Home / Romance / If We Love Again / Chapter 1: Encounter

Share

If We Love Again
If We Love Again
Author: J.R. McKay

Chapter 1: Encounter

Author: J.R. McKay
last update Huling Na-update: 2021-07-26 08:13:23

Napatingin si Sarah sa relong-pambisig. Tatlong minuto na lamang ang nalalabi at malapit na siyang mag-out sa trabaho. Atat na atat na siyang umuwi, maging ang buong team niya dahil rest day na nila.

“Sarah.”

Nabaling ang kaniyang tingin kay Pia, ang operating manager niya. Nagtatrabaho siya bilang team manager sa isa sa pinakamalaking call center sa bansa. “OM.” Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo. Nahulaan na niya kung ano ang pakay nito sa kaniya. “Don’t push your luck, OM. I’m going home.” 

Ang tinutukoy niyang ‘home’ ay sa Rizal. Once a month siya kung umuwi sa probinsya upang bisitahin ang kaniyang mga tiya.

Nangungupahan siya sa isang apartment malapit sa pinagtatrabahuan niya sa Quezon City kasama ang kaibigan niyang si Jessica kaya madalang siyang umuwi roon.

Napairap ito. “I didn’t say anything but you refused right away.”

“Because I can read your mind,” malamya niyang tugon. Alam niyang kinulit na naman ito ni Viggo na kausapin siya. Matagal nang nagpapalipad-hangin ang lalaki pero hindi niya pinapansin. Team Manager din ito under sa supervision ni Pia. “Ayokong makipag-date sa kaniya.” Dahil talamak ang pagiging babaero nito.

Tamang-tama na oras na ng uwi niya kaya mabilis siyang nag-clock out at nagpaalam sa kaniyang team na mauna na siyang umuwi. Kinawayan niya si Pia sabay karipas nang takbo palabas ng production floor. Namataan niya kasi si Viggo na naglalakad patungo sa station niya.

Mabuti’t nakasakay siya agad sa elevator. Lakad-takbo ang ginawa niyang nang makalabas sa building dahil baka sumunod si Viggo sa kaniya. Sa sobrang pagmamadali, naiwan niya ang bag sa locker. Malayo-layo na siya sa building nang maalala ‘yon.

“Hay!” Napapadyak siya dahil sa iritasyong nadarama. “Napakamalas ko naman!” Pumihit siya at naglakad pabalik sa pinanggalingan. Umaasa siyang hindi makasalubong si Viggo.

Pasara na ang isang elevator pagpasok niya sa building, hinabol niya ‘yon. Suwerteng bumukas ang pinto at dali-dali siyang sumakay kasabay ang isang lalaki na humahangos din. Sa kasamang-palad, overloaded na ‘yon.

“Ladies first. Lumabas ka na,” kaswal niyang utos sa lalaking katabi, ito ang kasabay niyang pumasok sa elevator. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.

“Miss, puwedeng paunahin mo na ako? Nagmamadali kasi ako dahil baka maabutan ako sa labas ng trainer—”

“Who cares?” She interrupted. Nahagip ng kaniyang peripheral vision na may hawak itong footlong at kape. Awtomatikong umikot ang kaniyang mata. Trainee pa lang ito pero pasaway na. “Mayroon pang ibang elevator.” Iyong isa, under maintenance at iyong dalawa, nasa mataas na floor pa ayon sa red indicator na makikita sa pinakamataas na parte sa bukana ng elevator.

“Miss, pagbigyan mo na ako. Pangako, hahanapin kita at ililibre kapag pinauna mo ako.”

Mariin siyang umiling. “Ayoko!”

“Hoy, nakakaabala na kayo!” aburidong komento ng isang lalaki mula sa likuran. “Kayong dalawa na lang kaya ang bumababa?”

“Bumaba ka na raw.” Tinulak niya ito palabas ng elevator at mabilis na pinindot ang close button. “Good luck sa ‘yo! Sana makita ka ng trainer mo na pakalat-kalat sa labas,” pahabol niyang wika bago tuluyang nagsara ang pinto.

Hindi niya nakita ang reaksyon ng lalaki dahil namumungay na ang kaniyang mata at dahan-dahan nang bumabagsak ang kaniyang talukap. Gusto niyang pumikit nang tuluyan at humilata sa kama, pero mukhang sa pampasaherong sasakyan na siya aabutan ng antok.

“PAMBIHIRA!” bulalas niya nang masilayan ang pagpinid ng pinto ng elevator. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang pandinig ang sinabi ng babae na nakadagdag sa pagkayamot niya. Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad nakapag-react.

Wala na siyang nagawa kundi ang maghintay ng kasunod na elevator. Inumpisahan niyang kainin ang footlong at sumimsim na rin ng kape. Muntik na siyang ma-late kanina dahil may dinaan siya bago pumasok sa trabaho. Hindi na siya nakapag-almusal kaya nang malaman niyang male-late ang kanilang trainer ay lumabas siya sandali upang bumili ng pagkain.

Good luck sa ‘yo! Sana makita ka ng trainer mo na pakalat-kalat sa labas!

Diniinan niya ang pagnguya nang maalala niya ang sinabi ng babae. Dinig niya ang pagkikiskisan ng sariling mga ngipin. Dasal niyang huwag mahuli ng trainer dahil baka hindi siya nito ipasa sa training. Na-late na siya ng isang beses at ayaw niyang madagdagan pa ang kasalanan niya.

Kailangan niyang pumasa dahil ayaw niyang bumalik sa pagiging service crew sa isang sikat na fast food chain. Hindi niya ikinahihiya ang naging trabaho dahil marangal ‘yon, pero hindi sapat ang kinikita niya upang tustusan ang sarili. Maliban doon, nakakapagod ang trababaho at nakaka-stress ang ibang customer na may bastos na ugali.

Ginusto mo ‘yan, kaya wala kang karapatang magreklamo, kastigo ng isip niya. Napa-iling siya. Kailangan niyang magtiis dahil ginusto nga naman niya ‘yon kaya kailangan niyang panindigan.

NAWALA ang antok at pagod ni Sarah nang madatnan niyang nakahain sa mesa ang mga paborito niyang pagkain. Hindi puwedeng mawala ang tinolang native na manok at ginataang langka kapag umuuwi siya sa kanila. Mayroon pang pakwan na paborito niyang prutas.

“The best talaga ang mga tiya ko!” malawak ang ngiti niyang turan. “Kaya gustong-gusto kong umuwi rito.”

Hinila niya ang upuan at umupo. Sinimulan na niyang lantakan ang pagkain. Takam na takam na siya sa amoy ng tanglad na nagmumula sa tinola at sa malapot na sabaw ng ginataang langka. Hindi siya magkandatuto kung ano ang uunahing kainin.

“Hinay-hinay lang, hindi ka naman mauubusan ng pagkain,” natatawang wika ni Remedios. Ito ang nakababatang kapatid ng kaniyang ama at bunso sa tatlong magkakapatid. “Para sa ‘yo ang lahat ng ‘yan.”

“Halata bang sabik na sabik akong kumain ng luto ninyo?”

“Oo,” tugon ni Matilda. Panganay ito sa magkakapatid at pangalawa naman ang kaniyang tatay. Kung pala ngiti si Remi, kabaliktaran nito ang nakatatandang kapatid. Istrikta si Matilda at bihira lang ngumiti. “Para kang bata.”

“Tiya, bata pa naman talaga ako,” depensa niya. “Twenty-one years old lang ho ako.”

“Pero twenty-two ka na sa Hunyo.” Naglagay si Matilda ng kanin at ulam sa sariling plato. “Kailan mo ba planong umuwi rito?” pag-iiba nito sa usapan.

“Tiya, nandito na ako.”

“Ang ibig kong sabihin, kailan ka magre-resign sa trabaho mo?” seryoso nitong tanong.

Natigilan siya sa pagsubo. Nilapag niya ang kubyertos sa pinggan. “Wala po akong balak na mag-resign.”

Nag-isang linya ang kilay ng matanda. “Bakit, wala ka bang balak na bumalik sa eskwela? Nakalimutan mo na ba ang bilin sa ‘yo ni Bernardo?”

“Ate, huminahon ka muna,” awat ni Remi sa kapatid. “Kumain muna tayo bago nating pag-usapan ang tungkol diyan.”

Nakahinga siya nang maluwag sa pagsalo sa kaniya ni Remi. Alam nitong sa matinding diskusyon mauuwi ang pag-uusap nila kaya ito namagitan. Tahimik silang nagpatuloy sa pagkain. Ang kaluskos ng kubyertos na lumapat sa plato ang tanging ingay na maririnig sa paligid. 

Nang matapos silang kumain ay nagpresinta siyang maghugas ng kanilang pinagkainan subalit pinigilan siya ni Remi. Sumenyas ito na manatili siya sa kayang puwesto at kausapin si Matilda.

“Hindi mo ba tutuparin ang ipinangako mo kay Bernardo?” basag ni Matilda sa katahimikan.

“Tiya, gagawin ko ang lahat para makapagtapos sa pag-aaral.” Hindi niya makakalimutan ang huling bilin ng kaniyang tatay Bernardo bago ito bawian ng buhay. Nais nitong ipagpatuloy niya ang naudlot na pag-aaral sa kolehiyo at nangako siyang tutuparin ang hiling nito. “Sa susunod na school year ay mag-e-enrol na ako, pero hindi ako titigil sa pagtatrabaho.”

“Magtatrabaho ka sa gabi at mag-aaral ka sa umaga, ‘yon ba ang ibig mong sabihin?”

Tumango siya. Mabuti naman at naintindihan nito ang punto niya.

“Nahihibang ka na ba?” bulyaw nito. “Gusto mo bang unang mamatay kaysa sa amin ng tiya Remi mo?”

“Hindi ko naman ho ‘yon ikamamatay.” Napailing siya sa eksaheradong pahayag nito. Binaling niya ang tingin kay Remi upang humingi ng saklolo rito subalit abala ito sa paghuhugas ng pinggan. “Marami akong kilala na napagsasabay ang trabaho at pag-aaral.”

“Kaya ka naming pag-aralin.”

“Pero—”

“Pinagbigyan na kita sa gusto mo noon, kaya ako naman ang masusunod ngayon!” deklara nito.

Noong nagkasakit ang kaniyang ama ay nasangla ang bahay at maliit nilang sakahan. Nagpasya siyang pansamantalang huminto sa pag-aaral upang makatulong sa pagpapagamot sa kaniyang tatay na may renal disease.

“Tiya, huli na po ‘to. Pangako, kapag naka-graduate na ako, magre-resign na ako sa call center.”

“Natubos na ang bahay at lupa, nabayaran na rin ang lahat ng utang natin. Mapag-aaral ka na namin.”

“Pero—”

“Pinasan mo na ang lahat ng problema na dapat kami ang lumutas. Hayaan mong bumawi kami sa ‘yo.”

Mataman niyang pinagmasdan ang tiyahin. Nanunubig ang sulok ng mga mata nito, halatang nagpipigil itong umiyak. Kahit na masungit ang kaniyang tiyahin ay batid niyang mahal na mahal siya nito. Tumayo siya at nilapitan ito. Niyakap niya ng matanda mula sa likuran.

“Tiya, naiintindihan ko na kapakanan ko lamang ang iniisip ninyo, pero malaki na ho ako at kaya ko na ang sarili ko.”

“Nag-aalala lang kami sa kalusugan mo,” sabat ni Remi. “Malayo ka sa piling namin at walang nag-aalaga sa ‘yo. Nagpapakasubsob ka sa trabaho gayong kaya ka naman naming suportahan. Nawala na ang tatay mo, ayaw naming pati ikaw ay mawala rin sa amin.”

Naramdaman niya pagyakap ni Remi sa kaniya. Napangiti siya kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. Hindi man niya nakapiling ang babaeng nagsilang sa kaniya, biniyayaan naman siya ng dalawang ina, sa katauhan ng kaniyang mga tiyahin, na labis ang ibinigay na pagmamahal sa kaniya.

“Huwag po kayong mag-alala, hindi ko pababayaan ang sarili ko para sa inyo.”

Kaugnay na kabanata

  • If We Love Again   Chapter 2: Decision

    Ipinasyal ni Ian ang nakababatang kapatid na babae sa park ng exclusive subdivision kung saan nakatira ang kaniyang pamilya. Paglabas niya sa trabaho ay doon siya dumeretso. Ika-labing-isang kaarawan ni Arianne sa susunod na linggo, pero sa araw na ‘yon niya nagpagpasyahang i-celebrate ang birthday nito.Naghanap siya puwesto kung saan siya puwedeng maglatag ng picnic mat. Ilang oras na lamang at malapit nang lumubog ang araw pero pinili niyang pumuwesto sa ilalim ng manga. Presko sa pakiramdam ang lilim na hatid ng punong-kahoy na ‘yon. Gusto niya sanang ipasyal sa mas maganda at magarang lugar ang kapatid subalit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na pera. May posibilidad din na hindi siya pahintulutan ni Sonia dahil ikagagalit ‘yon ng kaniyang ama.Mahigpit ang kaniyang ama pagdating sa seguridad ng kapatid at naiintindihan niya ‘yon. Napapayag niya lamang si Sonia dahil sa paglalambing ni Arianne at sa isang ko

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • If We Love Again   Chapter 3: Stalker

    Sinundan ng tingin ni Sarah si Jessica, ang kaibigan niya. Para itong pusa na hindi matae, panay ang labas-pasok nito sa bahay. Nahihilo siya habang pinagmamasdan ito. “Jessica, puwede bang pumirme ka sa isang tabi?” Nakabalik na siya mula sa Rizal. “Ano bang dapat na ibigay ko sa kanila?” wala sa loob na tanong nito. Nagsalubong ang kaniyang kilay. “Regalo ba ‘yon? Para kanino?” “Ngayon lilipat ‘yong bago nating kapitbahay. Gusto ko sana silang bigyan ng kahit na ano para ma-feel nilang welcome sila rito.” Sa pagkakataong ‘yon ay umarko naman ang kaniyang kilay. “Kailan ka pa nag-abala na i-welcome ang bagong boarder ni Aling Nena?” Walang nagtatagal na boarder ang matandang babae dahil napakasungit nito. Sanay na sila na buwan-buwan na may umaalis at dumarating na nangungupahan. Nagtataka siya kung bakit gusto pa itong i-welcome ni Jessica. “For a ch

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • If We Love Again   Chapter 4: Rumors

    Inagahan ni Sarah ang pagpasok sa trabaho. Iniiwasan niyang makasabay sa paglalakad ang bagong kapitbahay dahil nahihiya siya sa nangyari. Naging mapanghusga siya at hindi niya ito hinayaang magpaliwanag. Dapat ba siyang humingi ng tawad? “Pero, bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong ginawang masama!” iritadong wika niya. Natural lang naman na pag-isipan niya ito nang hindi maganda dahil sa pagsunod-sunod nito sa kanya. “Hindi ako magso-sorry!” “Miss, kung ayaw mong matulog, huwag kang maingay!” sita ng kung sino mang naistorbo niya sa pagtulog. Madilim sa sleeping quarters kaya hindi niya makita ang mukha ng sumita sa kanya. Doon siya nagpalipas ng oras dahil maaga pa, pero hindi naman siya makatulog. Sobrang lamig doon, para siyang nasa loob ng chiller. “Sorry.” Nagpasya siyang lumabas para hindi makaistorbo sa iba. Binuksan niya ang cell phone at ang liwanag na nagmumula roon ang nagsilbi

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • If We Love Again   Chapter 5: Dinner

    Bumalikwas ng bangon si Sarah. Nagising siya sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses ni Jessica at ng lalaking kausap nito. Napagpasyahan niyang bumaba. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ay nakita na niya ang kakuwentuhan ng kaibigan. Tumikhim siya upang ipabatid ang kaniyang presensya. “Uy, gising ka na pala!” masiglang wika ni Jessica. “Nakapagluto na ako ng hapunan.” “Ang ingay n’yo kasi,” reklamo niya. Masuwerte ang mga ito dahil wala siyang pasok sa gabing ‘yon kaya palalagpasin muna niya ang pag-iingay ng mga ito. “Maliligo lang ako ‘tapos kumain na tayo.” “Okay.” Bumalik siya sa taas upang kumuha ng towel at damit na pamalit. Maliit lang ang apartment na ‘yon at isa lang ang banyo. Pagbaba niya ay nandoon pa rin si Erhart at prenteng nakaupo sa sofa. Nilagpasan niya ito na parang wala siyang nakitang tao. Binilisan niy

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • If We Love Again   Chapter 6.1: Breaking Rules

    Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya. Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito. “Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!” “Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?” Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • If We Love Again   Chapter 6.2: Breaking Rules

    Gumuhit ang sakit sa ulo ni Sarah. Dalawa ang absent sa team niya, ‘yong isa nagpaalam na masama ang pakiramdam, at ‘yong isa naman ay No Call, No Show. Basta-basta na lang um-absent nang walang paalam. May naka-schedule siyang team huddle at isang coaching. May na-monitor na call ang isang Quality Analyst o QA na sabaw ang isa niyang agent. Wala sa hulog ang pinagsasabi nito sa call at kailangan niya itong i-coach kung paano ito mag-i-improve.Pinakinggan niya ang call ni Edgar, ang sabaw niyang agent. Naka-full ang volume ng kaniyang headset pero halos wala siyang marinig dahil nangingibabaw ang boses ng mga ahente na nagte-take ng calls. Queuing o mataas ang volume ng calls kaya sobrang ingay sa production floor. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halos bumula na ang bibig ng agents sa pagsasalita. Napansin niyang nangangalahit na ang tubig sa tumblers ng agents niya kahit kakaumpisa pa lang ng pasok ng mga ito.Isa-isa niyan

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • If We Love Again   Chapter 7.1: Date

    A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae. “You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.” Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?” “Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.” “Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.

    Huling Na-update : 2021-09-23
  • If We Love Again   Chapter 7.2: Date

    Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan. Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila. Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko. “Tisoy!” Su

    Huling Na-update : 2021-09-24

Pinakabagong kabanata

  • If We Love Again   Chapter 23.2: Holidays

    Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi

  • If We Love Again   Chapter 23.1: Holidays

    “Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa

  • If We Love Again   Chapter 22: Message

    (Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni

  • If We Love Again   Chapter 21: Warning

    Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na

  • If We Love Again   Chapter 20: Clingy

    Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama

  • If We Love Again   Chapter 19.2: Traditional Courtship

    Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka

  • If We Love Again   Chapter 19.1: Traditional Courtship

    Naalimpungatan si Sarah dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanilang bahay. Boses ng mga kapitbahay nila ang umalingawngaw sa kaniyang tainga at panaka-naka’y may langitngit ng kahoy siyang nauulinigan. “Ano kayang nangyayari sa labas?”Bumagon siya sa higaan. Nakatulog siya pagkatapos nilang magtanghalian. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang maayos si Erhart dahil nakadikit ito kay Remi. Mukhang magkasundo na ang dalawa.Lumabas siya ng bahay. Hindi niya ugaling maki-usyoso pero naririndi na talaga siya sa ingay. Gusto pa niyang matulog ngunit hindi niya ‘yon magagwa kung may kaguluhan doon.Tumambad sa kaniya ang mga taong nakadungaw mula sa labas ng kanilang bakuran nang makalabas siya. Hinagilap ng kaniyang mga mata ang sanhi ng komosyon. Napanganga siya nang mabatid kung sino at ano ang dahilan upang dagsain sila ng mga tao.Suot ni Erhart ang lumang pantalon ng ka

  • If We Love Again   Chapter 18: Assumption

    Mahigit isang linggo nang wala sa mood si Sarah. Epekto yata ‘yon ng pag-iwas sa kaniya ni Erhart. Iyon naman ang gusto niyang mangyri pero bakit mabigat sa pakiramdam?“Uuwi ako sa Rizal,” bungad niya kay Jessica pagpasok sa bahay. Galing pa siya sa trabaho at biglaan ang naging desisyon niyang umuwi. Wala naman siyang pasok kinagabihan kaya malaya niyang magagawa ang gusto niya.“Bakit?” hysterical na tanong nito at agad na lumapit sa kaniya. “Akala ko ba sa undas ka pa uuwi?”“Akala ko rin,” tipid niyang tugon bago pumanhik sa taas. Sumunod ito sa kaniya. “Wala ka bang planong umuwi sa Nueva Ecija?” Hindi na niya matandaan kung kailan ito huling umuwi sa pamilya.“Wala! Alam mo naman kung bakit ayokong umuwi sa amin.”“Okay.” Hindi na niya ipipilit ang paksang ‘yon sa kaibigan dahil umiinit lang ang ulo nito. Mabilis niya

  • If We Love Again    Chapter 17: Confused

    She was exhausted. Katatapos lang ng exam niya sa major subject at thank God dahil last na ‘yon. Matagal pa ang schedule ng sunod na gagamit sa classroom kaya nanatili siya roon upang magpahinga. May mangilan-ngilan ding estudyante ang nagpaiwan doon. Nag-inat siya ng katawan at hinilot ang batok dahil nangawit ‘yon sa kakayuko niya kanina habang nagsasagot ng test.Napakislot siya nang mag-vibrate ang cell phone. Hinugot niya ‘yon mula sa bulsa ng jeans at sinagot ang tawag. “Hello.”“How’s your exam?”She automatically grinned when she heard his voice. Parang magic na nawala ang kaniyang pagod pero sa kabilang banda, nangangamba siya na baka masanay siya sa presensya nito. “Okay naman.”“Gutom ka na?”“Medyo.”“Let’s eat. Nandito ako sa labas ng main gate ng campus n’yo. Hihintayin kita rito.”

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status