“Elizabeth!” tawag ni Gina sa pamangkin kasabay nang mahinang pagkatok sa pinto. “Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka. Gusto mo bang umpisahan ang school year na ‘to sa pagiging late?”
“Maliligo na po,” naghihikab niyang sagot.
Nakahilata pa rin siya sa higaan at walang planong kumilos. Binalot niya ng kumot ang sarili at niyakap nang mahigpit ang malaking teddy bear na kasama niyang nakasukob sa kumot. Unti-unti siyang hinihila ng antok kaya hinayaan niyang bumagsak ang mga talukap.
“Gising!”
Marahas na yugyog sa kama ang pumutol sa napipintong pagtulog niya. Isang tao lang naman ang may lakas ng loob na gumawa no’n sa kaniya—si Thaddeus Franco. Pamangkin ito ng asawa ng tiyahin niyang si Gina, na kapitbahay nila. Magkababata sila at magkaibigan, pero madalas silang mag-away dahil pasaway siya.
“Ano ba?” sikmat niya sabay tanggal ng kumot sa mukha. “Istorbo ka!”
“Kikilos ka ba o kakaladkarin kita patungo sa banyo?” may himig na babala sa tinig nito.
Imbes na masindak sa lalaki ay pinagmasdan niya lamang ang mukha nito. Nag-isang linya ang makapal nitong kilay at matalim na titig ang ipinukol nito sa kaniya na binalewala niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit aliw na aliw siyang titigan ang iritado nitong mukha.
“Nakikinig ka ba?” untag nito.
Basa pa ang buhok ng lalaki at parang dinaanan ng bagyo, halatang katatapos lang nitong maligo. Nakasuot lang ito ng sando at shorts. Umaalingasaw sa kaniyang kuwarto ang amoy ng body wash na gamit nito. Gusto niya itong lapitan at singhot-singhutin.
“Elizabeth Marie!” mahina ngunit mariing bigkas nito sa kaniyang pangalan. “Huwag mong sagarin ang pasensiya ko!”
Bumangon siya at umupo sa ibabaw ng kama. Hinawakan niya ang kamay nito at saka tumingala. “Sabay na tayong mag-breakfast,” paglalambing niya rito. “Please?” Pinapungay niya ang mga mata.
“Hindi!” masungit nitong tugon. Iwinaksi nito ang kaniyang kamay at ito na mismo ang humawak sa kaniya. “Maligo ka na.”
Kinaladkad siya nito patungo sa banyo na nasa loob ng kaniyang kuwarto. Ito na mismo ang nagbukas ng pinto at itinulak siya papasok sa loob. Binuksan nito ang shower at itinapat siya sa dutsa niyon. Napahiyaw siya. “Thad!”
Balak niyang gantihan ang lalaki pero wala na ito paglingon niya. Sarado na rin ang pinto ng banyo. “Peste ka talaga, Thaddeus Franco!” Labag sa loob na ipinagpatuloy niya ang pagligo. Wala na siyang magagawa dahil basa na siya.
Paglabas niya ng banyo ay tumambad sa kaniya ang maayos na higaan. Tiyak na ang lalaki ang nagtupi ng kaniyang kumot at nagsalansan ng mga unan. Nawala ang inis niya rito at sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi.
Binilisan niya ang pagkilos, agad siyang nagbihis ng damit. Pinili niya ang light blue cotton shirt, skinny jeans, at white rubber shoes. Wala siyang balak na magsuot ng school uniform. Napangisi siya. Ang kaniyang mahabang buhok ay basta-basta na lang niyang binalunbon at tinalian kahit wala ‘yong suklay.
Sinukbit niya ang backpack sa likod bago lumabas ng silid. Pagbaba niya sa sala ay walang naghihintay na Thad sa kaniya. Iniwan siya nito?
“Nauna nang umalis si Thad,” wika ni Gina, nakatatandang kapatid ng kaniyang ina. Nasa ibang bansa ang kaniyang ina kaya nasa pangangalaga siya nito. “Mag-almusal ka na.”
“Huwag na po dahil baka ma-late ako,” tanggi niya. “Aalis na ako, ‘Ma.” Hinalikan niya ang pisngi ng tiyahin at saka tumakbo palabas ng bahay.
Weekly ito kung magbigay ng allowance kaya hindi na niya kailangang manghingi ng baon araw-araw. Nang makalabas siya sa gate ay saktong may dumaan na tricycle kaya ‘yon na ang pinara niya. Inutusan niya ang driver na bilisan ang pagpapatakbo na ginawa naman nito.
Ilang metro na lang ang layo nila sa school nang biglang tumugtog ang pambansang awit ng Pilipinas. “Kuya, late na ako! Hesus, Maria, Jose!” Sino bang dapat niyang tawagin para tumigil ang pagkanta ng Lupang Hinirang?
“Ay, kabayo!” tili niya nang biglang magpreno ang driver. Sumagitsit ang gulong ng tricycle nito. Mabuti na lang at nakatukod siya dahil kung hindi, tiyak na mangungudngod siya. “Kuya, ano ba? Late na nga ako ‘tapos sisirain mo pa ang beauty ko!”
“Pasensiya na po, Ma’am.”
“Kuya, estudaynte lang po ako,” pagtatama niya sabay abot ng bayad. Madalas siyang mapagkamalan na hindi estudyante dahil malaking bulas siya. Sa edad niyang kinse, 5”6’ ang kaniyang height at biniyayaan siya ng malusog na hinaharap. “Salamat ho.”
Hindi na siya nag-abala na tumakbo patungo sa gate dahil late na siya. Sayang ang effort at mag-aamoy pawis lang siya. “Good morning, Manong!” masigla niyang bati sa matandang guwardiya.
“First day of school late ka na agad, Elizabeth,” puna nito sa kaniya. Kilalang-kilala na siya nito dahil suki siya sa pagiging late. “At hindi ka pa talaga nakasuot ng uniform. Doble-doble na ang offense mo niyan.”
“Manong, ngayon pa lang ako magpapa-enrol,” pagsisinuwaling niya. Ibang guwardiya ang naka-duty noong nagpa-enrol siya kaya hindi nito alam na nagsisinuwaling lang siya. “Late na kasi nagpadala ng pera si mommy dahil nagkaroon siya ng problema sa ibang bansa,” pinalungkot niya ang tinig.
“Ganoon ba?”
Tumango siya. “Puwede na ba akong pumasok? Gusto kong maabutan ‘yong first subject ng klase namin.” Natahimik ang matanda na tila nag-iisip kung paniniwalaan ba siya nito o hindi. “I-record n’yo na lang ang pangalan ko kung hindi kayo naniniwala sa akin.”
Umiling ito. “Pumasok ka na.”
“Salamat po.” Abot tainga ang kaniyang ngiti pagpasok sa loob ng school ngunit agad din ‘yong napalis nang masalubong niya si Trixie, SSG officer ito pero hindi niya matandaan kung anong posisyon nito. Dati niya itong kaklase pero hindi na ngayon.
“Elizabeth Marie Lopez,” banggit nito sa buong pangalan niya habang nakatikwas ang kilay. “Fourth year ka na pero hindi ka pa rin nagbabago. First day of school pa lang pero may offense ka na. Hindi ka talaga nababagay sa top section.”
Nakapagsinuwaling siya sa guard kanina, pero hindi kay Trixie. Sabay silang nag-enrol ng babae kaya alam nito ang totoo. Sinulat nito sa stenopad ang kaniyang pangalan at kung anong offense niya. Bakit naman kasi sa dinami-rami ng officer ay ito pa ang nasalubong niya? Hindi sila close at mainit ang dugo nila sa isa’t isa.
Pinaikot niya ang mga mata. “Trixie Cruz, masyado ka namang dedicated sa tungkulin mo.” Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. “First day of school pa lang ginalingan mo na. Hindi ka naman papatayuan ng rebulto ng TOP Academy,” sarkastiko niyang turan.
“Hoy, Elizabeth, ginagawa ko lang ang responsibilidad—”
“Hoy, Trixie!” putol niya sa sasabihin nito at namaywang. “Huwag mo akong hinohoy-hoy! Naturingan kang officer pero wala ka namang modo.”
Napaawang ang bibig nito ngunit walang namutawing salita mula roon. Tinitigan niya ito nang masama. Subukan lang nitong kumontra sa sinabi niya, makikita nito ang hindi pa nito nakikita.
“Officer ka ba?” tanong ng lalaki kay Trixie. Bigla na lang itong sumulpot dahilan upang maputol ang tensyon sa pagitan nila ng babae. “Late ako at hindi naka-uniform. Ilista mo ang pangalan ko,” maangas na utos nito. Mukhang proud pa ito sa nangyari.
“Bruce Sarmiento ang pangalan mo, ‘di ba?” paniniyak ni Trixie. Malumanay na ang tinig nito.
Bruce Sarmiento. Pamilyar ang pangalan nito. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng red polo shirt, jeans, at black sneakers. Medyo kulot ang buhok nito, mas matangkad sa kaniya ng dalawang inches, medyo malaman ang katawan pero hindi naman mataba, at maputi ang balat.
“Ako nga.”
“Another trouble maker,” bulong ni Trixie pero malinaw niyang narinig ‘yon.
Another troublemaker? Sino ba ang lalaki na ‘yon?
Well, maring estudayanteng nag-aaral sa Theodoro Osmeña Policarpio Academy o mas kilala bilang TOP Academy. May pitong section bawat year level, at sa bawat section ay may apatnapung mag-aaral maliban sa section 1 o mas kilala bilang top section. Tatlumpung estudyante lang ang nasa top section, ‘yon ang mga mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka sa klase.
Kabilang siya sa top section simula first year hanggang third year at masasabi niyang siya ang trouble maker sa section na ‘yon. Hindi niya kilala ang iba pang panggulo sa ibang year level at section dahil wala siyang pakialam. Kulelat na nga siya sa section nila, iintindihin pa ba niya ang iba?
Speaking of kulelat, nalaglag siya sa top section at napunta sa section 2 dahil may taga-section 2 na mas mataas ang naging average kaysa sa kaniya. Iyon ang dahilan kung bakit tinatamad siyang pumasok sa eskuwelahan, maliban sa inborn na talaga ang pagiging tamad niya.
One week bago ang pasukan ay posted na ang designated section nila. Disappointed siya sa sarili at nalulungkot dahil hindi na niya kaklase si Thad. Kung sabagay, hindi naman siya makaka-survive sa top section kung hindi dahil sa tulong ng lalaki. Dapat tanggapin na lang niya ang katotohang hindi siya nababagay sa section na ‘yon. Pero sa kabilang banda, gusto niyang makilala kung sino ang pumalit sa kaniya. Nawala sa isip niya na tandaan ang pangalan nito dahil sa sobrang inis.
“Mayroon ka bang sinasabi?” paasik na tanong ng lalaki kay Trixie.
“Wa-wala naman.” Nag-iwas ito ng tingin. “By the way, kayong dalawa ang magle-lead sa flag ceremony at pagkatapos ay mamulot kayo ng b****a sa vicinity.”
“Ano?”
“What?” magkapanabay nilang turan.
Isa sa rules ng school na dapat magkaroon din ng flag ceremony ang mga late. Pagkatapos no’n, dapat maglinis sila sa kapaligiran. Kapag pauli-ulit naman silang na-late ay mas mabigat ang parusa.
“Ayoko!”
“Hindi puwede!” sabay ulit sila.
Nasaan na ba si Thaddeus? Magkasama dapat silang nandoon kung hindi siya nito iniwan. Makakatikim talaga ang lalaki na ‘yon sa kaniya kapag nagkita sila.
“Wala kayong karapatang magreklamo dahil hindi ko naman kasalanan kung bakit kayo na-late,” pangaral nito, daig pa ang principal kung umasta. “Kayong dalawa ang perfect example na hindi dapat pamarisan ng lower years,” pang-iinsulto nito.
Naningkit ang kaniyang mga mata sa pahayag nito. Gustong-gusto na niya itong sabunutan pero pinigilan niya ang sarili. May naisip siyang mas magandang paraan upang gantihan ito. Lihim siyang napangiti sa naisip.
Natapos ang unang flag ceremony na hindi namamalayan ni Elizabeth dahil busy siya sa pag-iisip kung paano iinisin si Trixie. Dumagsa rin ang late comers, may namumukhaan siya pero ‘yong iba ay parang ngayon niya lang nakita. Naka-graduate na yata ang iba niyang kasamahan na palaging late o baka nagbagong buhay na ang mga ito.“Ano pang hinihintay n’yo? Mag-umpisa na kayo,” nakasimangot na utos ni Trixie. Nagpresinta itong bantayan ang late comers kaya umalis na ang ibang officers.Hindi maganda ang tingin nito sa kanila ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang nasa gilid ng stage dahil gusto ni Trixie na sila ang mamuno roon. Malaki yata ang galit nito sa kaniya at mukhang pinag-iinitan siya. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.“Hindi ako nagdarasal,” palusot ng lalaki. “Ikaw na ang bahala sa opening prayer,” anito.“Wala rin akon
“I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.“Tama ka riyan, Cara.”Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.“Wala ka bang mauupuan?”Napakislot siya nang
“Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala
Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo
Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel
Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani
Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd
“Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang
Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy
Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”
Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit