NANGINIG ANG MGA TUHOD KO...
Para akong itinulos sa kama kung saan ako nakasubsob habang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko rin na bahagya niyang inangat ang baywang ko saka hinawakan ang garter ng underwear ko upang ibaba. Ngunit bago niya pa magawa 'yon ay kaagad akong bumalikwas paikot at buong puwersa siyang tinulak.
"Ano ba?!" Abot-abot ang kaba sa dibdib ko ng tanungin siya. "Anong problema mo? Bakit basta-basta ka na lang nanghihipo at balak mo pa yatang pag-intiresan ang panty ko?!"
Hindi naman siya sumagot at lumapit ulit sa akin. Pabalya niya akong tinulak na sa pagkakataong ito ay hindi na sa kama kun'di sa mesa.
Tulad ng kanina ay nakatalikod ako sa kanya. Mariin akong napahawak sa magkabilang kanto ng mesa ng tumama ang tuhod ko sa paanan niyon. Mas lalo tuloy akong kinabahan at pinanginigan ng katawan. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang balak niyang gawin sa akin. Kung may balak ba siyang gawin akong trumpo o punching bag?!
"Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho mo ngayon?" tanong niya sa akin bago walang pakialam na hinablot ang likurang bahagi ng suot kong dress. Sa rupok niyon ay narinig ko pa ang tunog ng pagkasira niyon.
"Ano bang tinira mo? Nag a-adik ka ba?!" balik tanong ko naman sa kaniya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya sumagot. "Narito ka sa silid na ito para paligayahin ako. Limang oras lang Minzi, and after that puwede ka ng lumabas ng nakangiti."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung anong kagaguhan ang pinagsasabi niya. At hindi ako pinanganak kanina para hindi malaman kung para saan ang limang oras na sinasabi niya. Tindi niya naman, limang oras talaga?! Wala na bang tawad 'yon? As in sagad na 'yon?
Nang mahimasmasan ako at mapagtanto ang sinabi niyang 'yon, hindi na ako nagdalawang isip pa. Kaagad akong bumalikwas paikot at hinablot ang bote ng alak na tinungga ko kanina saka malakas na hinataw sa ulo niya. Sa lakas ng tama niyon bumulagta siya, malamang na next year pa siya makakabangon.
Nang bumaling ako sa gawi niya ay saka pa lang nag sink-in sa isip ko ang nagawa ko. Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang kalahati ng bote na nabasag at bumagsak pa sa kanyang noo.
Jusmio marimar!
Napakamot ako sa aking pisngi ng makita ang dugo sa ulo niya at ang biglaang pamumula ng noo niya. "S-Sir... Patay ka na ba? Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi, bigla-bigla mo na lang akong tinutulak patuwad! Sinira mo na nga ang damit ko, balak mo pa yatang sirain ang itinatagong yaman ng aking perlas ng silangan!"
Dahan-dahan akong lumuhod at itinapat ang tenga ko sa kanyang dibdib. Humihinga pa naman, so ibig sabihin ay buhay pa siya.
Hinawakan ko rin ang leeg niya at pinakiramdaman ang pulso niya. "Tulog ka muna, sana pag gising mo... limot mo na ang ginawa ko sa'yo."
Matapos kong sabihin 'yon ay dali-dali na akong lumabas mula sa pribadong silid niya at nilisan ang Dark Room. Hindi na rin ako pumunta sa front desk na sinasabi kanina ng babae upang kuhanin sa kanya ang suweldo ko. Baka pag nalaman niya kung ano ang nangyari sa boss niya, kulang pa ang sasahurin ko ngayon para ipangpiyansa!
Walastik! Kung alam ko lang na manyakis pala ang lalaking 'yon na pinagkamalan ko pang bakla, hindi na sana ako nagtagal pa sa silid na 'yon. Hindi ko sana naranasan ang patuwarin ng dalawang beses, at hindi ko rin siya mapapalo ng bote sa ulo by choice!
I'm innocent until proven guilty. 'Di ko naman sinasadya, nagipit lang talaga!
*****
TATLONG ARAW makalipas ang nangyari sa Club-V at ang pagpukpok ko ng bote sa ulo ng lalaki, heto ako ngayon, tulala habang nakatitig sa diyaryo. Namumuti na ang mga mata ko ay wala pa rin akong nakikitang bakanteng trabaho.
Hindi rin naibalita o naradyo ang ginawa kong krimen. Hindi siguro kilala ang lalaking iyon na tinamaan ng magaling kaya walang pumansin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"Minzireth!"
Mula sa kinauupuan kong ratan ay napatayo ako nang dahil sa lakas ng sigaw ni Mama. Dumungaw ang ulo niya sa bintana ng aming maliit na sala ng may matingkad na ngiti sa kanyang labi.
"Bakit, Ma?" kuryosong tanong ko.
"May naghahanap sa'yo rito, ayusin mo ang sarili mo at mukhang artista ang mga naghahanap sa'yo!" sagot niya naman.
Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Kung ang manliligaw kong si Carding naman ang nasa labas, malamang na hinabol na ng itak ni Mama 'yon 'di pa man lumalapat ang paa sa gate namin. Bukod pa sa hindi naman artistahin ang Carding na 'yon, nunkang pagbuksan ni Mama ng gate ang hangal na 'yon.
"Minzireth! Ano ba't napakatagal mo riyan?!" sigaw ulit ni Mama, halatang nayayamot na sa paghihintay.
Hindi na ako nagpalit ng damit. Tamang suklay at pulbo na lang bago ako nagmamadaling lumabas.
"Sino ho ba-"
"Hi, good afternoon," bati ng babae sa akin na ikinatigil at ikinalaki ng mga mata ko. "Minzireth, right?"
Sunud-sunod lang ang pagtango ko sa kanya dahil hindi na ako makahagilap pa ng sasabihin. Umurong yata ang dila ko ng makita siya. Siya kasi 'yong babaeng nagpapasok sa akin sa Dark Room ng Club-V sa Olongapo. Pero ano naman ang ginagawa niya rito?
"I'm here to inform you about your contract signing-"
"Teka, anong contract signing yan?" Nagtatakang putol ko sa kanya. "Wala akong natatandaan na kumuha ako ng hulugang appliances ah! Wala rin akong utang. At mas lalong wala akong-"
"Your contract to Mr. Alexis Montemayor as his secretay," agap niya naman.
So ibig sabihin...
"May trabaho na ako?" Nagtataka pa ring tanong ko. "Saan? Kaylan ako nag-apply? Bakit tunog yayamanin ang pangalan na sinabi mo?" sunud-sunod ko pang tanong.
"Yes, may trabaho ka na. Ang kailangan mo lang gawin ay pumirma ng kontrata para makapagsimula ka na bukas na bukas din. Libre rin ang tutuluyan mo kaya hindi mo na kailangan pang alalahanin ang titirahan mo." Ngumiti siya at inabot sa akin ang puting folder. "So? When are you going to read and signed the contract?"
Kaagad ko namang hinablot 'yon sa kanya kasabay ng ballpen sa isa pang kamay niya. Hindi ko na binasa pa ang kontrata, pumirma na ako kaagad at muling binalik sa kanya ang folder.
"Done, Ma'am. Kaylan ako magsisimula?"
Awang ang bibig ng babae na tinitigan ako. "Hindi mo binasa-"
"Hindi na kaylangan. Ang mahalaga lang naman sa akin ay may trabaho na ako." Ngiting-ngiting putol ko sa kanya. "So? Kaylan nga ako magsisimula?"
Mula sa pagkakaawang ng kanyang bibig ay isang malawak na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. "Ngayon din," aniya saka ako inakay pasakay ng kotse na nakaparada sa gilid ng bahay namin.
Hindi ko na nagawa pang magpaalam kay Mama. Wala rin naman siya, malamang na nasa loob ng bahay at nagtitimpla ng kape kahit katanghaliang tapat. Iyon lang naman ang ma-i-aalok niya sa bisita namin.
Hanggang sa makapasok ako sa backset ay tila tulala ako at walang nakikita. First-time kong sumakay sa isang itim na Lamborghini. At ang isa pa sa nagpapawindang sa aking kaisipan ay ang kaalamang magsisimula na ako ngayon bilang isang secretary.
Ni hindi ko na rin nga napansin ang nakaupo sa backseat dahil lumilipad talaga ang isip ko sa pagkakalkula ng sasahurin ko bilang sekretarya. Basta lang ako umupo doon. At saka lang din ako lumingon sa katabi ko ng tumikhim siya at magsalita.
"I'm glad that Denise found you... Maniningil na kasi ako ng utang mo."
Natigilan ako, kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko.
That voice seems familiar...
With my eyes wide open, I look at the man who's comfortably sitting beside me, only to realize that he was the man whom I beat using the bottle inside the Dark Room.
I'm doomed!
*****
Halos dalawang oras lang ang biyahe namin mula Masinloc hanggang Olongapo City. Lambo ba naman ang sasakyan at daig pa ang eroplano kung magmaneho ang driver ng talipandas na katabi ko. Kaya naman heto, hanggang sa opisina ni Alexis Montemayor ay tila lutang pa rin akoAnd yes, naghuhumiyaw na Alexis Montemayor ang pangalan ng talipandas na lalaking ito na akala ko'y bakla! Ang bilis talaga ng karma.Wala pa rin kaming imikan, ni salubungin nga ang tingin niya ay hindi ko magawa. Pero sa totoo lang, gustong-gusto ko ng tumalon sa bintana para takasan ang lalaking ito. Hindi ko kasi alam kung magkano ang utang na sisingilin niya sa akin at kung magkano ba ang danyos sa nagawa kong pagpukpok sa kanyang ulo."Minzireth, right?" malamig at salat sa emosyong tanong niya.Todo tango lang naman ako pero hindi pa rin lumilingon sa kanya."Simula ngayon kung nasaan ako ay naroon ka rin dapat."Saka pa lang ako nagtaas ng mukha at tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "As in? Bakit naman?""Y
Mariin ko na lang na ipinikit ang mga mata ko habang hinihintay na lumapat ang labi niya ng tuluyan sa labi ko. Wala naman na akong magagawa, bukod kasi sa nakalingkis ang kanan niyang braso sa baywang ko, mariin ring nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa batok ko.Ilang sigundo na ba?Nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko pa nga ay babagsak na ako dahil pinanginginigan na ako ng tuhod. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag first-time na mahahalikan?Pero bakit ang tagal?!Kanina pa ako nakapikit. Nangangawit na rin ako sa pagkakatayo. At higit sa lahat... naiinip na ako!Dalawang minuto! May dalawang minuto na siguro ang lumipas pero wala naman akong nararamdamang halik sa aking labi. Hindi naman sa demanding aki, sadyang natatagalan lang ako sa aksyon niya. Kung ako na lang kaya ang humalik sa kanya ng matapos na?Sa inis ay iminulat ko ang isa kung mata. Naaninag kong nakatingin si Alexis sa labi ko. Iminulat ko na rin ang isa ko pang mata at nayayamot na si
"Hi, someone told me that you know where X was?" tanong ng babaeng napakaganda na bigla na lang bumungad sa akin.Maputi, matangkad, maganda ang hubog ng katawan, pero ang higit na nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga mata niya. Hindi ko alam kung contact lense lang o totoo, pero buhay na buhay ang magkaibang kulay niyon na light green at brown. Nang bumaba ang paningin ko sa kanyang leeg ay may suot siyang itim na chocker, at ganoon din sa magkabila niyang pulso. May matingkad siyang ngiti sa labi pero walang buhay o emosyon na makikita sa magandang uri niyang mga mata.Overall... sampung puntos ang ibibigay ko sa kagandahang taglay niya."Kilala mo ba si X or Alexis?" muli niyang tanong ng hindi kaagad ako nakasagot sa una.Napatikhim ako at naiilang na tumango. "O-oo kilala ko, pero l-lumabas siya.""Oh, is that so..." Tinitigan niya ako sa mga mata saka bumaba sa labi ko ang mapanuri niyang tingin. "Anyway, thank you... you're ahmm-""M-Minzireth," agap ko. Shocks! Nakakatomboy nam
"Hoy! Maghunos dili ka!" Kaagad kong tinulak palayo si Alexis na sa sobrang kalasingan ay nahulog mula sa kanyang kinauupuan.Lumapit naman sa puwesto namin ang guard kanina na naghatid sa akin dito sa VIP Area at inalalayan siya."Sir X, kaya n'yo pa ho ba?" tanong niya sa nahihimbing na lalaki.Kung ako lang ang masusunod ay lalagyan ko na talaga ng betchin ang inumin ng talipandas na si Alexis ng matuluyan na nga! 'Yon din naman ang sinabi ni Cherry sa akin kanina, ang lagyan ng lason ang inumin niya.Tumikhim ako saka kinalabit ang balikat ng guwardya. "'Wag mo ng gisingin, malamang na nasa dreamland na yan. Mabuti pa ay tulungan mo na lang akong ihatid siya sa private room niya. Tsaka kahit anong gawin mo sa lalaking yan ngayon, 'di na sasagot yan. Nakahiwalay na ang diwa sa kaluluwa niyan!"Kakamot-kamot na bumaling sa akin ang guard sabay naiiling na sumagot. "Sorry Ma'am, pero hindi ko kasi alam ang private room ni Sir X. Isa pa, hindi kami puwede roon sakali mang alam ko." N
HINDI ko na namalayan pa kung kailan ako nagsimulang antukin at kung kailan ako nakatulog, naramdaman ko na lang na mayroong mainit na hanging dumadampi sa leeg ko.Mayroong kung anong mabigat na bagay akong nararamdaman sa tiyan ko at hita. Hirap din akong huminga at hindi masyadong makagalaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang mapapikit lang ulit dahil sa nakasisilaw na liwanag ng ilaw.Tumagilid ako at dahil sa iritang nadarama ko sa mainit na hangin sa aking leeg, sinuntok ko na ang kung ano mang nasa tabi ko na pinagmumulan niyon."Ouch! What the hell!" daing niya na kinakunot ng kilay ko. Boses ng lalaki, panaginip ba ito o totoo?Sa inaantok na diwa ay pikit mata kong kinapa ang nasa tabi ko. Nagsimula ako sa itaas at natuwa ng maramdaman ko ang malambot at maikling buhok. Sinuklay-suklay ko pa 'yon gamit ang aking mga daliri."Hmm... I like that."Napangiti na lang ako kahit nakapikit at nagpatuloy. Panaginip nga...Dumapo pa pababa ang kamay ko at doon ko nada
"ANSWER ME, MINZI."Napalunok ako at sunud-sunod na umiling. Anong akala niya sa akin? Mamboboso? Asa siya, baka mamaya magkakuliti pa ako!"Then don't look at my crotch as if you're dying to see it," dugtong niya pa saka binitawan ang baba kong hawak-hawak niya."N-Nauuhaw ka pa ba?" wala sa loob na tanong ko naman. Para kasing ako na ang may kailangan ng tubig ngayon."Yes, give me my water..." Bumalik na siya sa kama at muling umupo sa gilid niyon. "Mas kailangan ko na ng malamig na tubig ngayon kaysa kanina," giit niya pa saka ibinagsak ang sarili niyang katawan sa higaan.Tumagal pa siguro ng isang minuto na nakatanga lang ako kung saan niya ako iniwan bago ako nahimasmasan. Pinakialaman ko na ang mga drawer sa built-in cabinet at naghanap ng baso. Nakakita naman ako kaagad sa unang paghila pa lang ng unang drawer. Apat na baso lang ang laman niyon. Mayroong wine glass na kulay pula, shot glass na pula rin, simpleng baso na kulay itim, at mug na kulay itim din. Napairap ako sa
ECHOS NIYA LANG 'YON!Iyon at iyon pa rin ang nasa isip ko, at para ngang naririnig ko pa rin kahit na wala na sina Cherry at Ace rito. Narinig din kasi ni Cherry na isasama ako ni Alexis sa meeting niya. Kung echos man 'yon o hindi, dapat ba akong sumama?Well, that's my job.Habang nakatitig ako sa sarili kong replika sa salamin dito sa private room ko na tapat lang ng private room ni Alexis ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kasi mawala ang kaba sa dibdib ko lalo na sa tuwing naiisip ko ang pilyong ngiti ni Alexis kanina. "Mukhang may binabalak na masama ang ulaga!" bulong ko sa aking sarili saka bumuntong hininga.Kinuha ko ang pulang lipstick sa maliit kong pouch saka 'yon pinahid sa aking labi. Naglagay din ako ng eye-liner, at blush-on para naman magmukha akong tao. Nakakasawa na rin kasing maging Dyosa minsan, kaya naman kalmahan lang natin.Napangiti na lang ako sa aking sarili ng makitang nag level-up lalo ang beauty ko. Ganoon pa man, bahagya pa ring nanginginig ang mga t
CAN I KISS YOU MINZI?Nanlaki ang mga mata ko at kusang umawang ang aking labi. Hindi naman na dapat ako mabigla pa, because, for the record, he was Alexis Montemayor -- ang notorious playboy na walang ibang ginawa kun'di painitin ang ulo ko, at akitin ako minu-minuto."'Wag kang magtatangka!" Pinandilatan ko siya ng mga mata kahit na nga ba doble na ang bilis ng tibok ng aking dibdib.Pero hindi ang isang tulad ko lang ang makakapigil sa binabalak ng hambog na Alexis na ito. At kung hindi ko rerendahan ang sarili ko at paiiralin ang kalandian, malamang na lolobo ang tiyan ko at masisira ang pangarap ko sa buhay.Kaunting pagpipigil pa Lord. 'Yon lang ang dalangin ko sa iyo habang nasa puder ako ng hambog na ito!Alexis smiled and then pulled himself away from me. "Why are you afraid? Nagtoothbrush naman ako kanina at nag mouthwash pa... 'di rin ako nangangagat-""Hindi ka nga nangangagat, may balak ka namang manuklaw!" agap ko sabay usog palayo ng kaunti sa kanya.Hindi naman na siya
I looked over the stuff Minzi was putting away. Nasa private room ko kami ngayon dito sa Club-V. Si Alexa ay hiniram ni Mommy at isinamang mag shopping. Matapos niyang iligpit ang mga kahon ko sa closet ay humarap siya sa akin. May ibinato siya sa aking kung ano. I smiled when I saw the black underwear that I had stolen when I first took her V-card. She had been teasing me since she saw what I did with it and wouldn't let me hear the end of it. "Naughty daddy!" sigaw niya sa akin. Her red lips were grinning, and her eyes were twinkling with life. I embraced her as I looked at her smiling lovely face. Malaki na ang ipinagbago niya. Hindi na siya masyadong toyoin at suplada, motherhood suits her perfectly. Habang ako, tuloy pa rin ang gamutan ko. Tuwing wala akong trabaho ay sinasamahan niya ako sa clinic ni Dr. Jenny. I continue my therapy even if I am well. Madalas na rin kaming nag-uusap ni Minzi at lumalabas kasama ang mga kaibigan namin. Open na rin siya sa akin at lahat ng
"HOME SWEET HOME!"Finally, nakarating din kami sa Pampanga. Matapos ang mahabang byahe mula Masinloc to Pampanga, sa wakas, mauunat ko na rin ang mga binti ko. Si Alexa naman ay tulog at karga-karga ni Alexis upang dalhin na muna sa kuwarto.Napangiti ako nang makita ang kabuuan ng bahay. Halos isang buwan na kami dito at dumadalaw-dalaw na lang sa Olongapo at kung minsan ay sa probinsya. Ang hirap din talaga kapag iba-iba ang daan pauwi sa mga pamilya."Love, saan matutulog si Alexa-""Hoy! Pagpahingahin mo naman ang pechay ko!" sagot ko kay Alexis na kinakunot ng noo niya."Hey, I'm just asking..."Inirapan ko siya. Mukha lang siyang inosente pero barumbado sa kama. Aba, ilang gabi nang sagana sa dilig ang pechay ko at ilang gabi na rin niya akong inaararo."Sa kuwarto matutulog si Alexa ngayon..." sagot ko saka siya pinamaywangan. "Di mo ako makukuha sa painosente look mo, alam na alam ko ang tumatakbo sa isip mo Mr. Montemayor!"He smiled. Finally, I was able to see him smiling g
Nasa kuwarto kami ngayon ni Minzi, katabi ko siya sa kama habang magkayakap kaming dalawa. Wala akong tigil sa paghalik sa buhok niya at paghaplos sa makinis niyang mukha"Am I dreaming?" bulong ko sa kanya.Tumingala siya at umiling. "Gusto na kitang itali sa akin. You can tell me I'm crazy because I really am."Pakiramdam ko ay nag init ang aking pisngi dahil sa pamumula. Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya. “Uhm, a-anong pumasok sa isip mo?""That I love you and I don't want to lose you again," tapat na sagit niya naman. "Alexis, I love you." Napaubo ako at napalunok pa bago muling tumingin sa kanya. “What? Can you say that again?""Na mahal kita at ayaw na kitang mawala?"Muli akong naubo."Alexis, mahal kita."Napabangon na ako habang umuubo. Nag iinit na rin pati ang tainga ko. Nag-aalala namang napabangon din si Minzi para hagurin ang aking likuran. "Bakit? May sakit ka ba? Bawal ka pang mamatay, magpapakasal pa tayo sa simbahan, saka mahal na mahal kita."Mahina akong n
[ALEXIS POV]Nanliliit ang aking pakiramdam nang muli kong maalala ang mga nangyari. Dalawang taon mahigit na pero wala pa rin akong lakas ng loob na humarap kay Minzi matapos akong atakihin ng aking anxiety. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita at nag-uusap. Dalawang taon mahigit na, kumusta na kaya siya?Of all people who could see me at my weakest point, si Minzi pa. Ayaw kong makita niya ako sa ganoong sitwasyon. Ako ang lalaki, kaya ako dapat ang malakas. Pero noong araw na iyon... sobrang hina ko.Kaya bakit siya pa? Puwed namang iba na lang.Maski sina Cherry at Ace ay hindi ko gustong nakikita ako sa ganoong sitwasyon. Mas lalo ang ibang tao. Mas lalo si Minzi. Kahit sino pa man, walang may karapatang makita ako na ganoon kahina at kamiserable.Napakapit ako nang mariin sa mesa. I could no longer remember when was the last time I had a panic attack like that. It was so intense that it took twenty minutes before it ended. I thought I would never experience it again. Ku
MY MOM fell into depression. I had a talk with my Dad where he asked me to stay strong for our family, as I was the only one left for him to rely on. I didn't have the heart to tell him that I was already broken into pieces.Maraming nakakakompitensya si Dad Palo na sa ibang bansa kung Saan naroon ang kanyang mga negosyo. Negosyo na napalatagal niyang itinaguyod mag-isa since my Mom was still working in her parent's business. She can’t leave easily because that is their family's legacy. But Dad needs her help too at Montemayor Hotels and Restaurant and she cannot decide to say yes.Sa kalagitnaan ng problema sa pamilya ay hindi ko natiis na hindi puntahan si Minzi sa probinsya nila. Okay na sa akin magalit siya at itaboy niya ako, basta makita ko lang sana siya kahit sandali lang. Baka lang kahit paano umayos ang takbo ng isip ko, baka kahit paano maibsan ang sakit ng puso ko. Kaso sa ilang punta ko sa kanila ay wala siya. Hindi kami nagpapang-abot na dalawa.*****LUMIPAS ANG MGA LIN
YEARS LATER... I was now a businessman. Hindi ko alam kung paano ko naisalba ang lintek na algebra, geometry at lahat ng may kinalaman sa math. Hindi naman ako bobo, pero hindi rin sobrang talino. I hate math, pero ngayon iyon pala ang inportante sa negosyo.Baguhan lang ako sa business world kaya naman naiinis ako ngayon dahil hindi ko na-closed ang deal namin sa mga De Silva. I brought the Club-V, the place where my dear friend Cherry works, and almost got in trouble. Nasangkot kasi ang Club-V na pag mamay-ari dati ng isang sindigato. Ngayon ay legit at legal na ang dating bar lang na Club-V mula sa pangalan ko. I know it wasn't a good cost, but it wasn't bad either. Pagod na pagod ako at gusto ko na lang sana matulog. But then, my anxiety attacked again. Kahit ilang taon na ang lumipas simula noong ginahasa ako'y hindi pa rin mabura sa isip ko. Pabalik-balik lang at parang kahapon pang nangyari."Denise, please send me a woman right now," utos ko sa aking assistant. Gusto ko lang
SEEING HER AT FIRST...I took the jeepney to school and was already late. Daddy usually drives me, to Rotonda, where the school was located, but I still needed to deal with some stuff this morning and decided to have them go ahead of me. It wasn't the first I commuted to school, so it wasn't an issue.Marunong naman akong bumasa at simulat kaya okay lang sa akin ang mag-isang pumasok sa eskuwela.I was already familiar with Olongapo City a year after moving from Pampanga. This is where my mother hails from and where all her relatives reside. We lived in the house my parents bought in a newly constructed subdivision. Both of my parents were in business matters. Mommy worked in a construction company as a project manager that her family-owned. While Dad has his own company called Montemayor's Hotels and Restaurant. He was just starting but he was doing his best to be on top. And me... well, I was in 9th grade and a new student, but I've became popular when I was elected as the president
"BREATHE..."My heart was still racing. My chest was still in pain like it was being stabbed by a sharp knife. Seeing Alexis in this situation made my heart ache. Mas gugustuhin ko pang makita syang nagsusungit. Maangas. Galit. Hindi 'yong ganito. Nasasaktan akong makita na mas nasasaktan siya sa mga oras na ito."I was raped! I'm gonna fucking kill them!" Iyak pa rin siya ng iyak habang nanginginig ang katawan at paulit-ulit na isinisigaw ang nangyari sa kanya noon.Pinagsusuntok niya na rin ang armchair ng sofa pati na rin ang sarili niyang dibdib. Balewala naman sa akin kahit na pilit niya akong tinutulak palayo. Patuloy ko siyang niyayakap, hinahagod ang kanyang likod."Minzi, it hurts. It hurts so much!"Napahikbi ako. "I know, I know it's painful. I'm here. You're safe..." Gaano man kakalmado at kasuyo ng boses ko upang pagaanin ang pakiramdam niya'y hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak at gumaralgal. If I could just turn back the time, tutulungan ko siya. Gagawin ko ang lahat h
"TOTOO BA?"Nanginginig ang boses na tanong ko kay Alexis pag dating niya. Halos tatlong oras na akong nakatulala lang sa sala at hinihintay ang pag dating no Alexis. Ni hindi na ako nakakain. Hindi ko na rin nagawa pa ang maligo. Para akong naubusan ng lakas dahil sa mga pinagsasabi sa akin ni Sandra kanina."What are you talking about?" Nagtaas ako ng mukha at sinalubong ang nagtatakang mga mata ni Alexis. "Nagpunta rito si Sandra kanina..." Ang pagtataka sa mga mata niya ay napalitan ng pagkabiga. "And guess what she told me... she said you're a sex maniac."Itinaas niya ang isa niyang kamay, tanda na pinatatahimik niya ako. Pero hindi ako nagpatinag, kailangan kong masabi ang mga bumabagabag sa akin para naman kahit papaano ay mabawasan ang mga iniisip ko."You don't have to say something, all I want to hear is-""Do you really want to know the truth?" putol niya sa akin. "Do you want to hear a story? A nightmare story?" Hindi ako nakapag salita. Tila nag iba ang aura ni Alexis