Home / Romance / If We Love Again / Chapter 10: Lunch

Share

Chapter 10: Lunch

Author: J.R. McKay
last update Last Updated: 2021-09-29 12:30:36

Clueless pa rin si Sarah sa kakaibang ngiti ni Jessica sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Malapit na siyang mabaliw sa kaiisip kung anong alam nito na hindi niya alam. Tiyak na may kinalaman ‘yon sa kaniya dahil nag-iiba ito ng topic kapag inuungkat niya ang tungkol doon.

“TM?” untag ni Tere. “Kanina ka pa tinatanong ni Ate kung anong order mo.”

Kasalukuyan silang nasa pantry para mag-lunch. Hindi nakapagluto si Jessica kaya wala siyang baon. “Ay, sorry.” Tiningnan niya ang ulam pero wala siyang nagustuhan. “Mommy, mauna ka nang um-order. Mag-iikot-ikot muna ako. Hahanapin ko na lang ang table n’yo.”

“Sige.”

Malawak ang pantry sa 6th floor at maraming food stalls, mistula ‘yong food court sa isang malaking mall. Halos nalibot na niya ang buong pantry pero wala siyang nagustuhang pagkain.

“Nahihilo na ako sa kabubuntot sa ‘yo,” sabi ng lalaki sabay akbay sa kaniya. “Kakain ka ba o hindi?”

Nilingon niya ang lapastangan na nagmamay-ari ng mabigat at mahabang braso na ‘yon. “Alisin mo nga ‘yan sa balikat ko,” mariing utos niya.

“Ayoko.”

“Boyfriend ba kita?” angil niya. Feeling close ito kung umasta. Kung wala lang tao roon baka kanina pa niya ito binalian ng braso. Ayaw niya lang mag-eskandalo. “Hindi nga tayo magkaibigan, eh.”

“Pero magkapitbahay naman tayo,” anito. “At close kami ni Jessica.”

“Anong kinalaman noon sa relasyon natin sa isa’t isa?” Hindi por que magkaibigan na ito at si Jessica ay magkaibigan na rin sila. “Aalisin mo ba ‘yang braso mo o babalian kita?”

Huminto ito sa paglalakd kaya napatigil din siya. “Hindi nga kita binalian ng buto nang gabing todo ang yakap mo sa akin, ‘tapos ikaw sa maliit na bagay lang mananakit agad.”

“Tse! Malabo namang mangyari ang sinasabi mo. Ako, yayakap sa ‘yo? Asa ka!” Ang lakas ng tama nito. Ilusyunado!

“Komportbleng-komportable kang nakasiksik sa kili-kili ko habang nakayakap sa baywang ko,” patuloy nito. “Ang himbing-himbing ng tulog mo kaya binuhat kita at dinala sa higaan mo.”

“What? Kailan nangya—” Kusong tumikom ang kaniyang bibig nang mag-sink in sa kaniyang utak ang pahayag nito. Tama ang hinala niya na nakatulog siya at ito ang nagdala sa kaniya sa kuwarto.

“Tinulugan mo ako sa date natin.”

Sh*t! Nakakahiya siya! Kaya pala ganoon na lang kung makangiti si Jessica. Wala talagang mabuting naidudulot ang alak sa kaniya. “Natulog ka rin kaya quits na tayo,” bulyaw niya sabay siko sa tagiliran nito.

Napaigik ito sa kaniyang ginawa. Kusa nitong tinanggal ang braso na nakapatong sa kaniyang balikat at sinapo nito ang nasaktang bahagi ng katawan. “Ang sakit,” nakangiwi nitong wika.

“Ang hina lang no’n! Para ka namang hindi lalaki kung makadaing,” pang-aasar niya sabay talikod.

Ilang beses pa niyang narinig ang pag-aray nito hanggang sa tuluyan na itong tumahimik. Mabilis siyang nakalayo rito—iyon ang akala niya dahil pagkalipas ng ilang segundo ay naka-akbay na ulit ito sa kaniya.

“Hindi mo ba talaga ako titigilan? Sa pagkakaalala ko, nangako ka sa akin na hindi mo na ako kukulitin kapag pinagbigyan kita sa gusto mo.”

“Ang sungit mo naman!” Napailing ito. “Oo na, hindi na kita kukulitin pero last na talaga ‘to,” hirit nito.

Napapadyak siya. “Erhart naman, eh!” Napipikon na siya sa kakulitan nito. “Ano na naman ba ang gusto mo? Wala na akong utang sa ‘yo, ‘di ba? Bakit nangungulit ka na naman?”

“Babayaran ko ‘yong utang ko sa ‘yo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa pagtataka. “Gusto kitang ilibre ng lunch dahil tinulungan mo akong bumili ng gamit sa bahay.”

“Kalimutan mo na ‘yon!” balewalang turan niya kaysa bumuntot ito nang bumuntot sa kaniya.

“Hindi puwede! Gaya mo, ayoko ring magkaroon ng utang na loob sa iba.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay at tinitigan ng deretso sa mga mata. Hindi man lang ito kumurap at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

“Ito rin ang paraan ko para magpasalamat sa ‘yo.”

“Pero hindi ako—”

“Hindi ka nagpapalibre?” Napipilan siya nang matumbok nito ang nasa isip niya. “You and your rules.” His eyes narrowed. “Hindi uubra sa akin ‘yan!”

Sapilitan siya nitong inakay sa food stall na pinakamalapit sa kanila at ito na mismo ang namili ng pagkain. Pinabayaan na lang niya ang binata dahil mukhang wala itong balak na magpaawat. Natalo na naman siya nito. Ilang rules na ba ang nabali niya dahil dito? Hindi na ‘yon maganda.

“Saan mo gustong pumuwesto?” tanong nito nang makuntento na sa biniling pagkain.

“Sa table nila Mommy Tere at ng team ko,” tugon niya. Inikot niya ang paningin sa pantry. Madaling nahagilap ng kaniyang mga mata ang puwesto ng mga ito ngunit sa kasamaang palad, mukhang kanina pa nagmamasid ang mga ito sa kanila ni Erhart. “Ayon sila.” Nanlalatang tinuro niya ang direksyon ng mga kasamahan.

“Kasama pala ang jowa kaya ang tagal dumating,” bungad ni Tere nang makarating sila doon. “Hi, Tisoy!” nakangiting bati nito sa binata.

“Hello po!” ganting bati nito sa ginang at nilakipan pa ‘yon ng nakakalusaw na ngiti. Kinilig naman ang ginang sa ginawa ng binata. “Babalik na ako sa production floor,” paalam nito sa kaniya.

“Ha? Hindi ka kakain?”

“Tapos na. Pabalik na ako kanina nang makita kita.” Marahan nitong pinisil ang kaniyang pisngi. “Ubusin mo ‘yang pagkain.”

Isang katerbang siomai ang binili nito na may iba’t ibang flavour, siopao, dumplings, at lemonade. Ang akala niya’y hindi pa ito kumakain. Paano niya uubusin ‘yon? “Ang dami nitong binili mo. Hindi ko ‘to kayang ubusin.”

“I-share mo sa kanila. Sige na, aalis na ako dahil baka ma-over break pa ako.”

Hindi na siya tumutol pa. Ano pa bang magagawa niya kung nilayasan na siya nito? “Ang kulit talaga ng lalaking ‘yon!” bulong niya sa sarili.

At dahil sa inakto ng binata, inulan siya ng tukso ng mga kasamahan. Paniwalang-paniwala talaga ang mga ito na magkasintahan sila. Hanggang sa matapos silang kumain ay siya pa rin ang topic ng mga ito na para bang hindi siya nag-e-exist at hindi siya ang manager ng mga ito. Tuwang-tuwa ang team niya nang malaman na may boyfriend na siya kahit hindi naman ‘yon totoo.

“TM, nadiligan ka na ba ni Tisoy?”

Nasamid siya sa sariling laway dahil sa tanong ni Tere. Nag-init ang kaniyang pisngi at parang namanhid ‘yon. Sanay na siyang makarinig ng green jokes at kung ano-anong mahahalay na salita dahil normal na ‘yon kapag nagtrabaho ka sa call center pero hindi siya komportable kapag siya ang binabato ng tanong tungkol doon. Inosente siya sa bagay na ‘yon.

Kung hindi lang ito mas matanda sa kaniya ay baka napatulan na niya ito. Mabuti na lang talaga at bumukas ang elevator kaya nakahanap siya ng dahilan upang umiwas sa tanong nito. Mabilis pa sa kidlat na pumasok siya sa loob pero agad siyang natigilan nang may makitang pamilyar na bulto ng lalaki.

Nakasuot ito ng black jacket, black pants, at black rubber shoes. May hawak itong cup ng kape, at footlong. Tinanguan siya ng binata at tipid na ngumiti, ganoon din ang ginawa niya at saka tumabi rito.

“Tisoy, akala ko ba babalik ka na sa production floor?” takang tanong ni Tere nang makita ang lalaki.

Nagsalubong ang kilay ng binata. “Pasensya na ho, hindi kita kilala,” malamig nitong tugon.

“Boyfriend ka ni—” Bigla itong natahimik at pinagmasdang mabuti ang lalaki. “Hindi pala ikaw ‘yon.” Napakamot sa ulo ang ginang. “Sorry.” Tuluyan nitong itinikom ang bibig at umayos ng tayo.

Lihim siyang napasulyap sa katabi. Busy ito sa pagkain ng footlong at tila walang pakialam sa paligid. Matagal na niyang napansin na mayroon itong pagkakahawig kay Erhart lalo na kapag bigla itong tinitigan. Mas matangkad lang si Erhart at maputi samantalang moreno naman si Harry.

Bumukas ang elevator sa 15th floor. Biglang nagsalita ang binata. “Mauna na ako,” paalam nito.

“Okay,” tipid niyang tugon. Ang akala niya ay sa 19th floor ito bababa. Ngayon niya lang nalaman na magkaiba pala ng account ang dalawang lalaki. Marami pa talaga siyang hindi alam sa mga ito. “What?” Napatingin ang mga kasamahan niya sa kaniya nang sumara ang elevator.

“TM, magkakilala kayo?” tanong ni Jenna. Tumango siya bilang tugon. “Ang pogi naman no’n.”

“Magkapatid ba sila ng jowa mo, TM?” usisa ni Tere. Ito talaga ang numero unong tsismosa sa kaniyang team.

Nagkibit-balikat siya at napaisip. Magkapatid nga kaya ang mga ito? Si Jessica ang makakasagot sa katanungan niya dahil may pagka-tsismosa rin ito. Pero hindi niya ugaling mag-usisa kaya baka ma-misinterpret pa ‘yon ng kaibigan niya kapag nagtanong siya.

Speaking of Jessica, naabutan niya ito sa locker area nang makarating sila sa 18th floor. Abala ito sa pagpindot-pindot sa phone habang nakangiti.

“Mukhang masaya ka, ah,” puna niya rito. “May bago kang jowa, ‘no?”

“Sinusulit ko lang ang last break,” nakangising tugon nito. “Hindi pa kami mag-on pero doon din ‘yon patungo.”

Pinaikot niya ang mga mata. “Sa umpisa ka lang naman kinikilig pero sooner or later, iiyak ka naman.”

Hindi na bago sa kaniya na masaya ito ngayon ‘tapos sa susunod na mga araw ay humahagulhol ito. Mabilis kasi itong magpauto sa mga lalaki pero palagi naman itong iniiwan sa ere. Hindi na nadala!

“Ang nega mo!”

“Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“Sigurado ako na siya na ang ‘the one’ ko,” nangangarap nitong pahayag. “Papatunayan ko ‘yan sa ‘yo.”

“Ewan ko sa ‘yo.”

Binuksan niya ang sariling locker at kinuha ang toothbrush doon. Nagpatuloy naman si Jessica sa pagkukuwento tungkol sa bagong lalaki sa buhay nito habang nagsisipilyo siya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa kabila ng naranasan nitong kabiguan sa pag-ibig ay hindi ito natatakot na magtiwala at magmahal muli.

Samantalang siya, walang lakas ng loob na magmahal kahit hindi pa siya nasaktan. Nadala na siya sa pighating naranasan ng kaniyang mga tiyahin, maging ng kaniyang ama kaya ayaw niyang sumugal sa pag-ibig. Wala siya balak na magpaloko at magpauto sa kahit na sino. Tama na ‘yong sakit na naranasan ng mga taong mahal niya. Hinding-hindi siya susunod sa yapak ng mga ito sa larangan ng pag-ibig.

Related chapters

  • If We Love Again   Chapter 11: Kiss

    True to his words, Erhart stopped pestering her. Magkasabay pa rin silang pumasok at umuwi sa trabaho, pinapansin pa rin nito ang mga kasamahan niya pero kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay wala itong kibo. Nalipat na ang locker nito sa 19th floor kaya nabawasan ang pagpunta nito sa 18th floor. Pabor ‘yon sa kaniya pero may parte sa pagkatao niyang tutol do’n. Hindi niya maunawaan kung bakit. “Sarah, friendly pala ‘yong boyfriend mo?” Pinihit niya pasara ang faucet at saka itinapat sa hand dryer ang basang kamay. Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Hindi naman sila close ng current fling ni Viggo kaya wala siyang panahong makipag-plastikan dito. “Balita ko, maraming nagkakagusto sa kaniya,” patuloy nito sa kabila ng pande-deadma niya. “Maliban doon, nakita ko rin na iba-iba ang babaeng kasama niya.” Hindi niya inaasahan na mino-monitor pala nito ang bawat galaw ng hilaw niyang boyfriend. “Stop beating around the bu

    Last Updated : 2021-09-30
  • If We Love Again   Chapter 12: No Label

    Ngali-ngali nang ihagis ni Jessica ang phone pagkatapos niyang makausap ang mga mgaulang. Insulto lang ang natanggap niya sa mga ito imbes na kumustahin siya. Tutol ang mga ito sa propesyong kaniyang tinahak pero wala siyang balak na basta na lang sumuko at sundin ang nais ng mga magulang niya. Hindi siya papayag.Ang pagkainis na nadarama ay ibinuhos na lang niya sa paglilinis ng bahay at dinamay niya pati ang bakuran. Katatapos niya lang magwalis sa labas kaya bumalik na siya sa loob nang matanaw niya si Harry. Bihis na bihis ito. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta pero natilihan siya. Baka isipin pa nito na mino-monitor niya ang bawat kilos nito.Napakislot siya nang mag-ring ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hindi niya ‘yon sinagot pero makulit ang caller kaya tiningnan niya ang kung sino ‘yon. Kasamahan niya pala sa trabaho ang tumatawag. “Hello, Lily.”“Jess, s

    Last Updated : 2021-10-01
  • If We Love Again   Chapter 13: Caught

    Sarah did everything just to avoid Erhart. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at nagpapa-late ng uwi. Umuwi siya sa Rizal nang sumapit ang kaniyang rest day at pagbalik niya ay hindi siya lumalabas ng bahay. Nagkukunwari siyang abala o tulog kapag naisipan nila Erhart na mag-breakfast o mag-dinner nang sabay-sabay.Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Jessica. Busy ito sa bagong dine-date kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan ang binata.Gaya ngayon, rest day niya ulit at mag-isa lang siya sa bahay dahil gumala si Jessica. Gusto niyang magpahangin sa labas pero hindi niya magawa dahil nakatambay sa labas si Erhart. Paano niya nalaman? Simple lang. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa bintana. Bakit kasi napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa?Humilata siya sa sofa at pinagkasya ang sarili doon. Bagot na bagot na s

    Last Updated : 2021-10-04
  • If We Love Again   Chapter 14: Coffee

    He wanted to kiss her badly. No woman made him feel that way. Baka nahalikan na niya ito kung nagtagal pa siya roon. Marami itong napukaw na emosyon sa kaloob-looban niya na hindi niya kayang pangalanan ang iba.Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili kapag nasa paligid ito kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing kasama ito. May kung anong puwersa ang nanggagaling sa dalaga na tila nae-engganyo siyang mapalapit dito.Malinaw na ngayon kung anong nais niya—ayaw niyang mapunta ito sa iba lalo na sa Viggo na ‘yon. Hindi kasama sa plano niya ang umibig pero hindi niya inaasahang darating si Sarah sa buhay niya.“Mukhang malalim ang iniisip mo,” pukaw ni Harry sa kaniya pagpasok nito sa bahay. “Kumusta kayo ni Sarah?”“Kumusta kayo ni Jessica?” balik-tanong niya. Wala siyang inililihim dito pero nagawa nitong maglihim sa kaniya. Although, napapansin niyang m

    Last Updated : 2021-10-05
  • If We Love Again   Chapter 15.1: Admitted

    Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Pauwi na si Jessica samantalang lunch break pa lang niya. Na-adjust ang pasok ng babae dahil may nakipagpalit ng schedule dito kaya napaaga ng isang oras ang pasok nito. “Gusto ko nang umuwi,” naghihikab niyang wika.Umangkla sa kaniyang braso si Jessica. “Sasamahan kitang kumain. Nami-miss ko na ‘yong pandesal na binebenta sa pantry.”“Sige.”“Can I join? Gusto kong magkape bago umuwi,” singit ni Viggo.“Sure,” Jessica responded.She nodded and gave a half smile. Nasa hallway sila at kasalukuyang nag-aabang ng elevator. Nanatiling nakakapit sa kaniyang braso si Jessica hanggang sa maksakay sila sa elevator. Humiwalay lang ito sa kaniya pagdating nila sa 6th floor. Tinatamad siyang maghagilap kung anong masarap na kainin kaya pandesal din ang binili niya.“Coffee?” alok ni Viggo nang mapansing hin

    Last Updated : 2021-10-06
  • If We Love Again   Chapter 15.2: Admitted

    Napatayo si Sarah at nilapitan si Erhart. “Anong ginagawa mo?”“I want to clean the mess that I made,” he said in a firm tone, his eyes not leaving hers. “Gusto kong malaman nila ang totoo para sa kapayapaan ng loob mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. Nangungusap ang mga mata nito na pagkatiwalaan niya. Wala sa loob na tumango siya. Gusto na rin naman niyang matapos na ang issue tungkol sa kanila.Hinarap nito ang mga kasamahan niya. “Hindi kami nag-break ni Sarah dahil wala naman kaming relasyon,” pag-amin nito na ikinabigla ng lahat, maliban kay Jessica. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila.Unang nakabawi si Cynthia sa pagkagulat. “So, niloko n’yo lang pala kami.”“It was my fault. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang isang araw na pagkukunwari kong boyfriend ako ni Sarah. I&rsqu

    Last Updated : 2021-10-07
  • If We Love Again   Chapter 16: News

    Pinilig ni Sarah ang ulo sa glass wall ng pantry. Tanaw na tanaw niya mula sa puwesto ang nagkikislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali at maging sa kahabaan ng kalsada ng EDSA. Ber-months na kaya napakakulay ng paligid.“Ang aga mo namang pumasok.”Binaling niya ang tingin sa bagong dating. Umupo ito sa kabilang side ng table at inilapag nito ang cup ng kape sa mesa, sa tapat niya. “Dahil baka sunduin mo ako.” T-in-ext niya ito na nasa pantry siya dahil baka pumunta pa ito sa kanila.Lagpas kalahating taon na rin silang magkakakilala pero hindi pa rin ito sumusuko sa kaniya. Pinanindigan nito ang panliligaw kahit hindi siya pumayag. Basta ginagawa na lang nito kung anong dapat na gawin ng isang manliligaw. In all fairness, impressive ito.Nanatili ang kaniyang schedule na 12:00 hanggang 9:00 am samantalang naging 8:00 pm hanggang 5:00 am naman ang pasok nito. Minsan, ito na ang nagluluto ng al

    Last Updated : 2021-10-08
  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • If We Love Again   Chapter 23.2: Holidays

    Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi

  • If We Love Again   Chapter 23.1: Holidays

    “Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa

  • If We Love Again   Chapter 22: Message

    (Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni

  • If We Love Again   Chapter 21: Warning

    Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na

  • If We Love Again   Chapter 20: Clingy

    Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama

  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

  • If We Love Again   Chapter 19.1: Traditional Courtship

    Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka

  • If We Love Again   Chapter 18: Assumption

    Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya

  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status