Home / Romance / If We Love Again / Chapter 5: Dinner

Share

Chapter 5: Dinner

Author: J.R. McKay
last update Huling Na-update: 2021-09-20 12:30:53

Bumalikwas ng bangon si Sarah. Nagising siya sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses ni Jessica at ng lalaking kausap nito.  Napagpasyahan niyang bumaba. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ay nakita na niya ang kakuwentuhan ng kaibigan. Tumikhim siya upang ipabatid ang kaniyang presensya.

“Uy, gising ka na pala!” masiglang wika ni Jessica. “Nakapagluto na ako ng hapunan.”

“Ang ingay n’yo kasi,” reklamo niya. Masuwerte ang mga ito dahil wala siyang pasok sa gabing ‘yon kaya palalagpasin muna niya ang pag-iingay ng mga ito. “Maliligo lang ako ‘tapos kumain na tayo.”

“Okay.”

Bumalik siya sa taas upang kumuha ng towel at damit na pamalit. Maliit lang ang apartment na ‘yon at isa lang ang banyo. Pagbaba niya ay nandoon pa rin si Erhart at prenteng nakaupo sa sofa. Nilagpasan niya ito na parang wala siyang nakitang tao.

Binilisan niya ang pagligo dahil kumakalam na ang kaniyang sikmura. Paglabas niya ng banyo ay naabutan niya pa rin ang binata sa sala pero wala na roon si Jessica. Sa sobrang liit ng apartment na ‘yon ay imposibleng hindi niya agad makita ang kaibigan.

Pagpasok sa loob ay makikita na ang lahat. Unang mapapansin ang TV set pagbukas ng pinto. Sa bandang kaliwa ay naroon ang hagdanan at ang espasyo sa ilalim no’n, nandoon ang isang two-seater sofa at dalawang one-seater sofa, at maliit na mesa. Ilang hakbang lang ang lalakarin at kusina na agad, may dining table roon, at nasa pinakasulok ang banyo.

“Hi!” nakangiting bati ng binata sa kaniya. “Pasensya na kung nagising ka dahil sa ingay namin. Hinatid ko lang ‘tong baonan na pinaglagyan ng spaghetti ‘tapos nagkuwentuhan kami ni Jessica.”

“Pasalamat ka at rest day ko ngayon dahil kung hindi…” Hindi na niya itinuloy ang nais sabihin. “Basta, huwag n’yo na lang ulitin dahil ayokong naiistorbo ang pagtulog ko.”

“Noted.”

“Nasaan si Jessica?” pag-iiba niya sa usapan.

“Nandito na ako,” tugon ng dalaga. Napalingon siya sa pintuan at napansin niyang may kasama itong lalaki. Kung hindi siya nagkakamali, roommate ito ni Erhart. “Dinalhan ko lang ng ulam si Aling Nena at pagkatapos ay dinaanan ko si Harry para sabay-sabay na tayong maghapunan,” paliwanag nito.

“Hello, Sarah!” kiming bati ng binata, pero hindi niya ito pinansin.

She crossed her arms over her chest. Annoyance was visible in her eyes. “Nakalimutan mo na ba ‘yong napag-usapan natin?”

“Tungkol saan?” patay-malisyang tanong nito. Matalim na titig ang ipinukol niya rito. “Ah… natatandaan ko na.” Alanganin itong ngumiti. “Bawal ang boys dito.”

“Bakit nandito sila?” Nagkatinginan ang dalawang binata bago tumitig sa magkaibigang nagtatalo. “Doon sila kumain sa bahay nila.”

“Napakaistrikta mo talaga! Tinalo mo pa si Aling Nena. Apo ka ba niya?”

“Siguro,” balewala niyang tugon.

“Hay!” Nagpakawala ito ng buntonghininga. “Ang tigas talaga ng puso mo!” madrama nitong pahayag na dinedma niya.

Tumayo si Erhart pero nanatili ito sa puwesto. “Sa bahay na lang kami kakain.” Natuwa siya sa sinabi nito. Mabuti naman at nakaramdam ito na ayaw niyang may ibang kasama. “Pero puwede bang makahingi ng ulam?”

Napatanga siya sa binata. Sinong mag-aakala na manghihingi ito ng pagkain? Kung pagbabasehan niya ang itsura nito, na mukha talagang may-kaya, malabo itong manghingi ng pagkain sa kapitbahay.

“Sure,” sagot ni Jessica. “Ipagsasalin kita sa mangkok ng nilagang baboy.” Pumunta ito sa kusina at dahil maliit ang apartment, kitang-kita niya ang pagkilos nito at dinig na dinig niya ang sinabi nito. “Ang KJ kasi ng isa riyan!” parinig nito.

“Actually, para sa ‘yo talaga ang niluto ko,” sabi nito kay Erhart nang iabot nito ang ulam sa binata. Nakapatong ang mangkok sa plato dahil mainit pa ang sabaw ng nilagang baboy. “Hindi kasi marunong magpasalamat ang isa riyan kaya ako na ang gumawa ng paraan para naman malaman mo na na-appreciate ko, niya pala, ang pagtulong mo sa kaniya. At saka ito na rin ang pa-welcome gift ko sa inyo. Free dinner. Medyo delay nga lang.”

Hindi ito nakabili ng pa-welcome gift ‘kuno’ dahil sinermonan niya ito.

Napailing siya. Kilala niya ang kaibigan, hindi ito titigil sa paglilintanya at pangongonsensya hangga’t ‘di siya pumapayag sa kapritso nito. “Fine!” Naiirita siya sa katabilan ng dila nito. “Dito na sila magdi-dinner.”

“Sa bahay na lang,” maagap na tutol ni Harry. “Salamat sa ulam.” Kinuha nito ang plato na bitbit ni Erhart pero hindi ‘yon ibinigay ng binata.

“Dito tayo kakain,” deklara nito. Bitbit ang plato, tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang dala. “Mas masaya kapag maraming kasabay na kumain.”

Tila may kung anong bagay ang sumundot sa kaniyang puso dahil sa sinabi ng binata. Naalala niya ang ama. Nagagalit ito kapag hindi sila sabay-sabay na kumain. Anito, mas masarap at masayang kumain kapag kompleto ang pamilya. Miss na miss na niya ito.

“Sarah, bakit nakatayo ka pa riyan?” untag ni Jessica na nakapagpabalik sa kaniyang huwisyo. Nakaupo na ang lahat at siya na lang ang hinihintay. “Sandali.” In-on niya ang TV upang doon mabaling ang atensyon ng mga ito at hindi sa kaniya.

Pang-apatan lang ang mesa nila kaya wala siyang choice kundi ang umupo sa katapat ng upuan ni Erhart. Magkatapat naman si Jessica at Harry. Nagkukuwentuhan ang mga ito habang kumakain samantalang tahimik lang siya at panaka-naka’y sumusulyap sa TV.

Nasa akto siya ng pagsubo nang binanggit sa balita ang pangalan ng mayor ng Marikina City. Nabitiwan niya ang hawak na kubyertos. Umusal siya nang piping dalangin na sana walang nakapansin sa kaniya. Nang ibaling niya ang tingin sa mga kasama ay nakatutok ang atensyon ng mga ito sa balita. Nakahinga siya nang maluwag.

Ayon sa balita, imbes na engrandeng selebrasyon ang dapat na naganap sa kaarawan ng bunsong anak ng mayor na si Arianne, napagpasyahan ng dalagita na i-donate sa mga batang cancer patient ang perang nakalaan sa party nito. Personal itong dumalaw sa napiling foundation kasama ang mga magulang nito. Hinangaan at pinuri ng publiko ang naging pasya ng dalagita. 

“Napakasuwerte naman ng mga magulang ng batang ‘yan. Mayroon silang anak na maganda at mabait,” komento ni Jessica.

Hindi siya kumibo samantalang ang dalawang lalaki ay tumango lang. And speaking of parents, may panayam ang alkalde kasama ang misis nito. Iniwas niya ang tingin sa screen at ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.

“Ang ganda naman ng asawa ng mayor at mukhang bata pa. Sarah, parang magkahawig kayo,” puna ng kaibigan niya.

Muli niyang nabitiwan ang kubyertos at sa pagkakataong ‘yon, nakuha niya ang atensyon ng lahat. Hindi niya tuloy alam kung anong gagawin o sasabihin. Hindi niya inaasahan ang pangyayari na ‘yon.

“Medyo lang,” bahagyang pagsangayon ni Harry. Wala sa hinagap niya na ito ang unang magkokomento dahil parang naiilang ito sa kaniya. “Pero hindi naman talaga.”

“Huh? Ano ba talaga? Ang gulo mo, a,” wika ni Jessica.

Tahimik lang siya at si Erhart, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Harry. Tinitigan ni Harry ang kaniyang mukha na tila pinag-aaralan nito ang bawat anggulo niyon. Naasiwa siya.

“Magkakorte ang labi ninyo at kilay, parehong matangos ang ilong, at iisa ang hugis ng mukha, pero medyo chubby ang pisngi mo. Bilugan at kulay itim ang mga mata mo, ‘yong sa kaniya naman ay deep set na kulay tsokolate. May pagkakahawig kayo pero kapag tinitigan nang mabuti ang isa, malalaman ang pagkakaiba.”

“Wow!” bulalas ni Jessica. “Napansin mo agad ang pagkakaiba nila kahit sa TV mo lang nakita ‘yong isa?”

“Nakita ko na siya sa personal.”

“Talaga?” Namilog ang mga mata ng dalaga. “Saan? Paano? Sino ang mas maganda sa kanilang dalawa?” walang prenong tanong nito.

“Jessica!” Pinandilatan niya ito ng mata. Dahil sa tanong nito ay dalawang lalaki na ang nakatitig sa kaniya. “Ano?” angil niya sa mga ito.

“Mas maganda ‘yong walang make up,” tugon ni Erhart kahit hindi naman ito tinanong.

Wait, ako ba ang tinutukoy niya? Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya kaya naman siya na ang nag-adjust. Ibinalik niya ang tingin sa monitor. Laking pasalamat niya dahil iba na ang ibinabalita sa TV. Ang akala niya ay tapos na ang topic na ‘yon, pero nagkamali siya dahil nagsalita pa si Harry.

“Sa tingin ko mas magan—” Naudlot ang pagsasalita ng binata nang biglang nag-ring ang cell phone nito. Hinugot nito ang phone mula sa bulsa ng shorts. Tiningnan nito kung sino ang tumawag pagkatapos ay tumingin ito kay Erhart. “Si Arianne,” anito at saka nagpaalam na sasagutin tawag. Lumabas ito.

“Sino si Arianne?” nakataas ang kilay na tanong ni Jessica kay Erhart nang makalabas si Harry.

“Ang alam ko, mahalaga si Arianne sa buhay ni Harry. Maganda rin siya at mabait,” dagdag nito.

“Tsk!” pumalatak si Jessica at pinaikot ang mga mata. “What a coincidence! Maganda at mabait din ‘yong Arianne na anak ng mayor. Magpalit na lang kaya ako ng pangalan? Ano sa palagay mo, Sarah?”

Nabilaukan siya sa tinuran ng kaibigan. Mabilis na nagsalin ng tubig sa baso si Erhart at ibinigay ‘yon sa kaniya na agad naman niyang ininom. Naramdaman naman niya ang banayad na hagod ng kamay ni Jessica sa kaniyang likod.

“Salamat,” aniya sa binata nang mahimasmasan siya. “Tumigal ka na Jess,” awat niya rito. “Okay na ako.”

“Sorry,” usal nito bago nagpatuloy sa pagkain.

Nagulat siya sa inakto nito. Ang alam niyang crush nito ay si Erhart dahil panay ang pa-cute nito sa binata. Nagtataka siya kung bakit biglang nagbago ang mood nito nang may tumawag kay Harry.

Tapos na siyang kumain nang bumalik ang binata sa loob. Nagkasalubong sila paglabas niya ng bahay. Wala sa loob na napatingala siya sa kalangitan. Dismayado siya noong walang makitang bituin. Ipinikit niya ang mga mata at in-imagine na maraming nagkikislapang tala sa kalawakan gaya ng nakikita niya kapag nasa probinsya siya.

“Minsan, mas maganda pa ‘yong nakikita ng mga mata natin kapag nakapikit tayo.”

Naudlot ang kaniyang pag-i-imagine nang marinig ang tinig ni Erhart. Iminulat niya ang mga mata. Nakatayo ito sa tabi niya, nakatingala at nakapikit. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang maamong mukha nito na may makapal na kilay, matangos na ilong, at mapulang labi.

“Tulad ngayon, malinaw kong nakikita ang kumikinang na mga butuin kahit nakapikit ako.”

Pareho pala kami ng iniisip. Hindi niya namalayang unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi habang tahimik niyang pinagmamasdan ang binata. Hindi niya inaasahang magmumulat agad ito ng mata kaya nahuli nitong nakatitig siya rito. Huli na para umiwas ng tingin.

“Akala ko mag-isa na lang ako rito.” Ngumiti ito sa kaniya nang ubod ng tamis. “At hindi ko alam na marunong ka palang ngumiti.”

Sumimangot siya at inirapan ito. “Anong akala mo sa akin bato?”

“I’m glad to know that you’re not.”

“What?” She raised her eyebrow and put her hands on her hips. “Naghahanap ka ba ng away?”

“Hindi.” Umiling ito. “Ang totoo niyan, gusto kong magkasundo na tayo.” Nawalan siya ng kibo sa sinabi nito. “Puwede bang maging magkaibigan tayo?”

“Ha? Kailangan pa ba ‘yon?” Ayaw niya sa ideyang ‘yon.

“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo.” Tila nabasa nito ang nasa isip niya. “Sa susunod na araw na lang,” dugtong nito.

“Ha?”

“Good night, Sarah.”

Bago pa siya makapag-react ay pumasok na ito sa sariling unit. Naiwan siyang nakatulala sa kawalan. Anong ibig nitong sabihin?

“ANO sa tingin mo? Magkamukha ba sila?” tanong ni Harry pagpasok ni Erhart sa apartment. Nakabalik na pala ito.

Nagkibit-balikat siya. Wala siyang pakialam sa bagay na ‘yon. “Kumusta si Arianne?”

Ngumiti ito. “Nami-miss na raw ako. Naglalambing na bilhan ko siya ng paborito niyang pagkain.”

“Dalawin mo siya kapag may libreng oras ka,” suhistyon niya.

“Oo naman,” puno ng excitement ang tinig nito. “Miss na miss ko na ang batang ‘yon.”

J.R. McKay

Ang update ay tuwing Lunes-Biyernes. Salamat po sa pagbabasa. Maaaring mag-iwan ng komento, bumoto, magbigay ng gems, at i-add sa library. Salamat po.

| Like

Kaugnay na kabanata

  • If We Love Again   Chapter 6.1: Breaking Rules

    Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya. Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito. “Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!” “Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?” Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • If We Love Again   Chapter 6.2: Breaking Rules

    Gumuhit ang sakit sa ulo ni Sarah. Dalawa ang absent sa team niya, ‘yong isa nagpaalam na masama ang pakiramdam, at ‘yong isa naman ay No Call, No Show. Basta-basta na lang um-absent nang walang paalam. May naka-schedule siyang team huddle at isang coaching. May na-monitor na call ang isang Quality Analyst o QA na sabaw ang isa niyang agent. Wala sa hulog ang pinagsasabi nito sa call at kailangan niya itong i-coach kung paano ito mag-i-improve.Pinakinggan niya ang call ni Edgar, ang sabaw niyang agent. Naka-full ang volume ng kaniyang headset pero halos wala siyang marinig dahil nangingibabaw ang boses ng mga ahente na nagte-take ng calls. Queuing o mataas ang volume ng calls kaya sobrang ingay sa production floor. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halos bumula na ang bibig ng agents sa pagsasalita. Napansin niyang nangangalahit na ang tubig sa tumblers ng agents niya kahit kakaumpisa pa lang ng pasok ng mga ito.Isa-isa niyan

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • If We Love Again   Chapter 7.1: Date

    A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae. “You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.” Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?” “Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.” “Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.

    Huling Na-update : 2021-09-23
  • If We Love Again   Chapter 7.2: Date

    Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan. Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila. Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko. “Tisoy!” Su

    Huling Na-update : 2021-09-24
  • If We Love Again   Chapter 8: Worried

    Jessica enjoyed the company of Harry. Hindi niya lubos maisip na sa likod ng seryosong awra nito ay nagtatago ang isang pilyong lalaki. Ikinuwento nito sa kaniya ang mga kalokohang ginawa nito noong bata pa ito. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang kadaldalan nito o gusto siya nitong kausap. Ano pa man ang dahilan, masaya siyang makasama at makausap ito.“Paano kayo nagkakilala ni Tisoy?” tanong niya rito matapos niyang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Sarah.“He’s my brother.”“Hmm?” Tama ba ang kaniyang narinig? “What did you say?” Hindi niya alam kung nakailang bote na siya ng beer kaya posibleng mali ang kaniyang narinig.“I’m his uncle, but his like a brother to me,” he explained. Hindi naman ganoon kalayo ang gawat ng edad namin.”“Uncle?” He nodded. “Kaya pala pareh

    Huling Na-update : 2021-09-27
  • If We Love Again   Chapter 9: Boyfriend

    “Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?” Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos… “Huwag kang tumulala riyan!” “Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya? Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad. Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag ka

    Huling Na-update : 2021-09-28
  • If We Love Again   Chapter 10: Lunch

    Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”“Sige.”Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,&r

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • If We Love Again   Chapter 11: Kiss

    True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit. “Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?” Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito. “Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.” Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bu

    Huling Na-update : 2021-09-30

Pinakabagong kabanata

  • If We Love Again   Chapter 23.2: Holidays

    Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi

  • If We Love Again   Chapter 23.1: Holidays

    “Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa

  • If We Love Again   Chapter 22: Message

    (Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni

  • If We Love Again   Chapter 21: Warning

    Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na

  • If We Love Again   Chapter 20: Clingy

    Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama

  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

  • If We Love Again   Chapter 19.1: Traditional Courtship

    Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka

  • If We Love Again   Chapter 18: Assumption

    Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya

  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

DMCA.com Protection Status