Home / YA/TEEN / Crush Me Back / Chapter 8: Same Feather

Share

Chapter 8: Same Feather

Author: J.R. McKay
last update Huling Na-update: 2021-12-24 11:11:53

Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.

“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”

“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”

“Nakakangalay sa panga.”

“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.

“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.

“Ang sungit mo,” ganting pahayag niya.

Nilakihan niya ang bawat hakbang at dinoble niya ang bilis ng paglakad. Ang ganda-ganda ng mood niya kanina pero sinira lang nito. Dahil sa pagmamadali, natapilok siya at muntik nang masubsob sa daan. Mabuti na lang at may nakasalo sa kaniya.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin upang alamin kung sino ang nagmamay-ari ng matitipunong mga bisig na sumalo sa kaniya. Hindi niya malaman kung matutuwa o lalong masisira ang araw nang malamag kung sino ‘yon.

“Bruce Lee.” Bahagya niya itong itinulak palayo sa kaniya ta saka umayos ng tayo. “Ang aga mo yata,” puna niya na parang close sila.

“Maaga ka rin naman, a,” ganiting puna nito. “Ilang beses ko bang uulitin na Sarmiento ang apelyido ko?”

“Oo na, Bruce Willis,” pang-iinis niya. Paboritong panoorin ng Tito Benjie niya ang mga pelikula ni Bruce Lee at Bruce Willis kaya pamilyar siya sa mga action star na ‘yon. Hindi naman pang-action star ang hilatsa ng mukha ni Bruce, pero malakas ang dating nito. “O siya, mauna na ako sa ‘yo,” aniya nang makitang nilagpasan sila ni Thaddeus.

“Thad!” tawag niya sa lalaki habang hinahabol ito. Nakalimutan niyang itanong dito kung may assignment ba sila, quiz, o activity sa araw na ‘yon. Sobrang excited siyang makabalik sa top section kaya nawaglit ‘yon sa isip niya. “Thad,” kumuyapit siya sa braso nito, “may ipapasa ba tayo ngayon o gagawin na hindi ko alam?”

“Dumaan ang weekends pero ngayon mo lang naisipang magtanong,” masungit nitong tugon.

“Kasi…” Napakamot siya sa ulo. Ano bang ikakatuwiran niya rito kung tama naman ito? “Sabihin mo na lang sa akin kung mayroon o wala,” malamyos niyang wika kasabay nang pagpungay ng mga mata. Sana umubra ang pagpapa-cute niya rito. “Sige na.”

“Bahala ka sa buhay mo.”

“Thad naman!” ungot niya. Gusto yata nitong matadtad niya, eh. Kinulit niya ito hanggang sa makarating sila sa tapat ng kanilang classroom pero hindi talaga ito nagsalita. “Thaddeus Fra—”

“Queen.”

“Uy, Lester.” Nauna nang pumasok sa silid-aralan si Thad at nagpaiwan naman siya sa labas. “Simula sa raw na ‘to, tiyak na tahimik na ang buhay mo,” biro niya.

“Malungkot ‘ka mo.”

“Ows? Hindi nga?” Kinagat niya ang ibabang labi. Nagpipigil siya ng kilig dahil baka binobola lang siya nito. “Siya nga pala, salamat ulit. Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi ako makakabalik sa top section.”

“Wala ‘yon,” nakangiti nitong turan. “By the way, I have something for you.” May dinukot ito mula sa bulsa ng pantalon. “Here.”

Clip ‘yon sa buhok namay design na malaking pulang laso. “Sure ka na para sa akin ‘yan?”

“Yes.” Ito na mismo ang nag-ipit niyon sa tuktok ng buhok niya na nakapusod. “Puwede mo ‘yang gamitin kahit na nakatali o nakalugay ang buhok mo. Bagay na bagay sa ‘yo.”

“Thank you,” kimi niyang tugon.

“Elizabeth, may assignment tayo,” mahinang wika ni Thad pero dinig na dinig niya ‘yon. “Gusto mo bang palabasin ka ni Ma’am Cabellero sa klase niya?”

Nalukot ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Kung kailan may kausap siya, saka naman nito sinabi ang tungkol sa assignment nila. Pambihira! Panira talaga ito ng mood.

Nagpaaalam siya kay Lester at saka nilapitan si Thad. Naupo siya sa tabi nito. Tahimik na kinopya niya ang assignment nito kahit hindi niya ‘yon maintindihan. Natatakot siyang magtanong dito dahil baka magbago ang isip nito at hindi siya pakopyahin. Mamaya na lang siya mangungulit kapag tapos na siya sa ginagawa.

Tamang-tama na tumunog ang bell nang matapos niyang kopyahin ang assignment nito sa Mathematics. Pinakaayaw niyang subject ‘yon. At ang isa pa niyang inaayawan ay ang flag ceremony dahil tamad na tamad siyang mag-exercise sa umaga. Bakit kasi kailangan pang mag-exercise?

Nauna nang lumabas ng classroom si Thad. Bago siya sumunod sa lalaki, napansin niyang nakayukyok sa ibabaw ng desk si Bruce. Humihilik pa ito. Napangisi siya. Umadar ang kaniyang kapilyahan. Hinawakan niya ang dulo ng kaniyang buhok at bahagyang yumuko upang maabot niya ang tainga ng lalaki.

Kiniliti niya ito gamit ang kaniyang buhok. Kumaripas siya ng takbo nang gumalaw ito.

MASAYANG sinalubong si Elizabeth ng kaniyang mga kaklase pagkatapos ng flag ceremony. Akala pa naman niya ay hindi natutuwa ang mga ito sa kaniyang pagbabalik dahil walang pumapansin sa kaniya kanina. Nagdiwang ang lahat maliban kay Trixie. Alam niyang napipilitan lang ito na makisabay sa pagbati ng mga classmate nila. Wala naman siyang paki.

Natahimik ang buong klase nila nang pumasok si Mrs. Caballero, and adviser nila at Mathematics teacher. Sa tingin niya ay istrikta ito pagdating sa klase base sa reaksyon ng mga classmate niya. Wala nang nagtangkang kumibo nang tumapak ang paa nito sa silid-aralan.

“Pass your assignment,” seryoso nitong wika. Binilang nito ang nakolektang papel at inisa-isa ang pangalan ng nagpasa ng takdang-aralin. Nagsalubong ang kilay nito nang mapagtantong kulang ‘yon ng isa. “Bruce, where’s your assignment?”

“Nakalimutan ko pong gawin,” sagot nito na hindi man lang mahihimigan ng takot. Iyon ang dahilal kung bakit lalong lumala ang pagkalukot ng mukha ng ginang.

“Get out of this room!”

Walang imik na sinunod nito ang sinabi ng babae na ikinamangha ni Elizabeth. “Uy, mukhang may tatalo na sa pagiging pasaway ko, a,” bulong niya kay Thad. “Mukhang masaya ‘to.”

“Tuwang-tuwa ka pa talaga.”

“At killjoy ka naman!”

“Elizabeth Marie!” Napatuwid siya ng upo nang banggitin ng ginang ang pangalan niya. Napalakas yata ang boses niya kaya narinig siya nito. “Yes, Ma’am?” (Nananawagan ako sa lahat ng mga santo na huwag akong pasagutin ni Mrs. Caballero sa pisara.)

“You’re so loud! Bawal ang maingay sa klase ko. Baka gusto mong sumunod kay Bruce sa labas?”

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi tungkol sa assignment and concern nito sa kaniya. (Thank you po, Lord! Simula ngayon, susubukan kang tandaan lahat ng santo sa buong mundo. Promise!)

“Nandito na naman ang pinakamaingat at pinakamagulo sa klase,” komento ni Trixie na hindi nakalagpas kanying pandinig.

“No, Ma’am,” tugon niya sa guro subalit sa likod ni Trixie siya nakatingin. Nasa bandang harapan niya ito nakaupo, sa tapat ng upaan ni Thad na katabi niya. “I’m sorry.”

Bored na bored siya sa klase. Pakiwari niya’y kay tagal tumakbo ng kamay ng orasan. Hindi naman niya makausap si Thad dahil seryoso itong nakikinig sa kanilang teacher. Masyado namang tahimik ang katabi niya sa kabilang side na si Luna kaya naiilang siyang daldalin ito.

Sa likod na pahina ng kaniyang kuwaderno, nag-drawing siya ng babaeng nakasuot ng gown. Imbes na mapangiti sa kaniyang obra ay napasimangot siya. Walang kakorte-korte ang katawan ng babae, parang siya.

“Ang pangit!” Siniko siya ni Thad kaya napalingon siya rito. “Ano ba?” inginuso nito ang direksyon ng blackboard pero hindi niya ito pinansin. Ibinalik niya ang tingin sa notebook at inumpisahang burahin ang parte na hindi niya nagustuhan.

“Elizebeth, stop what you’re doing!” saway ni Thad sa mahinag tinig.

“Huwag mo akong pakialaman. Mag-concentrate ka na lang sa pakikinig ng lesson. Magpapaturo na lang ako sa ‘yo mamaya.”

“Eli—”

“Elizabeth Marie Lopez, ano ang pinagkakaabalahan mo? Mas importante ba ‘yan kaysa sa itinuturo ko?”

Namilog ang kaniyang mga mata. Base sa lakas ng boses nito at pagtayo ng balahibo sa kaniyang katawan, natitiyak niyang malapit lang ang nagsasalita. Napangiwi siya.

“Maam…” Nag-angat siya ng tingin at hinagilap ng kaniyang mga mata ang babae. Nakatayo ito sa aisle, sa dulo ng row ng upuan nila. Nakatikwas ang kilay ng ginang, tiyak na nasilayan na nito ang kaniyang obra maestra. “Sorry po,” labas sa ilong niyang saad.

“Bumubula na ang bibig ko sa kaka-explain ng lesson pero nagdo-drawing ka lang!”

“Sorry,” ulit niya. Ewan niya kung narinig nito dahil parang siya lang ang nakarinig no’n.

“Get out! Now!”

(Okay, fine! Whatever! Hindi na bale, may kasama naman akong tumambay sa labas.)

Lumabas siya na walang halong pag-aalinlangan. Tinabihan niya si Bruce na nakatanghod sa bintana mula sa labas ng kanilang classroom. Hindi niya alam kung nagbubunyi ba ito sa naging kapalaran niya. “ANo ang tinitingin-tingin mo?”

“Naiinggit ka ba sa kalayaan ko sa labas kaya naisipan mong magpasaway o baka gusto mo lang akong samahan dito?”

“Uy, ang kapal ng mukha mo!” Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng d****b. “None of the above ang sagot ko. Nakakantok doon sa loob. Mas masayang tumayo rito sa labas,” nakangisi niyang turan.

Ngumisi rin ito. “Ang boring ng subject ‘no?”

“Sinabi mo pa,” segunda niya. Naghikab siya at nag-unat ng katawan. “Kung alam ko lang na mapapalabas ako sa classroom, sana hindi ko na lang kinopya ang assignment ni Thad.”

“Nagsisi ka pa.”

“Medyo.” Lumayo siya sa binta at naglakad patungo sa railings. Sumadal siya roon kaya kitang-kita niya ang mga nagaganap sa silid-aralan. Kaniya-kaniya ng hikab ang mga estudyante, para ‘yong domino effect nakapag nagsimula ang isa, susunod ang iba. Mabuti na lang talaga at napalabas siya. “Mabuti ka pa’t nakatulog kanina,” aniya.

Nagtataka nga siya kung bakit hindi ito gumawa ng assignment samantalang ang haba-haba pa ng oras nito. Ginusto pa nitong matulog.

“Salamat nga pala sa paggising mo sa akin, sobrang na-appreciate ko ‘yon,” sarkastiko nitong wika.

“Tse! Pasalamat ka nga at ginising kita. Dapat pala hinayaan na lang kitang mahuli ng mga officer na natutulog habng nagpa-flag ceremony. Ungrateful!”

“Pero sinira mo ang tulog ko!”

“Eh di, matulog ka ngayon!”

“Sarmiento, Lopez!” Umalingawngaw ang tinig nito sa silid at nakarating pa ‘yon sa labas. 

Automatikong napahawak siya sa kaniyang tainga nang sumigaw si Mrs. Caballero. Kinakabahang tumingin siya kay Bruce. Anak ng teteng! Chill lang ang damuho. Naglakad ang ginang patungo sa kinaroroonan nilang dalawa pero wala pa ring reaksyon ang lalaki.

“Gusto n’yo bang ipatawag ko ang mga magulang ninyo? Kahit nasa labas na kayong dalawa ay nakakaabala pa rin kayo.”

Wala naman siyang magulang. Ipatawag nito kung gusto nito. 

“Sige po,” tugon ni Bruce na ikinagulat niya. “Wala naman silang oras para sa akin.”

Ang pagkagulat niya ay napalitan ng awa. Naiintindihan na niya kung bakit parang wala itong pakialam. Gets niya ang nararamdaman nito. Mukhang magkakasundo silang dalawa.

J.R. McKay

Merry Christmas! Salamat po sa pagbabasa. Please vote, comment, and add this story to your library. Thank you!

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

    Huling Na-update : 2022-01-21
  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

    Huling Na-update : 2022-01-24
  • Crush Me Back   Prologue

    “Small circle, small circle, big circle,” pabulong na awit ng batang babae habang ginuguhit ang mga katagang binibigkas sa pinakalikod na bahagi ng kuwaderno.“Quiet!” saway ng katabi nitong batang lalaki na masungit. Palibhasa’y matalino ito kaya ayaw ng istorbo. “Magagalit sa ‘yo si Teacher kapag narinig ka niya.”Napatingin ang batang babae sa nakatalikod na guro na abala sa pagsusulat sa blackboard na green naman ang kulay. Tumahimik ito at napaisip. Hindi maintindihan ng bata kung bakit panay ang sulat ng guro sa pisara at pinapakopya sa mag-aaral ang mga isinulat imbes na magturo.“Small circle, small circle…” awit ng batang lalaki na medyo may katabaan. Bilog na bilog ang pisngi nito, maging ang braso at hita. “Big circle,” panggagaya nito sa batang babae.Napagitnaan ang batang babae sa upuan ng dalawang batang lal

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Crush Me Back   Chapter 1: Late

    “Elizabeth!” tawag ni Gina sa pamangkin kasabay nang mahinang pagkatok sa pinto. “Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka. Gusto mo bang umpisahan ang school year na ‘to sa pagiging late?”“Maliligo na po,” naghihikab niyang sagot.Nakahilata pa rin siya sa higaan at walang planong kumilos. Binalot niya ng kumot ang sarili at niyakap nang mahigpit ang malaking teddy bear na kasama niyang nakasukob sa kumot. Unti-unti siyang hinihila ng antok kaya hinayaan niyang bumagsak ang mga talukap.“Gising!”Marahas na yugyog sa kama ang pumutol sa napipintong pagtulog niya. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na gumawa no’n sa kaniya—si Thaddeus Franco. Pamangkin ito ng asawa ng tiyahin niyang si Gina, na kapitbahay nila. Magkababata sila at magkaibigan, pero madalas silang mag-away dahil pasaway siya.“Ano ba?&

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Crush Me Back   Chapter 2: Leader

    Natapos ang unang flag ceremony na hindi namamalayan ni Elizabeth dahil busy siya sa pag-iisip kung paano iinisin si Trixie. Dumagsa rin ang late comers, may namumukhaan siya pero ‘yong iba ay parang ngayon niya lang nakita. Naka-graduate na yata ang iba niyang kasamahan na palaging late o baka nagbagong buhay na ang mga ito.“Ano pang hinihintay n’yo? Mag-umpisa na kayo,” nakasimangot na utos ni Trixie. Nagpresinta itong bantayan ang late comers kaya umalis na ang ibang officers.Hindi maganda ang tingin nito sa kanila ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang nasa gilid ng stage dahil gusto ni Trixie na sila ang mamuno roon. Malaki yata ang galit nito sa kaniya at mukhang pinag-iinitan siya. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.“Hindi ako nagdarasal,” palusot ng lalaki. “Ikaw na ang bahala sa opening prayer,” anito.“Wala rin akon

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Crush Me Back   Chapter 3: New Friends

    “I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.“Tama ka riyan, Cara.”Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.“Wala ka bang mauupuan?”Napakislot siya nang

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

    Huling Na-update : 2021-12-06

Pinakabagong kabanata

  • Crush Me Back   CHAPTER 9.2: Sticky Note

    Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy

  • Crush Me Back   Chapter 9.1: Sticky Note

    Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”

  • Crush Me Back   Chapter 8: Same Feather

    Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit

  • Crush Me Back   Chapter 7.2: Disappointed

    “Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang

  • Crush Me Back   Chapter 7.1: Disappointed

    Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd

  • Crush Me Back   Chapter 6 Farewell

    Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani

  • Crush Me Back   Chapter 5 Slippers

    Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel

  • Crush Me Back   Chapter 4.2: Annoyed

    Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo

  • Crush Me Back   Chapter 4.1: Annoyed

    “Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status