Home / YA / TEEN / Crush Me Back / Chapter 2: Leader

Share

Chapter 2: Leader

Author: J.R. McKay
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Natapos ang unang flag ceremony na hindi namamalayan ni Elizabeth dahil busy siya sa pag-iisip kung paano iinisin si Trixie. Dumagsa rin ang late comers, may namumukhaan siya pero ‘yong iba ay parang ngayon niya lang nakita. Naka-graduate na yata ang iba niyang kasamahan na palaging late o baka nagbagong buhay na ang mga ito.

“Ano pang hinihintay n’yo? Mag-umpisa na kayo,” nakasimangot na utos ni Trixie. Nagpresinta itong bantayan ang late comers kaya umalis na ang ibang officers.

Hindi maganda ang tingin nito sa kanila ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang nasa gilid ng stage dahil gusto ni Trixie na sila ang mamuno roon. Malaki yata ang galit nito sa kaniya at mukhang pinag-iinitan siya. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.

“Hindi ako nagdarasal,” palusot ng lalaki. “Ikaw na ang bahala sa opening prayer,” anito.

“Wala rin akong alam diyan,” pagsisinuwaling niya. Patawarin nawa siya ni Lord. Hindi niya lang talaga gustong pagbigyan ang pagiging bossy ni Trixie. “Bakit hindi na lang natin sa kanila ipagawa?” bulong niya rito. Inginuso niya ang mga estudyante na nakapila sa ilalim ng sikat ng araw.

“Paano?”

“Ako na ang bahala,” nakangisi niyang tugon. Naglakad siya patungo sa gitna ng stage. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng mga ito. “Late comers, handa na ba kayo?” tanong niya sa mababang boses pero sinigurado niyang maririnig siya ng lahat. Hindi siya puwedeng sumigaw o gumamit ng microphone dahil maririnig siya ng teachers.

Nagtatakang tingin ang ipinukol ng mga ito sa kaniya samantalang napangisi naman ang ibang nakakakilala sa kaniya. Tiyak na may ideya na ang mga ito na may kalokohan siyang gagawin. Narinig pa niyang sumigaw si Trixie ng, “Elizabeth, ano ang balak mong gawin?” Siyempre, hindi niya ito pinansin.

“Sinong nagsisimba tuwing Linggo?” May pitong estudyanteng nagtaas ng kamay. “Very good!” Pumalakpak siya. “May plus points kayo sa langit. Ikaw,” itinuro niya ‘yong may pinakamaamong mukha sa lahat nang nagtaas ng kamay, “samahan mo ako sa stage.” Bakas sa mukha ng babae ang pagtataka pero sumunod naman ito.

“Sino sa inyo ang may golden voice?” May dalawang nagtaas ng kamay. “Marunong kang kumumpas?” tanong niya sa mas maganda. Tumango ito. “Halika ka rito sa stage.”

“Sinong magaling mangako o manumpa? Iyong tipong gagawin ang lahat para sa crush?” Nagtawanan ang mga estudayante pero napansin niyang walang nagtaas ng kamay. Mukhang may kutob na ang mga ito kung anong binabalak niyang gawin.

“Well, dahil walang umaamin sa inyo, ako na mismo ang pipili.” Tinuro niya ang dalawang lalaki na pinakamalakas tumawa. Madalas niyang makasabay ang dalawang kumag na ‘yon sa flag ceremony tuwing nale-late siya. “Kayong dalawa ang magre-recite ng Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.” Umungol ang mga ito pero hindi naman nagreklamo.

“Sinong gustong mag-Zumba?” Nag-iwas ng tingin ang lahat. Walang may gustong mag-exercise. “O, ‘yong mga chubby riyan na katulad ko, huwag na kayong humiyak. Kitang-kita ko kayo. Huwag n’yong itago ‘yang bilbil n’yo, ipangalandakan n’yo ‘yan.”

Nagtawanan na naman ang lahat. Pumili siya ng apat na estudyante na malusog ang pangangatawan upang mag-lead ng exercise.

“O, kompleto na!” Nag-round of applause siya. “Humayo kayo at magparami!” Naghalakhakan ang mga ito. “Char lang!” Nag-peace sign siya. “Let’s start the ceremony. Mainit na, eh!”

“Hoy, Elizabeth, ano bang ginagawa mo? Nagsasayang ka lang ng oras,” sita ni Trixie. Lumapit pa talaga ito sa kaniya.

“Ginawa ko lang ang dapat na ginagawa ng isang leader,” pang-iinis niya rito.

“Leader?” nang-uuyam ang tinig nito at pinagtaasan pa siya ng kilay. “Ang sinabi ko, ikaw ang mag-lead sa flag ceremony. Hindi ko sinabing mag-lead ka sa kalokohan.”

“Leader nga ang tawag do’n,” giit niya. “At ang leader, nag-a-assign ng tasks. Ibig sabihin, ako ang magbibigay ng utos. Ako ang masusunod,” pagdidiin niya. “Ngayon, kung hindi ka pabor sa ginawa ko, ikaw na ang mag-lead sa kanila. Ako naman, pupunta na sa classroom.”

Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Ibang klase ka talaga!”

“Iba talaga!” proud niyang sangayon dito at saka ibinalik ang tingin sa mga estudyante. “Ladies and gentlemen, mayroon ba kayong reklamo sa ginawa ko?”

“Wala!” sabay-sabay natugon ng mga ito. Umiling pa ang iba.

“Let’s start,” maarteng sabi ng babaeng mukhang may rainbow ang ulo. Makulay kasi ang hairband nito kaya niya nasabi ‘yon. “It’s so hot na!” maktol nito.

“Oo nga,” segunda ng lalaking malaki ang katawan. “Nixie, pabayaan mo na kami.” Mali pa ito sa pagbanggit ng pangalan ni Trixie kaya nagtawanan ang lahat.

“See?” She raised her eyebrow. “Ikaw ang nagpapatagal dito. Kung kontra ka pa rin sa ginawa ko, aba, dapat na isumbong na kita sa principal.”

Trixie kept her mouth shut but gave Elizabeth a sharp glare.

“Bakit ang tagal ninyong magsimula? Malapit nang mag-start ang first class,” sita ni Rico, ang SSG President ng TOP Academy.

“Mag-uumpisa na kami,” sabad ni Bruce.

Aba, buhay pa pala ito? Ang akala niya ay nabaon na ito sa hukay. Hindi niya kasi narinig ang boses nito at wala man lang itong karea-reaksyon.

“Bilisan n’yo.”

Tumalima ang mga naatasan niyang mamuno sa flag ceremony. Mabilis lang ‘yong natapos pero wala ng oras para mamulot pa sila ng kalat kaya pinapasok na sila ni Rico sa kani-kanilang classroom.

“Masaya ka ba dahil nanalo ka?” may halong gigil sa tinig ni Trixie. “Sinadya mo akong ipahiya, ‘no?”

Magkasabay silang naglakad patungo sa kani-kanilang classroom.

“Mayroon bang competition? Hindi ako na-inform,” pang-aasar niya rito. Ang pikon, talo. “Sa pagkakatanda ko, ikaw ang nagpahiya sa sarili mo.” Inumpisahan siya nito kaya tinapos niya lang.

Hinablot ni Trixie ang kaniyang braso kaya napalingon siya rito at napilitang huminto sa paglalakad. “Bitiwan mo nga ako!”

“Mag-sorry ka sa akin!”

“What?” bulalas niya sabay tawa nang pagak. “Ano ka sinusuwerte?” Wala naman siyang kasalanan dito kaya bakit siya hihingi ng tawad?

“Pinahiya mo ako—” Natigilan ito sa pagsasalita nang may bumangga rito. Si Bruce. “Ano ba?”

“Oops… Sorry?” Parang hindi ito sigurado sa paghingi ng paumanhin o baka nang-aasar lang ito? “Nakaharang ka kasi sa gitna ng daan.”

Binitiwan ni Trixie ang kaniyang kamay at hinirap ang lalaki. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na umiwas sa gulo. Mabilis siyang naglakad palayo sa mga ito. Bahala na si Bruce sa malditang Trixie na ‘yon.

Hindi pa siya nakakarating sa classroom ay natanaw na niya si Thad. Nasa labas ito ng classroom, nakapangalumbaba sa railings at malayo ang tingin. Hindi nito namalayan ang paglapit niya kaya kinalabit niya ito. Agad naman itong lumingon sa kaniya na salubong ang mga kilay.

“Iniwan mo ako!” sumbat niya.

“Ayokong ma-late,” tipid nitong sagot na obvious namang dahilan kung bakit siya nito iniwan kaya lalo siyang nainis dito.

Sana nilambing na lang siya nito para mawala ang inis niya. “Diyan ka na nga!”

“Sandali!” Pigil nito sa kaniya at nagpapigil naman siya. Marupok. “Basa pa ‘yang buhok mo pero pinusod mo na.” Tinanggal nito ang tali sa kaniyang buhok bago pa siya makapag-react. “Mayroon ka bang suklay?”

“Ewan.” Hindi siya sigurado kung may suklay ba sa loob ng kaniyang bag. “Bakit, susuklayan mo ako?”

“Hindi.”

Sinabi niya nga, hindi. Aasa pa ba siya rito? “Sige, papasok na ako sa classroom namin.”

“Umaayos ka roon,” seryoso nitong turan. Dinutdot pa nito ang kaniyang noo. “Hindi ko na mababantayan ang bawat kilos mo kaya magpakabait ka.”

“Yes, Sir!” Sumaludo pa siya rito para iparating na naiintindihan niya ito. “Para namang ang layo ko sa ‘yo.” Magkatabi lang naman ang classroom nila.

“Kahit na.”

“Oo na. Oo na,” napipilitan niyang saad. “Papasok na ako.”

“Teka!”

Pumalatak siya. “Ano na naman ba ‘yon? Sabihin mo na nga lahat nang gusto mong sabihin.”

“Magsuklay ka.”

Iyon na ‘yon? “Ibalik mo sa akin ‘yong tali ko.” Hawak pa rin nito ang panali niya sa buhok.

“Mamayang recess ko na ibibigay sa ‘yo para sigurado akong magsusuklay ka at hindi mo tatalian ‘yang basang buhok mo.”

“Fine! Fine!” Napapadyak siya. Sigurista talaga ito. “Wala ka na bang ibang sasabihin?”

“Mayroon pa.” May dinukot ito mula sa bulsa ng pantalon at ibinigay ‘yon sa kaniya. “Kainin mo ‘yan bago mag-start ang klase.”

Biscuit ‘yon. Alam siguro nito na hindi siya nag-agahan. Awtomatakong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Magpapasalamat na sana siya rito pero mabilis itong naglaho sa paningin niya. Pumasok na ito sa silid-aralan.

Balak niya itong sundan pero pinigilan niya ang sarili. Naalala niyang hindi na pala sila magkaklase. Maiinggit at malulungkot lang siya kapag nakita niyang magkakasama ang lahat ng classmate niya noon.

Napagpasyahan niyang pumasok na sa classroom pero naudlot ‘yon nang makita niya si Bruce. Dinaanan lang siya nito at dere-deretsong pumasok sa classroom nila Thad. Napatda siya at ilang segundo bago nag-sink in sa kaniyang utak ang lahat.

Si Bruce ang dahilan kung bakit naligwak siya sa top section. Ito ang dahilan kung bakit magkakahiwalay sila ni Thad at ng iba pa niyang kaibigan.

Bakit hindi niya agad ito nakilala? Ganoon ba talaga kahina ang utak niya pagdating sa pagtanda ng mga pangalan at pagkilala ng mga tao? O sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa paligid niya? 

Related chapters

  • Crush Me Back   Chapter 3: New Friends

    “I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.“Tama ka riyan, Cara.”Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.“Wala ka bang mauupuan?”Napakislot siya nang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

DMCA.com Protection Status