"Uy, anak! Ano na naman bang ginagawa mo diyan?" Tuwang-tuwa si Austine nang lingunin niya ang kaniyang ina. Walang pakundangan sa pagkendeng para lang makasabay sa tugtog ng kapitbahay. Natatawa na lamang ang ina dahil sa ginagawa ng anak.
"Aba! Mareng Tisay, meron ka nang anak na dalaga na, binata pa," natatawang hiyaw ng kumare ni Tisay na si Hulyana."Tama po kayo diyan, Aling Hulyana," biglang sabat naman ni Austine at saka lakas loob na lumakad na parang isang modelo sa isang magasinNagagalak ang nanay ni Austine dahil sa ginagawa niya at ganoon rin naman ang kumare nito.Sobrang swerte ng nanay ni Austine dahil sa likas na pag-uugali niya. Kahit na kakaiba siyang kumilos kumpara sa mga normal na lalaki ay tanggap nito ang buong pagkatao niya.
"Naku! Ang dapat na itawag sa 'yo ay dyosa ng kalikasan!" Napatawa si Tisay dahil sa tinuran ng kumare. Mabuti na lamang at hindi lang ang nanay ni Austine ang may mabuting loob para tanggapin ang kasarian na meron ang bata."Mare! Sa totoo lang, itong anak mo'y may potensyal sa pagmomodelo! Aba! Kanino pa ba magmamana sa pagiging tisay, kundi sa 'yo!" Nagiging eksaherada na ang kumare ni Tisay at natatawa na lang ang nanay ni Austine sa mga sinasabi ng kumare kahit na alam ni Tisay na totoo naman ang lahat ng sinasabi nito."Anak! Bigyan mo nga ng isang pose si tita Hulyana mo," sigaw ni Tisay sa anak. Kaagad naman na tumalima si Austine at saka humarap sa kanila para bigyan sila ng pinaka magandang posisyon."Oh, pak! Oh ayan," Hiyaw naman ni Hulyana kasabay ang tuwa at pagpalakpak nito.Napapangiti naman ang mga taong dumaraan malapit sa kanilang bahay. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumapit si Austine sa kaniyang nanay."Ayoko na, ma! Pagod na po ako!" Natawa ito dahil sa hitsura ng anak. Mabilis na nag ayos si Austine at saka agad na lumapit dito. Napansin naman ni Austine na palapit sa kanila ang kumare ni Tisay na si Hulyana."Mama si aling Hulyana po, parang may ibabalita sa 'yo," biglang sabi ni Austine."Hintayin na muna natin si Hulyana, baka may alam na naman kasi itong labada. Para may ipambili tayong school supplies mo sa sa susunod na pasukan, anak." Natuwa naman si Austine sa sinabi ng kaniyang nanay. Sumilay ang ngiti sa mukha ng kaniyang nanay."Mareng Tisay! Uy! Alam mo ba, may bagong lipat doon sa Villa Paula! Mukhang mayaman ang bagong lipat at saktong naghahanap ng labandera! Diyos ko! Ang laki ng bayad nila at sigurado akong hindi masyadong madumi ang mga lalabhan doon kasi malilinis naman 'yon!" Nakikinig lamang ang ina ni Austine habang nagsasalita ang kumare nito. Bilib na bilib naman si Tisay sa lawak ng kaalaman ni Hulyana patungkol sa mga paglalabada."Oh bakit mare, hindi mo ba susubukan doon?" takang tanong ng ina."Mare, hindi lang isa ang kailangan nila kundi tatlo! Naisip kita at itong inaanak kong si Austine." Napatingin si Hulyana kay Austine at saka malapad na ngumiti."Aba! Sigurado ka diyan mareng Hulyana?! Naku mukha ngang galante ang mga taong iyon." Kitang kita ni Austine ang manghang mukha ng kaniyang nanay dahil sa sinabi ng kumare nito."Oo, mare! Naku! Sigurado akong masasarap din ang pagkain ng mga iyon," dagdag pa nito. Natawa na lamang si Tisay sa pagiging eksaherada ng kumare."Anak, kaya mo na ba akong tulungan sa paglalabada?" nakangiting tanong ni Tisay sa anak. Para kay Austine, makita niya lang na nakangiti ang nanay ay sapat na sa kaniya kaya hinding-hindi siya mag aalinlangan na tulungan ito sa kahit na anong malinis na paraan man nito gusto."Oo naman, mama! Ako pa ba! Fifteen years old na kaya ako!" Nangungusap ang mga mata ni Austine. Natuwa naman ang kumare ni Tisay sa tinuran ng inaanak kaya masaya nitong kinurot si Austine sa pisngi."Naku! Iba talaga itong dalaga mo, mare! Este, itong binatilyo mo," Natatawang inasar siya nito."Kailan ba tayo magsisimulang maglaba sa kanila?" interesadong tanong ni Tisay kay Hulyana."Aba! Bukas na bukas din!" mabilis na sagot nito. Walang ibang naramdaman si Austine sa mga sandaling iyon kundi ang saya dahil kahit na mahirap ang buhay ay magkasama pa rin sila ng kaniyang nanay kahit na matagal nang wala ang kaniyang tatay."David! Oh my god!" napasigaw na ang butihing ina ni David na si Loren. Hindi akalain ng babae na ganoon na lang ang sugat sa kamay ng anak. Nakita nito kung paano punuin ng dugo ang kabuuan ng palad ni David. Nasa damuhan ang mag-ina at maigi nitong sinasanay ang anak sa pangangabayo ngunit hindi nito akalain na magiging ganoon ang kahihinatnan ni David matapos na mahulog ang anak sa pangangabayo at diretsong bumagsak sa lupa.Nakita nito kung saan naglandas ang kabilang palad sa lupa at saktong dumiin ang palad ng anak sa isang matulis na kahoy."Mom, I'm alright." Kahit na iniinda ni David ang sakit gawa ng kaniyang sugat ay pinilit niyang ngumiti at pakalmahin ang ina."Sigurado ka anak?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala."Mommy, I'm strong. You know that, right?" Pinasadahan ni David ng ngiti ang kaniyang ina para hindi na ito mag-aalala masyado. Dahil sa ginawa niya ay napalitan ng ngiti ang nag-aalala nitong mga mata."You're a big boy now
"T-teka sa inyo 'to?!" Halos mailuwa na ni Austine ang mga mata dahil sa pagkalula. Kitang-kita niya ang harap ng mansyon. Yari iyon sa semento at modernong mga kristal na nakapalibot sa buong bahay. Sa sobrang mangha ay parang nagkaroon na siya ng takot na sumama sa loob ng mansyon kasama ang kaniyang bagong kaibigan."Ang init init! Tara na sa loob!" Biglang naagaw nito ang kaniyang atensyon at saka nagdadalawang isip na umiling. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para hindi siya makapasok sa mansyon. Alam niya ang lugar ng isang mahirap na katulad niya at wala siyang balak na makipag kaibigan sa mayayaman. Alam niyang madali lang na mapakiusapan ang bagong kaibigan para maniwala ito sa magiging dahilan niya."Ah... Alam mo kasi, marami pa akong gagawin. Maglalaba pa ako, mamamalantsa, maghuhugas ng pinggan at marami pa." Halos isa-isahin na ni Austine ang mga gawaing bahay na kaninang madaling araw pa niya natapos gawin.Kanina pa niya hinihintay
"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula."He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya."Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.Naalala na naman ni David si
"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya. "Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay. "Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain. "I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon. "Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya. "Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.
"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine. "Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento. "'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan. "Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapa
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind