[Billionaire's Slave Series 1] Mabelle had a wild night with a stranger and her husband finds out about it. Hiniwalayan siya nito at tuluyang nagunaw ang kanyang mundo. She ended up living in a small boarding house with her pregnant tummy, completely desperate for survival. Sa kabila ng paghihirap ni Mabelle ay pinili niyang buhayin mag-isa ang kanyang anak. Makalipas ang pitong taon, nagawa niyang makabangon subalit muling sinubok ang kanyang katatagan nang mawalan siya ng trabaho. Mabuti na lang ay ini-refer siya ng kanyang kaibigan sa pinagtatrabahuhan nitong amo na isang kilalang personalidad. Dahil sa pagnanais na makapagtrabaho muli, pinasok ni Mabelle ang pagiging kasambahay. However, she was surprised to find out that her new boss is her former husband, Navi Reinhart—the man who used to exchange smiles with her has turned into someone who is very dangerous. "Pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay ko, Mabelle. Ipapararanas ko sa 'yo ang sakit na naramdaman ko noong araw na niloko mo ako!" The moment he said those words, she knew her misery was about to begin. *** Started: May 15, 2023 Finished: June 12, 2024
view moreMakalipas ang dalawang taon... ANG PAGTAMA ng mataas na sikat ng araw ang gumising kay Mabelle mula sa mahimbing na pagtulog, hudyat na panibagong araw na naman ang kailangan niyang harapin. Though this wasn't an ordinary day for her. It was special. Hindi na siya nasurpresa nang makitang wala na ang kanyang anak sa higaan. Nang makapag-inat-inat ay minabuti na niyang bumangon at ligpitin ang higaan. She left the room, yawning. Agad na nakatawag ng pansin niya ang mabangong amoy. Sinundan niya ito hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa kusina kung saan naabutan niya ang inang si Belinda na abala sa pagluluto. Nasulyapan niya rin ang kanyang anak na matiyagang gumuguhit sa mesa ng dining table. "Mommy!" pansamantala itong tumigil sa ginagawa upang sugurin siya ng isang mahigpit na yakap sa baywang. "Happy birthday, Mommy ko!" Naantig naman ang puso ni Mabelle sa paglalambing ng anak. "Thank you, anak! Kumain ka na ba ng breakfast?" "Opo! Nagd-drawing po ako pero mamaya ko
KAPWA nanlaki ang mata ng dalawa sa nasaksihan nilang eksena. Nang tumagos ang bala sa sentido ng matanda ay agad itong bumagsak sa semento na parang mannequin. Dahan-dahang lumingon sina Mabelle at Navi upang alamin kung sino ang nagpaputok. "Siren?" usal ni Navi sa babaeng nakatayo mula sa 'di kalayuan hawak ang baril na ginamit nito sa matanda. "Hindi ko inakalang ganito pala kahinang nilalang ang tatay-tatayan mo, Navi. I should have known in the first place, hindi na sana ako nagsayang pa ng oras na makipagsabwatan sa lecheng matandang 'yan." "Napakasama mo talaga! Demonyo!" lakas-loob na singhal ni Mabelle rito. "Oh, really? Eh ikaw, anong tawag sa 'yo? Anghel? Alam nating pareho kung gaano ka karuming tao kaya 'wag kang magmalinis diyan! Malanding higad!" bwelta pa nito pabalik. "Bakit nagpakita ka pa? Ano bang gusto mong mangyari?" "Don't worry, hindi naman ako magtatagal dahil alam kong paparating na rin ang mga pulis para hulihin ako. Pero syempre, hindi ako papayag n
HINDI naging hadlang ang iniindang lagnat para makarating sa abandonadong opisina ni Belinda. Agad-agad siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan sa harap mismo ng gusali. Sa bungad ay dalawang lalaki agad ang humarang sa kanya pero dahil kilala naman siya ng mga ito ay pinahintulutan si Navi na makapasok. Dumaan sila sa underground parking lot. Maririnig na sa 'di kalayuan ang boses ni Nicholas. Sa tono pa lang ay halatang galit na galit ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang mismong paradahan kung saan naka-parking ang sasakyan na pinaniniwalaan niyang pag-aari ng kanyang ama. "Boss, andito na ang anak ninyo," anunsyo ng isa sa mga tauhan nito na nasa unahan. Lalong nanghina si Navi sa naabutan niyang eksena pagpasok niya sa gusali. Ilang hakbang mula sa pwesto ng service car ni Nicholas ay nakaupo ang matanda sa isang lumang monoblock chair kaharap ang babaeng nakagapos ang buong katawan. May hawak itong baril
NAVI can't help but wonder what's going on. Trenta minutos na siyang naghihintay kay Mabelle pero hindi pa ito nakakabalik. Ilang hakbang lang ang layo ng bahay na kinatitirikan nila mula sa botika. If she walks by foot, it won't take her more than ten minutes to return.He tried to call her phone, but she's not picking up. Nag-aalala na siya, knowing na kamamatay lang ni Earnest at posibleng hinahanap din sila ng taong nasa likod ng pagkasawi nito.Bagama't nanghihina ang katawan, pinilit ni Navi na makatayo mula sa higaan. Napansin naman agad ito ng kanyang anak na naglalaro ng manika sa gilid kaya tinawag siya nito."Daddy...""Dito ka lang, anak, ha? Hahanapin ko lang ang mommy mo," sabi niya sa bata."Huh? Bakit po, daddy ko?""Nag-aalala na si Daddy, it's been half an hour since she left pero hanggang ngayon ay wala pa siya," ani Navi sabay dampot niya ng cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama."Pero daddy, 'di ba po may sakit kayo? Baka mapa'no po kayo sa labas," Paris said
MAG-ISANG nakaupo sa salas si Navi habang abala sa pagbabasa ng news articles sa internet. Paraan niya ito para hindi maburyo habang hinihintay niya ang pag-uwi ng mag-inang Mabelle at Belinda kasama ang kanyang anak na si Paris.Saglit na natigil sa pag-scroll ang lalaki nang marinig niya ang mahihinang footsteps palapit sa kanya. "Busy sa cellphone, ah," pabirong wika ni Lucas. "O heto, magkape ka muna."Dala ng matanda ang dalawang tasa ng mainit na kape. Nilapag nito ang isa sa lamesita. Samantala, ibinaba ni Navi ang hawak na cellphone at maingat na kinuha ang tasa sa kaharap na mesa."Salamat," aniya.Naupo si Lucas sa tabi niya at sinamhan siya nitong magkape. "Ang tagal naman ng mag-inang 'yon. Aba'y mag-a-alas-sais na. Madalas ay maagang umuuwi ang dalawang iyon mula sa palengke. Nakakapagtaka't mukhang gagabihin pa 'ata sila sa daan.""Kasama nila si Paris. Baka naglibot-libot muna sila sa bayan para ipasyal 'yong bata," pakiwari ni Navi. Nagpakawala ito ng malalim na bunt
MALUNGKOT na nagmamaneho ng sasakyan si Siren pauwi sa mansyon ng mga Reinhart. Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan niyang binabaybay ang madilim na zigzag road.Galing siya sa bahay ng kanyang kaibigang modelo at naisipan niyang tumambay roon maghapon. Though, nakatulong ang pagbisita niya sa kaibigan upang pansamantalang makalimutan ang kanyang mga problema, that doesn't change the fact that Navi left her and her life is still miserable without him.Maikukumpara siya sa kadilang unti-unting nauupos. She was devastated. She couldn't accept that her plan didn't work. Idagdag pa ang problema niya sa lalaking nakabuntis sa kanya. He keeps sending blackmail letters to her almost every day. Kung pwede lang mag-hire ng taong papatay sa taong 'yon ay ginawa niya na...Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Sinikap niyang ikonekta ang telepono sa Bluetooth receiver saka niya sinagot ang tawag."How's my daughter?" She rolled her eyes as s
MATULIN ang paglipas ng isang linggo. Unti-unti na ring nakaka-adjust si Mabelle sa bagong buhay niya kasama ang mag-ama Navi at Paris, at syempre, ang inang si Belinda. Dahil wala masyadong magawa sa bahay at para na rin makatulong sa kanyang ina ay nagboluntaryo si Mabelle na sumama kay Belinda sa palengke upang may katuwang ito sa pagtitinda.Kilala si Belinda sa public market bilang meat vendor at madalas itong dayuhin ng mga mamimili. Sa katunayan, mas dumami ang customer nila ngayon lalo pa't marami ang nabibighani sa taglay na kagandahan ni Mabelle."Alam mo, ngayon lang ako naubusan ng manok ng ganito kaaga. Madalas, inaabot ako ng gabi sa pagtitinda pero ngayon, alas kwatro pa lang ng hapon ay wala nang laman ng pwesto ko. Iba talaga kapag ganda ang puhunan natin sa negosyo, anak. Napakaswerte ko talaga sa 'yo," puri ng kanyang ina na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit doon.Gumuhit ang ngiti sa labi ni Belle habang busy sa paglilinis ng lababo. Hanggang nga
PRESENT TIMEHINDI maalis ang tingin ni Mabelle sa pobreng ginang na muntik na nilang madigrasya. Makalipas ang higit sa pitong taon, muli silang nagkita ng kanyang inang si Belinda de Guzman.Sa katunayan ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil sa laki ng pinagbago ng ginang. Ang noo'y mayaman at sopistikadang si Belinda ay mistula nang pulubi dahil sa marumi nitong kasuotan at magulong buhok. Madungis din ang kanyang mukha at medyo uminim din ito dahil na rin siguro sa matinding sikat ng araw.Halata rin sa mukha ng ginang ang matinding lungkot at stress. Belle had no idea what happened to her mother after seven years but one thing's for sure: she went through a lot as much as she did."Ilang taon kong tinis na wala ka sa tabi ko. Sa wakas, nagkita rin tayo, anak," naluluhang sambit ni Belinda sa kanya.Unti-unting nabura ang pagkagulat sa mukha ni Mabelle. Hindi siya kumibo sa mensahe ng ginang, bagkus, basta niya lang itong tinulungan na makatayo.Sakto namang napansin ni Bel
Author's note: This chapter shows a flashback scene. Karugtong ito ng eksena matapos hiwalayan ni Navi si Mabelle pitong taon ang nakakaraan.~.~MORE THAN SEVEN YEARS AGO..."MA, I'M SORRY-" Natigilan si Mabelle nang bastang padampiin ni Belinda ang palad nito sa pisngi ng anak, at sa lakas niyon ay napasalampak ito sa sahig.Kumukulo ang dugo niya sa galit. She was peacefully enjoying her morning coffee when her daughter Mabelle came by, telling her that Navi wanted to end their marriage. Ipinagtapat din nito ang tungkol sa pakikipagsiping niya sa isang estranghero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.Ngayon, daig pa ng ginang ang binuhusan ng mainit na kape. Wala sa kanyang plano ang maghiwalay ang dalawa!"Inggrata! Paano mo nagawang lapastanganin ang sarili mong ina, Mabelle Celestine? Binigay ko ang lahat sa 'yo simula noong isinilang kita hanggang sa mag-asawa ka pero anong ginawa mo? Nakipagtalik ka sa hindi mo asawa kung kaya't nasira ang tiwala ng anak ni Victoria sa
NALULULANG pinagmasdan ni Mabelle ang mamahaling mga alahas na naka-display sa malaking estante ng isang jewelry shop. Hindi niya alam kung alin ang pipiliin dahil bawat kwintas, bracelet at singsing na nakalagay roon ay gawa sa mataas na uri ng ginto at diyamante. She wanted the best to impress her husband's family. Mamaya lang ay magkakaroon ng family dinner sa mansyon na tinutuluyan nilang mag-asawa.Not only her mother was invited, but her husband's parents as well. Kailangan niya maging presentable sa harap ng mga ito. After all, para rin iyon sa ikagaganda ng image ng kanyang pamilya.A set of platinum sapphire jewelry caught most of her attention. Mabelle stared at those precious stones with her mouth wide open, admiring the delicate dreamy blue diamonds around each pendant.She was confident to make a purchase. However, a sudden phone call interrupted her peaceful moment. Iritang kinuha niya ang cellphone mula sa shoulder bag at nang mabasa niya ang pangalan ng asawa sa screen...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments