KINABUKASAN, nagising si Mabelle nang wala na ang lalaking umangkin ng kanyang pagkababae. Natagpuan niya ang sarili sa kama na hubo't hubad at walang kahit anong nakatapis sa kanyang katawan.
Napabalikwas siya ng bangon. "O-Ouch!" she reacted in pain as she suffered a terrible headache.Maingat siyang bumangon para sana pulutin ang damit niya na nakakalat sa sahig subalit huli na nang mapansin niyang wasak-wasak na pala iyon. Iginala niya ang paningin sa apat na sulok ng hotel room. There, she found a pair of men's clothes hanging on the chair."Well, beggars can't be choosers." Humugot ng malalim na hininga si Mabelle bago dinampot ang damit at isinuot 'yon.Bago umuwi, dumaan muna si Mabelle sa kilalang clothing store upang bumili ng damit pambabae. Sakay ang taxi cab ay ligtas siyang nakauwi sa tinutuluyan niya suot ang bagong dress na kanyang binili.Mula sa malayo ay namataan ni Mabelle ang kotse ni Navi na naka-park sa garahe ng kanilang bahay. Katakataka rin kung anong ginagawa ng maleta niya sa labas? Lumunok siya ng laway at umiling upang itaboy ang nararamdamang kaba."Sana mali ang kutob ko..." aniya sa isip-isip.'Di na nag-atubili pang pumasok si Mabelle sa loob. Dito'y sinalubong siya ni Navi nang may mukhang nakabusangot."Inumaga ka, ah. Saan ka galing kagabi?" malamig nitong sita sa kanya.As the self-proclaimed actress she is, Mabelle managed to hide the tension that slowly killing her."My flu gets worse, so I was rushed to the ER last night. Doon ako nagpalipas ng gabi," she lied."Really. Then you should've called me so I can take you there."Navi was unconvinced by her answer. He threw her a challenging look, making her blood run cold.Naiiling na kumibo muli ang lalaki. "Magsisinungaling ka na lang, hindi mo pa ginalingan. Do you think I will fall for that?""What do you mean, Navi? I'm sick, remember? That's why I couldn't come with you to the party last night.""Oh yeah? Since when have you seen a sick person in a public place like disco bar?"Inangat ni Navi ang hawak na cellphone. Makikita sa screen ang litrato ni Mabelle na kuha sa bar kung saan kahalikan niya ang isang 'di kilalang lalaki na may mahabang buhok at nang i-swipe niya ang sumunod na larawan ay nais niyang maglaho sa kinatatayuan dahil sapul sa camera kung paano siya buhatin ng lalaking iyon palabas ng bar!She froze up like a statue. "T-That's not possible!" nauutal na sabi niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen."Yes, it is. May nagpadala sa 'kin nito kaninang umaga. Hindi ko gaanong makilala ang mukha ng lalaking kasama mo sa litrato pero malinaw sa 'kin na may kumaldag sa 'yo kagabi habang wala ako!" Tumaas ang tono ng boses ni Navi sa mga huling salitang binanggit nito."Who the hell is that? Where did you guys do it, huh? Sa kotse? Sa hotel? O baka naman sa condo ng hayup na 'yan?" sunod-sunod na tanong ni Navi habang nanginginig sa galit."I swear, I didn't know him!" she claimed. "L-Look. I'm sorry, okay? I was just bored so—"Muntik na siya mapatili matapos basagin ni Navi sa harap niya ang hawak na telepono."You're bored so you went to the bar without telling me, you got yourself drunk and slept with a filthy animal. Shit, Mabelle! You're now twenty for goodness sake! You're not getting younger! Hindi lahat ng ginagawa mo noon ay puwede mo pa ring gawin ngayon! Kasal ka na pero kung umasta ka parang wala kang asawa!""Navi—""No! Matatanggap ko pa 'yong pagsisinungaling mo na may sakit ka kagabi dahil iniiwasan mong magkita kayo ni Dad pero 'tong panlalalaki mo? It's completely unacceptable!"Navi wiped off his tears with his arm. He continued, "Minahal kita kahit pa alam kong arrange marriage lang ang naging daan para dalhin mo ang apilyedo ko. I gave everything to you to the point na pati pera ko, pinagkatiwala ko sa 'yo pero anong ginawa mo? Tinarantado mo ako!"Galit na hinablot ni Navi ang pitaka ni Mabelle. "My purse!" sigaw niya.Sinubukang bawiin ni Belle kay Navi ang pitaka pero hindi sapat ang lakas niya para makuha ito. Suddenly, Navi took his credit card. He thrown off the purse and landed on her foot."Now, you're getting what you deserve." Sunod nitong hinubad ang suot na wedding ring at nilaglag 'yon sa sahig."Your luggage is waiting for you outside. I want you off my house and I want you out of my life!" sigaw ni Navi na mistulang kampanang paulit-ulit na rumerehistro sa isip ni Mabelle noong mga oras na iyon.Nag-uunahang bumaba ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng unti-unting panghihina ng kanyang tuhod. "Navi, don't do this! I'm begging you! My mom will kill me!" pagsusumamo niya hawak ang dulong damit ng lalaki.Navi laughed sarcastically. "Don't be ridiculous. There's no way a mother could do that. I've had enough of your drama. The show is over." "Please! Please! Please! Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! I love you, baby," muling pagmamakaawa ni Mabelle ngunit sadyang manhid na ang puso ni Navi para tanggapin iyon."There's not going to be a second chance, Mabelle. Magmula sa araw na ito, hindi na kita asawa. Tapos na tayo!" Pwersahang inalis ng lalaki ang kamay ni Mabelle sa damit nito. Nanginginig sa galit na itinuro ni Navi ang direksyon palabas ng bahay. "Leave or I'm calling the cops!"Hindi na nakipag-arumento pa si Mabelle sa asawa. Gamit ang natitirang lakas ay malaya niyang nilisan ang naging tirahan niya ng anim na buwan bilang si Mrs. Reinhart.Ang magandang plano niya para sa sarili ay nauwi sa kabiguan dahil sa isang pagkakamali—iyon ay ang pagtaksilan niya ang lalaking mahal na mahal siya.__IT'S BEEN more than a month since Mabelle and Navi split up. Ang paghihiwalay nilang 'yon ang naging mitya ng tuloy-tuloy niyang pagbagsak. As soon as her mother finds out about it, she was instantly outcasted from her family. Napilitan siyang isangla ang mga naitabi niyang alahas para may ipambayad sa maliit na boarding house na kanyang inuupahan.Maswerte pa rin siya kung tutuusin dahil nakahanap siya ng marangal na trabaho sa kabila ng hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Unti-unti nang nakaka-adjust si Mabelle sa bagong mundo na kanyang ginagalawan ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, dumating ang panibagong dagok na susubok sa kanyang katatagan.Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ni Mabelle at ngayon ay napilitan siyang hindi pumasok sa pinagtatrabahuhang laundry shop. Her sudden sickness isn't her only concern. Hindi rin siya dinatnan nitong nakaraang buwan bagay na 'di naman nangyayari sa kanya noon.Alam niyang may mali sa sarili niya at para matuldukan ang agam-agam ay bumili siya ng pregnancy test kit. Dali-daling pumasok si Mabelle sa loob ng makipot na CR ng boarding house para isagawa ang procedure. Makaraan ang ilang sandali ay halos huminto ang mundo niya nang makitang dalawang linya ang nag-reflect sa pregnancy test.Sorrowful tears streamed down her cheeks as she sobbed uncontrollably. What is she gonna do now? Hindi lang pala sarili niya ang kailangan niyang buhayin kundi pati na rin ang bata sa kanyang sinapupunan!Kanino siya hihingi ng tulong gayong lahat ng taong nagmamahal sa kanya noon ay sinuka na siya ngayon? Ni wala siyang ideya kung sino ang ama ng batang ito!Lumabas siya ng CR na bagsak ang balikat at dumiretso sa kanyang silid. Binuksan niya ang bintana na gawa sa kahoy upang makalanghap ng sariwang hangin habang pinag-iisipan ang susunod niyang hakbang.Kinagat niya ang ibabang labi. "Hindi ka puwedeng magpakita ng kahinaan, Mabelle. Kailangan ka ng magiging anak mo," aniya sa sarili. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at marahan iyong hinaplos."Dadalawa na lang tayo, baby. Si Mom, si Navi—lahat sila tinalikuran ako. Hindi ko sila masisisi dahil malaki ang nagawa kong kasalanan at labis-labis ko na 'yong pinagsisihan ngayon. Ikaw na lang ang meron ako at hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawawala sa akin."Igagapang kita kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon. Balang araw, mabibigyan din kita ng magandang kinabukasan at malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. Pasensya na kung wala kang kikilalaning ama pero hayaan mo, hangga't nandito ako, hindi kita pababayaan."__NAGING kalbaryo ang mga sumunod na buwan para kay Mabelle gayong hindi lang niya kailangang buhayin ang sarili kundi pati na rin ang bata sa kanyang sinapupunan. Sa paglipas ng panahon, dumating na sa puntong hindi na niya kayang magtrabaho pa dahil nalalapit na ang kanyang panganganak.She's been staying in her boarding house for good using the money she saved from her sideline jobs. It wasn't enough to cover up her expenses but at least she was able to save some money.Tumulong din ang ilan sa mga kasamahan niya sa trabaho at nagpaabot ng kaunting tulong. Hindi na rin problema ang panganganak niya dahil napagdesisyonan niyang magpa-confine sa isang government hospital upang makalibre sa labor and confinement fees.Kasalukuyang nagluluto ng kanyang tanghalian si Mabelle sa maliit na kusina ng boarding house nang mapansin niyang may kumakatok sa gate ng bahay. Mabuti na lang, agad na lumabas ang may-ari para tignan kung sino 'yon at pagbalik nito ay lumapit ang landlady sa kanya."O, Mabelle. Para raw sa 'yo," anito saka inilapag sa mesa ang isang brown envelope."Po? Kanino po galing?" tanong niya habang busy sa paghahalo ng nilulutong ulam sa maliit na kaldero."Aba, malay ko. Buksan mo na lang nang malaman mo." Pagkasabi nito'y tumalikod ang landlady at pumasok sa sariling silid.Naiwan si Mabelle doon na kwestyonable. Upang masagot ang katanungang bumabagabag sa kanyang isip ay nagpasya si Mabelle na itigil muna ang pagluluto upang tignan ang nasa loob ng malaking sobre.She found several papers inside. Sinuri niyang maigi kung ano ba ang mga iyon at labis siyang nanghina nang mabasa ang malalaking titik na nakasulat sa itaas ang dokumento.'PETITION FOR ANNULMENT OF MARRIAGE'Maliban sa annulment papers ay kalakip din n'on ang isang tseke mula kay Navi, at isang maliit na note na ang nakasulat ay ito:'I don't wanna see your face ever again.'Mistulang winakwak ang puso niya sa mga katagang nabasa niya sa papel. Bagama't inaasahan na niyang darating ang araw na ito, ngunit hindi niya inakala na bigla siyang sasampalin ng annulment papers sa gitna ng kanyang pagbubuntis.At ito na nga. Opisyal nang pinuputol ni Navi ang ugnayan nito sa kanya. Masakit mang isipin, ngunit kailangan niyang tanggapin ang konsekwensya ng kanyang nagawa.Mabelle went back to her room to find a pen and with a heavy heart, she signed the papers. Sinikap niyang lagdaan ang papel kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luhang humaharang sa kanyang mga mata.Nangingnig na ibinaba ni Mabelle ang panulat at impit na humagulhol. Ilang sandali pa ay biglang nag-iba ang pakiramdam ni Belle. Nagsisimula na namang humilab ang ibabang bahagi ng kanyang tiyan, at habang tumatagal ay lalo iyong sumasakit. Sinubukang tiisin ni Mabelle ang iniindang sakit subalit mas lalong tumindi ang sitwasyon dahil pumutok na rin an kanyang panubigan.Dito na nagpasya si Mabelle na humingi ng saklolo mula sa mga kapitbahay ng boarding house. Nagtulong-tulong sila upang isugod siya sa pinakamalapit na ospital.SEVEN YEARS LATER"THANK YOU, BOSS," a group of restaurant staff said in unison as the branch manager left the meeting room.Hawak ang sobre na naglalaman ng kanyang sweldo ay napabuntong-hininga si Mabelle. Dapat ay masaya siya gayong solved na ang pambayad niya sa boarding house at sa iba pang gastusin sa bahay pero hindi niya magawa sapagkat ngayon ang huling araw niya bilang waitress sa restaurant na ito.Dahil sa patuloy na pagbaba ng sales, napilitan ang may-ari na tuluyan nang magsara. Dalawang taon din siyang nagtrabaho rito at masasabi niyang maganda ang pagtrato sa kanya ng kanilang amo.Sa lahat ng trabahong pinasok niya, dito siya nagtagal kaya labis ang panghihinayang niya dahil kung kailan nakakabangon na siya ay saka naman siya muling sinubok ng panahon.Tahimik na nagtungo sa locker room si Mabelle para kunin ang bag niya. Bago umalis ay hindi niya nakalimutang magpaalam sa kanyang mga kasamahan."Masaya ako't nakasama ko kayo ng dalawang taon. Thank you guys for everyt
IT TOOK a while before she could blink again. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan dahil makalipas ang pitong taon ay muling nagkrus ang landas nila ng dating asawa—and this guy isn't just her ex-husband. Navi Reinhart is one of the most talented singers in today's generation!Ang dating payat na 21-year-old aspiring musician na anak ng mag-asawang negosyante ay isa nang makisig at matipunong lalaki. Malinis ang pagkakagupit ng buhok nito. Taglay din niya ang tsokolateng kulay ng mga mata, matangos na ilong, may perpektong hugis ng mga labi na kaakit-akit at kay sarap halikan. Balbas-sarado din ito na lalong dumagdag sa kakisigan ng lalaki.A perfect boyfriend material kung iisipin. However, despite the good looks he has, there's one thing missing: his smile. Nakatingin lang ito sa kanya nang diretso at walang mababasa na kahit anong expression sa mukha nito."Sir, I want you to meet Mabelle de Guzman. She's the new maid I hire for you," Earnest broke the silence b
MAGDAMAG na hindi dinalaw ng antok si Mabelle. Sinubukan niyang makatulog ngunit 'di niya magawa. She couldn't get Navi out of her mind. Hanggang sa pagbukang-liwayway ay naaalala niya ang naging pag-uusap nila kagabi.Ngayon ang unang araw niya sa trabaho, at posibleng ngayon din niya masasaksihan ang hagupit ng isang Navi Reinhart. Sinikap ni Mabelle na bumangon kahit bahagya siyang nakakaramdam ng pagkahilo.Wala sa sariling napangiti si Mabelle nang mapansin niya ang kanyang anak na payapa pa ring natutulog sa kalahating parte ng higaan. Inayos niya ang kumot nito at sandaling pinagmasdan ang maamong mukha ng bata bago siya nakarinig ng magkakasunod na katok mula sa pinto."Andiyan na!" aniya at nagmamadaling binuksan ang pinto. "O, Jhazz, ikaw pala 'yan. Good morning," she greeted.Agad napansin ni Mabelle ang tray na dala ng kaibigan. Naglalaman iyon ng isang supot ng tinapay at tig-isang tasa na may lamang chocolate drink."Magandang umaga rin sa 'yo. O heto, dinalhan ko kayo ni
MAG-ISANG nakaupo sa loob ng gazebo si Navi pasadong alas-siete y media ng gabi. Katatapos niya lang maghapunan at ngayo'y dito niya naisipang magpalipas ng oras habang maaga pa.Maliwanag ang gazebo sa gabi dahil sa mga fairy lights na nakakabit sa palibot nito. Ultimo mga halaman ay naiilawan din. Maririnig din ang tunog ng mga insekto sa paligid na nagsisilbing musika sa kanyang tainga.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na bumalik si Mabelle sa buhay matapos ang kanilang paghihiwalay. Dumaan man ang mahabang panahon, nananatili pa ring sariwa ang sugat na iniwan nito sa puso niya. Mahapdi. Malalim. Makirot.Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng babaeng iyon sa pamamahay niya ay bumabalik sa kanyang alaala ang ginawa nitong pagtataksil noon. Hindi pa ito nakuntento't kaninang umaga lang ay binigyan pa siya ng sakit ng ulo!Marahil nagtataka 'yon kung bakit sa kabila ng mga ginawa nito ay mas pinili niyang pagtrabahuhin ito sa mansyon bilang kasambahay sa halip na
ALAS-SAIS pa lamang ng umaga ay abala na si Mabelle sa paghahanda ng almusal. Nagprito siya ng ilang piraso ng itlog para gawing palaman sa tinapay, saka naman siya nagtimpla ng mainit na kape para kanyang inumin."Good morning, Ate Mabelle!"Muntik pang mapaso ang bibig niya ng iniinom na kape nang biglang sumulpot si Hyacinth mula sa maid's quarters. Pahikab-hikab pa itong nagtungo sa mesa kung saan siya ngayon nakaupo.Nilapag niya ang hawak na tasa sa lamesa. "Ginulat mo naman ako, Hyacinth!" ang sabi ni Mabelle sa kaibigan."Sorry, Ate. Ba't ang aga mong nagising ngayon? Ano'ng ganap?""Wala naman. Mas mabuti na 'to kaysa masermunan na naman ako ng amo natin dahil tinanghali ako ng gising.""Agree ako diyan," anito. Samantala, agad napansin ni Hyacinth ang platito na may plate cover. Hindi na napigilan pa ni Mabelle ang kaibigan nang bigla nitong alaisin ang takip."Wow, egg sandwich! Para kanino 'to, 'te?" tanong ni Hyacinth."Kay Sir Navi 'yan. I know how much he loves sandwiche
PAG-UPO na pag-upo ni Mabelle ay nakita niya sa kanyang peripheral vision ang paggalaw ng lalaki sa tabi niya. Dito nagtagpo ang tingin nila ni Navi at halos malukot ang mukha ng lalaki sa labis na pangungunot ng noo nito."Ba't andito ka? Nasa'n si Earnest?" masungit na tanong ni Navi."He's with my daughter. Nakipagpalitan muna ako ng upuan sa kanya," nanghihinang sagot ni Mabelle."What happened to you?" sita ni Navi nang mahalata nito ang biglang pananamlay ni Mabelle.Pinili niyang huwag magsalita at sa halip, isinandal niya ang ulo headrest ng upuan. Mabelle heard a big sigh from Navi. He took off his jacket and used it as a blanket to cover his face.Now he's being an asshole. Kailan ba ang huling beses na nagpakita ito ng concern sa kanya? Ever since she returned to life, she has done nothing but deal with his callous, uncaring attitude.Heaven knows how she truly misses the old Navi who used to take care of her when she gets sick. Well, at some point, maybe he doesn't trust he
"AAAHH... shit, Giovanni! Don't stop fucking me!" ungol ni Siren habang binabayo ni Navi ang kanyang pagkababae.Lalong ginanahang makipaglaro ng apoy si Navi sa bagong nobya nang marinig niya iyon. Navi couldn't take his eyes off her bareness as the raging fire dominated his body. He was delighted with her bodacious curves, which reminds him of a person who used to share his bed a long time ago...Ang unang babaeng natikman niya noon at minsang naghatid ng matinding pagnanasa sa kanyang katawan."Belle," his mind whispered.Kaagad na iwinaksi ni Navi ang mukha ng dating misis sa kanyang isipan. Matapos siyang tarantaduhin nito noon? Hindi niya hahayaang sipingan siya ng babaeng 'yon muli! Kay Siren na umiikot ang mundo niya at si Siren lamang ang babae na maaaring umangkin ng kanyang paglalalaki!Patuloy niyang nilalabas masok ang sandata niya sa loob ng hiyas ng babae. Gigil na gigil si Navi na halos wasakin nito si Siren dahil sa sobrang pagkakabaon.Habang papalapit sa sukdulan ay
THE NEXT DAY, Mabelle woke up early as usual. Nang makapag-inat-inat ay bumangon siya sa higaan at nagtimpla ng kape. Kapares ang isang piraso ng tinapay ay tahimik siyang nag-almusal sa magarbong mesa ng kanilang kwarto.Mayamaya, nasagap ng kanyang pandinig ang pag-angil ng cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Upang hindi magising ang natutulog na si Paris ay agad niyang kinuha 'yon.Bumungad sa screen ang malaking pangalan ni Jhazz. Tumatawag ito through Messenger at nais nitong makipag-videocall sa kanya. Nalaman 'ata nitong online siya dahil nakaligtaan niyang i-disconnect ang cellphone niya sa wifi mula kagabi.Naglalakad siya pabalik sa dining table. Awtomatikong lumitaw sa screen ang mukha ng kaibigan nang i-tap niya ang answer button. Base sa background na nakikita niya ay mukhang nasa loob si Jhazz ng maid's quarters. Kumaway siya sa camera. "Good morning, Mars. Ang aga mong napatawag. Kumusta kayo diyan? Okay lang ba ang mansyon?""Hi, Mabelle. Naku, okay na okay
Makalipas ang dalawang taon... ANG PAGTAMA ng mataas na sikat ng araw ang gumising kay Mabelle mula sa mahimbing na pagtulog, hudyat na panibagong araw na naman ang kailangan niyang harapin. Though this wasn't an ordinary day for her. It was special. Hindi na siya nasurpresa nang makitang wala na ang kanyang anak sa higaan. Nang makapag-inat-inat ay minabuti na niyang bumangon at ligpitin ang higaan. She left the room, yawning. Agad na nakatawag ng pansin niya ang mabangong amoy. Sinundan niya ito hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa kusina kung saan naabutan niya ang inang si Belinda na abala sa pagluluto. Nasulyapan niya rin ang kanyang anak na matiyagang gumuguhit sa mesa ng dining table. "Mommy!" pansamantala itong tumigil sa ginagawa upang sugurin siya ng isang mahigpit na yakap sa baywang. "Happy birthday, Mommy ko!" Naantig naman ang puso ni Mabelle sa paglalambing ng anak. "Thank you, anak! Kumain ka na ba ng breakfast?" "Opo! Nagd-drawing po ako pero mamaya ko
KAPWA nanlaki ang mata ng dalawa sa nasaksihan nilang eksena. Nang tumagos ang bala sa sentido ng matanda ay agad itong bumagsak sa semento na parang mannequin. Dahan-dahang lumingon sina Mabelle at Navi upang alamin kung sino ang nagpaputok. "Siren?" usal ni Navi sa babaeng nakatayo mula sa 'di kalayuan hawak ang baril na ginamit nito sa matanda. "Hindi ko inakalang ganito pala kahinang nilalang ang tatay-tatayan mo, Navi. I should have known in the first place, hindi na sana ako nagsayang pa ng oras na makipagsabwatan sa lecheng matandang 'yan." "Napakasama mo talaga! Demonyo!" lakas-loob na singhal ni Mabelle rito. "Oh, really? Eh ikaw, anong tawag sa 'yo? Anghel? Alam nating pareho kung gaano ka karuming tao kaya 'wag kang magmalinis diyan! Malanding higad!" bwelta pa nito pabalik. "Bakit nagpakita ka pa? Ano bang gusto mong mangyari?" "Don't worry, hindi naman ako magtatagal dahil alam kong paparating na rin ang mga pulis para hulihin ako. Pero syempre, hindi ako papayag n
HINDI naging hadlang ang iniindang lagnat para makarating sa abandonadong opisina ni Belinda. Agad-agad siyang bumaba pagkahinto ng sasakyan sa harap mismo ng gusali. Sa bungad ay dalawang lalaki agad ang humarang sa kanya pero dahil kilala naman siya ng mga ito ay pinahintulutan si Navi na makapasok. Dumaan sila sa underground parking lot. Maririnig na sa 'di kalayuan ang boses ni Nicholas. Sa tono pa lang ay halatang galit na galit ito kaya mas lalong nadagdagan ang kaba niya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang mismong paradahan kung saan naka-parking ang sasakyan na pinaniniwalaan niyang pag-aari ng kanyang ama. "Boss, andito na ang anak ninyo," anunsyo ng isa sa mga tauhan nito na nasa unahan. Lalong nanghina si Navi sa naabutan niyang eksena pagpasok niya sa gusali. Ilang hakbang mula sa pwesto ng service car ni Nicholas ay nakaupo ang matanda sa isang lumang monoblock chair kaharap ang babaeng nakagapos ang buong katawan. May hawak itong baril
NAVI can't help but wonder what's going on. Trenta minutos na siyang naghihintay kay Mabelle pero hindi pa ito nakakabalik. Ilang hakbang lang ang layo ng bahay na kinatitirikan nila mula sa botika. If she walks by foot, it won't take her more than ten minutes to return.He tried to call her phone, but she's not picking up. Nag-aalala na siya, knowing na kamamatay lang ni Earnest at posibleng hinahanap din sila ng taong nasa likod ng pagkasawi nito.Bagama't nanghihina ang katawan, pinilit ni Navi na makatayo mula sa higaan. Napansin naman agad ito ng kanyang anak na naglalaro ng manika sa gilid kaya tinawag siya nito."Daddy...""Dito ka lang, anak, ha? Hahanapin ko lang ang mommy mo," sabi niya sa bata."Huh? Bakit po, daddy ko?""Nag-aalala na si Daddy, it's been half an hour since she left pero hanggang ngayon ay wala pa siya," ani Navi sabay dampot niya ng cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama."Pero daddy, 'di ba po may sakit kayo? Baka mapa'no po kayo sa labas," Paris said
MAG-ISANG nakaupo sa salas si Navi habang abala sa pagbabasa ng news articles sa internet. Paraan niya ito para hindi maburyo habang hinihintay niya ang pag-uwi ng mag-inang Mabelle at Belinda kasama ang kanyang anak na si Paris.Saglit na natigil sa pag-scroll ang lalaki nang marinig niya ang mahihinang footsteps palapit sa kanya. "Busy sa cellphone, ah," pabirong wika ni Lucas. "O heto, magkape ka muna."Dala ng matanda ang dalawang tasa ng mainit na kape. Nilapag nito ang isa sa lamesita. Samantala, ibinaba ni Navi ang hawak na cellphone at maingat na kinuha ang tasa sa kaharap na mesa."Salamat," aniya.Naupo si Lucas sa tabi niya at sinamhan siya nitong magkape. "Ang tagal naman ng mag-inang 'yon. Aba'y mag-a-alas-sais na. Madalas ay maagang umuuwi ang dalawang iyon mula sa palengke. Nakakapagtaka't mukhang gagabihin pa 'ata sila sa daan.""Kasama nila si Paris. Baka naglibot-libot muna sila sa bayan para ipasyal 'yong bata," pakiwari ni Navi. Nagpakawala ito ng malalim na bunt
MALUNGKOT na nagmamaneho ng sasakyan si Siren pauwi sa mansyon ng mga Reinhart. Alas-otso na ng gabi at kasalukuyan niyang binabaybay ang madilim na zigzag road.Galing siya sa bahay ng kanyang kaibigang modelo at naisipan niyang tumambay roon maghapon. Though, nakatulong ang pagbisita niya sa kaibigan upang pansamantalang makalimutan ang kanyang mga problema, that doesn't change the fact that Navi left her and her life is still miserable without him.Maikukumpara siya sa kadilang unti-unting nauupos. She was devastated. She couldn't accept that her plan didn't work. Idagdag pa ang problema niya sa lalaking nakabuntis sa kanya. He keeps sending blackmail letters to her almost every day. Kung pwede lang mag-hire ng taong papatay sa taong 'yon ay ginawa niya na...Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard. Sinikap niyang ikonekta ang telepono sa Bluetooth receiver saka niya sinagot ang tawag."How's my daughter?" She rolled her eyes as s
MATULIN ang paglipas ng isang linggo. Unti-unti na ring nakaka-adjust si Mabelle sa bagong buhay niya kasama ang mag-ama Navi at Paris, at syempre, ang inang si Belinda. Dahil wala masyadong magawa sa bahay at para na rin makatulong sa kanyang ina ay nagboluntaryo si Mabelle na sumama kay Belinda sa palengke upang may katuwang ito sa pagtitinda.Kilala si Belinda sa public market bilang meat vendor at madalas itong dayuhin ng mga mamimili. Sa katunayan, mas dumami ang customer nila ngayon lalo pa't marami ang nabibighani sa taglay na kagandahan ni Mabelle."Alam mo, ngayon lang ako naubusan ng manok ng ganito kaaga. Madalas, inaabot ako ng gabi sa pagtitinda pero ngayon, alas kwatro pa lang ng hapon ay wala nang laman ng pwesto ko. Iba talaga kapag ganda ang puhunan natin sa negosyo, anak. Napakaswerte ko talaga sa 'yo," puri ng kanyang ina na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit doon.Gumuhit ang ngiti sa labi ni Belle habang busy sa paglilinis ng lababo. Hanggang nga
PRESENT TIMEHINDI maalis ang tingin ni Mabelle sa pobreng ginang na muntik na nilang madigrasya. Makalipas ang higit sa pitong taon, muli silang nagkita ng kanyang inang si Belinda de Guzman.Sa katunayan ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil sa laki ng pinagbago ng ginang. Ang noo'y mayaman at sopistikadang si Belinda ay mistula nang pulubi dahil sa marumi nitong kasuotan at magulong buhok. Madungis din ang kanyang mukha at medyo uminim din ito dahil na rin siguro sa matinding sikat ng araw.Halata rin sa mukha ng ginang ang matinding lungkot at stress. Belle had no idea what happened to her mother after seven years but one thing's for sure: she went through a lot as much as she did."Ilang taon kong tinis na wala ka sa tabi ko. Sa wakas, nagkita rin tayo, anak," naluluhang sambit ni Belinda sa kanya.Unti-unting nabura ang pagkagulat sa mukha ni Mabelle. Hindi siya kumibo sa mensahe ng ginang, bagkus, basta niya lang itong tinulungan na makatayo.Sakto namang napansin ni Bel
Author's note: This chapter shows a flashback scene. Karugtong ito ng eksena matapos hiwalayan ni Navi si Mabelle pitong taon ang nakakaraan.~.~MORE THAN SEVEN YEARS AGO..."MA, I'M SORRY-" Natigilan si Mabelle nang bastang padampiin ni Belinda ang palad nito sa pisngi ng anak, at sa lakas niyon ay napasalampak ito sa sahig.Kumukulo ang dugo niya sa galit. She was peacefully enjoying her morning coffee when her daughter Mabelle came by, telling her that Navi wanted to end their marriage. Ipinagtapat din nito ang tungkol sa pakikipagsiping niya sa isang estranghero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.Ngayon, daig pa ng ginang ang binuhusan ng mainit na kape. Wala sa kanyang plano ang maghiwalay ang dalawa!"Inggrata! Paano mo nagawang lapastanganin ang sarili mong ina, Mabelle Celestine? Binigay ko ang lahat sa 'yo simula noong isinilang kita hanggang sa mag-asawa ka pero anong ginawa mo? Nakipagtalik ka sa hindi mo asawa kung kaya't nasira ang tiwala ng anak ni Victoria sa