Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.
“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”
“Hindi ako ang may sabi no’n.”
“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”
“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”
“Una si Thad, pagkatapos si Lester, at ngayon si Bruce naman? Utang na loob Elizabeth, layuan mo sila. Malandi ka!” mahina niyang basa sa nakasulat sa isang sticky note. Malandi raw siya? “Sira ulo!” nanggigigil na nilamukos niya ang kapirasong papel.
“Mayroon pa.” Muli itong nag-abot ng papel.
“Ang sarap gupitin ng dry mong buhok, Elizabeth. Masyado na iyang mahaba kaya kailangan nang putulin,” basa niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. “What?” Hinaplos niya ang nakalugay na mahabang buhok at pagkatapos ay tinitigan ‘yong mabuti. “Hindi naman dry ang buhok ko, a! Tamad lang akong magsuklay,” pagtatanggol niya sa sarili sa kung sino mang pangit na nagsulat niyon.
Hindi siya takot sa pagbabanta nito. Mas naiinis siya sa pang-iinsulto nito sa kaniyang magandang buhok. Dry daw? Hindi man kasing kintab ng kaniyang buhok ang buhok ng commercial model ng shampoo sa TV, pero malambot iyon at hindi tuyot. Buwisit na taong ‘yon. Inggit lang yata sa buhok niya.
Sa sobrang inis, nilamukos niya ang lahat ng papel na hawak at hinagis lang ‘yon sa kung saan.
“Kapag pinutol nila ang buhok mo, gagawin kong wig ‘yong pinagputulan. Baka sakaling ako naman ang suwertehin at pagkaguluhan ng boys.”
“Tumigil ka nga!” Hinampas niya ang braso nito at gumanti naman ang binabae kaya pabiro silang naghampasan, sa tagpong ‘yon sila naabutan ni Thad. Tumikhim ito kaya sabay silang napalingon ni Carlo sa lalaki. “Th-Thad…”
Ano kayang ginagawa nito roon? Kanina pa kaya ito? Narinig kaya nito ang usapan nila ni Carlo?
“Pumunta ako rito dahil maingay sa loob ng classroom ‘yon pala ay mas maingay rito,” nakabusangot nitong wika.
May hawak itong libro na natitiyak niyang binabasa nito. Napakasipag talaga nitong mag-aral. Kahit one-fourth lang ng kasipagan nito ang mayroon siya ay tiyak na magiging honor student siya. “Mag-aaral ka ba? Aalis na lang kami ni Carlo para hindi ka maistorbo.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Thad. Agad-agad niyang hinila si Carlo pabalik sa kanilang classroom.
SINUNDAN ng tingin ni Thaddeus ang papalayong bulto ng dalawa. Hawak ni Elizabeth ang kamay ng lalaki na ipinagtaka niya. Natural ang pagiging madaldal ng babae pero hindi ito basta-bastang humahawak sa kamay ng iba lalo na sa lalaki—maliban na lang kung siya ‘yon. Masyado na yata itong nagiging close kay Carlo.
“Uy bata, huwag ka namang magkalat ng basura,” puna ng janitor na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya.
Siya lang naman ang tao roon kaya natitiyak niyang siya ang tinutukoy nito pero hindi naman siya nagkakalat ng basura. Tiningnan niya and direksyon kung saan nakatuon ang atensyon ng may edad na lalaki.
Crumpled paper—iyon ang nakita niyang nagkalat sa daanan. Si Elizabeth at Carlo lang naman ang nanggaling doon. Madalang na may dumaan o tumambay na estudyante roon. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na papel. Itatapon niya sana ‘yon nang bigla niyang maisipan na buklatin ang nilamukos na papel at basahin ang nakasulat doon.
Matapos basahin ang walang kuwentang nakasuklat sa papel ay pinunit-punit niya ‘yon saka itinapon sa basurahan. Nawalan na siya ng ganang magbasa ng libro. Babalik na lang siya sa classroom.
ILANG ARAW nang pumapasok nang maaga si Thaddeus. Sinusubukan naman niyang sabayan ang kapitbahay pero, sobrang aga lang talaga nito pumasok. Parang ito yata ang may hawak ng susi ng school nila. Kapag inuusisa niya ito tungkol doon, wala naman siyang matinong sagot na nakukuha rito. Kung hindi ‘ewan’ ang sagot sa kaniya, minsan ay kibit-balikat lang.
“Elizabeth Marie.”
Napaigtad siya nang may kung sinong bumulong sa punong-tainga niya. Mabilis siya pumihit paharap sa salarin. Nakaamba na ang kaniyang kanang kamao at handa nang sapakin ang lalaki subalit napigilan na siya nito.
“Amasona ka talaga!” angil ni Carlo. “I-save mo ang ‘yong energy para kapag nahuli natin ang mga bruhildang nagpapakalat ng fake news, may lakas ka pa para banatan sila.”
“Ikaw kasi, e!” Binawi niya ang kamay na hawak nito. Pati kasi ito ay nai-issue na sa kaniya. Wala yatang araw na hindi nakapaskil ang pangalan niya sa freedom wall. Dinaig pa niya ang isang celebrity. Actually, kinabog niya ang mga feeling campus queen at it girls sa school nila. “Bakit ka ba nanggugulat?”
“Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin,” anito sabay akbay sa kaniya. Agad naman niyang hinawi ang kamay nito na nakapatong sa kaniyang balikat pero binalik lang nito ang kamay doon. “Ayaw mo bang panindigan ang issue na nilalandi mo ako?”
“Shut up!” Pinaikot niya ang mga mata at hinayaan na lang ang pag-akbay nito sa kaniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at sumabay naman ito sa kaniya. “Para namang papatulan mo ang kagandahan ko.”
“Exactly! Hindi tayo talo dahil mas maganda ako sa ‘yo,” anas nito sa malanding tinig. “Masarap lang mang-inis sa mga inggitera at saka ang sarap sa feeling nang pinag-uusapan ka kahit hindi naman ‘yon totoo.”
“Hindi naman kasi puri mo ang nadudungisan.”
“Hayaan mo na. Alam naman natin ang totoo at saka pagbigyan mo na ako. Tiyak na matutuwa si Papa kapag nakarating sa kaniya ang balita na may dine-date akong babae.”
“Aha!” Tuluyan na siyang kumawala sa pagkaka-akbay nito sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad sabay harap dito na ikinahinto nito. Humalukipkp siya at tinitigan ito nang masama. “May ulterior motive ka pala. Akala ko pa naman ay kaibigan kita kaya ka kumakampi sa akin!”
“Kalma, girl!” Namaywang ito pero agad niyang ibinaba ang kamay nito na nakahawak sa baywang. “Shit! Nasa school pala tayo.” Tumindig ito nang tuwid at boses lalaki na ulit.
“Umayos ka nga, maliban na lang kung gusto mo nang magladlad!” Umiling-iling ito. “Bilisan na natin maglakad. Baka mag-bell na. Hindi pa natin nalalagay ‘tong mga bag natin sa classroom.”
Nauna na siyang naglakad at tahimik naman itong sumunod sa kaniya. Hindi na ito umakbay sa kaniya pero magkatabi sila habang naglalakd. Sa di-kalayuan, natanaw nilang may kausap si Thad na lalaki at sa gilid ni Thad, nakatayo naman si Bruce. Ano kaya ang ginagawa ng dalawang lalaki na ‘yon malapit sa freedom wall?
Bago pa sila tuluyang makalapit sa mga ito ay biglang bumulagta sa sahig ang kausap ni Thad dahil sinuntok ‘yon ni Bruce. Nanlalaki ang kaniyang mga mata kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi subalit hindi siya nakasigaw.
Paano naman niya ‘yon magagawa kung naunahan na siyang tumili ni Carlo? Tinapakan niya sa paa ang kaibigan upang patigilin ito sa pagtili. Mukhang na gets naman nito ang ibig niyang iparating kaya tumahimik ito pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Thad at Bruce ang hiyaw ni Carlo. Sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa gawi nila.
Mabuti na lang talaga at iilan pa lamang ang estudyante roon. Wala naman sigurong nakapansin sa pagtili ni Carlo kaya nagkunwari siya na siya ang tumili. Ginaya niya kung paano sumigaw ang kaibigan at patakbong pumunta sa kinaroroonan ng mga kaklase.
“What’s happening here?”
Napatingin siya sa nagsalitang labanos. Yes, labanos dahil nasobrahan sa puti ang babae. Hindi niya ito kilala at inagawan pa siya ng eksena. Dapat siya ang nagsabi no’n, e. Nilapitan na lang niya si Thad samantalang inawat ng labanos si Bruce. Girlfriend siguro ito ng lalaki.
“Thad, kaya ka ba pumasok nang maaga para makipag-away?” sita niya sa kababata.
“Ako ba ang nakipagsuntukan?” masungit nitong tanong. “Kinakausap ko lang nang maayos ‘yang walang hiyang lalaki na ‘yan.”
“Baby, nasaktan ka ba? Bakit mo siya sinuntok? Ipapatawag ka na naman niyan sa Guidance’s Office, eh.”
“Shut up, Ashly!” aburido nitong tugon kay labanos. “Puwede bang huwag mo na akong pakialaman? Matagal na tayong break.”
Bakit ang init ng ulo ng mga lalaki na ‘to? “Hoy, kinakausap lang namin kayo nang maayos kaya sumagot kayo nang maayos.” Nagkatinginan si Bruce at Thad bago sabay na binaling ang atensyon sa kaniya. “What?”
“Huwag ka nang makialam, Elizabeth,” seryosong turan ni Thad na ikinataas ng kaniyang kilay. Tinitigan niya ito nang masama at napansin niya ang pagkibot ng sulok ng labi nito. “Elizabeth Marie, makinig ka na lang sa akin.”
“Makinig ka na lang kay Thaddeus,” segunda ni Bruce. “Kakausapan lang namin ‘tong g*go na ‘to.” Nakatayo na ang lalaking bumulagta sa sahig at hawak-hawak na ni Bruce ang kuwelyo ng polo nito.
“Ganyan ba ang kakausapin lang?” Napangiwi siya. Nababasa niya sa mukha ni Bruce na gustong-gusto na nitong upakan ang lalaki. “At kailan pa kayo naging close ni Thad?” Sa pagkakatanda niya, hindi naman nagpapansinan ang dalawa sa loob ng classroom.
“Halika na.”
Bago pa siya makapag-react ay hila-hila na siya ni Carlo. “Ano ba? Bakit mo ba ako kinakaladkad? Naliliitan ka ba sa akin?”
“Hayaan na lang natin sila.”
“Anong hayaan? Baka mapaaway pa ‘yong dalawa, e. Ano ba kasing ginagawa nila roon?”
“Ang slow mo.” Sinundot nito ang sentido niya gamit ang hintuturo nito. “Ano sa tingin mo ang ginagawa nila sa freedom wall? Magsusulat sa sticky notes at ipapaskil doon?”
“Malay ko, pero puwede na rin ‘yong naisip mo.”
“Ay, t*nga!” Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Kung wala lang mga taong makakakita sa gagawin ko, kanina pa kita sinabunutan o baka kanina ko pa pinutol ‘yang buhok mo. Naiirita na ako sa haba niyang hair mo.”
“Ang daldal mo! Sabihin mo na lang kasi sa akin kung ano ‘yong naiisip mong dahilan kung bakit sila nandoon.”
“Bahala ka sa buhay mo! Gamitin mo ‘yang utak mo.”
“Hoy, grabe ka!” Babatukan niya sana ito pero agad itong nakailag at kumaripas ng takbo. “Buwisit!”
Bago sundan si Carlo, lumingon muna siya sa pinanggalingan nila. Nandoon pa rin si Thad, Bruce, at ‘yong lalaki. Wala na doon ‘yong labanos. Napabuntong-hininga siya. Wala talaga siyang maisip na dahilan kung bakit kakausapin ng dalawa ‘yong lalaki.
“Did you enjoy the show?”
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Ano na naman kayang klaseng pang-iinis ang gagawin nito sa kaniya?
Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy
“Small circle, small circle, big circle,” pabulong na awit ng batang babae habang ginuguhit ang mga katagang binibigkas sa pinakalikod na bahagi ng kuwaderno.“Quiet!” saway ng katabi nitong batang lalaki na masungit. Palibhasa’y matalino ito kaya ayaw ng istorbo. “Magagalit sa ‘yo si Teacher kapag narinig ka niya.”Napatingin ang batang babae sa nakatalikod na guro na abala sa pagsusulat sa blackboard na green naman ang kulay. Tumahimik ito at napaisip. Hindi maintindihan ng bata kung bakit panay ang sulat ng guro sa pisara at pinapakopya sa mag-aaral ang mga isinulat imbes na magturo.“Small circle, small circle…” awit ng batang lalaki na medyo may katabaan. Bilog na bilog ang pisngi nito, maging ang braso at hita. “Big circle,” panggagaya nito sa batang babae.Napagitnaan ang batang babae sa upuan ng dalawang batang lal
“Elizabeth!” tawag ni Gina sa pamangkin kasabay nang mahinang pagkatok sa pinto. “Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka. Gusto mo bang umpisahan ang school year na ‘to sa pagiging late?”“Maliligo na po,” naghihikab niyang sagot.Nakahilata pa rin siya sa higaan at walang planong kumilos. Binalot niya ng kumot ang sarili at niyakap nang mahigpit ang malaking teddy bear na kasama niyang nakasukob sa kumot. Unti-unti siyang hinihila ng antok kaya hinayaan niyang bumagsak ang mga talukap.“Gising!”Marahas na yugyog sa kama ang pumutol sa napipintong pagtulog niya. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na gumawa no’n sa kaniya—si Thaddeus Franco. Pamangkin ito ng asawa ng tiyahin niyang si Gina, na kapitbahay nila. Magkababata sila at magkaibigan, pero madalas silang mag-away dahil pasaway siya.“Ano ba?&
Natapos ang unang flag ceremony na hindi namamalayan ni Elizabeth dahil busy siya sa pag-iisip kung paano iinisin si Trixie. Dumagsa rin ang late comers, may namumukhaan siya pero ‘yong iba ay parang ngayon niya lang nakita. Naka-graduate na yata ang iba niyang kasamahan na palaging late o baka nagbagong buhay na ang mga ito.“Ano pang hinihintay n’yo? Mag-umpisa na kayo,” nakasimangot na utos ni Trixie. Nagpresinta itong bantayan ang late comers kaya umalis na ang ibang officers.Hindi maganda ang tingin nito sa kanila ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang nasa gilid ng stage dahil gusto ni Trixie na sila ang mamuno roon. Malaki yata ang galit nito sa kaniya at mukhang pinag-iinitan siya. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.“Hindi ako nagdarasal,” palusot ng lalaki. “Ikaw na ang bahala sa opening prayer,” anito.“Wala rin akon
“I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.“Tama ka riyan, Cara.”Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.“Wala ka bang mauupuan?”Napakislot siya nang
“Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala
Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo
Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel
Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy
Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”
Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit
“Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang
Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd
Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani
Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel
Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo
“Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala