“I hate it!” Hinampas ng babae ang desk gamit ang libro. “Hindi na natin classmate si Bruce. Isa pa naman siya sa mga dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok.”
Iyon agad ang bumungad kay Elizabeth pagpasok niya sa classroom. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung saan babaling. Pakiwari niya, hindi siya welcome roon.
“Hindi ba, siya ‘yong parang aso na palaging nakabuntot kay Thad?” parinig ng isang babaeng kausap nang naunang nagpahayag ng pagkadisgusto sa kaniya.
“Tama ka riyan, Cara.”
Pinag-uusapan siya ng mga ito na parang wala siya roon samantalang nakatayo lang siya malapit sa pintuan. Umuwi na lang kaya siya? Tutal, ayaw naman talaga niyang pumasok at hindi niya gustong mapabilang sa section na ‘yon.
“Wala ka bang mauupuan?”
Napakislot siya nang biglang may nagsalita sa tabi niya. Nilingon niya ang may-ari ng boses na ‘yon. Napatanga siya rito. Halos kasing tangkad nito si Thad pero mas malaki nang kaunti ang katawan nito kumpara sa kaibigan niya. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang palaging nakakalaban ni Thad sa basketball; mapa-Intramurals o Foundation Day pa ‘yon.
“Bakante ang armchair na katabi ng sa akin. Doon ka na lang umupo.
“Ha?”
Balak niya sanang tumutol pero mabilis nitong nahawakan ang kaniyang kamay. Napasinghap ang mga babaeng classmate nila at nagtaas naman ng kilay ang iba. Sumipol naman at naghiyawan ang kalalakihin at may pumalakpak pa.
Iginiya siya nito patungo sa upuan. Nasa pinakadulo ang puwesto nito, malapit sa bintana.
“Simula sa araw na ‘to, seatmate na tayo,” deklara nito.
Nagkagulo sa classroom at samu’t saring reaksyon at opinyon ang naglabasan. Sunod-sunod na komento ang narinig niya partikular na nagmula sa kabaro niya. Dismayado ang mga ito at mukhang hindi natuwa sa nangyari.
“No way! Wala siyang karapatang tumabi sa ‘yo, Lester,” apila ng babaeng malaki yata ang galit sa kaniya. Kanina pa ito lantarang nagpahayag ng inis sa kaniya.
“Ano siya, sinusuwerte?” segunda ng kaibigan nitong si Cara.
Nagsalubong ang kilay ni Lester kasabay nang pagkibot ng labi nito. “Sino ba ang dapat na katabi ko, Lucy?”
“Kahit na sino basta hindi lang siya,” nakapamaywang na tugon nito.
“Sino ka ba para diktahan ako?”
“Lester, concern lang naman ako sa ‘yo,” paglalambing nito, sinamahan pa nang pagpungay ng mga mata.
Lumapit ito sa lalaki. Binangga siya nito nang madaanan siya kaya wala sa oras na napaupo siya sa armchair. Gusto niyang dumaing na masakit pero pinigilan niya ang sarili. Nagpanggap siya na balewala ang nangyari.
“Para siyang linta kung makalapit kay Thad.” Hinimas nito ang braso ng lalaki. “Baka ikaw naman ang sunod na biktimahin niya.”
She rolled her eyes. What a nerve! Kasalanan niya ba kung bakit close sila ni Thad? Kasalanan niya ba kung bakit nag-alok ng tulong si Lester? Kung makapagsalita si Lucy na linta siya, ano palang tawag dito? Ito nga ‘yong lumalapit sa lalaki at may pahimas-himas pang nalalaman.
“Ang dami mo namang satsat,” hindi niya mapigilang sabat. Pinagkrus niya ang braso sa ibabaw ng dibdib. “Bakit hindi mo na lang sabihin na gusto mong makatabi si Lester?”
“Wait lang, ang lakas naman ng loob mo na sabihin sa akin ‘yan. Sino ka ba sa tingin mo?”
“Ako si Elizabeth Marie Lopez, na naligwak mula sa top section,” proud niyang pakilala sa sarili. Hindi niya ‘yon ikinahihiya dahil kasalanan naman niya kung bakit nangyari ‘yon. Masyado siyang naging kampante at nagpabaya sa pag-aaral. “But don’t expect na itatanong ko sa ‘yo ang pangalan mo dahil hindi naman ako interesadong malaman ‘yon.”
“Hoy!” Pinanlisikan siya nito ng mga mata. “Kilala na kita at wala akong paki—”
“Eh, ‘di good!” putol niya sa sasabihin nito. “Wala rin naman akong pakialam sa ‘yo. Kung gusto mo rito sa puwesto ko, sa ‘yong sa ‘yo na!” akamang tatayo siya ngunit maagap siyang napigilan ni Lester.
Tiningala niya ang lalaki. Nanatili kasi itong nakatayo sa tapat ng upuan nito. Nakabalandra naman sa kaniyang harapan ang impaktang si Lucy.
“Ayoko,” mariing tutol nito. “Dito ka lang sa tabi ko.”
“Sandali lang!” Napakamot siya sa ulo. “Hindi ba puwedeng ako ‘yong mag-decide kung saan ako uupo?”
Ginala niya ang tingin sa buong classroom pero wala siyang nakitang vacant na upuan. Masisiraan na yata siya ulo nito. Unang araw pa lang ng klase pero puro gulo na agad ang nangyari. Ipinanganak yata siyang lapitin ng gulo.
“As you can see, walang kang choice kundi ang tumabi sa akin,” bulong ni Lester sa kaniyang tainga. Hindi niya namalayang yumuko pala ito. Halos magkadikit na ang kanila mukha kaya langhap na langhap niya ang bango nito, lalaking-lalaki. “Baka kung ano pa ang gawin ni Lucy kapag iba ang katabi mo. Mabuti na ‘yong mabantayan kita.”
Ngayon pa nga lang ay pinag-iinitan na siya ng babae dahil kay Bruce. Ano na lang kaya ang posibleng mangyari kapag naging seatmate niya si Lester? Tiyak na lalo itong magngingitngit sa galit. Pansin niya na lahat ng lalaki ay gustong bakuran ni Lucy.
“Bahala ka na,” wala sa loob niyang saad. Gusto lang niya na lumayo ito sa kaniya dahil parang hindi siya makahinga sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. “Mukhang susundin naman niya ang sasabihin mo,” nanghihina niyang wika.
Matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito bago umayos ng tayo at saka binalingan si Lucy. Aatakihin pa yata siya sa puso dahil sa ngiti nito. Hindi niya inaasahan ‘yon.
“Ayokong makarinig ng masasamang bagay tungkol kay Elizabeth. Mananagot sa akin ang sinomang mang-aaway sa bago nating classmate,” seryoso nitong pahayag. Sumangayon ang karamihan at ang iba naman ay walang kibo.
“I can’t believe this!” bulyaw ni Lucy. “Siya pa talaga ang kinampihan mo samantalang kaibigan ‘yan ng kalaban mo. Ako ang kakampi mo, Lester!”
“Be matured enough, Lucy. Magkalaban kami ni Thad sa basketball pero hindi sa totoong buhay. Walang personalan.”
Naumid ang dila ni Lucy. Tinalikuran sila nito at nagmartsa pabalik sa sariling upuan. Wala sa hinagap niya na may ibang magtatanggol sa kaniya bukod kay Thad.
“What a spoiled brat!” komento nito sabay upo. “Okay ka lang ba?” nag-aalang tanong nito.
Tumango siya sabay ngiti. “Salamat.”
“You’re welcome. Isumbong mo sa akin kapag may manggugulo sa ‘yo. Puwede ka ring magsumbong sa mga kaibigan ko.”
Isa-isa nitong ipinakilala sa kaniya sina Bryan, Kurt, at Robin. Si Bryan ay may pagka-chinito. Si Kurt naman ay kulot ang buhok pero maputi. At si Robin ang may pinakamaangas na mukha sa magkakaibigan.
“Hi! Welcome sa section 2,” sabay-sabay na bati ng mga ito sa kaniya.
“Thank you!” Sa palagay niya, hindi na siya mag-iisa. “Excuse me boys, pupunta lang ako sa comfort room,” paalam niya.
“Sure.”
Wala pa naman ang adviser nila kaya lalabas muna siya para magsuklay. Dati-rati, sa loob ng classroom lang siya nagsusuklay pero naiilang na siya ngayon. Puro kasi lalaki ang katabi niya at hindi pa niya gaanong kilala ang mga ito.
“Sure.”
NAYAYAMOT siya. Sabay dapat silang mag-recess ni Thad pero hindi ‘yon nangyari. Sinilip niya ito sa classroom nito pero busy ito sa pakikipag-usap kay Trixie kaya mag-isa siyang pumunta sa pantry. Wala siyang kasabay na kumain doon kaya ang binili niyang pagkain ay dinala niya sa classroom nila.
“Nandito ka lang pala.”
Nabitin ang pagsubo niya ng waffle dahil biglang sumulpot si Thad. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ito nang masama.
“Wala ka rito nang dumaan ako,” anito.
“Malamang, dahil nasa pantry ako,” masungit niyang sagot. “Alangan namang hintayin kong matapos ang usapan ninyo ni Trixie. Ayokong malipasan ng gutom.”
“Okay.”
Okay? Okay lang ang sasabihin nito sa kaniya? “Bumalik ka na nga sa classroom ninyo,” pagtataboy niya rito.
“Wala akong pagkain.”
“Problema ko ba ‘yon? Bumili ka—” Natigilan siya nang bigla nitong kinagatanan ang waffle na hawak niya. “Thad!”
“Masarap pala ‘yong waffle,” anito sa pagkatapos nguyain at lunukin ang waffle niya. “By the way, ibabalik ko na ‘yong tali mo sa buhok.”
Hinugot nito mula sa bulsa ng pantalon ang tali niya. Nang kukinin niya ‘yon mula sa kamay nito ay hindi nito ibinigay sa kaniya. “Ano ba?”
“Kaninong panyo ‘yang nakatali sa buhok mo?” kunot-noong tanong nito.
“Ito ba?” Awtomatikong napahawak siya sa panyo. “Kay Lester ‘to.”
Si Lester pa mismo ang nagtali ng buhok niya dahil naiinitan siya kanina. Eh, wala naman siyang panali sa buhok kaya nagpresinta itong gamitin ang panyo nito.
Bigla nitong tinanggal ang panyo sa buhok niya. “Uy, akin na ‘yan!” Pinihit nito ang katawan niya kaya napatalikod siya rito. “Ano bang ginagawa mo?”
Hindi ito sumagot. Naramdaman na lang niya ang banayad na pagsuklay nito sa kaniyang buhok gamit ang daliri nito. Maya-maya’y pinagsama-sama nito ang kaniyang buhok at pinusod ‘yon.
“Better,” anito at muli siyang pinihit paharap dito. “Huwag mo nang gagamitin ang panyo na ‘to.”
Napaawang ang kaniyang bibig. Hindi niya lubos maisip na aasta nang ganoon si Thad.
“Thaddeus.”
Sabay silang napalingon ni Thad sa bagong dating na si Lester. Kasama nito ang mga kaibigan.
Tumango lang si Thad at hindi man lang binati ang lalaki. “Itabi mo ‘yan.” Ibinalik nito kay Lester ang panyo. “Hindi ‘yan kailangan ni Elizabeth.”
“Okay.” Kinuha nito ang panyo kay Thad. “Tatandaan ko.”
“Mabuti naman kung ganoon,” malamig nitong turan. “Ayokong lumalapit—”
“Thad!” Napatayo siya at sinubo rito ang natirang waffle. “Gutom lang ‘yan.”
Hindi ito nakapagsalita dahil napuno ang bibig nito ng waffle. Ginamit niya ang pagkakataon na ‘yon upang hilain ito palabas ng classroom. Baka magpang-abot ang dalawa. Ayaw niya ng gulo.
Nilingon niya si Lester bago sila tuluyang makalabas ng classroom. She mouthed ‘sorry’ and walked away.
“Thad!” tawag ni Elizabeth sa lalaki pero hindi man lang ito lumingon. Kasalukuyan silang nasa gym para sa P.E. class nila. Tapos na ang klase nila samantalang mag-uumpisa pa lang ang klase nito. Pero hindi pa niya namataan ang teacher ng lalaki. “Thaddeus!”Hindi pa rin ito lumingon kaya sinundan niya ito imbes na umalis sa gym. Buong weekdays siyang hindi pinansin nito dahil sa lintik na panyo at upuan.-FLASHBACK-“Lumipat ka ng puwesto sa classroom ninyo,” utos ni Thad. Lunch break nila kaya sabay silang kumain sa pantry gaya nang kasanayan nila. “Huwag ka na ring manghiram ng kahit na anong gamit mula sa lalaking ‘yon.”“Sige, ikaw na lang ang aabalahin ko sa classroom niyo,” kaswal niyang tugon. Sanay naman siyang kulitin ito, ‘yon nga lang, nasa kabilang room na ito.“Elizabeth,” mala
Nagliwanag ang mukha ni Elizabeth dahil sa pagpayag ni Thad. Kumuyapit siya sa braso ng lalaki at saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Na-miss mo akong kasamang maglakad ‘no?”Umiling ito. “Para mabawasan ang taba mo,” pambabasag nito sa ilusyon niya. “Huwag ka ngang lumingkis sa akin. Para kang ahas,” reklamo nito pero hindi naman iwinaksi ang kaniyang kamay. Siya na mismo ang kusang bumitiw rito.“Mukha ba akong ahas?” sikmat niya rito. “Wala ka naman palang pinagkaiba kina Lucy at Cara,” puno ng hinanakit ang kaniyang tinig. Hindi naman siya maramdaming tao pero mabilis siyang mapikon nitong mga nagdaang araw.“What do you mean?” Sa isang iglap ay biglang nagdilim ang anyo ng mukha nito.“Wala,” pag-iwas niya sa usapan. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.”“Ako mismo
Paulit-ulit na sinuyod ni Elizabeth ang kanilang bakuran. Kung nakakapagsalita lang siguro ang bermuda grass, baka minura na siya ng damo. Daig pa niya ang pusang hindi matae dahil hindi siya mapakali.“Ate, bakit ang likot-likot mo?” tanong ng anim na taong gulang na si Glenn, ito ang bunsong anak ng mag-asawang Benjie at Gina. “Nahihilo ako sa ‘yo,” reklamo nito na nakangiwi pa ang mukha.“Huwag mo na lang akong pansinin, Glentot.” Kung hindi lang ito bata ay baka dito niya maibaling ang inis kay Thad.“Ikaw ang magulo,” masungit na wika nito. Manang-mana sa pinsan nitong si Thaddeus. “`Laro na lang tayo.”“Naku, Glentot, sa ate Brenda mo na lang ikaw makipaglaro,” tukoy niya sa nakatatandang kapatid nito na siyam na taong gulang. “Wala ako sa mood ngayon.”Hawak niya ang cel
Tama nga si Thaddeus, galit sa kaniya si Elizabeth. Hindi siya nito kinikibo kahit na binilhan na ito ng bagong tsinelas ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya si Elizabeth na nakahiga sa kama. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Sigurado siyang gising ito pero nagpapanggap lang na tulog.“Bumangon ka na riyan.”Niyugyog niya ang babae pero hindi man lang ito kumilos. Lunes na Lunes, pero sakit ng ulo agad ang ibinigay nito sa kaniya.“Ganito ka ba palagi tuwing Monday? Gusto mo na naman bang ma-late?”“Ano bang pakialam mo?” bulyaw nito. Nakalukob pa rin ito sa kumot.“Bahala ka!” napipikon niyang turan. Aminado siyang may kasalanan siya rito pero hindi niya alam kung paano ito suyuin. “Pupunta nga pala si Sheena sa school para asikasuhin ang pag-transfer niya.” Hiningi niya ang contact number ng mama ni Sheena sa kani
Abala si Elizabeth sa pagtuyo ng luha gamit ang mga palad nang matanaw niya sa di-kalayuan si Lester. Tinatahak nito ang direksyon na kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Ayaw niyang makita ng lalaki ang pangit niyang mukha dahil sa pamumugto ng kaniyang mga mata.“Queen!”Awtomatikong tumigil ang kaniyang mga paa sa paghakbang nang tawagin siya ni Lester. Tila lumundag ang kaniyang puso sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya. Pumihit siya paharap sa lalaki at tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang itsura. Ano pang itatago niya kung nakita na nito ang kapangitan niya?“Lester.” Malapad na ngiti ang iginawad niya sa lalaki at ganoon din ang isinukli nito sa kaniya. “Nag-umpisa na ba ang klase natin?&rd
“Alam mo ba ang tungkol doon?” Ipinilig nito ang ulo sa kabilang direksyon, indikasyon na tama siya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi sana ako aasa nang sobra,” sumbat niya.Binalik nito ang tingin sa kaniya. Wala na ang bakas ng galit sa mukha nito nang harapin siya. “Makakabalik ka sa top section,” kumpiyansang turan nito.“Paano? Alam nating dalawa na imposible ‘yon. Lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay ‘yon ang pangarap.” Maliban sa kaniya.Si Thad ang dahilan kung bakit gusto niyang mapabilang doon. Ayaw niyang mawalay sa lalaki dahil nasanay siyang palagi itong kasama. Kahit noong elementary sila ay hindi na sila mapaghiwalay.“Basta magtiwala ka lang
Naghimala ang langit. Naunang gumayak si Elizabeth kaysa kay Thad. Excited siyang pumasok dahil official na siyang lilipat sa top section. Sa wakas, magkakasama na ulit sila ni Thad sa classroom. Ang saya-saya niya.“Puwede bang tumigil ka na sa kakangiti?”“Bakit ba?” angil niya. “Masama bang maging masaya?”“Nakakangalay sa panga.”“Ang maging masaya?” pang-aasar niya rito kahit alam niyang ang kaniyang pagngiti ang tinutukoy nito.“Ang slow mo,” naiiling na wika nito.“Ang sungit
Matiim na titig ang ipinukol ni Carlo kay Elizabeth. Dinuro nito ang babae. “Elizabeth Marie, layuan mo si Bruce!” mariin ang bawat bigkas nito sa mga katagang binitiwan. Pakiwari niya’y gusto siya nitong sabunutan at kaladkarin pababa ng hagdanan.“Anong kalokohan ‘yan Carla?” kunot-noong tanong niya. Wala namang makakarinig sa usapan nila dahil nasa sulok sila ng fourth floor. “Umayos ka nga!” Wala pang ilang segundo simula nang ilapag niya ang bag sa upuan nang hilaan siya nito palabas ng classroom at dinala siya sa fire exit. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. “Hindi ko type si Bruce.”“Hindi ako ang may sabi no’n.”“Anong hindi ikaw? Kakasabi mo pa nga lang, e.”“Ito.” May inabot ito sa kaniya na sticky note. “May impaktang nagdikit niyan sa freedom wall. Ito pa.”
Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siy