Ngali-ngali nang ihagis ni Jessica ang phone pagkatapos niyang makausap ang mga mgaulang. Insulto lang ang natanggap niya sa mga ito imbes na kumustahin siya. Tutol ang mga ito sa propesyong kaniyang tinahak pero wala siyang balak na basta na lang sumuko at sundin ang nais ng mga magulang niya. Hindi siya papayag.
Ang pagkainis na nadarama ay ibinuhos na lang niya sa paglilinis ng bahay at dinamay niya pati ang bakuran. Katatapos niya lang magwalis sa labas kaya bumalik na siya sa loob nang matanaw niya si Harry. Bihis na bihis ito. Itatanong niya sana kung saan ito pupunta pero natilihan siya. Baka isipin pa nito na mino-monitor niya ang bawat kilos nito.Napakislot siya nang mag-ring ang cell phone sa kaniyang bulsa. Hindi niya ‘yon sinagot pero makulit ang caller kaya tiningnan niya ang kung sino ‘yon. Kasamahan niya pala sa trabaho ang tumatawag. “Hello, Lily.”“Jess, sumama ka na,” pangungulit nito. “Isama mo si Sarah para maturuan ko kung paano mamingwit ng boys.”Bago siya mag-rest day ay niyaya siya nitong pumunta sa bar na tinanggihan niya. “Naku, Lily, tigilan mo si Sarah. May jowa na ‘yon.”“Jowa niya talaga ‘yong tisoy? Nakikita kong sinusungitan niya lang ‘yon, eh, pero sweet pa rin sa kaniya ‘yong lalaki. Hay! Nakakainggit naman siya.”Binalewala niya ang tanong nito. “Sasama na ako sa ‘yo,” pag-iiba niya sa usapan. “Saang bar tayo pupunta?” Si Harry sana ang yayayain niyang lumabas pero umalis naman ito.Sinabi ni Lily ang lugar kung saan sila magkikita bago niya pinutol ang tawag. Ipinagluto niya ng ulam si Sarah at pagkatapos ay gumayak na siya. Tamang-tama na paalis na siya nang magising ang kaibigan.“Saan ka pupunta?” tanong nito habang kinukusot ang mga mata. “Ang sexy mo, a.”She wore a bodycon dress with a pair of strappy stiletto and a dangling earrings. “Nagyaya si Lily na gumimik.”Sarah rolled her eyes and frowned. She smirked at her. Naiinis ito kay Lily dahil bad influence raw ang babae pero hinahayaan lang naman siya nitong sumama rito. Malaki na raw siya at alam na kung anong tama sa mali.“Ipinagluto na kita ng hapunan. Bye!”Naabutan niyang naghihintay sa kaniya si Lily sa labas ng bar pagdating niya roon. Sabay na silang pumasok sa loob. Hindi pa umiinit ang puwet nito sa upuan ay tumayo na agad ito at umindak sa dance floor.Nagpaiwan siya sa table nila at hinintay ang iba pa nilang kasama. Ilang minuto ang lumipas nang may lumapit sa kaniya at inalok siya ng drinks pero magalang siyang tumanggi. Mabuti’t mabait ito at hindi siya binastos. Guwapo pa naman sana ang lalaki at mabango pero wala siya sa mood makipaglandian. Isang tao na lang kasi ang laman ng kaniyang isip simula nang maging malapit sila sa isa’t isa.Ang sinabi niya noong una ay crush niya lang ito pero parang hindi na simpleng paghanga ang nararamdamman niya para sa binata. At feeling niya, may gusto rin ito sa kaniya. Ilang linggo na rin silang nagpapalitan ng sweet messages at kung minsan ay patagong nagkikita sa labas. Hindi niya masabi kung nagde-date ba sila dahil wala naman itong sinasabi sa kaniya. Nagsimula ‘yon nang tinanong niya ang lalaki kung may girlfriend na ito.Gustong-gusto na niyang itanong sa lalaki kung ano ba talaga ang estado nila pero ayaw niya itong pangunahan. Baka dahil doon ay masira pa ang magandang samahan nila ng binata na ayaw niyang mangyari. Hindi rin kasi siya sigurado kung friendly lang ba talaga ito sa kaniya o may halo ng malisya. Mas napo-frustrate pa siya sa status nila kaysa sa problemang dulot ng sarili niyang pamilya sa kaniya.“Himala, hindi mo pinansin ‘yong lalaki,” puna ni Drew, kasamahan nila ito sa trabaho at kararating lang nito. Kinawayan nito ang waiter na malapit sa puwesto nila. “Hindi ka pa nag-o-oder ng drinks. What do you want?”“Wala,” matamlay niyang tugon. “Uminom ka lang diyan.”“Whoa!” Namilog ang mga mata nito. Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Kailan ka pa tumanggi sa alak?”“Shut up! Um-order ka na lang!” bulyaw niya. Wala namang makakapansin sa ginawa niyang pagsigaw dahil nagkakatuwaan ang mga tao at palakas na nang palakas ang ingay sa loob.Dumating na ang lahat ng katrabaho nila, iyong iba nasa dance floor at ang iba naman ay nagpapakalanggo na sa alak. Siya? Ayon, nagmumukmok. Nakaisang shot lang siya ng tequila ‘tapos nanahimik na siya sa isang tabi.Hindi niya namalayan na nag-ring ang phone na hawak niya samantalang kanina pa siya roon nakatitig. Kinuha ‘yon ni Drew mula sa kaniyang kamay dahil hindi siya kumilos upang sagutin ‘yon. Ito na ang sumagot ng tawag pero agad din nitong ibinalik ang phone sa kaniya.“Fafa mo,” nanunuksong wika nito. Lumalabas ang totoo nitong kulay kapag nakakainom. “Ang yummy ng boses.”Kunot-noong kinuha niya ang cell phone at tiningnan kung sino ang tumawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang nakarehistrong pangalan sa screen.“Harry,” sambit niya. Ewan niya kung narinig siya nito dahil sobrang ingay roon. “Bakit?” Ito ang lalaki na laman ng kaniyang isipan.“Nasaan ka ba? Bakit maingay riyan? Hindi kita masyadong marinig.”“Nasa bar,” maikli niyang tugon. “Bakit ka nga pala tumawag?” sigaw niya. At least may dahilan siya na sigaw-sigawan ito na hindi nito mahahalata na naiinis siya rito, sa sitwasyon niya, sa kung ano bang mayroon sila. Mayroon nga ba?“Anong exact location mo? Pupuntahan kita riyan. Huwag kang magpapakalasing at makikipagsayaw sa kung sino-sinong lalaki,” paalala nito.“Pero nasa bar ako—”“Gawin mo na lang ang sinabi ko!”Inilayo niya sandali ang phone sa kaniyang tainga dahil parang mababasag ang eardrum niya sa lakas ng boses nito. Sumangayon na lang siya dahil sa pagkabigla. Nag-text siya rito kung nasaan siya. Ilang minuto rin siyang naghintay bago ito dumating. Hindi maipinta ang mukha nito.“Harry.”“Let’s go home.”Hinila siya nito palabas ng bar kaya hindi siya nakapagpaalam sa mga kasamahan niya. Paglabas nila ay agad itong pumara ng taxi. Magkatabi silang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan ngunit hindi sila nagkikibuan. Naramdaman na lang niya na ipinatong nito ang panyo sa kaniyang hita upang takpan ‘yon. Bahagya kasing tumaas ang suot niya. Lihim siyang napangiti.“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka sa bar?” basag nito sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. “Ang daming lalaki roon. Paano kung may bumastos sa ‘yo?”Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit pakiwari niya ay may gusto ito sa kaniya. Kapakanan niya ang iniisip nito kahit na wala namang namamagitan sa kanila. Napapansin niya ring gentleman at overprotective ito pagdating sa kaniya. Paano siyang hindi mahuhulog sa binata?“Hindi mo rin naman sinabi sa akin noong umalis ka,” sumbat niya sa mahinahong tinig.“That was urgent,” he said in a gentle tone. His expression softened. “May importante lang akong inasikaso.”“Okay.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. “Are you mad?”Napatingin siya rito sabay iling, pero ang totoo, nangangati ang kaniyang bibig. Kapag hindi siya nakapapigil ay baka maitanong niya rito ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Mas mainam na manahimik na lang siya kaysa may masabi siyang ikasisira ng magandang samahan sa pagitan nila.“Sorry,” usal nito sabay halik sa kaniyang noo.Mag-uusisa sana siya kung para saan ang halik na ‘yon subalit naudlot dahil pumara ang binata. Inabot nito ang bayad sa driver bago siya pinagbuksan ng pinto at inalalayan palabas ng sasakyan. Nagtaka siya nang mapansing ilang metro pa ang lalakarin nila mula roon hanggang sa apartment.“Bakit dito tayo bumaba?”“Para makasama kita nang mas matagal,” nakangiting wika nito.Suntok sa buwan ang pagngiti nito kaya naman tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. Gustong niyang tumatak sa kaniyang memorya ang maganda nitong ngiti. “Sana makita ko palagi ang ngiti mo.”Nagkibit-balikat ito at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. “Ang init ng palad mo. Tamang-tama, nilalamig ako,” anito. “By the way, next time, ayaw na kitang makita na magsuot ng ganyan kaikling damit. At kung gusto mong gumimik, isama mo ako.”Tumango siya at ginawaran ito ng matamis na ngiti. Kung sa ibang pagkakataon, baka tumalon-talon na siya at gumulong-gulong sa sahig dahil sa kilig. Pero ngayon, mas gusto niyang maging mahinhin sa harapan ng binata.Ilang hakbang na lang ang layo nila sa apartment nang biglang namatay ang ilaw sa mga poste at kabahayan, maliban sa buildings na may generator. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa binata.“It’s alright. I’m here.”Ginamit nito ang phone upang magsilbing liwanag sa daraanan nila. Inalalayan siya nito sa paglalakad. “Thank you.”Naka-lock na ang gate nang makarating sila sa apartment. Hindi niya puwedeng tawagan si Sarah dahil mahuhuli nitong magkasama sila ni Harry. “Paano ‘yan, sarado na ang gate?”“Tatawagan ko si Erhart.”“Huwag!” pigil niya rito. “Umakyat ka na lang sa gate. Huwag na natin siyang istorbohin,” palusot niya.“Sige.”Inilawan niya ito gamit ang cell phone. Mabilis itong nakaakyat sa gate at pinagbuksan siya. “Salamat.”“Salamat lang?”Hindi niya masyadong maaninag ang eskspresyon ng mukha nito dahil pinatay na niya ang phone. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang tanging ilaw nila ngayon. “Ano palang gusto mo?”“I’m dying to do this to you,” he whispered huskily and pulled her closer.Bago pa siya nakapagtanong kung naong tinutukoy nito ay lumapat na ang labi nito sa kaniya. Ang traidor niyang mga kamay ay kusang pumulupot sa leeg nito. Napakarupok niya talaga!Thank you for reading! F^ceb00k ^cc0unt: Carmie Lopez
Sarah did everything just to avoid Erhart. Maaga siyang pumapasok sa trabaho at nagpapa-late ng uwi. Umuwi siya sa Rizal nang sumapit ang kaniyang rest day at pagbalik niya ay hindi siya lumalabas ng bahay. Nagkukunwari siyang abala o tulog kapag naisipan nila Erhart na mag-breakfast o mag-dinner nang sabay-sabay.Mabuti na lang at hindi nag-usisa si Jessica. Busy ito sa bagong dine-date kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan ang binata.Gaya ngayon, rest day niya ulit at mag-isa lang siya sa bahay dahil gumala si Jessica. Gusto niyang magpahangin sa labas pero hindi niya magawa dahil nakatambay sa labas si Erhart. Paano niya nalaman? Simple lang. Bahagya niyang hinawi ang kurtina at sumilip sa bintana. Bakit kasi napakaliit ng mundo para sa kanilang dalawa?Humilata siya sa sofa at pinagkasya ang sarili doon. Bagot na bagot na s
He wanted to kiss her badly. No woman made him feel that way. Baka nahalikan na niya ito kung nagtagal pa siya roon. Marami itong napukaw na emosyon sa kaloob-looban niya na hindi niya kayang pangalanan ang iba.Nahihirapan siyang kontrolin ang sarili kapag nasa paligid ito kaya naman sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing kasama ito. May kung anong puwersa ang nanggagaling sa dalaga na tila nae-engganyo siyang mapalapit dito.Malinaw na ngayon kung anong nais niya—ayaw niyang mapunta ito sa iba lalo na sa Viggo na ‘yon. Hindi kasama sa plano niya ang umibig pero hindi niya inaasahang darating si Sarah sa buhay niya.“Mukhang malalim ang iniisip mo,” pukaw ni Harry sa kaniya pagpasok nito sa bahay. “Kumusta kayo ni Sarah?”“Kumusta kayo ni Jessica?” balik-tanong niya. Wala siyang inililihim dito pero nagawa nitong maglihim sa kaniya. Although, napapansin niyang m
Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Pauwi na si Jessica samantalang lunch break pa lang niya. Na-adjust ang pasok ng babae dahil may nakipagpalit ng schedule dito kaya napaaga ng isang oras ang pasok nito. “Gusto ko nang umuwi,” naghihikab niyang wika.Umangkla sa kaniyang braso si Jessica. “Sasamahan kitang kumain. Nami-miss ko na ‘yong pandesal na binebenta sa pantry.”“Sige.”“Can I join? Gusto kong magkape bago umuwi,” singit ni Viggo.“Sure,” Jessica responded.She nodded and gave a half smile. Nasa hallway sila at kasalukuyang nag-aabang ng elevator. Nanatiling nakakapit sa kaniyang braso si Jessica hanggang sa maksakay sila sa elevator. Humiwalay lang ito sa kaniya pagdating nila sa 6th floor. Tinatamad siyang maghagilap kung anong masarap na kainin kaya pandesal din ang binili niya.“Coffee?” alok ni Viggo nang mapansing hin
Napatayo si Sarah at nilapitan si Erhart. “Anong ginagawa mo?”“I want to clean the mess that I made,” he said in a firm tone, his eyes not leaving hers. “Gusto kong malaman nila ang totoo para sa kapayapaan ng loob mo. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila.”Marahan nitong pinisil ang kaniyang kamay. Nangungusap ang mga mata nito na pagkatiwalaan niya. Wala sa loob na tumango siya. Gusto na rin naman niyang matapos na ang issue tungkol sa kanila.Hinarap nito ang mga kasamahan niya. “Hindi kami nag-break ni Sarah dahil wala naman kaming relasyon,” pag-amin nito na ikinabigla ng lahat, maliban kay Jessica. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanila.Unang nakabawi si Cynthia sa pagkagulat. “So, niloko n’yo lang pala kami.”“It was my fault. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang isang araw na pagkukunwari kong boyfriend ako ni Sarah. I&rsqu
Pinilig ni Sarah ang ulo sa glass wall ng pantry. Tanaw na tanaw niya mula sa puwesto ang nagkikislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali at maging sa kahabaan ng kalsada ng EDSA. Ber-months na kaya napakakulay ng paligid.“Ang aga mo namang pumasok.”Binaling niya ang tingin sa bagong dating. Umupo ito sa kabilang side ng table at inilapag nito ang cup ng kape sa mesa, sa tapat niya. “Dahil baka sunduin mo ako.” T-in-ext niya ito na nasa pantry siya dahil baka pumunta pa ito sa kanila.Lagpas kalahating taon na rin silang magkakakilala pero hindi pa rin ito sumusuko sa kaniya. Pinanindigan nito ang panliligaw kahit hindi siya pumayag. Basta ginagawa na lang nito kung anong dapat na gawin ng isang manliligaw. In all fairness, impressive ito.Nanatili ang kaniyang schedule na 12:00 hanggang 9:00 am samantalang naging 8:00 pm hanggang 5:00 am naman ang pasok nito. Minsan, ito na ang nagluluto ng al
She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”
Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya
Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka
Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka
Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka
Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya
She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”