"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila.
Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante.
"David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat.
"W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito.
"Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinasabi nito. Awtomatikong napunta ang kaniyang paningin sa sinasabi nito.
"Ako na lilibre sa 'yo, tutal naman magkaklase tayo diba?" Pasimple nitong hinawi ang buhok papunta sa likod ng tainga nito.
"No, I'm good. I just want to make friend with you and I'm not hungry," ngumiti siya sa babae at saka inilibot ang paningin sa buong canteen. Kanina pa siya palinga linga ta nagbabakasakaling makita si Austine.
"Sana pati rin kami, Brianaaaa." Narinig niya ang kantiyawan ng dalawa niyang kasamang lalaki.
"Bro, halatang may gusto sa 'yo si Briana." Nabigla siya nang bumulong si Nathan sa kaniyang tainga. Nginitian na lang niya si Nathan bilang tugon sa sinabi nito. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Nathan pero napapansin din niya ang mga simpleng kilos ni Briana kanina sa loob ng silid hanggang sa hindi na nga ito lumalayo sa kaniya.
"Parang kanina ka pa may hinahanap?" Nakangiting tanong ni Briana sa kaniya. Ginantihan na niya ito ng ngiti at saka nahihiyang tumugon.
"I'm just looking for my friend..." Dahil sa sinabi niya ay kaagad din na sinundan ng mga ito ang kaniyang paningin.
"Dito ba siya nag-aaral? Anong pangalan? Baka alam namin?" Sunod sunod ang naging tanong ni Anthony.
"Austine... Austine Alcantara," tugon niya kay Anthony habang nakangiti. Kanina lang ay nagdesisyon silang dalawa ni Austine na pagkatapos ng klase at kung sino ang mauunang lumabas ay kailangan na maghintay. Tumagal ng limang minuto ang kanilang pag-uusap kanina bago pumasok sa kaniya kaniyang silid.
"Pamilyar siya sa 'kin, lagi ko kasing naririnig ang pangalan niya sa mga contests dito sa school." Tiningnan niya si Nathan nang magsalita ito.
"Talaga?" Manghang tanong niya dito pero imbis na sagutin siya nito ay parang tumagos ang paningin nito sa kaniyang likuran at saka naningkit ang mga mata na para bang meron itong tinitingnan mula sa likuran niya.
"Sa tingin ko, siya na 'yon." Kusang gumalaw ang kaniyang katawan at nilingon ang sinasabi ni Nathan.
Laking tuwa niya nang makita si Austine. Sa wakas ay sabay rin silang kakain. Mukhang hindi siya nito napansin dahil deretso lang ang lakad nito. Ngayon lang niya nakitang ganoon ang ekspresyon ng mukha ni Austine. Mukha itong hindi masaya at iritado. Naagaw ang kaniyang pansin nang makitang may umakbay kay Austine. Nakaramdam siya ng inis nang makita iyon. Kahit na malayo ang kinaroroonan ni Austine at ng kasama nito ay alam niyang magkasing tangkad lang sila ng kasama ni Austine. Naiinis si David na isiping hindi siya ang kasama ni Austine.
****
"'ayan na ang pera, um-order kana kasi hindi ako nagugutom. Aalis na ako!" Inirapan niya si Jelo nang maibigay niya dito ang buong isang daan na nakalaan para sa kaniyang pambili ng pagkain. Masakit man sa kaniyang kalooban na ibigay dito ang kaniyang pang buong araw na badyet ay wala rin siyang magagawa. Sadyang matigas si Jelo kaya hinahayaan na lamang niya ito. Hindi na rin siya nagbabalak na isumbong ito sa adviser niya dahil ayaw niyang masangkot sa mga gulo at masira ang magandang performance niya bilang isang estudyante.Handa na siyang talikuran ito nang bigla nitong isigaw ang pangalan niya.
"Austine Alcantara!" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang gawin nito iyon. Dahan dahan na inilibot ni Austine ang kaniyang paningin sa buong canteen. Sa tuwing ipapahiya siya ni Jelo ay ganoon na lamang ang kaniyang galit dito.
Nabigla ang lahat at kusang tumahimik ang buong paligid. Lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya masikmura ang kahihiyan sa mga oras na iyon. Kahit na sobrang nag-aalangan siya na tingnan ang mga reaksyon ng tao ay ginawa niya pa rin. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Jelo.
Bigla siyang natigilan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Maigi lamang itong nakamasid at parang hinihintay nito ang susunod na kilos niya. Sa kaloob looban niya ay humihingi na siya ng tulong. Tulong na sana ay manggaling sa bagong kaibigan. Na sana ay iligtas siya nito sa ganoong sitwasyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Si David ang nakikita niyang may kasamang iba na sa palagay niya ay mga kaklase nito ang mga iyon.
Nakatitig lang siya kay David habang hindi pa rin gumagalaw at iniisip kung ano ang dapat na gawin. Biglang nag-iba ang kaniyang paningin nang makita ang isang babae na halatang nagpapapansin kay David. Nakita niya kung paano nito ilingkis ang mga kamay sa braso ni David. Sa kung ano mang bagay ay may kung anong kumurot sa kaniyang puso. Ramdam niya rin ang tila pagkawala ng kaniyang boses para banggitin ang pangalan ni David. Naguguluhan siya sa kaniyang sarili at pilit na tinatanong kung bakit ganoon ang kaniyang reaksyon nang makita niya itong may kasamang iba at lalong naguluhan siya kung bakit siya nasasaktan sa nakikita.
Naramdaman niya ang paglapit ni Jelo sa kaniyang likuran.
"Akala mo 'yon lang ang kaya kong gawin? Makinig ka," nagulat siya nang nakangisi itong bumulong sa kaniya. Doon lang siya natakot ng husto kay Jelo. Hindi pa rin siya nagsasalita kay isang sigaw na naman ang pinakawalan nito.
"Gusto kong malaman niyo! Na kami ni Austine Alcantara! Matagal nang kami!" Parang isang hangin ng delubyo ang dumampi sa mukha ni Austine nang buong lakas na isigaw iyon ni Jelo. Nagpaulit ulit ang mga salitang binitawan ni Jelo sa isip ni Austine. Tuluyan na siyang naestatwa sa kinatatayuan at parang wala nang sasabihin.
Ang lahat ay naghiyawan habang ang iba naman ay nagtatawanan. Rinig na rinig iyon lahat ni Austine at bawat salitang maririnig niya sa kaniyang paligid ay parang mga karayom na tumutusok sa kaniyang katawan. Nasasaktan siya at nagsisimula nang mabasa ang kaniyang mga mata. Kusang napunta kay David ang kaniyang paningin. Hindi nga nagkamali si Austine. Galit ang ekspresyon ng mukha nito at kitang kita niya kung paano kumuyom ang mga kamay nito.
Dahan dahang kumilos at saka hinarap si Jelo. Kitang kita nito ang sunod sunod na pagtulo ng kaniyang luha habang nakatingala siya dito. Parang umurong naman ang dila ni Jelo nang makitang umiiyak si Austine at nagsisimula nang humikbi. Naramdaman ni Austine ang marahan na pagtaas at baba ng kaniyang balikat. Senyales na siya ay umiiyak.
"Sobra kana!" Iyon na lang ang tanging naibulalas ni Austine at kasabay niyon ay ang malakas na pagdapo ng kaniyang palad sa mukha ni Jelo.
Pagkatapos nang nangyari ay tumingin siya sa paligid at saka huminto ang paningin sa kinaroroonan ni David. Hindi niya alam kung nasaktan ba siya sa ginawa ni Jelo o sa hindi paglapit at ang hayaan na may ibang kasama si David. Patuloy na ginugulo ng mga nangyari ang kaniyang nararamdaman.
Patakbo siyang lumabas ng canteen habang humihikbi.
Naroon pa rin si David sa kinatatayuan. Nakita nitong umiyak si Austine pero wala man lang itong ginawa. Mas nangingibaw dito ang ini nang makita nitong may kasamang iba. Mas lalo lang itong nagalit nang marinig na mag-on na pala ang dalawa. Kahit na anong mangyari ay hindi nito matitiis ang kaibigan. Mahalaga si Austine para kay David. Mabilis nitong sinundan si Austine.
****
Kanina pa walang imikan si Austine at David sa loob ng kotse. Pareho silang walang balak na magpansinan. Kanina lamang ay hinahabol ni David si Austine pero hindi siya nito pinapansin. Patuloy siya sa pagtawag ng pangalan nito pero ni hindi man lang siya nililingon hanggang sa umabot na nga sila sa labas ng library ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Maikli lang ang pasensiya ni David pero kapag tungkol na kay Austine ay parang hindi na lang niya iyon napapansin. Ang gusto lang naman niya ay maliwanagan siya kung bakit ganoon ang sinabi ng kasama nito na nobyo na nito ang lalaking iyon.Nahirapan pa siya na kunin ang loob nito para sumakay na sa kotse. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon si Austine samantalang wala naman siyang ginagawang masama. Pasimple niyang sinilip ang mukha nito. Nakahanda na siya para suyuin ito na siya mismo ay hindi alam kung bakit niya iyon ginagawa. Palagay nga niya ay siya pa dapat ang magalit at mainis dito dahil hindi man lang nito sinabi na mayroon pa pala itong ibang kaibigan na lalaki bukod sa kaniya.
"Hey," untag niya dito pero hindi pa rin natinag ang katahimikan nito kaya hindi na niya napigilan na sundutin ito sa tagiliran.
"Ano ba?!" Saglit itong tumingin sa kaniya at kitang kita niya kung paano siya nito pagtaasan ng kilay. Pakiramdam ni David ay hindi na tama ang ikinikilos nito. Siya dapat ang magalit at hindi si Austine.
"Why are you so mad at me?!" Sa sandaling iyon ay tumaas na rin ang kaniyang boses. Tila nabigla naman si Austine sa pasigaw na tanong ni David.
"Wala!" Sigaw nito na hindi man lang nag abala na magpaliwanag. Hinihintay ni David ang sasabihin nito nang maintindihan niya kung bakit ganoon ang sinabi ng lalaki na kasama nito kanina. Hangga't maaari ay ayaw niyang alalahanin ang mga nangyari kanina sa loob ng canteen.
"Anong wala?! Yeah! It's all about that guy huh?!" Dahil sa matinding inis ay hindi na niya napigilan ang mga salitang kanina pa niya gustong sabihin dito. Kusa namang napalingon nang bigla si Austine nang mapagtanto nito ang mga sinabi niya.
"Bakit napunta sa 'kin?! Hindi ba't ikaw ang may kasamang babae kanina?! At aba! Kung makakapit sa 'yo, dinaig pa ang ahas na lumalambitin sa puno!" Nagtataasan na ang kanilang boses sa loob ng kotse at lingid sa kanilang pansin na nabibingi na si mang Kanor dahil sa alitan nilang dalawa. Kasalukuyan na umaandar ang kotse habang hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa bangayan.
"What's the problem with that?! They're just my classmates and they want to me to be their friends! Why are you acting like so weird, Austine?!" Kung naging maso lang ang kanilang mga boses ay kanina pa basag ang mga salamin sa kotse. Pareho nang magkasalubong ang kanilang mga kilay habang walang gusto may magpatalo sa matatalim na tingin.
Hindi pa nakontento si David at kaagad na sumagi sa kaniyang isipan ang mga nagyari kanina kung paano umakbay ang kasama ni Austine.
"You already have a boyfriend?! You're too young!" Sigaw niya dito ngunit sa pagkakataong iyon ay nakita niya na isa isang lumabas ang mga luha sa mga mata nito. Napamaang siya nang magsimula nang humikbi si Austine. Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang pag-iyak nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya mabahala sa tuwing iiyak si Austine.
"H-hindi ko naman siya b-boyfriend eh! M-matagal na niya a-akong b-binu-bully... Maghihintay ako na lumapit ka kanina kasi nahihiya a-ako sa mga tao, 'kala ko lalapitan mo 'ko." Ni hindi masabi ni Austine ang mga salita. Biglang natahimik si David dahil sa narinig. Nakikita niya ngayon ang kaibigan na nakasubsob ang mukha sa dalawang palad at patuloy pa rin sa pag-iyak. Nahabag siya sa nakikita at unti unting humupa ang galit sa kaniyang katawan.
"I didn't know... I'm sorry... I'm really sorry, Austine." Nakita na lamang niya ang sarili na niyayakap ang kaibigan. Kung kaya lang ma higupin ng kaniyang katawan ang sakit na nararamdaman nito ay kanina pa niya ginawa.
Naramdaman niya ang pagkilos nito. Nabigla siya nang tumugon ito sa pagkakayakap niya at saka ito nag-angat ng tingin.
"Siguro crush mo 'yon noh?" Tanong nito habamg pupungas pungas. Palihim siyang natawa sa hitsura nito dahil magulo ang buhok nito at parang bata na inagawan ng kendi.
"Hush now, she's just my friend, my classmate. Wala akong gusto sa kaniya..." Nagkatitigan silang dalawa. Gustong gusto na dugtungan ni David ang kaniyang sasabihin pero nagdalawang isip siya na baka nalilito lamang siya sa kaniyang nararamdaman.
Napangiti siya nang makita niyang ngumiti si Austine at saka ito mahigpit na yumakap.
"kapag maabot ko na ang mga pangarap ko, gusto ko nandiyan ka pa rin. Nandiyan ka pa rin bilang..." Naririnig ni David ang malumanay na boses ni Austine habang ramdam niya ang pag pintig ng puso nito. Kakaiba ang hatid niyon na para bang naapektuhan din ang kaniyang buong sistema. Saglit siyang naghintay sa susunod na sasabihin nito. Nang hindi niya ito marinig ay kusa na niyang inulit huling salita na binanggit nito.
"Bilang?" Pag-uulit niya. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito bago ito magsalita. Kinakabahan siya sa susunod na sasabihin nito.
"Bilang kaibigan," hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha ni David sa mga sandaling iyon. May parte sa kaniyang puso masaya pero mat kaunting kurot at hindi niya iyon mahagilap kung bakit.
"I promise to stay and I want you to promise the same thing," dahil sa sinabi niya ay nag-angat ulit ito ng tingin at malapad ang ngiti na tinugon siya nito.
"Pangako," bumalik sa pagkakayakap ang dalawa at parehong pinapakiramdaman ang bawat isa. Humupa ang kanilang galit at napalitan iyon ng kagalakan.
****
Malapad na ngiti ang baon ni David nang dumating siya sa kanilang bahay. Hindi maialis sa kaniyang isipan na ganoon ang nangyari sa unang araw ng klase. Siguro ay nakaramdam siya ng selos noong nakita niya si Austine at ang kasama nitong lalaki at palagay niya ay ganoon din ang nararamdaman nito nang makita siyang may kasamang babae."Nagseselos kaya siya?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig dahil hindi na rin niya mapigilan ang saya na nararamdaman.
Nagitla siya nang marinig ang ingay sa loob ng mansyon. Deretso niyang tinungo ang kusina dahil doon nanggagaling ang ingay. Habang naglalakad ay naririnig na niya ang sigaw ng kaniyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit ito sumisigaw. Hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang lola Paula subalit hindi niya ito makita. Dinalaw siya ng matinding kaba nang sumilip siya mula sa pintuan ng kusina. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang ina na magulo ang buhok at sumisigaw. Nang bahagyang itaas nito ang kabilang kamay ay nakita niya ang isang baso na halatang sinadya nitong basagin.
"Mom! What are you doing?!" Kasabay ng sigaw niya ay ang mabilis na paglakad niya papunta sa kinatatayuan ng ina.
"You're dad! He's in coma!" Maagap niyang hinawakan ang ina sa magkabilang braso nito at mabilis naman siya nitong niyakap. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ramdam niya ang paghagulgol nito sa katawan niya.
"What?! That's not true!" Hindi kaagad na rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi ng kaniyang ina. Napalitan ng takot at kaba ang kaninang sigla.
"Nabangga ang kotseng sinasakyan ng dad mo pero bago pa mangyari ang aksidente, nakita ng mga pulis na may kasamang ibang babae ang dad mo! He's cheating, anak!" Parang tinatarak ang kaniyang puso nang marinig ang mga salitang iyon. Mabait ang kaniyang ama at kahit kailan hindi niya ito pinag-isipan ng masama para saktan nito ang kaniyang ina.
"This is not happening, right?!" Naging dahilan ang matininding emosyon kung bakit siya pumiyok nang tanungin ang ina. Alam niyang hindi magsisinungaling ang ina.
"Kailangan tayo ng dad mo! We have to go–" parang nabingi siya nang sabihini nito iyon. Hindi nuya gusto ang ideya na aalis sila sa Villa Paula. Maraming dahilan kung bakit gusto niyang mamalagi sa tahanan ng kaniyang lola at isa na doon si Austine sa napaka importanteng dahilan.
"No! I won't leave, Villa Paula! Kung gusto niyong pumunta, kayo na lang ma!" Tila umusbong ang tapang sa kaniyang katawan. Hindi niya pwedeng baliin ang pangako kay Austine.
Kitang kita niya ang pagkalito sa mukha ng kaniyang ina. Tila hindi nito gusto ang kaniyang sinabi.
"Buhay ng dad mo ang nakataya dito! Kahit na nagkasala siya, ama mo pa rin siya! Asawa ko siya! We need the best doctors! At kailangan na natin siyang madala sa Amerika sa lalong madaling panahon!" Mas lalong humigpit ang mga kamay nito sa kaniyang katawan at para bang sinisigurado nitong hindi niya dapat itong biguin.
Sa sitwasyong iyon ay nagtatalo na ang kaniyang isip at nararamdaman. Tama ang kaniyang ina. Kailanga sila ng kaniyang ama. Hindi na namalayan ni David ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nahihirapan siyang isipin ang kalagayan ng kaniyang ama at isiping iiwan niya si Austine. Ang tanging tao na nagparamdam sa kaniya na lahat ng bagay ay posible kapag may tiyaga.
Nanghihina ang kaniyang paningin habang tinititigan ang kaniyang ina. Pareho silang nag-iiyakan at parang hindi mahagilap ang mga tamang salita na dapat sabihin.
"Mom... I just need to see Austine before we leave," pakiusap niya dito habang patuloy sa pangingilid ang kaniyang mga luha.
"We don't have time, anak!" Mariin nitong hinawakan ang kaniyang kamay.
"I just need to see Austine! 'yon lang ang hinihingi ko, ma!" Marahas niyang tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at saka mabilis na tumakbo palayo sa ina. Narinig na lamang niya itong sinisigaw ang pangalan niya.
"Daviiiiiiiid!!!"
Tinahak niya ang lawak ng buong Villa Paula. Wala siyang ibang maisip kundi puntahan ang kwadra ng mga kabayo. Nagmadali siyang tumakbo para marating iyon. Deretso siyang pumasok sa loob at saka hinanap ang stallion. Alam niyang mas mabilis ang ganoong uri ng kabayo kaya mabilis niya iyong kinuha at buong tapang na sinakyan iyon. Nagsimula siyang sipain ang kabayo sa likod nito at dahil doon ay mabilis na tumalima ang kabayo para bigyan siya ng pinakamabilis na takbo.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa tali nito upang maging balanse ang kaniyang timbang sa ibabaw ng kabayo. Ramdam niya ang matitinding tunog gawa ng sinasakyan na kabayo. Wala siyang ibang maisip kundi ang marating ang bahay ni Austine.
****
"Mamaaaaaaaa!!!" Isang matinding sigaw ang pinakawalan ni Austine nang makitang nakahandusay sa sahig ang kaniyang ina. Ang katawan nito ang agad na tumambad sa kaniya nang buksan niya ang pinto ng bahay. Wala na itong malay.Bumalot sa buong pagkatao ni Austine ang pagkagulat at takot dahil sa nakita. Dali dali niya itong hinawakan para buhatin pero habang ginagawa niya iyon ay naramdaman niya ang pag-agos ng malagkit na dugo sa kaniyang balat. Unti unting binabawian siya ng diwa dahil sa nakita. Kaagad niyang hinawakan ang pulso ng ina pero wala na siyang maramdaman. Hindi na rin ito humihinga.
"Tulooooooooong!!!" Sa pangalawang pagkakataon ay sumigaw siya ulit. Maraming katanungan sa kaniyang isip pero mas nangingibabaw ang takot at pag-aalala sa kaniyang ina.
Napalingon siya nang biglang kumalabog ang pinto at doon lang niya nakita ang kaniyang ninang Hulyana at ang iba pang tao na nakatingin mula sa bintana.
"Diyos ko! Tisaaaay!!!" Tanging naisigaw na lamang ng kaniyang ninang. Nagmamadali ang lahat na pumasok sa loob ng bahay para kunin ang nakabulagtang katawan ng kaniyang nanay. Humahagulgol siya sa iyak habang hawak hawak niya ang kamay ng nanay.
Ilang sandali pa ay narinig na niya ang paparating na ambulansya. Mabilis ang naging kilos ng mga taong tumulong na buhatin ang kaniyang nanay para maisakay ito doon. Nang maisakay na ang kaniyang nanay ay akmang sasakay na rin sana siya pati ang kasama ang kaniyang ninang pero mabilis na hinawakan siya ng isang babae.
"Pasensiya na pero hindi pwede ang bata sa loob, ikaw na lang misis." Tinukoy nito ang kaniyang ninang.
"Mama ko po ang nasa loob! Kailangan niya ako!" Sinigawan niya ang babae na kanina lamang ay nakita niyang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawang pag-asikaso sa kaniyang nanay.
"Austine anak, ayos lang yan. Sige na, ako na ang bahala sa mama mo. Sumunod ka na lang agad ha?" Sasagot pa lang sana si Austine sa kaniyang ninang pero mabilis ang naging kilos nito para makapasok sa loob ng sasakyan. Naiwan siyang nakatulala at parang hindi alam ang gagawin. Hindi pa rin sumasagi sa isip niya ang nangyari sa kaniyang nanay. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Sa kabilang banda ay iniisip rin niya na posibleng may gumawa ng hindi maganda sa kaniyang nanay.
Natingin ang mga tao sa kaniya pero wala siyang pakialam sa mga ito. Naghanap siya ng masasakyan pero wala siyang makita hanggang sa mawala na lang din sa paligid ang mga tao na kanina lamang ay panay ang bulong bulungan.
"Austine!!!" Isang sigaw ang nagpalingon sa kaniya sa 'di kalayuan. Malayo pa ito sa kaniya ay kilalang kilala na niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Nang makalapit na ito ay saka lamang niya nakita ang isang tao na nakasakay sa itim na kabayo.
"David?!" Bulalas niya nang makita niya ito. Mabilis ang naging kilos nito at agad din namang bumaba. Walang anu ano'y kaagad siya nitong niyakap. Nagulat siya nang makita itong umiiyak.
"I have to leave and I just want you to know that I'll be back," hindi siya nito pinapakawalan sa pagkakayakap. Sa sobrang higpit ay parang hindi na rin siya makahinga. Alam niyang may mali at may pinag-dadaanan ito. Ramdam niya iyon at kitang kita sa mga ikinikilos nito.
"A-anong ibig mong sabihin? At b-bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya dito habang pasimple niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
"Aalis na kami dito sa Villa Paula, masyadong mahirap para ipaliwanag–"
"Ipaliwanag mo!" Sumigaw na siya dito. Naiintindihan na niya ang gusto nitong iparating. Kung ano man ang dahilan nito ay gusto niya pa rin na malaman.
"Babalik ako... Babalikan kita, Austine. Babalikan kita kasi mahal kita, mahal na kita Austine." Kasabay ng mga salita nito ay ang pagiging garalgal ng boses nito na mas lalo lang nagbigay ng kalituhan sa kaniyang buong pagkatao.
"David–" pigil ang hininga na hindi niya naipagpatuloy ang gustong sabihin nang bigla siya nitong halikan. Isang halik na hindi aksidenteng nangyari. Ramdam niyang isa iyong halik na sinadya talaga nito. Namilog ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ni David.
"Sa ngayon, iiwan kita. Kailangan kitang iwan, Austine." Nakatulala lamang siya sa mga sinasabi nito hanggang sa mapansin na lang niya itong naglalakad palayo sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siyang kumilos para habulin ito.
Matinding emosyon ang lumalabas mula sa kaniyang katawan at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iyon mapipigilan. Bigla niya itong niyaka mula sa likod nito ngunit naging marahas ang mga kamay nito. Tinanggal nito ang pagkakayakap niya.
"Mahal din kita, David." Sinigurado niyang maririnig nito iyon subalit tila wala itong naging reaksyon at nagpatuloy lang sa paglalakad para puntahan ang kabayo. Sinundan niya pa rin ito kahit na nakasampa na ito sa kabayo.
"Mahal kita, David!!" Isinigaw na niya dito nang buong lakas ang kaniyang nararamdman. Wala siyang pakialam kung sino ang makakarinig. Hindi ito nagbigay ng kahit isang saglit na tingin. Kaagad nitong sinipa ang kabayo at saka mabilis na pinatakbo. Dahil sa sobrang pagkataranta ay hinabol pa niya ito. Hindi niya pinapansin kung saan na siya tumatakbo ang mahalaga sa lahat ay mahabol niya ito at mapigilan na umalis. Habang papalayo nang papalayo ang kabayo ay parang napapagod na ang kaniyang paa para tumakbo. Masakit isipin na lalayo sa kaniya ang taong nagbigay ng pag-asa para maramdaman niya na karapatdapat siyang mahalin ng isang David Ortega. Sa huling lakas ng kaniyang katawan ay isinigaw niya ang pangalan na minsan nang bumuo sa kaniyang puso.
"Daviiiiiiiiiid!!!"
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng kakayahan na makapagsulat ng isang istorya na alam kong hindi lang ako ang mabibigyan ng inspirasyon, kundi pati na rin ang aking mga mambabasa❤️ pangalawa, gusto kong pasalamatan ang aking pamilya dahil sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong magsulat❤️ at pangatlo, gusto kong pasalamatan ang aking mga kaibigan lalong lalo na sa aking bisti na walang sawang sumusuporta sa akin sa lahat ng bagay na makakapagpagaan ng aking kalooban. Para sa mga manunulat na katulad ko ay malaya ring nakakapagsulat gamit ang kanilang mga marilag na imahinasyon, maraming salamat sa inyo dahil naging dahilan rin kayo kung bakit nagsisikap ako ngayon para mas marami akong masulat❤️ para po ito sa inyong lahat, sana magustuhan niyo😍😇❤️
Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇
"Uy, anak! Ano na naman bang ginagawa mo diyan?" Tuwang-tuwa si Austine nang lingunin niya ang kaniyang ina. Walang pakundangan sa pagkendeng para lang makasabay sa tugtog ng kapitbahay. Natatawa na lamang ang ina dahil sa ginagawa ng anak."Aba! Mareng Tisay, meron ka nang anak na dalaga na, binata pa," natatawang hiyaw ng kumare ni Tisay na si Hulyana."Tama po kayo diyan, Aling Hulyana," biglang sabat naman ni Austine at saka lakas loob na lumakad na parang isang modelo sa isang magasinNagagalak ang nanay ni Austine dahil sa ginagawa niya at ganoon rin naman ang kumare nito.Sobrang swerte ng nanay ni Austine dahil sa likas na pag-uugali niya. Kahit na kakaiba siyang kumilos kumpara sa mga normal na lalaki ay tanggap nito ang buong pagkatao niya."Naku! Ang dapat na itawag sa 'yo ay dyosa ng kalikasan!" Napatawa si Tisay dahil sa tinuran ng kumare. Mabuti na lamang at hindi lang ang nanay ni Austine ang may mabuting loob para ta
"David! Oh my god!" napasigaw na ang butihing ina ni David na si Loren. Hindi akalain ng babae na ganoon na lang ang sugat sa kamay ng anak. Nakita nito kung paano punuin ng dugo ang kabuuan ng palad ni David. Nasa damuhan ang mag-ina at maigi nitong sinasanay ang anak sa pangangabayo ngunit hindi nito akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan ni David matapos na mahulog ang anak sa pangangabayo at diretsong bumagsak sa lupa.Nakita nito kung saan naglandas ang kabilang palad sa lupa at saktong dumiin ang palad ng anak sa isang matulis na kahoy."Mom, I'm alright." Kahit na iniinda ni David ang sakit gawa ng kaniyang sugat ay pinilit niyang ngumiti at pakalmahin ang ina."Sigurado ka anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala."Mommy, I'm strong. You know that, right?" Pinasadahan ni David ng ngiti ang kaniyang ina para hindi na ito mag-aalala masyado. Dahil sa ginawa niya ay napalitan ng ngiti ang nag-aalala nitong mga mata."You're a big boy now
"T-teka sa inyo 'to?!" Halos mailuwa na ni Austine ang mga mata dahil sa pagkalula. Kitang-kita niya ang harap ng mansyon. Yari iyon sa semento at modernong mga kristal na nakapalibot sa buong bahay. Sa sobrang mangha ay parang nagkaroon na siya ng takot na sumama sa loob ng mansyon kasama ang kaniyang bagong kaibigan."Ang init init! Tara na sa loob!" Biglang naagaw nito ang kaniyang atensyon at saka nagdadalawang isip na umiling. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para hindi siya makapasok sa mansyon. Alam niya ang lugar ng isang mahirap na katulad niya at wala siyang balak na makipag kaibigan sa mayayaman. Alam niyang madali lang na mapakiusapan ang bagong kaibigan para maniwala ito sa magiging dahilan niya."Ah... Alam mo kasi, marami pa akong gagawin. Maglalaba pa ako, mamamalantsa, maghuhugas ng pinggan at marami pa." Halos isa-isahin na ni Austine ang mga gawaing bahay na kaninang madaling araw pa niya natapos gawin.Kanina pa niya hinihintay
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine. "Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento. "'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan. "Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapa
"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya. "Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay. "Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain. "I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon. "Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya. "Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.
"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula."He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya."Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.Naalala na naman ni David si