to?”

“Oo.”

Napatingin ito kay Thad at ganoon din ang ginawa niya. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isipan ng lalaki. May ekstrang tsinelas sa shoe rock para sa mga bisita kaya hindi niya maunawaan kung bakit tsinelas niya ang suot ni Trixie. Sinadya kaya ‘yon na ipagamit ni Thad sa babae para inisin siya?

“Hayaan mo na, anak. Ibibili na lang kita ng bago. Sumama ka sa amin ni Leina sa mall bukas.” Si Leina ay nakatatandang kapatid ni Thad.

“Huwag na po, Ninang.”

“Luma na rin naman ‘yang tsinelas mo kaya ibibili kita ng bago.”

“Talaga po?” Tumango ito. “Salamat, Ninang.” Niyakap niya ito nang mahigpit at pinupog ng h***k sa mukha. “Kaya love na love kita, eh!”

“Love na love rin kita,” nakangiting wika nito. “Ay, teka muna!” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya. “Baka masunog ‘yong niluluto kong ulam.”

“Oo nga!” Sabay nilang tinungo ang kusina. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa report at tsinelas.

HINATID ni Thad si Trixie palabas ng subdivision. Gumawa sila ng group report sa bahay ng isa nilang kaklase. Mabilis ‘yong natapos dahil madali lang naman ang na-assign na topic sa kanila. Isinama niya si Trixie sa kanila dahil nanghiram ito ng libro. Fan ito ng Harry Potter series pero hindi pa kompleto ang copy nito ng libro kaya nanghiram ito sa kaniya.

“Maaga ka palang umalis kanina.” Tinitigan niya lang ang babae. Tinatantiya niya kung may iba pa itong sasabihin. “Sorry. Na-curious lang ako kung saan ka pumunta. One o’clock kasi tayo nagkita-kita kina Carlos. Knowing you, hindi ka naman mahilig gumala.”

“May importante lang akong pinuntahan.”

May kinausap siyang tao tungkol sa posibilidad na pagbalik ni Elizabeth sa top section. Hindi niya kayang makitang nahihirapan ang kinakapatid kaya gumawa siya ng paraan para siguradong ito ang papalit kay Sheena. Nag-aalala siya sa babae dahil lapitin ito ng gulo. Baka mapahamak pa ito kapag nagtagal sa ibang section.

“Ah…” Natahimik ito. Tila may iniisip. “By the way, napansin kong super close pala ni Elizabeth sa mommy, ‘no?”

“Para na siyang anak ni mommy at para na rin kaming magkapatid.”

Tumango-tango ito kasabay nang pagngiti. “Curious lang ako. Hindi ba sumagi sa isip mo na magkagusto sa kaniya o baka magkagusto siya sa ‘yo?”

“Magkasabay kaming lumaki ni Elizabeth kaya halos lahat ng bagay ay nagawa na naming magkasama,” seryoso niyang wika habang nakatitig nang deretso sa mga mata nito. “Walang malisya ang relasyon namin sa isa’t isa.”

“Paano kung may malisya pala para kay Elizabeth?”

“What are you trying to say?”

“Baka ma-misinterpret ni Elizabeth ang ginawa mong kabutihan sa kaniya.”

“It’s none of your business,” malamig niyang turan. “Iyon ba ang dahilan kung bakit inis na inis ka sa kaniya?”

“Ha?” Base sa reaksyon nito, mukhang hindi nito inaasahan ang naging tanong niya. “Bakit napunta sa akin ‘yong topic?”

“Alam kong galit ka kay Elizabeth kahit wala naman siyang ginagawang masama sa ‘yo.”

“Thad…” Napalunok ito. “Mali ‘yang akala mo. Hayaan mo akong magpaliwanag.”

“Pero ‘yon ang nakikita ko na ipinapakita mo.” Huminto siya sa paglalakad nang makarating sila sa gate ng subdivision. “I’m trying to be nice to you. Pero sa oras na makita kong gawan mo ng masama si Eizabeth, ako ang makakalaban mo.”

“Ano bang pinagsasabi ng babae na ‘yon sa ‘yo? Siguro siniraan niya ako kaya nagagalit ka sa akin ngayon.”

“I saw what you did to Elizabeth last Monday.”

Sinadya niyang magpanggap na walang alam sa nangyari pero nakita niya ang lahat ng ginawa nito sa kaibigan. Simula sa pagpasok ni Elizabeth sa gate ng school hanggang sa pagpunta sa classroom. Nakamasid lang siya mula sa di-kalayuan. Nauna lang siyang bumalik sa classroom at kunwaring tumambay sa labas upang hindi siya mahalata.

“Naramdaman ko ring nagpapapansin ka sa akin,” prangka niyang wika.

“Thad!” Hinawakan nito ang kamay niya pero iwinaksi niya ‘yon. “Totoong may gusto ako sa ‘yo pero unfair naman na husgahan mo agad ako na hindi man lang naririnig ang side ko.”

“Because I knew Elizabeth better than anyone. Hindi siya basta-bastang pumapatol maliban na lang kung inunahan siya.”

Bakas sa mukha ni Trixie ang guilt. Hindi na ito umimik pa.

“Pakikitunguhan kita nang maayos basta tandaan mo lang ang sinabi ko sa ‘yo,” aniya bago ito tinalikuran.

Sinadya niyang makipaglapit dito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban. Tiniyak lang niya kung totoo ba ang kaniyang hinala na may gusto ito sa kaniya kaya nito pinag-iinitan ang kaniyang kaibigan. Hindi nga siya nagkamali.

Ginamit pa niya ang kawawang tsinelas ni Elizabeth para lang malaman ni Trixie kung gaano kahalaga sa pamilya niya si Elizabeth. Nagkataon naman kasing hindi ‘yon suot ng babae. Iyon nga lang, natitiyak niyang galit sa kaniya si Elizabeth.

Related chapters

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

    Last Updated : 2021-12-13
  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

    Last Updated : 2021-12-17
  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

    Last Updated : 2021-12-20
  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

    Last Updated : 2021-12-24
  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

    Last Updated : 2022-01-21
  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

    Last Updated : 2022-01-24
  • Crush Me Back   Prologue

    “Small circle, small circle, big circle,” pabulong na awit ng batang babae habang ginuguhit ang mga katagang binibigkas sa pinakalikod na bahagi ng kuwaderno.“Quiet!” saway ng katabi nitong batang lalaki na masungit. Palibhasa’y matalino ito kaya ayaw ng istorbo. “Magagalit sa ‘yo si Teacher kapag narinig ka niya.”Napatingin ang batang babae sa nakatalikod na guro na abala sa pagsusulat sa blackboard na green naman ang kulay. Tumahimik ito at napaisip. Hindi maintindihan ng bata kung bakit panay ang sulat ng guro sa pisara at pinapakopya sa mag-aaral ang mga isinulat imbes na magturo.“Small circle, small circle…” awit ng batang lalaki na medyo may katabaan. Bilog na bilog ang pisngi nito, maging ang braso at hita. “Big circle,” panggagaya nito sa batang babae.Napagitnaan ang batang babae sa upuan ng dalawang batang lal

    Last Updated : 2021-08-25
  • Crush Me Back   Chapter 1: Late

    “Elizabeth!” tawag ni Gina sa pamangkin kasabay nang mahinang pagkatok sa pinto. “Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka. Gusto mo bang umpisahan ang school year na ‘to sa pagiging late?”“Maliligo na po,” naghihikab niyang sagot.Nakahilata pa rin siya sa higaan at walang planong kumilos. Binalot niya ng kumot ang sarili at niyakap nang mahigpit ang malaking teddy bear na kasama niyang nakasukob sa kumot. Unti-unti siyang hinihila ng antok kaya hinayaan niyang bumagsak ang mga talukap.“Gising!”Marahas na yugyog sa kama ang pumutol sa napipintong pagtulog niya. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na gumawa no’n sa kaniya—si Thaddeus Franco. Pamangkin ito ng asawa ng tiyahin niyang si Gina, na kapitbahay nila. Magkababata sila at magkaibigan, pero madalas silang mag-away dahil pasaway siya.“Ano ba?&

    Last Updated : 2021-08-25

Latest chapter

  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

DMCA.com Protection Status