"David! Oh my god!" napasigaw na ang butihing ina ni David na si Loren. Hindi akalain ng babae na ganoon na lang ang sugat sa kamay ng anak. Nakita nito kung paano punuin ng dugo ang kabuuan ng palad ni David. Nasa damuhan ang mag-ina at maigi nitong sinasanay ang anak sa pangangabayo ngunit hindi nito akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan ni David matapos na mahulog ang anak sa pangangabayo at diretsong bumagsak sa lupa.
Nakita nito kung saan naglandas ang kabilang palad sa lupa at saktong dumiin ang palad ng anak sa isang matulis na kahoy.
"Mom, I'm alright." Kahit na iniinda ni David ang sakit gawa ng kaniyang sugat ay pinilit niyang ngumiti at pakalmahin ang ina.
"Sigurado ka anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Mommy, I'm strong. You know that, right?" Pinasadahan ni David ng ngiti ang kaniyang ina para hindi na ito mag-aalala masyado. Dahil sa ginawa niya ay napalitan ng ngiti ang nag-aalala nitong mga mata.
"You're a big boy now, anak." Marahan nitong ginulo ang buhok ni David.
Lumaki si David na puno ng pagmamahal ng mga magulang. Lahat ng mga bagay na kailangan para matuto siya ay binibigay ng mag ito sa kaniya. Kahit bata pa lang ay nagpapasalamat na siya na nagkaroon siya ng pamilya na handang magsakripisyo para sa kaniya.Saglit na nagpaalam ang kaniyang ina para kumuha ng first aid kit. Tumango naman siya bilang tugon. Nang makaalis ang ina ay siya namang pag-inda niya sa sakit mula sa mahabang sugat. Napapangiwi siya sa tuwing mararamdaman niya ang hapdi sa kamay. Maagap niyang hinihipan ang sugat.
Mula sa di kalayuan ay napansin niyang may batang palapit sa kanya. Dahan-dahan na napatingin siya dito. Kung ikukumpara ito sa kaniya ay isang hamak na bata lang ito na madalas niyang makita sa mga lansangan. Nakaramdam ng takot si David nang nagiging mabilis ang lakad nito palapit sa kaniya. Isang hakbang paatras ang nagawa niya.
"Bata, ayos ka lang?" may halong pag-aalala sa boses nito. Lumantad kay David ang kabuuan ng bata sa kaniyang harapan. Saglit siyang nagtaka nang mapatitig siya sa balat nito. Maputi ito kumpara sa kaniya kahit na hindi kagandahan ang kasuotan ng bata. Hindi siya sigurado kung ano ang isasagot sa tanong gayung naagaw nito ang kaniyang atensyon para palihim itong titigan.
"Hoy, ayos ka lang ba?!" muling tanong ng bata at sa pagkakataong iyon ay mas nilakasan pa nito ang boses. Pigil ang tawa nito dahil sa bahagyang pagkagulat niya.
"Ha? Ah, oo naman!" Nag-iwas ng tingin si David sa bata at saka nagsimulang lumayo mula dito. Tinalikuran niya ito pero may kung anong bagay ang nagtutulak sa kaniya para lingunin ito at tingnan kung nakasunod ba ito sa kaniya. Nagkamali siya ng hinala nang mapagtantong nasa kinatatayuan pa rin nito ang bata at hindi man lang nag-abala na sundan siya.
Kitang-kita ni David ang pasimpleng pagngisi ng bata. Sa tantiya niya ay mas bata ito ng ilang taon sa kaniya. Nasa labing pitong taong gulang na siya at parang hindi iyon halata sa kaniyang pisikal na anyo dahil parang mas bata pa siya sa edad niya.
Nakaramdam ng takot si David nang mabilis itong lumapit sa kaniya. Doon lang din niya napansin na may dala itong shoulder bag na puti. Pakiramdam niya ay mga laruan ang laman niyon. Nang makalapit ito sa kaniya ay mabilis ang naging kilos ng mga kamay nito. Kaagad na binuksan nito ang bag at saka may kung anong hinanap sa loob.
"'wag kang mag-alala, hihinto na rin sa pagdugo 'yang kamay mo," saad nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Ang napapansin niya lang ay ang paggalaw ng bibig nito at ang mga pawis na kumikintab sa noo nito gawa ng liwanag na nagmumula sa araw.
Napahinto siya sa ginagawang pagtitig nang makita ang isang bagay sa kamay nito."Alcohol?!" halos maisagaw na niya dito. Narinig niya itong napabungisngis.
"Hindi 'to alcohol! Sanitizer alcohol lang naman 'to ah!" angal nito habang natatawa pa. Hindi maintindihan ni David kung bakit naapektuhan siya sa mga tawa nito at mas lalo lang siyang naguluhan nang sabihin nitong isang sanitizer alcohol lamang iyon. Samantalang pareho pa rin naman iyon. Parehong mahapdi kapag ipinahid sa sugat."Anong pinagkaiba no'n?!" Halos madismaya na siya dahil hindi niya kayang tiisin ang hapdi kung sakaling papahiran siya nito gamit ang alcohol.
"Parang alcohol lang!" angal nito at saka nagpakawala ng matinding halakhak. Bahagya siyang nainis sa pagtawa nito.
"Ang sakit kaya niyan!" umangal din siya dito at saka mabilis na iniwas ang kamay papuntang likod niya. Parang hindi naman ito makapaniwala sa mga ikinikilos niya kaya marahas nitong hinawakan ang kamay niya at saka mabilis na binawi iyon.
"Ano ka ba! Parang kagat lang naman to ng langgam!" Napansin niya ang pagkairita sa boses nito. Napagtanto niya na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kaniya. Dahil doon ay parang nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at pigil ang hininga.
Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang epekto ng presensiya nito sa kaniya.
Halos dalhin na ng hangin ang isipan niya dahil sa sobrang pagkakatitig sa mukha nito. Nakita niya kung paano ito tumingin sa kaniya nang may pag-aalala. May parte sa kaniyang isipan na nakikita niya dito ang pag-aalala kagaya ng kaniyang mga magulang. Nakita na lamang niya ang kamay niyang pinapahiran na ng alcohol.
"'ayan! Tapos na!" Ngumiti ito at saka pinakawalan ang kaniyang kamay na may sugat. Nailang siya nang muli itong tumingin sa kaniya. Naging dahilan iyon para mag-iwas siya ng tingin mula dito. Hindi siya sigurado kung anong kalagayan ng kaniyang mukha sa mga oras na iyon. Ang alam niya ay naiilang at may parte sa kaniya na natutuwa dahil sa ginawa nito.
"S-salamat," tanging nasambit na lang niya nang hindi pa rin tumitingin dito.
"Ayos lang!" tugon naman nito. Muli niya itong tiningnan at halos mapalunok na siya ng laway dahil sa sobrang paglapit nito ng mukha sa mukha niya. Isang dangkal na lang ang kanilang pagitan at ramdam ni David ang kaba sa dibdib dahil sa ginagawa nito."A-anong g-ginagawa mo?!" naging alangan ang kaniyang boses at pigil ang hininga na naitulak ito palayo sa kaniya. Tumawa lang ito at saka muling nagsalita.
"Ang sakit no'n ah! Pero ang tangos ng ilong mo... Alam mo, pwede kang mag model!" Kitang kita ni David ang pagkamangha sa mga mata nito at akmang ilalapit na naman ang mukha nang mabilis niya itong nahawakan sa magkabilang balikat para pigilan sa gagawin. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakakita ng isang batang napaka agresibo. Ang mga kaibigan niya sa siyudad ay nakakalaro niya palagi pero hindi naman ganoon kung kumilos.
"U-umuwi ka na nga!" Pinilit ni David ang sarili na hindi na ito pansinin sa mga pinagsasasabi dahil nararamdaman niyang makulit ito. Pinakawalan niya ito mula sa kaniyang pagkakahawak at saka pilit na inirapan. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.
"Sandali! Aba! Tinulungan kita tapos hindi mo man lang ako ililibre ng pagkain?! Napaka imposible mo naman!" Dahil sa reklamo nito ay napahinto siya. Ilang segundo siyang nag-isip. Sa kaloob-looban ni David ay tama rin naman ito sa mga isinaad pero hindi pa rin siya makapaniwala sa pagiging agresibo nito sa mga bagay.
Isa ito sa mga bata na gusto niyang iwasan. Noon pa man ay hindi na malapit ang loob ni David sa mga ganoong bata na nakakasalamuha niya. Ayaw niya ng makulit.
Pilit siyang napalingon at saka walang ganang tiningnan siya deretso sa mga mata. Dahil sa inis ay mabilis niyang naibulsa ang dalawang kamay sa kaniyang pantalon at parang nawalan na rin ng ganang mangabayo. Narinig niya itong tumawa. Iyon din ang isa sa mga kinaiinisan ni David. Ang tawanan siya dahil sa mga kilos niya.
"Just this time," walang kagana-gana niyang sabi. Nagsimula na siyang maglakad. Narinig niya ang mga yapak nito palapit sa kaniya.
Muli na naman siyang dinalaw ng inis nang mabilis nitong ipinatong ang kabilang kamay sa kaniyang balikat. Napahinto siya dahil sa ginawa nito.
"What the..." Pigil na pigil na sa inis si David. Isang nagtatakang mukha ang nakita niya mula dito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ayaw niyang patagalin ang mga tingin niya sa mukha nito.
"Ano? Bakit?!" Parang hindi nito alam ang ginawa kaya hinayaan na lamang ni David na nakakapit ito sa kaniyang balikat. May inis at iba pang nararamdaman si David dahil sa batang nakaakbay sa kaniya pero nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad papunta sa mansyon ng mga Ortega.
Muling sumagi sa isipan ni David ang kaniyang ina. Nakakapagtaka na hindi na ito bumalik. Hindi na lang niya iyon inintindi at saka mabilis na nagpatuloy sa paglalakad kasama ang isang bata na hindi niya alam kung bakit nakakapit sa kaniyang balikat.
"T-teka sa inyo 'to?!" Halos mailuwa na ni Austine ang mga mata dahil sa pagkalula. Kitang-kita niya ang harap ng mansyon. Yari iyon sa semento at modernong mga kristal na nakapalibot sa buong bahay. Sa sobrang mangha ay parang nagkaroon na siya ng takot na sumama sa loob ng mansyon kasama ang kaniyang bagong kaibigan."Ang init init! Tara na sa loob!" Biglang naagaw nito ang kaniyang atensyon at saka nagdadalawang isip na umiling. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para hindi siya makapasok sa mansyon. Alam niya ang lugar ng isang mahirap na katulad niya at wala siyang balak na makipag kaibigan sa mayayaman. Alam niyang madali lang na mapakiusapan ang bagong kaibigan para maniwala ito sa magiging dahilan niya."Ah... Alam mo kasi, marami pa akong gagawin. Maglalaba pa ako, mamamalantsa, maghuhugas ng pinggan at marami pa." Halos isa-isahin na ni Austine ang mga gawaing bahay na kaninang madaling araw pa niya natapos gawin.Kanina pa niya hinihintay
"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula."He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya."Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.Naalala na naman ni David si
"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya. "Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay. "Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain. "I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon. "Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya. "Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.
"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine. "Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento. "'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan. "Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapa
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa