author-banner
Ryan Rayl Samoray
Ryan Rayl Samoray
Author

Novels by Ryan Rayl Samoray

Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Read
Chapter: *°•|KABANATA 5|•°*
"Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip. "Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg. "Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•|KABANATA 4|•°*
"Kuya 'wag niyo naman po itong gawin sa 'kin," nanginginig na sabi ni Phana. Tila ang lahat ng takot sa katawan niya ay napunta sa mukha niya. Kitang-kita niya kung paano siya nito pwersahin at nagiging dahilan ang bawat galaw nito para kapusin siya ng hangin sa paghinga."Mabilis lang ito." Narinig ni Phana ang pagbulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam niya ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang balat hanggang sa bumaba na nga iyon papunta sa kaniyang leeg at doon na nga isinubsob ang mukha nito. Napapaluha siya habang nakapikit ang mga mata.Tinutulak niya pa rin ito ngunit hindi pa rin niya ito magawang mailayo. Sadyang may kung ano sa pagkatao nito na nagpapahina sa kaniya."Tulungan niyo ako!" sigaw niya habang ramdam niya pa rin ang bigat ng katawan ni Greg sa kaniyang ibabaw. Mabilis ang naging kilos ni Greg at kaagad din naman na natakpan ang kaniyang bibig."Tumahimik ka!" Nang sandaling sabihi
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•|KABANATA 3|•°*
"So, 'yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumalis sa mga singing contest?" Hindi na alam ni Phana kung paano pa makakaiwas sa mga katanungan ni Lily. Kanina pa ito simula nang magsimula ang klase. "Hindi naman sa gano'n, kaya ko namang kontrolin 'yong boses ko nang hindi nakakatulog ang sino man na makarinig sa 'kin," paliwanag niya dito habang tinatanaw ang kahabaan ng kalsada. Dumidilim na at hindi pa rin sila nakakauwi. "Ayon naman pala, edi sana sumali ka." Wala kay Lily ang kaniyang atensyon. Abala siya sa paghihintay ng masasakyan. Sigurado siyang nagtataka na ang tiyahin kung bakit hindi pa siya nakakauwi. "Ang tagal naman ng mga sasakyan." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhay ang inis kay Lily. Bigla siya nitong kinalabit. "Kanina ka pa diyan," biglag sabi nito. "Lily, wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Kailangan na nating makauw
Last Updated: 2021-08-06
Chapter: *°•|KABANATA 2|•°*
"Sigurado ka bang, hindi ka sasali?" Ilang ulit na tinatanong ni Lily kay Phana kung sasali siya sa singing contest. Ilang ulit na rin na tumatanggi si Phana. Kahit na alam niyang marunong siyang kumanta, hindi sumagi sa isipan niya na sumali sa kahit na anong uri ng mga patimpalak. Lalong-lalo na sa pagkanta. "Marunong lang ako kumanta." Magdadahilan pa sana siya nang kaagad naman itong magsalita at sinadyang takpan ang kaniyang bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid aralan at tahimik na nakikinig ng radio clip. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil nabalitaan niyang may pagpupulong ang mga guro. "Shhh!! Hindi ka lang marunong, magaling ka! Tandaan mo, magaling ka!" Nakita ni Phana kung paano siya nito ipagmalaki. Kahit kailan ay hindi niya iyon naramdaman sa sarili. Masaya na si Phana na kumanta sa isang araw ngunit ang sumali sa isang patimpalak ay parang kalabisan sa kaniya. "Ano ba, Lily! Kahit na ano pang sabihin mo, wala ring mangyayari!" Angal ni
Last Updated: 2021-08-06
Chapter: *°•|KABANATA 1|•°*
Bukod sa gawaing bahay ay marami ring kayang gawin si Phana pero ang lahat ng kakayahan niya ay limitado dahil nababaling ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at paninilbihan sa kaniyang tiyahin. Kaunting oras na lang ay matatapos na si Phana sa gawaing bahay. Sunod niyang tatapusin ay ang kaniyang mga takdang aralin. Nasa kolehiyo na si Phana at pinapangarap na maging isang guro. Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pag abandona ng kaniyang mga magulang sa kaniya, naging kalbaryo niya araw araw ang mabibigat na gawain sa kaniyang tiyahin. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi nawawala ang suporta nito sa kaniyang pag-aaral. Iyon na lang din ang minimithi niya sa buhay. "Huy, Phana! Punasan mo nga 'tong sapatos ko! Ang kupad-kupad mo!" Halos lumipad na ang sandok mula sa kamay ni Phana dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa pananghalian at sadyang nahihirapan na siya dahil mayroon pang nakatambak na mga gawain
Last Updated: 2021-08-06
Chapter: *°•|PROLOGUE|•°*
Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan. Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa. "Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag. "Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang
Last Updated: 2021-08-06
My Hottest Gay Friend

My Hottest Gay Friend

Ang dating pinapangarap ni Austine na magkaroon ng matiwasay na pamilya ay parang isang bulang biglang naglaho. Noon pa man ay alam na niyang mahihirapan siyang makamtan iyon pero hindi nawala ang kaniyang tiwala sa sarili hanggang sa makilala niya ang isang David Ortega. Sabay silang nangarap at nangako na balang araw ay matutupad din ang kanilang mga pangarap. Ngunit sadyang taliwas ang panahon sa kanilang namumuong samahan. Kailanman ay hindi na nagkaroon ng balita si Austine kay David nang malaman niya na umalis na nga ito at wala nang planong bumalik. Manatili pa kayang buo ang tiwala ni Austine kahit wala na ang dating kaibigan na minsan na rin niyang minahal? Makikilala pa ba ni David ang bagong mukha ni Austine Alcantara? Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon ay maging dahilan iyon para makilala ni Austine ang tunay at bagong David Ortega? Kaya pa ba niyang tanggapin ito gayung masaya na ito sa bagong kasintahan?
Read
Chapter: *°•CHAPTER ELEVEN•°*
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•CHAPTER TEN•°*
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•CHAPTER NINE•°*
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•CHAPTER EIGHT•°*
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•CHAPTER SEVEN•°*
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
Last Updated: 2021-09-02
Chapter: *°•CHAPTER SIX•°*
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
Last Updated: 2021-09-02
You may also like
The Demons' Bride
The Demons' Bride
Fantasy · Lady Reaper
1.1K views
Reincarnated Into A Prince Body
Reincarnated Into A Prince Body
Fantasy · nichole andrea ringor
1.1K views
Unknown Power of the Destined
Unknown Power of the Destined
Fantasy · Cloud_Senyorita
1.0K views
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status