"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega
"May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa.
"Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon.
"Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme.
Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na ang sumundo at maghatid sa bahay ni Austine. Laking tuwa niya na walang alinlangan itong pumayag sa gusto niya at ganoon din naman ang kaniyang lola Paula. Sa pagkakaalam niya ay napalapit na rin ang loob ng mga ito kay Austine. Tumagal ng ilang minuto ang kaniyang pagbabasa at pakiramdam niya ay may kung anong bumubulong sa kaniya. Hindi niya iyon pinansin at saka nagpatuloy sa pagbabasa.
"Wow naman, busy sa pakikipag chat ah!" Nagulat siya sa boses ni Austine pero mas ikinagulat niya ang mukha nitong sobrang lapit sa screen ng kaniyang cell phone. Kung minsan ay nagiging kakaiba ang mga ikinikilos nito. Mabuti na lang at kaibigan niya ito. Saglit siyang napaisip sa sinabi nito. Kahit na minsan ay hindi niya nagawang makipag palitan ng mensahe sa kung sinu sino. Alam niya ang kaniyang limitasyon sa social media at mahigpit din na ipinagbabawal sa kaniya ng ina ang pagbababad nang matagal sa cell phone.
"I don't have a time to chat with others, It's not my routine to make friends on the internet." Paliwanag niya dito at saka mabilis na ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa mga napapanahong isyu.
"Ah, okay." Sabi nito na parang hindi sigurado sa sinabi nito.
"Are you okay?" Dahil sa ipinakita nitong ekspresyon sa mukha ay napatanong na siya dito. Kaagad niyang ibinulsa ang kaniyang cell phone at saka ipinagkrus ang mga braso sa ilalim ng kaniyang dibdib habang nakatitig siya kay Austine at naghihintay ng sagot. Para siyang isang sales agent na naghihintay sa sagot ng customer kung may itatanong pa ba ito.
"Hindi ka kasi namamansin! Kanina pa ako may gustong sabihin, hindi mo man lang nahalata?" Ngayon ay alam na ni David kung bakit ito biglang natahimik. Sa ilang linggo na kanilang pagakakaibigan ni Austine ay masasabi niyang kilala na niya ito. Natawa siya nang makitang sumimangot ito. Hindi niya matitiis ang nag-iisang kaibigan kaya gagawin niya ang lahat para gumaan lang ang loob nito. Marahan niyang ipinaglandas ang kaniyang kabilang kamay sa balikat nito at saka pabiglang kinabig ang katawan ni Austine para magdikit ang kanilang mga katawan. Tila nabigla naman ito sa ginawa niya.
"Look, I'm sorry. Hindi ko napansin na may sinasabi kana pala at wala naman akong naririnig mula sa 'yo," paliwanag niya dito. Nagpakatotoo si David sa kaniyang sinabi. Siguro nga ay naging abala lang siya sa pagbabasa at hindi na narinig ang ilan sa mga salitang nabitawan ni Austine kanina lamang.
"May ibibigay sana ako sayo," nakita ni David na tila nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Napilitan iyon ng sigla at pananabik. Sa kauna unahang pagkakataon ay mayroon itong ibibigay sa kaniya. Kahit na anong bagay pa man ang ibigay nito ay tatanggapin niya.
"What's that?" Gustong gusto na ni David na makita ang ibibigay nito. Saglit itong tumitig sa kaniya na kunwari ay parang nagdadalawang isip na ibigay ang dala sa kaniya.
"Maliit na bagay lang 'to pero sana magustuhan mo," pagkatapos nitong magsalita ay saka nito binuksan ang bag at kinuha doon ang isang maliit na kahon. Inilahad nito iyon sa kaniya. Nakita niya ang labas niyon at hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang tatak ng kahon. Isa iyong sisidlan para sa mamahaling pulso relos. Nagtataka na kinuha niya ang bigay nito. Hindi sa minamaliit niya si Austine pero napaka mahal ng bagay na ibinigay nito sa kaniya.
"This is pretty expensive..." Biglang sabi niya habang hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa bagay na iyon.
"'wag ka naman masyadong mag-expect, buksan mo muna." Bahagya itong natawa sa sariling sinabi at naging dahilan iyon para magtaka siya sa tinuran nito. Doon lang din niya napansin na hindi mabigat ang bagay na iyon kaya nagmadali siyang mabuksan iyon. Nang mabuksan niya iyon ay isang panyo ang nakita niyang naka tupi. Napangiti siya dahil doon.
"A handcloth? How cute..." Dahan dahan niya iyong kinuha habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Kala mo siguro, wrist watch 'yan noh?" Tiningnan niya ito dahil sa mga pasimpleng pagngiti.
"Yeah but this one is amazing," saad niya dito habang masayang hinahaplos ang panyo.
"Amazing talaga kasi binurdahan ko 'yan ng pangalan mo," narining niya ang pagmamalaki nito sa boses. Dahil sa sinabi nito ay naramdaman niya sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Kaagad niyang hinanap ang kaniyang pangalan sa panyo. Nakita naman niya iyon sa gilid ng panyo.
"Y-you made this for me?" Manghang tanong niya dito habang tinititigan ang kaniyang pangalan sa panyo. Parang hinaplos ang kaniyang puso dahil sa dito.
"Oo..." Tugon ni Austine habang hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya.
"Wow... This is really amazing!" Dahil sa sobrang kagalakan ay bigla niyang niyakap si Austine. Ni hindi man lang niya napansin ang magiging reaksyon nito dahil sa ginawa niya. Sa sitwasyong iyon ay parang lumulukso sa tuwa ang kaniyang puso at hindi na ma-kontrol ang nararamdaman.
Bahagya siyang kumawala at nagbigay ng kaunting distansiya sa pagitan ng kanilang nga mukha pero kahit si David ay hindi inaasahan na mahahalikan niya ito sa pisngi. Parang nabuhay at nag-init ang magkabilang pisngi ni Austine dahil sa ginawa niya. Kitang kita niya pati ang dahan dahan na pagkurap ng mga mata nito. Tila pati ang kaniyang sistema ay naapektuhan sa naging reaksyon ni Austine. Doon lamang sila natigilan at biglang kumawala nang tuluyan dahil sa malakas na halakhak ni mang Kanor. Abala ito sa pagmamaneho pero kitang kita nito ang kanilang ginagawa.
****
Pagkatapos nang nangyari sa loob ng kotse na sinasakyan nila kanina ni David ay hindi na alam ni Austine kung anong kapal pa ng mukha ang maipapakita niya dito. Nahihiya siya sa kaibigan. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at nagbabakasakaling mawala ang iniisip na kanina pa sumusundot sa kaniyang utak. Wala siyang kasalanan dahil hindi naman siya ang humalik. Nalilito na rin siya sa ikinikilos ni David. Ilang beses na itong humalik sa pisngi niya at napapansin niya sa sarili na habang mas malapit sila ay magiging ganoon ang turing nila sa isa't isa kahit na sabihing ayos lang iyon sa mata ng iba.Kahit na nasa klase na si David ay inaalala niya pa rin kung paano ito makikisalamuha sa bagong paaralan na gagalawan nito. Talagang kailangan niya itong samahan lagi para may makausap man lang ito. Ilang oras pa lang ang lumipas pero parang hinahanap na niya agad ang presensiya ni David. Minsan ay hindi na rin niya maintindihan ang sarili kung bakit lagi niya itong hinahanap.
"Hoy!" Mula sa pag-iisip ay napaangat ang kaniyang tingin. Ang akala niya ay makakaligtas na siya sa mokong na dati ay kaklase niya noong nakaraang taon. Kanina pa siya abala sa pag-iisip kung anong klaseng modelo ng konunikasyon ang pwedeng gawin dahil iyon ang kanilang gawain sa unang araw ng klase.
"Ano na naman, Jelo?" Walang kagana gana niyang tanong dito at saka ito inirapan. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapalapit dito dahil isa ito sa mga um-aaway sa kaniya at nanunukso. Hindi siya makapaniwala na nasa mataas na section ito gayung sa kaniya lang naman ito kumukuha ng mga sagot sa mga takdang aralin at nangongopya sa tuwing nagkakaroon sila ng pangkalahatang pagsusulit.
"Pakopya naman oh!" Inaasahan na niyang sasabihin nito iyon at dahil nga wala siyang kaban dito dahil sa malaki ang katawan nito, awtomatiko niyang ibinigay ang papel dito.
"Oh, 'ayan!" Imbis na sa kamay niya ito ibigay ay sinadya niyang lakasan ang pagkakabigay deretso sa dibdib nito. Naging dahilan iyon para mapaubo.
"Aba! Lumalaban kana ngayon ah?" Napapangisi pa ito sa tinuran. Kahit kailan ay hindi na siya nilubayan ni Jelo. Palagi itong nakabuntot at nang-aasar sa kaniya. Sawang sawa na siya sa mukha nito.
"Pwede ba Jelo, wala akong panahon na makipagtalo sa 'yo." Tumayo siya mula sa kaniyang inuupuan at saka nagdesisyun na iwan ito pero bago pa niya magawa iyon ay mabilis na nitong nahawakan ang kaniyang kamay. Mabilis nitong hinatak ang kaniyang kamay at deretsong tumama ang kaniyang mukha sa dibdib nito. Halos sumakit ang kaniyang ilong dahil doon. Inisip ni Austine na baka lumulunok ito ng bakal kaya matigas ang katawan at ang utak nito.
"Anong gusto mo, sasaktan kita? O ililibre mo ako mamaya sa canteen?" Natatakot siya kay Jelo dahil alam niya kung anong pwedeng gawin nito. Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito na nagiging dahilan para masaktan siya.
"Oo na, ililibre na kita! Ano ba! Nasasaktan mo na ako!" Pumalag siya mula dito at agad naman siya nitong pinakawalan. Tumingin siya sa paligid. May ilan sa mga kaklase niya ang naroon at nakatingin. Ang iba naman ay tahimik siyang pinagtatawanan. Wala rin ang kaniyang guro. Sa tingin niya ay may inaasikaso pa ito sa pakultad.
Muli siyang tumingin sa bulto ni Jelo. Kung maliit lang ito sa kaniya ay kaya niya itong itulak pero imposible iyong mangyari dahil malaki ang katawan nito at kahit na anong oras ay kaya siya nitong tirisin. Hindi rin siya makapalag dito dahil masyadong maimpluwensiya ang pamilya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit mas pinipili ng mga mayayaman na pamilya sa lugar nila ang pag-aralin ang mga anak sa isang pampublikong paaralan.
"Good!" Kasabay nang pagkakasabi nito ay ang malakas na paghalakhak Jelo. Hindi na rin mapigilan ng ibang kaklase na tumawa.
Hindi na lang niya ito pinansin at saka tahimik na napaupo. Ikinagulat niya nang tumabi si Jelo sa kaniya at pasimpleng tumitig sa kaniya. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jelo ay kung anu ano ang ginagawa nitong kalokohan sa kaniya na sobra pa sa inaakala niya. Sa ngayon ay hindi na siya makapag timpi. Pilit niyang pinapahaba ang kaniyang pasensiya.
"Diba, sinabi ko na sa 'yo na ako na ang lilibre namaya sa canteen?! Umalis ka na nga!" Dahil sa inis ay hindi niya napansin na sobrang higpit na nang hawak niya sa ballpen. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo at nagtatagpo na rin ang kaniyang mga kilay dahil sa galit.
Tinawanan lang siya nito at saka bumuntong hininga. Nagtaka si Austine dahil bago iyon kay Jelo. Nakita niya kung paano nawala ang mapang-asar nitong mukha.
"Ilang beses mo na akong nilibre, ako na lang maglilibre sa 'yo mamaya." Kumindat ito pagkatapos na sabihin iyo sa kaniya at saka biglang tumayo at umalis. Hindi man lang nito hinintay ang nakangangang reaksyon ni Austine. Hindi siya makapaniwala na ang anak ng maimpluwensiyang pamilya na si Jelo ay magiging ganoon sa kaniya. Kumurap kurap si Austine at nagbabakasakaling imahinasyon lamang ang nangyari. Ilang beses niyang inintindi ang sinabi nito. Malabong maging pakisamahan siya ng isang bully na tulad ni Jelo.
Hinanap niya si Jelo pero hindi na niya ito makita sa loob ng silid. Inisip niya na baka nakalabas na ito ng silid at nakikipaglaro na naman sa mga barkada nito. Naiwan siyang tulala at hindi alam kung anong iisipin. Nakita niya ang papel na kanina lamang ay halos ipasuksok na niya sa bulsa ng uniporme ni Jelo. Kinuha niya iyon at napansin na may nakasulat sa baba ng takdang gawain.
'Mali ang gawa mo. Hindi ko na kinopya kasi maraming mali.'
Halos kumulo ang kaniyang dugo dahil sa inis. Lahat ng inis na pwedeng maibigay ni Jelo sa kaniya ay parang naranasan na niya lahat pero ang sabihin na mali ang gawa niya, para kay Austine ay hindi iyon katanggap tanggap. Inis na napaupo si Austine.
"Ang kapal!" Biglang sigaw niya at saka sumipa sa ilalim ng kaniyang mesa.
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng kakayahan na makapagsulat ng isang istorya na alam kong hindi lang ako ang mabibigyan ng inspirasyon, kundi pati na rin ang aking mga mambabasa❤️ pangalawa, gusto kong pasalamatan ang aking pamilya dahil sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong magsulat❤️ at pangatlo, gusto kong pasalamatan ang aking mga kaibigan lalong lalo na sa aking bisti na walang sawang sumusuporta sa akin sa lahat ng bagay na makakapagpagaan ng aking kalooban. Para sa mga manunulat na katulad ko ay malaya ring nakakapagsulat gamit ang kanilang mga marilag na imahinasyon, maraming salamat sa inyo dahil naging dahilan rin kayo kung bakit nagsisikap ako ngayon para mas marami akong masulat❤️ para po ito sa inyong lahat, sana magustuhan niyo😍😇❤️
Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇
"Uy, anak! Ano na naman bang ginagawa mo diyan?" Tuwang-tuwa si Austine nang lingunin niya ang kaniyang ina. Walang pakundangan sa pagkendeng para lang makasabay sa tugtog ng kapitbahay. Natatawa na lamang ang ina dahil sa ginagawa ng anak."Aba! Mareng Tisay, meron ka nang anak na dalaga na, binata pa," natatawang hiyaw ng kumare ni Tisay na si Hulyana."Tama po kayo diyan, Aling Hulyana," biglang sabat naman ni Austine at saka lakas loob na lumakad na parang isang modelo sa isang magasinNagagalak ang nanay ni Austine dahil sa ginagawa niya at ganoon rin naman ang kumare nito.Sobrang swerte ng nanay ni Austine dahil sa likas na pag-uugali niya. Kahit na kakaiba siyang kumilos kumpara sa mga normal na lalaki ay tanggap nito ang buong pagkatao niya."Naku! Ang dapat na itawag sa 'yo ay dyosa ng kalikasan!" Napatawa si Tisay dahil sa tinuran ng kumare. Mabuti na lamang at hindi lang ang nanay ni Austine ang may mabuting loob para ta
"David! Oh my god!" napasigaw na ang butihing ina ni David na si Loren. Hindi akalain ng babae na ganoon na lang ang sugat sa kamay ng anak. Nakita nito kung paano punuin ng dugo ang kabuuan ng palad ni David. Nasa damuhan ang mag-ina at maigi nitong sinasanay ang anak sa pangangabayo ngunit hindi nito akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan ni David matapos na mahulog ang anak sa pangangabayo at diretsong bumagsak sa lupa.Nakita nito kung saan naglandas ang kabilang palad sa lupa at saktong dumiin ang palad ng anak sa isang matulis na kahoy."Mom, I'm alright." Kahit na iniinda ni David ang sakit gawa ng kaniyang sugat ay pinilit niyang ngumiti at pakalmahin ang ina."Sigurado ka anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala."Mommy, I'm strong. You know that, right?" Pinasadahan ni David ng ngiti ang kaniyang ina para hindi na ito mag-aalala masyado. Dahil sa ginawa niya ay napalitan ng ngiti ang nag-aalala nitong mga mata."You're a big boy now
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine. "Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento. "'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan. "Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapa
"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya. "Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay. "Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain. "I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon. "Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya. "Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.
"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula."He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya."Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.Naalala na naman ni David si