"Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti.
Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip.
"Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya.
"Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg.
"Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula pa lang na magdikit ang mga balat namin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, Lily. Kakaiba ang lahat! Pakiramdam ko may nagmamay-ari sa akin–" Dala ng sobrang kalituhan ay hindi na namalayan nang dalawa ang pagpasok ng nanay ni Lily at kaagad na nagsalita.
"Lily anak, kumain na kayo ni Phana," nakangiting sabi nito sa kanilang dalawa. Nakita naman niyang tumugon si Lily ng ngiti at saka nagsalita.
"Sige po mama, susunod na kami." Mabilis na naibalik nito ang atensyon kay Phana nang makalabas na ang nanay nito.
"Lily..." Awtomatikong nabahiran ng lungkot ang kaniyang mukha nang sambitin niya ang pangalan ng kaibigan.
"Bakit mo siya hinayaan?!" Tamang-tama lamang ang bawat diin ng mga salita nito para marinig niya na may halong pagkadismaya dahil sa sinabi niya. Napayuko siya at hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Hindi ko alam–" Tutugon pa lang sana siya dito nang mabilis siya nitong napigilan.
"Mamaya mo na ikuwento sa akin 'yan. Sa ngayon kumain na muna tayo." Napilitan itong ngumiti sa kabila ng kaniyang mga sinabi. Tumango siya at marahan na kumilos para sundan ito palabas ng kwarto.
Saglit siyang nalatigil nang huminto sa paglalakad si Lily pababa ng hagdanan.
"May problema ba?" tanong niya dito habang nakatingin ito ng deretso sa kaniya.
"Kakausapin ka raw ni Dylan bukas." Dahil sa sinabi nito ay parang may kung anong kakaibang bumalot na mahika sa kaniyang mga palad.
"B-bakit?" tanong niya dito habang pinipigil niya ang paglabas ng liwanag mula sa kaniyang mga palad.
"Naghahanap ka ng trabaho 'di ba? Tutulong daw siya sa 'yo," tugon nito at saka ngumiti. Para kay Phana ay mabait si Dylan pero hindi pa rin siya komportable na kasama ito.
"Kaya ko naman humanap ng trabaho na hindi ko hininhingi ang tulong niya," angal naman niya dito.
"Mas mapapadali ang lahat kung may nga taong tutulong sa atin. Ayos na ayos ka naman dito sa bahay at gusto pa nga ni mama na dumito ka na lang eh," pagdadahilan nito sa kaniya. Hindi maaari na umasa na naman siya sa ibang tao kaya kahit na alam niyang mahihirapan siya ay kailangan niyang maitaguyod ang sarili.
"Maraming salamat, Lily. Sige na, kakausapin ko siya bukas." Dahil sa sinabi ay sumilay ang ngiti sa mukha nito.
Pareho nilang tinungo ang hapag para sa pananghalian.
****
"Uy Dylan, kanina ka pa hawak nang hawak sa braso ni Phana ah!" natatawang puna ni Lily kay Dylan. Tila doon lamang din napagtanto ni Phana ang sinabi ni Lily kaya mabilis niyang inalis ang kamay ni Dylan sa kaniyang braso."Pasensiya na," nahihiyang saad ni Dylan. Pilit naman siyang ngumiti dito. Kahit na anong gawin ay talagang naiilang siya kay Dylan sa kung ano mang kadahilanan ay hindi na rin niya alam.
"Ayos lang." Nginitian niya ito. Kanina pa sila palibot libot sa mall at sa iba pang tindahan na pwede niyang pasukan ngunit ang lahat ng mga nilapitan nila ay wala ng bakante.
Nakita niyang napapakamot na lamang sa ulo si Lily dahil maski ito ay parang nawawalan na rin ng pag-asa na makahanap pa siya ng trabaho.
"May naisip na ako!" biglang bulalas ni Lily na naging dahilan ng pagkagulat nila ni Dylan. Takang tiningnan niya si Lily.
"Ano 'yon?" Naunahan siya ni Dylan sa pagtatanong kay Lily.
"Paano kaya kung maging working student na lang si Phana sa inyo, Dylan?" nakangiting suhestiyon ni Lily. Subalit nagbigay naman iyon ng kakaibang tensyon kay Phana dahil kahit kailan ay hindi niya naisip na maging working student sa bahay ni Dylan. Kung sa ibang tao ay talagang tatanggapin niya pero ang manilbihan sa bahay ni Dylan ay isang malaking kahibangan para kay Phana.
"That's actually a good idea!" tugon naman ni Dylan. Nakita ni Phana kung paano naging maaliwalas ang mukha ni Dylan dahik sa sinabi nito.
"Ayos lang naman ako sa mga fast food chain, tara hanap pa tayo." Pinipilit ni Phana na huwag nang intindihin ang naging suhestiyon ni Lily dahil alam niyang wala namang kabuluhna iyon.
"Mas malaki ang kikitain mo sa bahay kung magiging working student ka," nakangiting saad ni Dylan sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi nito.
"Oo nga naman Phana," dagdag naman ni Lily. Alam ni Phana na nag-aalala lamang ang mga ito sa kaniyang kalagayan subalit may kung anong kakaiba sa kaniyang kalooban kung bakit hindi niya gusto na manilbihan dito.
"Marami pa naman sigurong pwedeng pasukan," nahihiyang tugon niya sa dalawa at saka nag-iwas ng tingin.
"Sige, pero kapag wala tayong mahanap, deretso tayo sa bahay nila Dylan." Dahil sa sinabi ni Lily at agad na nabaling ang kaniyang paningin dito. Tiningnan niya ito na parang may pagtutol ngunit napatawa lamang ito sa ginawa niyang reaksiyon.
"Pumayag ka na, Phana. Wala naman sigurong masama kung sa bahay ka na lang?" Hindi niya maiwasan na magtaka sa mga isinasaan ni Dylan. Alam niyang busilak ang kalooban nito pero hindi pa niya ito masyadong kilala kaya nakakapagtaka na ganoon na lamang ito kung umakto.
Pilit siyang ngumiti dito at saka tumugon sa sinabi nito.
"Sige, pag wala tayong mahanap, subukan ko sa inyo." Parang nawalan ng kontrol ang kaniyang bibig nang sabihin niya iyon. Hindi niya alam kung bakit iba ang kaniyang iniisip sa gustong sabihin ng kaniyang bibig. Huli na para bawiin niya ang kaniyang mga sinabi dahil kitang-kita niya sa mukha ni Dylan at Lily ang kagalakan.
"Sabi mo 'yan ah?" Tila sinisigurado pa ni Dylan ang kaniyang sinabi. Nahihiya niya itong tinanguan at saka muling nag-iwas ng tingin.
Mabilis siyang nakalapit kay Lily at saka palihim na kinurot.
"Bakit mo kasi sinabi 'yon?" inis na tanong niya kay Lily habang hindi nito mapigilan ang mapatawa.
"Totoo naman kasi 'yong sinabi ko na mas maganda na 'yong may kinikita ka habang nag-aaral at deretsong matutulugan. Diyos ko, ang mahal ng gastusin ngayon, Phana. Kung uupa ka pa ng bahay, siguradong wala nang matitira sa 'yo," pagdadahilan nito. Saglit siyang natahimik dahil sa sinabi ni Lily. Kung iisipin ay talagang malaki ang punto nito. Masyadong mahal ang mga bilihin sa ngayon at kung nanaiisin pa niya na umupa ay siguradong lahat ng kikitain niya sa trabaho ay mapupunta lang doon.
"Alam ko naman 'yon pero kasi... Nakakahiya naman sa tao." Ramdam ni Phana ang hiya sa sarili dahil sa sitwasyon niya. Wala na rin naman siyang mapapagpilian kung sakali. Maganda ang inaalok ni Dylan kaya kung ibang ibang tao lang na kagaya niya ay nahihirapan, siguradong susunggaban na kaagad ang inaalok nito.
"Nahiya ka pa eh kaibigan naman natin siya," natatawang sabi ni Lily kay Phana.
"Ang hirap hirap..." Tuluyan na siyang nanlumo dahil sa mga iniisip. Noong nasa puder pa siya ng kaniyang tiyahin ay hindi siya gaanong nahihirapan maliban na lamang sa mga gawaing bahay at sa masamang trato ni Greg sa kaniya.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo nang maalala na naman ang huling sinabi ni Greg na hahanapin siya nito. Sadyang napakahirap kay Phana ang nararanasan niya sa ngayon. Dumagdag pa ang galit ng kaniyang tiyahin.
"Nandito naman kami para tulungan ka, Phana." Nabigla siya nang muling marinig ang boses ni Dylan. Kasalukuyan nasa tabi niya si Lily at hindi niya namalayan na nasa tabi na rin pala niya si Dylan. Naramdaman niya ang masuyo nitong paghaplos sa kaniyang likod.
Sa sandaling iyon ay awtomatikong sumagi sa isipan niya ang alok nitong trabaho bilang isang working student. Sa palagay ni Phana ay tama ang sinabi ni Lily. Sino ba siya para tanggihan ang isang bagay na alam niyang makakatulong sa kaniya. Mabait si Dylan at nakahanda rin itong tulungan siya bilang kaibigan.
Hindi niya napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa mga mata ni Dylan.
"Pumyag ka na, Phana," untag ni Lily sa kaniya at doon lamang siya bumalik sa katotohanan.
"Sige sige, alam kong malaking tulong ito para sa 'kin, Dylan. Maraming maraming salamat talaga." Dahil sa sinabi niya ay napangiti ng malapad si Lily. Kitang-kita rin ni Phana ang pagngiti ni Dylan sa kaniyang tinuran.
"Ano pa ba ang ginagawa natin dito? Tara na!" masiglang sabi ni Lily. Narinig naman niyang napatawa si Dylan dahil sa sinabi ni Lily.
Sumunod siya at si Lily kay Dylan. Pabalik na sila sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ni Dylan. Hindi niya pa rin maisip kung bakit ang isang mayamang Dylan Chen napadpad sa isang pampublikong paaralan. Kahit ganoon pa man ay lahat ng tao, mayaman man o mahirap, may karapatan pa rin na makapag-aral sa publiko o pribado mang paaralan. Sumilay ang kaniyang ngitibsa mukha habang nakasunod pa rin sila kay Dylan.
****
"We're here." Hindi maiwasan ni Dylan ang bigyan ng matamis na ngiti si Phana. Ang pagiging simpleng nilalang nito ay sadyang nakakapagbigay ng saya sa kaniya."Grabe! Ang yaman niyo na pala!" bulalas ni Lily. Hindi nakaligtas ang hiyaw ni Lily sa pandinig ni Dylan. Natawa na lamang siya sa inakto nito.
Kung dati ay halos mawalan na sila ng yaman dahil sa kulang na pundasyon at kulang sa magandang pamamalakad, ngayon ay halos mamayagpag na ang pamilya ng mga Chen sa yaman. Ngayon na maayos na ang kalagayan ng pamilya ay tinatapos naman ni Dylan ang naudlot na kaniyang pangarap bilang isang guro at magturo ng kasaysayan.
"Ang ganda..." manghang sabi ni Phana. Napangiti naman si Dylan dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa maamong mukha ni Phana at saka lamang sumagi sa isipan niya na sobrang kahali-halina ng mga mata nito.
"Maganda nga," ika niya habang hindi pa rin tinatanggal ang kaniyang paningin kay Phana.
Kung hindi lang sa pambubulabog ni Lily ay tuloy pa sana ang kanilang pagtititigan ni Phana.
"Oo nga, maganda talaga! Pero sa tingin ko ay mas maganda ang loob! Tara!" Natawa na lamang siya kay Lily. Mabilis nitong ikinabit ang braso sa braso ni Phana at saka nagmamadaling hinatak papasok sa tarangkahan ng malaking bahay. Nakita niya na parang nahihiya si Phana sa inakto ng kaibigan nitong si Lily.
Sinundan na lamang niya ang dalawa habang papasok ang mga ito sa loob ng bahay. Nahinto silang tatlo sa may salas nang madatnan nila ang mga magulang ni Dylan.
"Son! Kaya naman pala hindi ka namin mahanap dito sa bahay dahil lumabas ka. Oh! Mga kaibigan mo?" bungad ng ina ni Dylan na si Monica.
"Mom, sa tingin ko naman po ay hindi niyo makakalimutan ni dad 'tong inaanak niyong si Lily?" natatawang tanong ni Dylan sa mga magulang niya. Namilog ang mga mata ni Monica nang deretsong tumama ang paningin nito kay Lily. Ang kaniyang ama naman ay kaagad na napatayo nang marinig ang sinabi niya.
"Oh my god! Lily?! Ang laki laki mo na! Such a beautiful young lady!" Hindi nito maiwasan na ngumiti. Mabilis itong nakalapit kay Lily at masuyong niyakap.
"Aba! Napakagandang bata!" Narinig naman ni Dylan ang boses ng kaniyang ama. Mabilis din itong nakalapit at saka niyakap si Lily.
"Kumusta ka na iha?" masiglang tanong ng kaniyang ina kay Lily.
"Okay naman po ako, ninang." Nakangiting tugon naman ni Lily.
Nakita ni Dylan na parang naiilang si Phana at may ilang distansiya rin mula dito at sa kinatatayuan ni Lily kaya nilapitan niya si Phana.
"Oh! May kasama kayo..." Ngumiti ang ginang nang makita si Phana. Nakita rin ni Dylan na ngumiti ang kaniyang ama kay Phana.
"Mom, dad, this is Phana Rodriguez. He's a friend of mine and from now on, magiging assistant ko na siya." Kaagad niyang inakbayan si Phana at tiningnan ito. Tila nakita niya ang kalituhan sa mukha nito at nakita niya rin ang pagkabigla sa mukha ni Lily.
"Naku! Mabuti naman kung gano'n nang hindi ka na mahirapan sa paper works mo," saad naman ng kaniyang ama.
"That's a great idea, son." Ang kaniyang ina naman ang nagsalita. Napansin niyang tinanggal ni Phana ang kaniyang pagkakaakbay at saka ito lumapit sa kaniyang mga magulang para kamayan.
"Hello po, ako po si Phana Rodriguez." Kitang-kita ni Dylan ang pagkailang nito sa kaniyang mga magulang.
Alam ni Dylan na nagulat si Lily at Phana dahik sa sinabi niyang magiging assistant niya si Phana. Totoo ang kaniyang sinabi dahil kakailanganin niya ng tulong sa opisina habang nag-aaral. Sabado at linggo ang kaniyang pasok sa trabaho dahil iyon din lang ang ibinigay ng kaniyang mga magulang na talaan para mas mabigyan niya ng oras ang kaniyang pag-aaral.
"Bakit hindi mo sinabi na magiging assistant mo ako?" pabulong na tanong ni Phana sa kaniya. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito.
"I'll explain it to you later," tugon niya dito habang nakikipag usap sa kaniyang ama. Nakita rin niya na abala na sa pakikipag-usap ang kaniyang ina kay Lily.
Narito na naman po ang iyong lingkod na si RyanRayl!😅💗 Maraming maraming salamat dahil sa wakas ay nakapag sulat na naman ako ng isang bagong istorya na siguradong maghahatid sa inyo ng inspirasyon❤️ gusto kong pasalamatan ang panginoon dahil patuloy niya akong binibityan ng lakas para ipagpatuloy itong aking pagsusulat. Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan dahil malaki ang ambag nila sa akin para mabigyan ako ng magagandang inspirasyon para sa istoryang ito💗 higit sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil binabasa mo ito❤️ sana ay magbigay ito ng aral at madagdagan ang inspirasyon mo sa iyong buhay💗 salamaaaat❤️😇
Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇
Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan. Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa. "Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag. "Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang
Bukod sa gawaing bahay ay marami ring kayang gawin si Phana pero ang lahat ng kakayahan niya ay limitado dahil nababaling ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at paninilbihan sa kaniyang tiyahin. Kaunting oras na lang ay matatapos na si Phana sa gawaing bahay. Sunod niyang tatapusin ay ang kaniyang mga takdang aralin. Nasa kolehiyo na si Phana at pinapangarap na maging isang guro. Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pag abandona ng kaniyang mga magulang sa kaniya, naging kalbaryo niya araw araw ang mabibigat na gawain sa kaniyang tiyahin. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi nawawala ang suporta nito sa kaniyang pag-aaral. Iyon na lang din ang minimithi niya sa buhay. "Huy, Phana! Punasan mo nga 'tong sapatos ko! Ang kupad-kupad mo!" Halos lumipad na ang sandok mula sa kamay ni Phana dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa pananghalian at sadyang nahihirapan na siya dahil mayroon pang nakatambak na mga gawain
"Sigurado ka bang, hindi ka sasali?" Ilang ulit na tinatanong ni Lily kay Phana kung sasali siya sa singing contest. Ilang ulit na rin na tumatanggi si Phana. Kahit na alam niyang marunong siyang kumanta, hindi sumagi sa isipan niya na sumali sa kahit na anong uri ng mga patimpalak. Lalong-lalo na sa pagkanta. "Marunong lang ako kumanta." Magdadahilan pa sana siya nang kaagad naman itong magsalita at sinadyang takpan ang kaniyang bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid aralan at tahimik na nakikinig ng radio clip. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil nabalitaan niyang may pagpupulong ang mga guro. "Shhh!! Hindi ka lang marunong, magaling ka! Tandaan mo, magaling ka!" Nakita ni Phana kung paano siya nito ipagmalaki. Kahit kailan ay hindi niya iyon naramdaman sa sarili. Masaya na si Phana na kumanta sa isang araw ngunit ang sumali sa isang patimpalak ay parang kalabisan sa kaniya. "Ano ba, Lily! Kahit na ano pang sabihin mo, wala ring mangyayari!" Angal ni
"So, 'yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumalis sa mga singing contest?" Hindi na alam ni Phana kung paano pa makakaiwas sa mga katanungan ni Lily. Kanina pa ito simula nang magsimula ang klase. "Hindi naman sa gano'n, kaya ko namang kontrolin 'yong boses ko nang hindi nakakatulog ang sino man na makarinig sa 'kin," paliwanag niya dito habang tinatanaw ang kahabaan ng kalsada. Dumidilim na at hindi pa rin sila nakakauwi. "Ayon naman pala, edi sana sumali ka." Wala kay Lily ang kaniyang atensyon. Abala siya sa paghihintay ng masasakyan. Sigurado siyang nagtataka na ang tiyahin kung bakit hindi pa siya nakakauwi. "Ang tagal naman ng mga sasakyan." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhay ang inis kay Lily. Bigla siya nitong kinalabit. "Kanina ka pa diyan," biglag sabi nito. "Lily, wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Kailangan na nating makauw
"Kuya 'wag niyo naman po itong gawin sa 'kin," nanginginig na sabi ni Phana. Tila ang lahat ng takot sa katawan niya ay napunta sa mukha niya. Kitang-kita niya kung paano siya nito pwersahin at nagiging dahilan ang bawat galaw nito para kapusin siya ng hangin sa paghinga."Mabilis lang ito." Narinig ni Phana ang pagbulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam niya ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang balat hanggang sa bumaba na nga iyon papunta sa kaniyang leeg at doon na nga isinubsob ang mukha nito. Napapaluha siya habang nakapikit ang mga mata.Tinutulak niya pa rin ito ngunit hindi pa rin niya ito magawang mailayo. Sadyang may kung ano sa pagkatao nito na nagpapahina sa kaniya."Tulungan niyo ako!" sigaw niya habang ramdam niya pa rin ang bigat ng katawan ni Greg sa kaniyang ibabaw. Mabilis ang naging kilos ni Greg at kaagad din naman na natakpan ang kaniyang bibig."Tumahimik ka!" Nang sandaling sabihi
"Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip. "Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg. "Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula