The Playboy's Obsession

The Playboy's Obsession

last updateLast Updated : 2024-02-10
By:  PaupauCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
82Chapters
18.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"You look tired and lazy. I think you're suffering from lack of vitamin me?" ~X~ Three words are enough to describe the playboy billionaire Alexis 'X' Montemayor who owns the very successful Club inside and outside the country. Hot. Dangerous. And oozing with sex appeal. He believed that he would never find the right woman for him despite having a random geisha in his very own Club-V. Not until a woman named Minzireth Paje entered his room and asked him if she is hired or not in the middle of what he called 'play time'. Lured by her sexy smile; piercing golden brown eyes; and voluptuous body, he hired her as his sex-retary. ***** Minzireth Paje is not your typical woman. Nagtungo sa siyudad upang maghanap ng trabahong makapag-aahon sa kanila sa kahirapan at matustusan ang gamutan ng kanyang magulang na may sakit. Ngunit nagbago ang lahat ng matanggap siya bilang sekretarya ng nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na Club sa Pilipinas. Buong akala niya'y more on paper works; answering calls; at tamang tayo lang sa gilid ng conference room ang kanyang gagawin. Not until her playboy boss, Alexis Montemayor demands her to do her assigned job. And that was to spice his night as his sex-retary. What if she found out what was her playboy boss's dark secret? Would she be able to fulfill her duty? Or resigned, and accept the fact that she is not qualified enough to be one of his sex-retary?

View More

Chapter 1

TEASER

Thank you for the opportunities, and for the growth that you have provided me. I wish you and the company all the best.

Best regards,

Mike

.

.

PAKIRAMDAM ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko ng dahil sa resignation letter ni Mike. Pangatlo na siya sa mga nag resign na iba-iba ang posisyon, at may iba't-ibang dahilan. 

Una ay si Carl na nangunguna bilang isang Person In Charge o PIC ng V.I.P Area, nag resign dahil sa stress sa mga empleyado. Pangalawa ay si Anton, isang Supervisor na humahawak sa mga bouncers na talaga nga namang maaasahan. Nag resign dahil hindi ko raw sinagot. At pangatlo itong si Mike na halos kauumpisa pa lang bilang Security Guard, ngayon ay nag resign nang malamang may boyfriend na raw ako.

"Kung alam ko lang na kasalanan ang maging maganda... abay mga puny*ta sila!" Napipikong bulong ko bago napabuntong-hininga.

Sinara ko ang laptop ko at marahang kinusot ang aking mga mata, bago hinilot ang aking sentido. Ang aga-aga, problema kaagad ang bubungad sa akin. Ni hindi ko pa nga nasisilayan ang haring araw sa labas ng aming bakuran, heto at pinaalmusal na ako ng sakit sa ulo.

"Morning..." 

Mula sa likuran ko'y narinig ko ang baritonong boses na 'yon. Suwabe, kaakit-akit, at ang sarap pakinggan, pero hatid sa akin ay stress to the next level.

At dahil doon ay tuluyan na ngang nagising ang diwa kong halos kasasanib pa lang sa katawang lupa ko, nang maalala kong dito nga pala natulog sa kuwarto ang talipandas kong boss! Lumipat lang naman siya mula sa kuwartong inilaan ng Mama ko sa kanya papunta rito sa kuwarto ko bandang alas onse ng gabi. 

Dumagdag pa siya, at siya na rin mismo ang pinakamalaking problema ko ngayong umaga. Kapag nalaman ng magulang ko na mix breed yata nila Andres Bonifacio at Gabriela Silang na dito sa kuwarto ko natulog ang boss ko, malamang pugot ang ulo nito.

Kung bakit naman kasi saksakan siya ng guwapo at pak na pak sa abs? Ayon tuloy, nabighani ang beauty ko. Boses pa lang niya halatang pang siyam na buwan ng pagdurusa ang matatamo ko sa kanya.

Nang lumingon ako sa gawi niya ay mas lalo akong na-stress. Prenteng nakahilata siya sa gitna ng kama ko at nagkalat ang damit niya sa lapag. At oo, dito naganap sa kuwarto ko ang ikatlong pandaigdigang gera na tumagal ng apat na oras! 

Hanggang ngayon nga ay dama ko pa rin ang pananakit ng aking kasu-kasuhan at balakang. Pakiramdam ko'y nabugbog ng malala ang aking perlas ng silangan.

Nag-init ang pisngi ko ng maalala kung gaano kami ka-wild kagabi. Kulang na lang ay magmakaawa ang kama dahil sa walang humpay na pag-si-circus namin kagabi. Take note, hindi lang sa iisang lugar naganap ang sigaw ng pugad lawin, kun'di sa apat na sulok ng kuwarto ko. 

"Salamat pa rin sa may kapal at buhay pa naman ako at mukhang intact pa rin naman ang perlas ko," bulong ko sa aking sarili. 

Kahit na nananakit ang aking kasu-kasuhan at may kirot pa sa gitna ng aking hita ay tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na damit ng talipandas. Ipinatong ko rin sa bedside table ang itim niyang t-shirt na basta na lang hinagis sa kung saan. Pati na rin ang lintek na sapatos niya, pantalon at ang pamatay niyang medyas ay inayos ko na rin. Nakakahiya naman sa tukmol na 'to buwisita pa naman kuno! 

Sino ang mag-aakala na ang isa sa pinakakilala; tinitingala; at halos sambahin na ng mga kababaihan ay narito sa kuwarto ko at nakabulagta sa kama ko? Gamit ang sariling unan at kumot ko, hindi pa nakuntento ginawa pang dantayan ang pillow size kong panda na stuffed toy. 

Alexis o mas kilala bilang X Montemayor, the playboy billionaire, C.E.O/President of the famous Club in the century was sleeping in my bed without anything but his fucking Micky Mouse boxer on! Kung alam lang ng mga investors niya at ng mga babae niya kung gaano siya kabalahura, malamang na isa-isa ring aalis ang mga 'yon. 

"Sir, tumayo ka na riyan, magbihis, mag-ayos ng sarili, at pagkatapos ay lumayas ka na!" sunud-sunod kong singhal sa kanya na malamang ay pumasok sa kaliwang tenga niya at lumabas naman sa kanan.

At malamang dahil sa sobrang tigas ng bungo ng lalaking ito nunkang makikinig ito sa mga pinagsasabi ko. Kahit na mag ala-Andrew E, Gloc-9, at Francis M ako rito, malamang hindi matitinag ang itlog niya.

"Come here and let's sleep, ang aga-aga nagrarap ka na." Napabuga na lang ako ng napakalalim na buntong-hininga, pati nga yata baga ko ay muntik ko ng maibuga. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito! Pati nga 'yong ulo niya sa baba, halatang-halata rin ang katigasan ngayong umaga.

Sa araw-araw na ginawa ni Lord, walang palya sa pang-aakit sa akin si Alexis. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa kanya bilang sekretarya, pero ngayon lang ako bumigay sa pang-aakit niya. At kung magpapatuloy ang ganitong set-up, malamang na hindi lang perlas ko ang mawawarak. Baka pati ang puso at kaluluwa ko ay masira rin dahil sa kanya. 

"Kapag nadatnan ka rito ng  magulang ko, bangkay ka ng uuwi sa inyo! Kaya naman tumayo ka na d'yan at lumabas na, hindi ka niya puwedeng makita-"

"Nakita niya naman na ako kahapon. Isa pa, ano bang kinakatakot mo? Guwapo nga raw ako sabi ng Mama mo," tila wala lang sa kanya ng sabihin niya 'yon. 

Kung hindi nga lang siya guwapo at mukhang yummy sa umaga, babasagin ko talaga ang itlog niya kasama ang inahing ibon na nagtatago sa Micky Mouse niyang boxer. Wala man lang preno ang bibig! 

"Sir, alam mo guwapo ka nga pero mas lamang ang pagiging gago mo! Tumayo ka na riyan at baka maabutan ka ni Mama sa kama ko!" muli kong singhal sa kanya. 

Tumayo nga ang tukmol at lumapit sa akin. Sa kabiglaan ay hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Umurong pa yata ang dila ko at nawala ang masasamang espiritu na nakasanib sa akin.

"Let me remind you that you're my secretary and I'm your boss, kaya 'wag mo akong sinisigawan." Nakapamaywang niyang sabi na ikinairap ko naman. 

"At gusto ko lang din malaman mo na nasa pamamahay kita. Baka gusto mong basagin ko yang pinagmamalaki mo?! At wala rin akong pakialam kung boss kita, parang hindi ka naulol sa akin kagabi ah!" giit ko pa. "Kapag hindi ka pa lumabas ngayon, iisipin ng Mama ko na may nangyari sa atin-"

"Bakit wala ba? Sa lakas ng ungol mo kagabi, tingin mo 'di ka narinig ng Mama mo?" 

Bahagya akong natigilan. Pakiramdam ko ay hindi lang ang mukha ko ang nag-init, pati na rin yata ang kaluluwa ko ay nag-iinit na dahil sa kahihiyan. 

"Hindi naman kasi dapat nangyari 'yon, Sir. Tsaka, ikaw naman ang may kasalanan, inakit mo kasi ako-"

"Nagpa-akit ka naman?" muli niyang putol saka ngumisi at bahagyang hinaplos ang leeg ko. "Kitang-kita pa ang ebidensiya sa balat mo, Minzi."

Nawindang yata ang katawang lupa ko dahil sa sinabi niya. Wala naman siguro akong marka sa leeg na sinasabi niyang ebidensiya?

"Anong ibig mong sabihin? 'Wag mong sabihin na may... na may-"

"Then I won't tell you," agap niya saka ako ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

"What the hell! Sir, hindi 'to puwede! Tanggalin mo ang nilagay mo sa akin, now na!" 

Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng muli siyang bumalik sa kama at walang pakialam na dumapa. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip kung ano ang nangyari at bakit napapayag ako ng talipandas na ito na sumama siya rito sa probinsiya namin?! 

"Wake me up kapag nariyan na si Mama, inaantok pa ako... napuyat ako sa katititig sa'yo," aniya at pumikit na nga.

Kung alam niya lang na napuyat din akong magpanggap na tulog para makaiwas sa mga titig niya.

Simula nang ma-hired ako bilang sekretarya ng certified playboy ng Alexis na ito, hindi na normal ang araw-araw na pamumuhay ko. Bukod kasi sa ang tigas ng mukha ng maharot na lalaki, saksakan pa ng landi na akala mo naman ay siya lang ang anak ni Lord!

Kaya lang mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil kung kailan naman nasanay na ako sa prisensiya niya. Kung kailan gumagaang na ang loob ko sa kaniya. At kung kailan tingin ko ay okay na kami bilang isang empleyado at amo, saka naman siya nag demand ng kakaibang trabaho! 

Trabaho na ikasisira ng beauty ko, at wasak naman ng perlas ko. Ilang beses akong tumanggi dahil ang sabi ng inay, kasal muna bago ibuka ang hita. Nawala rin sa isip ko na kasama pala 'yon sa pinirmahan kong kontrata - ang maging sex-retary niya.

Pero kagabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. Kaya naman heto, bali-baliktarin ko man ang bra at panty ko, hindi na ulit mabubuo ang perlas kong pinagsawaan niyang araruhin kagabi.

"Ang tanga mo talaga Minzi!" 

"Minzireth anak?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses ni Mama. "Nakariing kan? May dala akong agahan mo na tiyak ay magugustuhan mo. Ipinagluto kita ng paborito mo. Gising na rin kaya ang boss mo? Ano kaya ang puwede kong iluto para sa kanya?" sunud-sunod niya pang tanong mula sa labas ng pinto, lalo tuloy akong kinabahan. "Anak, puwede ba akong pumasok? Tulog ka pa ba?"

Daig ko pa ang pinainom ng isang galong suka dahil sa biglaang pamumutla. Kaagad kong nilapitan si Alexis na ngayon ay nakadapa na sa kama.

"Sir! Tumayo ka na, nasa labas na si Mama. Kapag pumasok 'yon dito at nakita ka, sinasabi ko sa'yo... tapos na ang pagiging malandi mo!" sunud-sunod kong sabi na tinanguan niya lang bago hinila ako palapit sa kaniya. Ang lagay, sa dibdib niya ako naglanding, pesteng yawa naman talaga!

"Sir ano ba?!"

"Let her in, I'm still sleepy," aniya sa paos na boses.

"Hindi mo ba talaga ako naiintindihan?! Pag nakita ka ni Mama rito-"

"I don't care. I'm gonna marry you anyway," baliwalang sagot niya na nagpalaki ng mga mata ko. 

Akala niya ba ay ganoon lang kadali 'yon? Paano ang mga babae niya na araw-araw akong ginugulo?! At tingin niya ba ay papayag ako? Ayaw ko ngang maging Mrs. Montemayor number ten, sa dami ng babae niya baka nga pang number twenty pa ako. 

Sa sobrang panic ko ay tinalukbungan ko ng comforter ang hudas bago umayos ng higa sa tabi niya. Bahala na si batman at spiderman sa aming dalawa. Sana lang ay maki-cooperate sa akin ang talipandas kong amo.

Saktong nakaayos na ako pati rin ang hudas sa tabi ko ng bumukas ang pinto.

"Anak, bumangon ka pay lang ta mangan kan," bungad sa akin ni Mama. Pakiramdam ko'y pinagpawisan ako ng malala kahit na napakalamig dito sa kuwarto ko. "May dala akong agahan mo. Napuyat ka ba? Heto ang agahan, bumangon ka na at kumain na," aniya pa na tinanguan ko na lang.

Akala koy makakahinga na ako ng maluwag dahil muli na siyang lalabas. Pero ang lintek na Alexis sa tabi ko ay biglang gumalaw at nagsalita na siyang ikinagulat ni Mama at halos ikahimatay ko ng maagang-maaga. 

"You smell so good in the morning, Minzi... Puwede na ba tayong mag round three?" 

*****

©alrights reserved

_PAUPAU_

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Paupau
Sa mga nagbabasa at patuloy pong sumusuporta ng TPO, maraming maraming thank you po! Di ko inaakala na matapos ang story na to ay meron parin palang nakakapansin. Super nakakatouch po tlga Sana po ay suportahan nyo rin ang bago kong story na pinamagatang ‘La Roché’. Thank you in advance po mwahh ...️
2024-09-25 15:12:44
1
user avatar
Paupau
Update later po around 7 pm. Subukan Kong mag update ng two chapters. Thank you......️
2024-01-23 04:39:02
0
user avatar
Paupau
Hi/hello po, Saturday and Sunday po ang update ko nitong TPL. Bali Sunday and Monday po sa Pinas. Maraming maraming thank you po sa patuloy na pagbabasa at suporta. Matagal lang po tlga akong mag update gawa ng bc po masyado sa work pero sisikapin ko parin pong mag update kpag may libreng oras, T.Y...
2023-09-03 13:47:50
0
user avatar
Lyn Lara
pakitapos po naman laki na gas2s ko eh
2023-07-10 07:33:33
0
user avatar
Lyn Lara
maganda pag pa2loy pa nio
2023-07-10 06:59:45
0
user avatar
Lyn Lara
maganda kya lng magas2s
2023-07-10 06:57:35
0
user avatar
Paupau
Pasensya na po sa mga nag aabang ng update, nilalagnat pa po kc ako. Susubukan ko po mamaya kung kaya na po.
2023-06-18 15:47:25
1
user avatar
Paupau
Hope you guys read and support my new story. I'll try to update it daily... Thanks...️
2023-05-23 07:45:03
0
82 Chapters
TEASER
Thank you for the opportunities, and for the growth that you have provided me. I wish you and the company all the best.Best regards,Mike..PAKIRAMDAM ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko ng dahil sa resignation letter ni Mike. Pangatlo na siya sa mga nag resign na iba-iba ang posisyon, at may iba't-ibang dahilan. Una ay si Carl na nangunguna bilang isang Person In Charge o PIC ng V.I.P Area, nag resign dahil sa stress sa mga empleyado. Pangalawa ay si Anton, isang Supervisor na humahawak sa mga bouncers na talaga nga namang maaasahan. Nag resign dahil hindi ko raw sinagot. At pangatlo itong si Mike na halos kauumpisa pa lang bilang Security Guard, ngayon ay nag resign nang malamang may boyfriend na raw ako."Kung alam ko lang na kasalanan ang maging maganda... abay mga puny*ta sila!" Napipikong bulong ko bago napabuntong-hininga.Sinara ko ang laptop ko at marahang kinusot ang aking mga mata, bago hinilot ang aking sentido. Ang aga-aga, problema kaagad ang bubungad sa akin. Ni hin
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more
PROLOGUE
[FLASHBACK]*****"AHH... PUSANG GALA! ANG SARAP!""You want more?" tanong ng lalaki sa harap ko habang hindi mawala-wala sa labi niya ang sinusupil na ngiti.Guwapo siya, pero mukhang suplado. Matangos ang ilong, kasing itim ng gabi ang kulay ng mga mata na bumagay sa makakapal niyang kilay. Manipis at natural ang mapulang labi na taliwas naman sa istrikto niyang mukha.Overall, bibigyan ko siya ng sampung puntos!Naiilang na sunud-sunod akong tumango. "K-Kung okay lang sa'yo. Ayos lang din sa akin, tutal masarap naman talaga." Tagaktak na ang pawis ko at nagsisimula na ring uminit ang aking pakiramdam. Ganoon pa man, hindi ko maikakailang gusto ko ang ginagawa niya. Gusto kong matikman ang lahat ng kaya niyang gawin kahit na nga ba nanginginig na ang mga tuhod ko, at gumuguhit na sa lalamunan ko ang pinaghalong pait at tamis."I will give you a hard shot this time." Napairap na lang ako. Kanina pa kasi niya sinasabi ang hard, pero kahit harder o hardest pa yan... keri lang.Sumi
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more
CHAPTER 01
"S-Sir sandali lang ho..." Nakataas ang dalawang kamay kong awat sa lalaking dahan-dahang lumalapit sa akin. "M-May gusto lang ho muna akong linawin bago mo ako kainin -- este, gawing dinner.""What?" kunot ang noong tanong niya.Ang sungit, biscuit!"Hired na ba ako?" nakangiting tanong ko, umaasa na sana nga ay pasok na ako sa trabahong ito. Kailangan ko kasi talaga ng pera. Hindi lang basta pera kun'di malaking halaga ng pera!Malaki ang magagastos para sa operasyon ng Mama ko, at ni singkong bulag ay wala ako ngayon. Nagmamakaawa na nga rin ang isang daan sa wallet ko, bukod sa nanginginig na, ayaw pa yatang pahugot sa pitaka.Lalo namang kumunot ang noo ng lalaki, mukhang hindi naintindihan ang pinupunto ko. Pinasadahan niya rin ako ng tingin mula sa boobs ko pababa sa legs. 'Di naman sa pagmamayabang, pero sagana naman ang bulubundukin ko at higit sa lahat, mala-kutis Anne Curtis ang balat ko, kaya naman proud ako kahit anong titig pa ang gawin niya sa'kin. Alaga kasi ako sa seb
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more
CHAPTER 02
NANGINIG ANG MGA TUHOD KO...Para akong itinulos sa kama kung saan ako nakasubsob habang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko rin na bahagya niyang inangat ang baywang ko saka hinawakan ang garter ng underwear ko upang ibaba. Ngunit bago niya pa magawa 'yon ay kaagad akong bumalikwas paikot at buong puwersa siyang tinulak."Ano ba?!" Abot-abot ang kaba sa dibdib ko ng tanungin siya. "Anong problema mo? Bakit basta-basta ka na lang nanghihipo at balak mo pa yatang pag-intiresan ang panty ko?!"Hindi naman siya sumagot at lumapit ulit sa akin. Pabalya niya akong tinulak na sa pagkakataong ito ay hindi na sa kama kun'di sa mesa. Tulad ng kanina ay nakatalikod ako sa kanya. Mariin akong napahawak sa magkabilang kanto ng mesa ng tumama ang tuhod ko sa paanan niyon. Mas lalo tuloy akong kinabahan at pinanginigan ng katawan. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang balak niyang gawin sa akin. Kung may balak ba siyang gawin akong trumpo o punching bag?!"Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more
CHAPTER 03
Halos dalawang oras lang ang biyahe namin mula Masinloc hanggang Olongapo City. Lambo ba naman ang sasakyan at daig pa ang eroplano kung magmaneho ang driver ng talipandas na katabi ko. Kaya naman heto, hanggang sa opisina ni Alexis Montemayor ay tila lutang pa rin akoAnd yes, naghuhumiyaw na Alexis Montemayor ang pangalan ng talipandas na lalaking ito na akala ko'y bakla! Ang bilis talaga ng karma.Wala pa rin kaming imikan, ni salubungin nga ang tingin niya ay hindi ko magawa. Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko ng tumalon sa bintana para takasan ang lalaking ito. Hindi ko kasi alam kung magkano ang utang na sisingilin niya sa akin at kung magkano ba ang danyos sa nagawa kong pagpukpok sa kanyang ulo."Minzireth, right?" malamig at salat sa emosyong tanong niya.Todo tango lang naman ako pero hindi pa rin lumilingon sa kanya."Simula ngayon kung nasaan ako ay naroon ka rin dapat."Saka pa lang ako nagtaas ng mukha at tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "As in? Bakit naman?""Y
last updateLast Updated : 2023-05-12
Read more
CHAPTER 04
Mariin ko na lang na ipinikit ang mga mata ko habang hinihintay na lumapat ang labi niya ng tuluyan sa labi ko. Wala naman na akong magagawa, bukod kasi sa nakalingkis ang kanan niyang braso sa baywang ko, mariin ring nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa batok ko.Ilang sigundo na ba?Nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko pa nga ay babagsak na ako dahil pinanginginigan na ako ng tuhod. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag first-time na mahahalikan?Pero bakit ang tagal?!Kanina pa ako nakapikit. Nangangawit na rin ako sa pagkakatayo. At higit sa lahat... naiinip na ako!Dalawang minuto! May dalawang minuto na siguro ang lumipas pero wala naman akong nararamdamang halik sa aking labi. Hindi naman sa demanding aki, sadyang natatagalan lang ako sa aksyon niya. Kung ako na lang kaya ang humalik sa kanya ng matapos na?Sa inis ay iminulat ko ang isa kung mata. Naaninag kong nakatingin si Alexis sa labi ko. Iminulat ko na rin ang isa ko pang mata at nayayamot na si
last updateLast Updated : 2023-05-12
Read more
CHAPTER 05
"Hi, someone told me that you know where X was?" tanong ng babaeng napakaganda na bigla na lang bumungad sa akin.Maputi, matangkad, maganda ang hubog ng katawan, pero ang higit na nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga mata niya. Hindi ko alam kung contact lense lang o totoo, pero buhay na buhay ang magkaibang kulay niyon na light green at brown. Nang bumaba ang paningin ko sa kanyang leeg ay may suot siyang itim na chocker, at ganoon din sa magkabila niyang pulso. May matingkad siyang ngiti sa labi pero walang buhay o emosyon na makikita sa magandang uri niyang mga mata.Overall... sampung puntos ang ibibigay ko sa kagandahang taglay niya."Kilala mo ba si X or Alexis?" muli niyang tanong ng hindi kaagad ako nakasagot sa una.Napatikhim ako at naiilang na tumango. "O-oo kilala ko, pero l-lumabas siya.""Oh, is that so..." Tinitigan niya ako sa mga mata saka bumaba sa labi ko ang mapanuri niyang tingin. "Anyway, thank you... you're ahmm-""M-Minzireth," agap ko. Shocks! Nakakatomboy nam
last updateLast Updated : 2023-05-14
Read more
CHAPPTER 06
"Hoy! Maghunos dili ka!" Kaagad kong tinulak palayo si Alexis na sa sobrang kalasingan ay nahulog mula sa kanyang kinauupuan.Lumapit naman sa puwesto namin ang guard kanina na naghatid sa akin dito sa VIP Area at inalalayan siya."Sir X, kaya n'yo pa ho ba?" tanong niya sa nahihimbing na lalaki.Kung ako lang ang masusunod ay lalagyan ko na talaga ng betchin ang inumin ng talipandas na si Alexis ng matuluyan na nga! 'Yon din naman ang sinabi ni Cherry sa akin kanina, ang lagyan ng lason ang inumin niya.Tumikhim ako saka kinalabit ang balikat ng guwardya. "'Wag mo ng gisingin, malamang na nasa dreamland na yan. Mabuti pa ay tulungan mo na lang akong ihatid siya sa private room niya. Tsaka kahit anong gawin mo sa lalaking yan ngayon, 'di na sasagot yan. Nakahiwalay na ang diwa sa kaluluwa niyan!"Kakamot-kamot na bumaling sa akin ang guard sabay naiiling na sumagot. "Sorry Ma'am, pero hindi ko kasi alam ang private room ni Sir X. Isa pa, hindi kami puwede roon sakali mang alam ko." N
last updateLast Updated : 2023-05-17
Read more
CHAPTER 07
HINDI ko na namalayan pa kung kailan ako nagsimulang antukin at kung kailan ako nakatulog, naramdaman ko na lang na mayroong mainit na hanging dumadampi sa leeg ko.Mayroong kung anong mabigat na bagay akong nararamdaman sa tiyan ko at hita. Hirap din akong huminga at hindi masyadong makagalaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang mapapikit lang ulit dahil sa nakasisilaw na liwanag ng ilaw.Tumagilid ako at dahil sa iritang nadarama ko sa mainit na hangin sa aking leeg, sinuntok ko na ang kung ano mang nasa tabi ko na pinagmumulan niyon."Ouch! What the hell!" daing niya na kinakunot ng kilay ko. Boses ng lalaki, panaginip ba ito o totoo?Sa inaantok na diwa ay pikit mata kong kinapa ang nasa tabi ko. Nagsimula ako sa itaas at natuwa ng maramdaman ko ang malambot at maikling buhok. Sinuklay-suklay ko pa 'yon gamit ang aking mga daliri."Hmm... I like that."Napangiti na lang ako kahit nakapikit at nagpatuloy. Panaginip nga...Dumapo pa pababa ang kamay ko at doon ko nada
last updateLast Updated : 2023-05-18
Read more
CHAPTER 08
"ANSWER ME, MINZI."Napalunok ako at sunud-sunod na umiling. Anong akala niya sa akin? Mamboboso? Asa siya, baka mamaya magkakuliti pa ako!"Then don't look at my crotch as if you're dying to see it," dugtong niya pa saka binitawan ang baba kong hawak-hawak niya."N-Nauuhaw ka pa ba?" wala sa loob na tanong ko naman. Para kasing ako na ang may kailangan ng tubig ngayon."Yes, give me my water..." Bumalik na siya sa kama at muling umupo sa gilid niyon. "Mas kailangan ko na ng malamig na tubig ngayon kaysa kanina," giit niya pa saka ibinagsak ang sarili niyang katawan sa higaan.Tumagal pa siguro ng isang minuto na nakatanga lang ako kung saan niya ako iniwan bago ako nahimasmasan. Pinakialaman ko na ang mga drawer sa built-in cabinet at naghanap ng baso. Nakakita naman ako kaagad sa unang paghila pa lang ng unang drawer. Apat na baso lang ang laman niyon. Mayroong wine glass na kulay pula, shot glass na pula rin, simpleng baso na kulay itim, at mug na kulay itim din. Napairap ako sa
last updateLast Updated : 2023-05-19
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status