Home / Romance / If We Love Again / Chapter 13: Caught

Share

Chapter 13: Caught

Author: J.R. McKay
last update Last Updated: 2021-10-04 12:30:24

Sarah did everything just to avoid Erhart. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at nagpapa-late ng uwi. Umuwi siya sa Rizal nang sumapit ang kaniyang rest day at pagbalik niya ay hindi siya lumalabas ng bahay. Nagkukunwari siyang abala o tulog kapag naisipan nila Erhart na mag-breakfast o mag-dinner nang sabay-sabay.

Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Jessica. Busy ito sa bagong dine-date kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan ang binata.

Gaya ngayon, rest day niya ulit at mag-isa lang siya sa bahay dahil gumala si Jessica. Gusto niyang magpahangin sa labas pero hindi niya magawa dahil nakatambay sa labas si Erhart. Paano niya nalaman? Simple lang. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa bintana. Bakit kasi napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa?

Humilata siya sa sofa at pinagkasya ang sarili doon. Bagot na bagot na siya pero wala siyang ganang manood ng palabas sa TV. Kumakalam na ang kaniyang sikmura pero wala siyang ganang kumain. Ano bang nangyayari sa kaniya?

Ilang minuto na rin siya sa ganoong posisyon at sitwasyon nang biglang namatay ang ilaw. Nagsigawan ang iba niyang kapitbahay na walang kuryente. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Tinatamad siyang bumangon upang magsindi ng kandila.

Noong nabubuhay pa ang kaniyang ama, ang una nitong ginagawa sa tuwing nanawalan ng kuryente ay ang yakapin siya. Ipapaalala nito kung gaano siya nito kamahal at hindi siya nag-iisa. Pero wala nang gagawa noon dahil iniwan na siya nito.

Nagladas ang luha sa kaniyang mukha. Hindi sana ito mawawala kung nalaman nila nang maaga ang sakit nito, kung may pera silang pampagamot dito, kung tinulungan sila ng taong nagluwal sa kaniya. Hindi deserve ng babaeng ‘yon ang karangyaang tinatamasa habang nagdurusa noon ang kaniyang ama.

Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang pumukaw sa kaniyang malalim na pag-iisip. Marahan niyang tinuyo ang luha gamit ang palad at nangangapang naglakad patungo sa pinto. Dumating na siguro si Jessica. Subalit ibang tao ang bumulaga sa kaniya pagbukas ng pinto.

Madilim ang paligid ngunit naaaninag niya ang mukha nito. Salamat sa liwanag na hatid ng buwan. “Erhart…”

“Napansin kong walang liwanag sa bahay n’yo. Binigyan ako ni Aling Nena ng kandila—Sarah? Umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong nito.

God knows, pinigilan niyang suminghot pero hindi niya maawat ang sarili. Hindi niya rin mapigilan ang pag-agos ng luha. Bakit ngayon pa? Bakit si Erhart pa ang nakakita?

“Natatakot ka ba?” Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Huwag ka nang matakot, nandito lang ako.” Kinabig siya ng binata palapit dito at niyakap nang mahigpit. “Hindi ka na mag-isa.”

His words were comforting but it broke her heart even more. “Si Tatay…” Banayad nitong hinaplos ang kaniyang likod upang pakalmahin siya. “Nami-miss ko na si Tatay,” aniya sa pagitan ng paghikbi.

Wala na siyang narinig na salita mula rito pero sapat na ang init na hatid ng yakap nito upang mapakalma siya. Matagal sila sa ganoong posisyon nang biglang kumalampag ang gate. Itinulak niya palayo ang binata at napatingin sa direksyong pinagmulan ng ingay.

“Ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya.

“Ssh…” saway nito sa kaniya. “Pumasok tayo,” bulong nito sa punong-tainga niya.

Nagsitayuan ang balahibo niya sa buong katawan. Hindi niya alam kung kinilabutan siya sa ginawa ng binata o sa taong umakyat sa gate, na nakapasok na sa loob ng bakuran nila. Naestatwa siya sa kinatatayuan kaya hinila siya ni Erhart sa loob at bahagyang isinara ang pinto. Nag-iwan ito ng maliit na awang upang makasilip sa labas.

Gusto niya ring sumulip pero nakaharang ito sa pintuan. “Tatawag na ba ako ng pulis?”

“Hindi na kailangan.” Binuksan nito ang pinto na ipinagtaka niya. Tumayo siya sa tabi nito at nag-usisa. “Si Harry at Jessica—”

Natigilan ito at napasinghap naman siya. Namilog ang kaniyang mata sa nasaksihan. Hinapit ni Harry ang baywang ni Jessica at kumuyapit naman ang dalaga sa leeg ng binata habang magkalapat ang labi ng mga ito. Mabilis niyang inalis ang tingin sa dalawa.

Dama niya ang pag-init ng kaniyang pisngi dahil bigla niyang naalala ang pinagsaluhan nilang halik ni Erhart. Sigurado siyang pulang-pula na ang kaniyang mukha. Mabuti na lang talaga at buwan lamang ang nagsilbi nilang ilaw dahil kung hindi, makikita ng binata ang naging reaksyon niya.

“Sarah…” anas nito.

Napalunok siya. Nakakikilabot ang pagbigkas nito sa pangalan niya ngunit sa nakakakiliting paraan. Nababaliw na yata siya. “O?”

“Never mind.”

Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya’y uungkatin nito ang nangyari sa kanila. Hindi pa siya handa. “Tapos na ba sila?” walang kuwenta niyang tanong.

He giggled. “Ayaw mo ba silang panoorin o naiinggit ka sa kanila?”

“Iniinis mo ba ako?” Pinigilan niya ang sarili na sumigaw dahil baka mabulabog ang katahimikan ni Aling Nena at baka makaistorbo siya sa ginagawang milgaro nina Jessica at Harry. “Umuwi ka na nga!” mahina pero mariin niyang utos.

Akmang itutulak niya ang binata palabas ng bahay nang biglang may bumagsak na malamig na bagay sa kaniyang balikat at gumapang ‘yon papunta sa kaniyang batok. Napahiyaw siya sa gulat.

“Erhart, tanggalin mo!” Gumapang ang butiki pababa sa kaniyang katawan. Medyo maluwag ang suot niyang sando kaya malayang nakagalaw ang hayop na ‘yon. “Erhart!”

“Anong tatanggalin ko?” May bahid na pagkataranta sa tinig nito. “Saan?”

“Mayroong butiki sa likod ko, sa loob ng sando.” Nandidiri siyang hawakan ‘yon kaya ito ang inutusan niya. “Bilisan mo!”

“Heto na.” Ipinasok nito ang kamay sa loob ng kaniyang damit. “Saan banda?”

“Sa bandang kanan, malapit sa…” Sh*t! Bakit doon pa? “Malapit sa strap ng bra ko,” nahihiyang saad niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago kinapa ang likod niya. Lumihis ng direksyon ang butiki, gumapang ‘yon patungo sa dibdib niya. “Sh*t!” sigaw niya kasabay nang pagsindi ng ilaw.

“Anong ginagawa n’yo?” pasinghal na bungad na Aling Nena na bigla na lang sumulpot. Nakatayo ito malapit sa pintuan at may dalang flashlight na naka-off. “Puwede bang itikom n’yo ‘yang mga bibig n’yo kapag gumagawa kayo ng milagro?”

“Nagkakamali po kayo—”

“Hindi ko akalaing magagawa mo ‘to, Sarah.” Umiling ito. Dismayadong tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Mapupusok talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon,” huling hirit nito bago umalis.

Saglit na nawala sa kaniyang isipan ang tungkol sa butiki Dahil kay Aling Nena. Naalala niya lang nang bigala ‘yong gumapang paakyat sa kaniyang leeg. “Erhart, nasa leeg ko.”

Walang imik na kinuha nito ang butiki sa kaniyang leeg. Hinagis nito sa labas ang munting nilalang. “Nasaan na pala sila Jessica?” Bigla na lang nawala ang mga ito.

“Ewan,” tipid nitong sagot.

Napansing niyang namumula ang buong mukha nito at hindi ito makatingin nang deretso sa kaniyang mga mata. “Anong problema mo?”

“Ikaw.”

“Ha? Bakit ako?” inosente niyang tanong. Anong ginawa niya rito?

Pinuno nito ng hangin ang dibdib at marahas ‘yong ibinuga sabay iling. “Good night, Sarah.” Kinantalan nito ng halik ang kaniyang noo bago umalis.

Naiwan siyang tulala at nanatiling nakatayo sa puwestong pinag-iwanan nito sa kaniya. Naabutan siya ni Jessica sa ganoong sitwasyon.

“O, gising ka pa?”

Tinitigan niya ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Maayos ang itsura nito at halatang kapapahid lang ng lipstick. Nag-ayos pa talaga ito para hindi mahalata ang kalokohang ginawa.

“Sarah,” untag nito.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Harry pala ang bago mong dine-date?

Tinakasan ng kulay ang mukha nito. “Paano mo nalaman?”

“Nakita kitang nakikipaghalikan kay Harry at bigla na lang kayong nawala noong bumalik ang kuryente. Boyfriend mo ba siya?”

Hula niya na nagtago ito upang ayusin ang sarili. Puwede ring nakita nitong lumabas ng bahay si Aling Nena at natakot itong mahuli ng matanda.

“Sorry.” Yumuko ito. “Hindi ko naman gustong ilihim sa ‘yo. Natatakot lang ako na baka hindi ka pumayag. At isa pa, hindi ako sigurado—”

“Bakit naman kita pipigilan sa gusto mo?” Hula niya, no label ang relationship status nito kaya inilihim nito ang tungkol doon.

“Sorry na.” Niyakap siya nito mula sa likuran. “Akala ko kasi magagalit ka sa akin dahil magpapakatanga ulit ako sa pag-ibig.”

Oo, palagi niya itong tinatalakan sa tuwing nakikipagrelasyon ito pero hindi dahil gusto niyang hadlangan ito. Nababahala lang siya para sa kaibigan dahil kahit kinakawayan at kinakalabit na ito ng red flag, sige pa rin ito.

“Alam mong kapakanan mo lang ang iniisip ko.” Marupok kasi ito pagdating sa lalaki, madaling mauto. “Mas nakakagalit ‘yong paglilihim mo sa akin lalo na’t kilala ko ‘yong dine-date mo. Pinagmukha mo naman akong tanga.”

“Sorry. Promise, hindi na mauulit,” pangako nito.

“Ewan ko sa ‘yo.”

“Dapat nga magtampo rin ako sa ‘yo,” anito na ikinataas ng kilay niya.

“Bakit naman?”

“Hindi mo sinabi sa akin na nagkakamabutihan na pala kayo ni Tisoy.”

Kumalas siya sa pagkakayakap nito sa kaniya at hinarap ito. “Aba, binabaligtad mo pa ako!”

“Sus, kunwari ka pa!” Sinundot nito ang tagiliran niya. “Magkasama kayo ni Erhart sa bahay na walang ilaw ‘tapos ang lakas pa ng tili mo kanina. Anong ginawa n’yo, ha?”

Pinandilatan niya ito ng mata. “Hoy, hindi tayo magkapareho! Ibahin mo ako sa ‘yo.”“

Ows?”

Humalukipkip siya. “Marami kang dapat na ikuwento sa akin,” pag-iiba niya sa usapan. Mukhang magdamag silang mag-uusap ng kaibigan lalo na’t ‘di nito sinagot ang kaniyang tanong kung boyfriend ba nito si Harry. Hindi siya mapapalagay hangga’t ‘di ito nagkukuwento sa kaniya. “At uulitin ko, wala kaming relasyon ni Erhart.”

Hindi ‘yon mangyayari dahil ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya iibig.

Related chapters

  • If We Love Again   Chapter 14: Coffee

    He wanted to kiss her badly. No woman made him feel that way. Baka nahalikan na niya ito kung nagtagal pa siya roon. Marami itong napukaw na emosyon sa kaloob-looban niya na hindi niya kayang pangalanan ang iba.Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili kapag nasa paligid ito kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing kasama ito. May kung anong puwersa ang nanggagaling sa dalaga na tila nae-engganyo siyang mapalapit dito.Malinaw na ngayon kung anong nais niya—ayaw niyang mapunta ito sa iba lalo na sa Viggo na ‘yon. Hindi kasama sa plano niya ang umibig pero hindi niya inaasahang darating si Sarah sa buhay niya.“Mukhang malalim ang iniisip mo,” pukaw ni Harry sa kaniya pagpasok nito sa bahay. “Kumusta kayo ni Sarah?”“Kumusta kayo ni Jessica?” balik-tanong niya. Wala siyang inililihim dito pero nagawa nitong maglihim sa kaniya. Although, napapansin niyang m

    Last Updated : 2021-10-05
  • If We Love Again   Chapter 15.1: Admitted

    Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Pauwi na si Jessica samantalang lunch break pa lang niya. Na-adjust ang pasok ng babae dahil may nakipagpalit ng schedule dito kaya napaaga ng isang oras ang pasok nito. “Gusto ko nang umuwi,” naghihikab niyang wika.Umangkla sa kaniyang braso si Jessica. “Sasamahan kitang kumain. Nami-miss ko na ‘yong pandesal na binebenta sa pantry.”“Sige.”“Can I join? Gusto kong magkape bago umuwi,” singit ni Viggo.“Sure,” Jessica responded.She nodded and gave a half smile. Nasa hallway sila at kasalukuyang nag-aabang ng elevator. Nanatiling nakakapit sa kaniyang braso si Jessica hanggang sa maksakay sila sa elevator. Humiwalay lang ito sa kaniya pagdating nila sa 6th floor. Tinatamad siyang maghagilap kung anong masarap na kainin kaya pandesal din ang binili niya.“Coffee?” alok ni Viggo nang mapansing hin

    Last Updated : 2021-10-06
  • If We Love Again   Chapter 15.2: Admitted

    Napatayo si Sarah at nilapitan si Erhart. “Anong ginagawa mo?”“I want to clean the mess that I made,” he said in a firm tone, his eyes not leaving hers. “Gusto kong malaman nila ang totoo para sa kapayapaan ng loob mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. Nangungusap ang mga mata nito na pagkatiwalaan niya. Wala sa loob na tumango siya. Gusto na rin naman niyang matapos na ang issue tungkol sa kanila.Hinarap nito ang mga kasamahan niya. “Hindi kami nag-break ni Sarah dahil wala naman kaming relasyon,” pag-amin nito na ikinabigla ng lahat, maliban kay Jessica. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila.Unang nakabawi si Cynthia sa pagkagulat. “So, niloko n’yo lang pala kami.”“It was my fault. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang isang araw na pagkukunwari kong boyfriend ako ni Sarah. I&rsqu

    Last Updated : 2021-10-07
  • If We Love Again   Chapter 16: News

    Pinilig ni Sarah ang ulo sa glass wall ng pantry. Tanaw na tanaw niya mula sa puwesto ang nagkikislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali at maging sa kahabaan ng kalsada ng EDSA. Ber-months na kaya napakakulay ng paligid.“Ang aga mo namang pumasok.”Binaling niya ang tingin sa bagong dating. Umupo ito sa kabilang side ng table at inilapag nito ang cup ng kape sa mesa, sa tapat niya. “Dahil baka sunduin mo ako.” T-in-ext niya ito na nasa pantry siya dahil baka pumunta pa ito sa kanila.Lagpas kalahating taon na rin silang magkakakilala pero hindi pa rin ito sumusuko sa kaniya. Pinanindigan nito ang panliligaw kahit hindi siya pumayag. Basta ginagawa na lang nito kung anong dapat na gawin ng isang manliligaw. In all fairness, impressive ito.Nanatili ang kaniyang schedule na 12:00 hanggang 9:00 am samantalang naging 8:00 pm hanggang 5:00 am naman ang pasok nito. Minsan, ito na ang nagluluto ng al

    Last Updated : 2021-10-08
  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

    Last Updated : 2021-10-11
  • If We Love Again   Chapter 18: Assumption

    Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya

    Last Updated : 2021-10-12
  • If We Love Again   Chapter 19.1: Traditional Courtship

    Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka

    Last Updated : 2021-10-13
  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

    Last Updated : 2021-10-14

Latest chapter

  • If We Love Again   Chapter 23.2: Holidays

    Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi

  • If We Love Again   Chapter 23.1: Holidays

    “Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa

  • If We Love Again   Chapter 22: Message

    (Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni

  • If We Love Again   Chapter 21: Warning

    Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na

  • If We Love Again   Chapter 20: Clingy

    Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama

  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

  • If We Love Again   Chapter 19.1: Traditional Courtship

    Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka

  • If We Love Again   Chapter 18: Assumption

    Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya

  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

DMCA.com Protection Status