Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
View More"Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip. "Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg. "Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula
"Kuya 'wag niyo naman po itong gawin sa 'kin," nanginginig na sabi ni Phana. Tila ang lahat ng takot sa katawan niya ay napunta sa mukha niya. Kitang-kita niya kung paano siya nito pwersahin at nagiging dahilan ang bawat galaw nito para kapusin siya ng hangin sa paghinga."Mabilis lang ito." Narinig ni Phana ang pagbulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam niya ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang balat hanggang sa bumaba na nga iyon papunta sa kaniyang leeg at doon na nga isinubsob ang mukha nito. Napapaluha siya habang nakapikit ang mga mata.Tinutulak niya pa rin ito ngunit hindi pa rin niya ito magawang mailayo. Sadyang may kung ano sa pagkatao nito na nagpapahina sa kaniya."Tulungan niyo ako!" sigaw niya habang ramdam niya pa rin ang bigat ng katawan ni Greg sa kaniyang ibabaw. Mabilis ang naging kilos ni Greg at kaagad din naman na natakpan ang kaniyang bibig."Tumahimik ka!" Nang sandaling sabihi
"So, 'yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumalis sa mga singing contest?" Hindi na alam ni Phana kung paano pa makakaiwas sa mga katanungan ni Lily. Kanina pa ito simula nang magsimula ang klase. "Hindi naman sa gano'n, kaya ko namang kontrolin 'yong boses ko nang hindi nakakatulog ang sino man na makarinig sa 'kin," paliwanag niya dito habang tinatanaw ang kahabaan ng kalsada. Dumidilim na at hindi pa rin sila nakakauwi. "Ayon naman pala, edi sana sumali ka." Wala kay Lily ang kaniyang atensyon. Abala siya sa paghihintay ng masasakyan. Sigurado siyang nagtataka na ang tiyahin kung bakit hindi pa siya nakakauwi. "Ang tagal naman ng mga sasakyan." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhay ang inis kay Lily. Bigla siya nitong kinalabit. "Kanina ka pa diyan," biglag sabi nito. "Lily, wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Kailangan na nating makauw
"Sigurado ka bang, hindi ka sasali?" Ilang ulit na tinatanong ni Lily kay Phana kung sasali siya sa singing contest. Ilang ulit na rin na tumatanggi si Phana. Kahit na alam niyang marunong siyang kumanta, hindi sumagi sa isipan niya na sumali sa kahit na anong uri ng mga patimpalak. Lalong-lalo na sa pagkanta. "Marunong lang ako kumanta." Magdadahilan pa sana siya nang kaagad naman itong magsalita at sinadyang takpan ang kaniyang bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid aralan at tahimik na nakikinig ng radio clip. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil nabalitaan niyang may pagpupulong ang mga guro. "Shhh!! Hindi ka lang marunong, magaling ka! Tandaan mo, magaling ka!" Nakita ni Phana kung paano siya nito ipagmalaki. Kahit kailan ay hindi niya iyon naramdaman sa sarili. Masaya na si Phana na kumanta sa isang araw ngunit ang sumali sa isang patimpalak ay parang kalabisan sa kaniya. "Ano ba, Lily! Kahit na ano pang sabihin mo, wala ring mangyayari!" Angal ni
Bukod sa gawaing bahay ay marami ring kayang gawin si Phana pero ang lahat ng kakayahan niya ay limitado dahil nababaling ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at paninilbihan sa kaniyang tiyahin. Kaunting oras na lang ay matatapos na si Phana sa gawaing bahay. Sunod niyang tatapusin ay ang kaniyang mga takdang aralin. Nasa kolehiyo na si Phana at pinapangarap na maging isang guro. Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pag abandona ng kaniyang mga magulang sa kaniya, naging kalbaryo niya araw araw ang mabibigat na gawain sa kaniyang tiyahin. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi nawawala ang suporta nito sa kaniyang pag-aaral. Iyon na lang din ang minimithi niya sa buhay. "Huy, Phana! Punasan mo nga 'tong sapatos ko! Ang kupad-kupad mo!" Halos lumipad na ang sandok mula sa kamay ni Phana dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa pananghalian at sadyang nahihirapan na siya dahil mayroon pang nakatambak na mga gawain
Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan. Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa. "Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag. "Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang
Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇
Narito na naman po ang iyong lingkod na si RyanRayl!😅💗 Maraming maraming salamat dahil sa wakas ay nakapag sulat na naman ako ng isang bagong istorya na siguradong maghahatid sa inyo ng inspirasyon❤️ gusto kong pasalamatan ang panginoon dahil patuloy niya akong binibityan ng lakas para ipagpatuloy itong aking pagsusulat. Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan dahil malaki ang ambag nila sa akin para mabigyan ako ng magagandang inspirasyon para sa istoryang ito💗 higit sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil binabasa mo ito❤️ sana ay magbigay ito ng aral at madagdagan ang inspirasyon mo sa iyong buhay💗 salamaaaat❤️😇
Narito na naman po ang iyong lingkod na si RyanRayl!😅💗 Maraming maraming salamat dahil sa wakas ay nakapag sulat na naman ako ng isang bagong istorya na siguradong maghahatid sa inyo ng inspirasyon❤️ gusto kong pasalamatan ang panginoon dahil patuloy niya akong binibityan ng lakas para ipagpatuloy itong aking pagsusulat. Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan dahil malaki ang ambag nila sa akin para mabigyan ako ng magagandang inspirasyon para sa istoryang ito💗 higit sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil binabasa mo ito❤️ sana ay magbigay ito ng aral at madagdagan ang inspirasyon mo sa iyong buhay💗 salamaaaat❤️😇...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments