"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula.
"He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.
Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya.
"Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.
Naalala na naman ni David si Austine. Sa paglipas ng tatlong araw na hindi niya ito nakita ay parang may kung ano sa sarili niya na gusto niya itong makalaro kahit na may pagka makulit kung minsan.
"Yes mom," nakangiti niyang tugon kay Loren.
"Loren, have you read the news? Balita ko, nasunog ang ubasan ng mga Sentino sa San Isidro? Nasa kabilang bayan lang ang lugar na iyon," panimula ng kaniyang lola habang abala siya sa paglalaro ng online games sa kaniyang smart phone.
"Kahapon ko po nabalitaan, mama. Pero nakakapagtaka na hindi man lang nila 'yon nilabas sa mga diyaryo," tugon nito habang patuloy pa rin sa pagbabasa.
Bigla nalang naisip ni David na dalawin si Austine sa bahay nito para makapag laro sila. Wala siyang ibang maisip na dalhin kundi ang ilan sa mga tsokolateng nabili ng kaniyang ama bago pa man sila pumunta sa Villa Paula. Alam niyang papayagan siya ng kaniyang ina na makipag kita kay Austine dahil kilala na nito ang bagong kaibigan.
"Ma?" Marahang tawag niya dito at saka malambing na humawak sa kamay nito.
"Naku, alam ko na 'to." Hindi pa siya nakakapagpaalam ay alam na ng ina na meron siyang hihingin. Narinig naman niyang tumawa ang kaniyang lola.
"Don't worry ma, hindi naman po ako magpapabili ng kung ano. Gusto ko lang dalawin si Austine." Nakita nito ang pagkislap ng kaniyang mga mata nang banggitin niya ang pangalan ni Austine.
Hindi maintindihan ni David kung bakit napabuntong hininga ito sa sinabi niya. Sigurado siyang may gusto itong ipaliwanag sa kaniya na dapat ay maintindihan niya.
"Anak, hindi ka pwedeng lumayo dito sa Villa Paula. Masyadong delikado para sa 'yo," umiwas ito ng tingin at saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Biglang may kung anong kumurot sa kaniyang dibdib nang hindi siya nito payagan na dalawin ang kaibigan.
"Pero mama..."
"David, please." Ni hindi man lang ito nag abalang tingnan siya. Ibinulsa niya ang aparato at saka nagsimulang lumayo. Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig ang boses ng kaniyang lola.
"Loren, sa tingin ko naman ay mabait si Austine. Akalain mong siya pa ang maglalagay ng alcohol sa kamay ni David? Nakita ko rin kung paano siya kumilos, halatang dinisiplina ng kaniyang nanay Tisay," pahayag ng matanda. Bigla siyang nabuhayan ng pag-asa at sa hindi malamang kadahilanan ay parang mas lalo lang siyang napapangiti na isiping makikita niya si Austine at makakalaro niya ito.
"Sa palagay ko nga po ay mabait 'yong batang 'yon..." Nakita niyang ngumiti ang kaniyang ina at saka niya hinintay ang pagtawag nito sa pangalan niya.
"David, anak!" Malalaking hakbang agad ang ginawa niya kaya nakalapit siya agad dito. Ngiting-ngiti siya sa kaniyang lola at ina habang hinihintay na lamang niya ang pagpayag nitong pumunta siya sa bahay ni Austine.
"Oh siya, sige na. Papayagan na kitang pumunta kay Austine pero ipapasama ko si mang Kanor para bantayan ka do'n, ha?" Nakangiti ang kaniyang ina habang nagpapaliwanag. Hindi pa natatapos ang bilin nito ay para na siyang nililipad ng kaniyang mga paa para makalabas ng mansyon at makipag laro kay Austine.
"Opo, mama! Aalis na po ako! See you later, lola!" Isang halik sa noo ang ibinigay ni David sa kaniyang lola at isang halik naman sa pisngi sa kaniyang ina.
"Oh, dadalhan mo ba ng pagkain si Austine?" natatawang tanong ng kaniyang lola na siya namang ikinatuwa ng kaniyang ina. Napatawa na rin siya sa tanong nito at saka nakangiting tumugon.
"Yes, lola. Baka kasi magtampo 'yon eh!" Napahalakhak naman ang dalawa sa tinuran niya. Nagpaalam siya sa mga ito at deretsong tinungo ang kwarto para kunin ang bag na puno ng ilang tsokolate at mga biskwit. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya dahil sa makikita niya ulit ang kaibigan na kahit makulit ay sobrang napasaya siya ng minsan. Nagtaka siya sa sarili kung bakit nalilito siya sa kung anong isusuot niya.
Naalala niyang simple lang si Austine at alam niyang mapapalagay ito kung simple lang din ang suot niya. Kinuha niya ang lumang Tisyort at saka naghanap ng isang simpleng putot. Napangiti siya na isiping mapapalagay silang dalawa habang naglalaro.
Nakahanda na siya. Lumabas siya ng kwarto na may ngiti sa mga labi.
"Papunta na ako, Austine." Parang may kung anong kiliti sa kaniyang katawan nang banggitin niya ang pangalan nito.
****
Hinihintay na lamang ni Austine na maluto ang kaniyang ginagawang puto cheese. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong naabutan siya ng kaniyang nanay sa mansyon ng Villa Paula. Hindi niya lubos masikmura ang lahat ng kahihiyan na nagawa niya sa loob ng mansyon. Hangga't maaari ay ayaw na niyang maalala pa ang nangyari.Kailangan pa niyang bumawi sa kaniyang nanay dahil sa ginawa niya. Ilang araw din siyang hindi kinausap ng kaniyang nanay Tisay. Alam niyang nagtatampo ito dahil sa pagsuway niya sa mga pangaral nito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Austine nang maalala na naman niya si David. Kapag sumasagi sa isipan niya ang mukha ng kaibigan ay parang nililipad ng alapaap ang kaniyang sarili. Alam niya sa sarili na bukod sa maamo nitong mukha ay hindi lang iyon ang kaniyang hinahangaan. Maging ang pagiging suplado nito ay humahanga rin siya. Alam niyang mayroon itong hindi kaaya-ayang ugali pero para kay Austine ay nangingibabaw pa rin ang pagiging maalaga nito bilang kaibigan.
"Anak?!"
"Ay! Nanay ko po!" Muntik na sumalampak sa sahig si Austine dahil sa gulat. Nakita niya sa kaniyang likuran ang kaniyang nanay. Hindi niya mawari kung anong nasa isip nito.
"Anak, pasensiya ka na sa nanay. Nagtatampo lang ako dahil sinuway mo na naman ang mga bilin ko sa 'yo." Nakatitig lang si Austine sa kaniyang nanay. Nasaktan niya ito at dapat lang na bumawi siya sa nagawa niyang pagsuway dito kahit na minsan naiisip niyang sobra na rin ito sa paghihigpit sa kaniya. Masaya na siyang tanggap siya ng kaniyang nanay dahil iyon ang pinaka mahalaga sa lahat.
Nangilid ang kaniyang mga luha habang nakatingin lang siya dito. Marahan siyang lumapit dito at saka masuyo itong niyakap. Maraming sakripisyo ang ginawa ng kaniyang nanay at kahit na sabihin ng ibang tao na wala siyang ama, maswerte pa rin siya sa kaniyang nanay dahil nagawa nitong palakihin siya na may mabuting puso at may takot sa diyos.
"Ma, mahal na mahal po kita," iyon lamang ang nasambit niya at pasimpleng humikbi at saka mabilis na inalis ang mga luha sa kaniyang pisngi.
"Mahal na mahal din kita, anak ko." Naramdaman ni Austine ang mahigpit na yakap ng kaniyang ina.
Pinakawalan siya ng kaniyang nanay mula sa pagkakayakap nang mat maamoy ito.
"Nak? Mukhang masarap 'ata 'yang niluluto mo, ah?" Napangiti naman siya sa tinuran ng kaniyang nanay.
"Ginawan po kita ng paboritong mong puto cheese!" Pagkasabi niya ay mabilis siyang lumapit sa bapor para muling tingnan ang mga nakalagay na puto cheese sa loob.
"Talaga, nak?!" Kitang kita ni Austine ang pagkamangha nito. Noon pa man ay gustong gusto na niyang gawan ang kaniyang nanay ng puto cheese. Nakailang ulit na rin siya sa paggawa ngunit palagi siyang pumapalpak. Dalangin niya na sana ay hindi na ulit iyon maulit.
Lumapit ito sa kinatatayuan niya para tingnan ang ginagawa at nakita niyang ngumiti naman ito.
"Aba... Mukhang saktong sakto at masarap itong ginawa mo ah." Nagpasalamat siya dahil sa sinabi nito. Kumuha ito ng isang piraso at saka inilapag sa mesa para palamigin. Naghintay sila ng ilang minuto para matikman ang gawa niyang puto cheese. Laking tuwa niya nang magustuhan iyon ng kaniyang nanay.
"Ang sarap naman nito!" Nakangiti ito habang ngumunguya.
"Talaga, ma?"
"Oo naman! Sandali, kukunin ko na 'yong iba nang makakain ka na rin niyan." Tumango naman siya sa tinuran ng kaniyang nanay.
Narinig niya ang ilang ingay mula sa kapitbahay. Nakita niya mula sa bintana ang ilang mga tao na parang nagkukumpulan at may kung anong pinag-uusapan. Nagtatakang napatanong siya sa kaniyang nanay habang abala ito sa pag-aasikaso sa kusina.
"Ma? Parang may bagong salta dito sa barangay natin ah?" Dahil sa sinabi niya ay kaagad na lumapit ito sa kaniya at tumanaw rin sa bintana.
"Sa tingin ko, hindi," tugon naman nito sa kaniya. Pareho na silang naka dungaw sa bintana. Ilang sandali pa ang hinintay nila bago makita na lumabas ang drayber sa sasakyan.
"Parang kinakabahan ako, ma," tanging nasambit niya nang magsimulang buksan ng drayber ang kabilang pinto ng kotse.
Laking gulat niya nang iniluwa niyon si David.
"David?!" sabay na sambit ng mag-ina nang makita si David. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Tisay para puntahan ang kinaroroonan ni David. Samantalang hindi alam ni Austine kung ano ang dapat na gawin. Bigla siyang nataranta nang makita si David.
Kumaripas siya ng takbo papunta sa banyo at saka mabilis na naghilamos. Hindi pwedeng makita siya nitong ganoon ang hitsura. Kaagad siyang tumakbo papunta sa kaniyang maliit na kwarto. Mabilis siyang nakapag palit ng damit at naglagay ng kaunting polbos.
"Austine, anak!" Natigilan siya nang marinig ang boses ng kaniyang nanay. Ilang sandali siyang hindi nagsalita kaya narinig niya ulit itong sumigaw.
"Austine, ano ba?! Naghihintay si David sa 'yo!" Mas lalong lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib nang marinig niya ang pangalan nito mula sa ina.
"Bababa na po!" tugon niya dito. Muli siyang humarap sa salamin para tingnan ang sarili.
"Oh pak! Gondooooo..." kunwari'y um-awra siya sa harap ng salamin.
"Hanggang kailan maghihintay ang bisita, Austine?!" Narinig niya na parang galit na ang boses ng kaniyang nanay.
"Nandiyan na po!" Tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto at saka mabilis na pumunta sa sala. Nakita niyang nakaupo sa sala si Austine. Nahihiya itong ngumiti sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ng kaibigan sa kaniya.
"How are you?" Masiglang bati nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay may kakaiba dito. Napansin niya rin ang simpleng kasuotan nito. Nakita niya ang bag nitonv sa tantiya niya ay iyon lang ang makikitang mamahalin.
"Sus! 'ayan na naman siya! Nag iingles ka na naman!" Kunwari ay inirapan niya ito. Narinig naman niya ang mga pasimpleng pagtawa nito.
"Sorry, I got used to it." Nakangiti pa rin ito. Tinatanong ni Austine sa sarili kung hanggang kailan nito ibabalandra ang mukha nitong nakangiti. Hindi niya maiwasan na titigan niya ito.
"Nakakagulat ka naman, anong nakain mo at napadpad ka dito?" Sa wakas ay naitanong niya rin. Hindi niya akalain na mapapadpad ang isang David Ortega sa isang magulo at maingay na barangay nila.
Hindi ito sumagot. Nag-iwas ito ng tingin kaya nagtaka siya sa ikinikilos nito. Kahit na alam niya sa sarili na pareho silang nahihiya, guto pa rin ni Austine na maging komportable siya na kasama ito at hinihiling niya na ganoon din sana ang maramdaman ni David sa kaniya.
Tinanaw niya ang kaniyang nanay na nasa labas at nakikipag-usap sa drayber ni David na si mang Kanor. Sa palagay niya ay pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa mga trabaho nila sa mansyon.
"Wala kasi akong makalaro sa bahay..." Narinig niya ang boses ni David. Nakaramdam siya ng tuwa nang sabihin nito iyon dahil sa wakas ay makakalaro niya rin ito. Tumabi siya dito at komportableng inakbayan.
"Pumunta ka dito para makipag laro sa 'kin?" Kahit sa sariling tanong ni Austine ay parang kinikiliti siya.
Nilingon siya nito at saka ngiting asong inakbayan rin siya nito. Nabigla siya sa ginawa nito.
"Oo naman! Namiss kasi kita! Yieeeeee," nagulat siya sa pang-aasar nito. Hindi niya akalain na may ganoon itong ugali. Ang akala niya ay puro pagpapasarap lang sa buhay ang alam ng isang mayaman kaya nagkaroon siya ng interes na makipag kaibigan sa katulad ni David para malaman kung totoo nga ang ganoong pananaw.
"Ano, masarap ba?" Natatawa si David sa ikinikilos ni Austine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ito kalapit sa kaniya. "Oo naman!" Sinabayan niya iyon ng malulutong na halakhak na ikinatuwa naman ni Austine. Ilang subo na rin ang kinain niya dahil talagang nasasarapan siya sa niluto ni Austine na puto cheese. Noong una niyang makita ang mga iyon ay talagang natakam na siya. Mas lalo lang siya namamangha kay Austine dahil marami itong alam sa buhay. "Teka, kukuha pa ako!" Akmang tatayo na ito nang mabilis niya itong hawakan sa kamay para pigilan. Bilib na bilib na talaga siya sa pagkatao ni Austine. Nagtataka siya kung saan nito inilalagay ang napakarami nitong kinakain. "I'm full," nginitian niya ito nang sabihin niya iyon. "Sigurado ka?" Parang nagdadalawang isip pa ito sa sinabi niya. "Yeah," kasabay nang pagtugon niya ay ang pagpilit niya dito para hatakin ito paupo.
"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine. "Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento. "'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan. "Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapa
"Masarap itong ginawa mong puto cheese, Austine." Nakangiti ang ina ni David habang sinusubo nito ang isang piraso. Dahil sa galak ay hindi rin napigilan ni David ang mapangiti."Naku, siguro ay alam ko na kung sino ang papalit sa nanay mo kapag may importanteng lalakarin. Magaling ka sa gawaing kusina, Austine." Nakita ni David kung paano pasimpleng haplusin ng kaniyang lola ang likod ni Austine. Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Austine dahil sa papuri ng ina ni at lola ni David."Hindi naman po sa magaling, lola Paula... Marunong lang po talaga ako sa gawaing bahay kasi 'yon po ang turo ni mama," natutuwa si David sa tuwing makikitang komportable si Austine sa kaniyang pamilya."Naku, itong anak kong si David, hindi ko alam kung kailan 'to matututo sa gawaing bahay nang hindi na ako mamroblema sa pagliligpit ng mga laruan." Natatawang tinaasan siya ng kaniyang ina ng kilay. Biglang nahiya si David dahil sa binanggi
"Ano bang ginawa mo? bakit sobrang tagal mo?" May inis sa boses ni David nang tanungin niya si Austine. Unang araw ng eskwela at hindi niya ugali na maghintay pero nagawa naman nito na paghintayin siya ng tatlumpong minuto. Nasa loob na sila ng kotse na isa sa pagmamay-ari ng mga Ortega "May inasikaso lang ako," tugon naman nito sa kaniya. Napansin niyang may kung anong bagay itong tinatago sa likod. Parang nahalata naman nitong nakatingin siya sa bagay na iyon kaya mas lalo nitong isiniksik iyon para hindi na niya makita pa. "Ano yan?" Takang tanong niya dito habang hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang paningin doon. "Ah, wala naman." Tugon nito at mabilis din agad na inilagay iyon sa bag. Hindi na lang niya pinansin iyon at saka kinuha ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Habang nagscroll sa screen ng cell phone ay naalala niya kung paano siya nakipag-usap sa kaniyang ina na siya na a
"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila. Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante. "David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat. "W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito. "Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinas
"David... David..." Nakapikit pa rin ang mga mata ni Austine habang hindi alam hindi mapakali sa pagtulog at binabanggit ang pangalan na kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan."Aus! Huy, Aus! Gising!" Kasabay nang pagbigkas sa pangalan ni Austine ay ang marahas na pagyugyog ng isang tao sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang pagtulog."Daviiiid!!!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nabigla ang tao na kanina pa siya ginigising."Sino bang David ang sinasabi mo diyan?!" Dilat ang mga mata na nakatitig lamang siya sa babaeng nakatitig din sa kaniya habang inaalala kung nasaan siya. Kaagad na nasapo niya ang kaniyang ulo nang bigla iyong sumakit. Tumingin siya ulit dito at saka lang rumeshistro ang mukha nito."Merin??" Sambit niya sa pangalan ng babae. Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito."Oh, wow! Akala ko nakalimutan mo na pati pangalan ko," hind
"Sabay sabay na kasi tayong umuwi sa Pilipinas!" Aburido na si Zack sa mga kasama niya sa loob ng dressing room. Kasalukuyan silang nagkakatuwaan at hindi naman niya maiwasan na mainis dahil hindi pa sila nagkakasundo kung saang destinasyon nila gustong magbakasyon."Palagi na lang ba tayo sa Pilipinas? Marami namang ibang bansa na pwedeng puntahan," ani Carlos. Sumama ang tingin niya dito pero tinawanan lamang siya nito."Marami pa namang pwedeng pasyalan sa Pilipinas, 'di ba?" Dagdag naman ni Clark na abala sa pag-aayos ng buhok nito. Matapos ang mahabang world tour at concerts, sa wakas ay makakapag pahinga rin sila ng dalawang buwan. Hindi mapigil ni Zack ang tuwa dahil matagal na niyang pinangarap na makasama ang buong banda sa isang bakasyon.Bumabalik sa kaniyang alaala kung paano nabuo ang kanilang samahan bilang magkakaibigan hanggang sa mapagdesisyunan nila na sumali sa isang Talent Show at mabuo bilang grupo. Sa
Kahit na sobrang init ay hindi pinabayaan ni Austine na talunin ng araw ang kaniyang porma. Suot suot niya ang sunglasses at mabilis ang lakad na tinutungo ang parking area."Grabe, ang haba naman 'ata ng bakasyon nila?" Narinig ni Austine ang isang babae na nadaanan niya. May kasama itong dalawa pang babae at halatang may pinag-uusapan. Malapit lang ang mga ito sa kaniyang kotse at parang may hinihintay.Saglit pa siyang napatingin sa mga ito at saka itinuon ang atensyon sa paghahanay ng susi sa kaniyang kotse. Hindi niya iyon kaagad na nahanap dahil halos dukutin pa niya iyon sa pinakailalim ng kaniyang bag. Nagtataka siya kung bakit napunta ang susi doon sa pinaka masikip na bahagi ng kaniyang leather bag. Dahil sa pagpupumilit na makuha ang susi ay aksidenteng nahulog ang ilan sa kaniyang mga gamit.Gumawa iyon ng ingay at naging dahilan para tapunan siya ng tingin ng tatlong babae. Muli siyang napatingin sa mga ito at

"Mabuti naman at may bago kanang kaibigan dito sa Villa Paula." Isang malapad na ngiti ang nakita ni David sa kaniyang lola Paula."He's hungry all the time but he seems to be nice, lola." Naging totoo sa pagpapahayag si David sa sinabi ng kaniyang lola.Kasalukuyan silang nasa terasa at tinatanaw ang malawak na lupain ng buong Villa Paula. Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit isa iyong magandang sandali para makita ni David ang kagandahan ng Villa Paula. Alam niya ang katotohanan kung bakit sila pumunta sa lola Paula. Iyon ay dahil inihahanda ng kaniyang lola ang mga papeles na kakailanganin para sa mga pamamahagi nito ng yaman sa pamilya."Tinuruan kita ng mabuting asal, David. Sana hindi mo 'yon makalimutan dahil pag malaman ng dad mo na may inaaway ka dito, siguradong magagalit 'yon." Ang kaniyang ina ang nagsalita. Kasabay nito ang pagbabasa ng ilang magasin at pahayagan.Naalala na naman ni David si