Home / Fantasy / Ang Huling Alpana / *°•|KABANATA 3|•°*

Share

*°•|KABANATA 3|•°*

last update Huling Na-update: 2021-08-06 11:29:51

"So, 'yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong  sumalis sa mga singing contest?" Hindi na alam ni Phana kung paano pa makakaiwas sa mga katanungan ni Lily. Kanina pa ito simula nang magsimula ang klase.

"Hindi naman sa gano'n, kaya ko namang kontrolin 'yong boses ko nang hindi nakakatulog ang sino man na makarinig sa 'kin," paliwanag niya dito habang tinatanaw ang kahabaan ng kalsada. Dumidilim na at hindi pa rin sila nakakauwi.

"Ayon naman pala, edi sana sumali ka." Wala kay Lily ang kaniyang atensyon. Abala siya sa paghihintay ng masasakyan. Sigurado siyang nagtataka na ang tiyahin kung bakit hindi pa siya nakakauwi.

"Ang tagal naman ng mga sasakyan." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhay ang inis kay Lily. Bigla siya nitong kinalabit.

"Kanina ka pa diyan," biglag sabi nito.

"Lily, wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Kailangan na nating makauwi dahil kung hindi, maabutan tayo ng dilim dito sa daan." Tinitigan niya ito. Nakita ni Lily ang takot sa mukha ni Phana kaya agad na naagaw ni Phana ang atensyon nito.

"B-bakit? A-anong mangyayari?" Hindi niya gusto ang tanong nito. Habang tumatagal na magkasama sila ni Lily ay marami itong nalalaman tungkol sa kaniya. Hindi niya gustong umabot sa punto na pati ay madamay sa mga problema niya.

"Malapit nang magdilim... Lily hindi ko gusto ang pakiramdam ko ngayon, kanina pa ako kinakabahan." Kulang na lang ay manginig ang boses ni Phana habang sinsabi niya iyon kay Lily. Nagsisimula nang lamunin ng dilim ang buong paligid nila at kasabay niyon ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanilang mga balat.

"Tinatakot mo naman ako, Phana!" Agad itong napakapit sa kaniyang braso. Ramdam niya ang takot sa katawan ni Lily. Inilibot naman ni Phana ang kaniyang paningin at ramdam ang katahimikan. Saglit siyang nagtaka dahil imposibleng walang dumaan na mga sasakyan. Kahit dis-oras ng gabi, sigurado siyang marami pa rin ang mga sasakyan na dadaan.

Ayaw na niyang maulit pa kung anong nangyari noon. Hindi niya gusto ang dala ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat. May kakaibang hatid iyon.

"'wag kang matakot, 'andito ako." Minabuti ni Phana na hawakan sa braso si Lily para kahit paano ay kumalma ito. Naramdaman naman ni Lily ang mainit na kamay ni Phana kaya unti-unting humupa ang pangamba sa katawan nito.

Isang malakas na kulog ang kanilang narinig mula sa kalangitan. Tila nagbabadya iyon para sa malakas na ulan.

"Wala akong payong na dala," biglang sambit ni Lily. Hindi ito pinansin ni Phana dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa kaniyang dibdib.

Mula sa 'di kalayuan ay nakita nilang dalawa ang liwanag. Nagtaka si Phana kung saan galing iyon gayung sa pagkakaalam niya ay uulan ng malakas.

"Hi guys." Isang boses ang gumulat mula sa kanilang likuran. Muntik nang maitulak ni Phana si Lily dahil sa pagka-gulat.

"Diyos ko naman, Dylan!" Nakita ni Phana na halos mahawakan na ni Lily ang dibdib dahil sa gulat. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Phana ang pasimpleng pagpalo sa ni Lily sa braso ng lalaki.

"I'm sorry," natatawang sabi nito at saka siya binigyan ng kakaibang tingin. Nakaramdam si Phana ng pagkailang dahil sa panakaw-nakaw nitong tingin sa kaniya. Tumalikod siya sa dalawang nag-uusap at saka tiningnan ang kahabaan ng kalsada pero bigo pa rin siya na makahanap man lang ng sasakyan.

"Hindi kita nakita kanina," narinig niyang wika ni Lily.

"Na-late ako eh," mabilis na tugon nito sa kaibigan.

Nagulat si Phana nang maramdaman ang paghigpit ng hawak ni Lily sa kaniyang kamay at saka malakas na hinatak siya nito palapit sa kinatatayuan ng dalawa.

"Ah, 'eto nga pala si Phana... Phana Rodriguez," nakangiting pakilala ni Lily kay Dylan.

Hindi maintindihan ni Phana kung bakit ginawa iyon ni Lily samantalang wala naman siyang balak na kilalanin ito. Mula sa pagkalahawak ng kamay ni Lily sa kamay niya ay unti-unting nailipat ang kaniyang paningin kay Dylan na kasalukuyang nakatayo sa kaniyang harapan. Ngumiti ito nang mapagluhong nakatingin na siya dito.

"Hi! I'm Dylan Chen," wika nito sabay lahad ng kamay subalit nagtagal pa ng ilang segundo bago rumehistro sa kaniyang isipan na nakalahad na pala ang kamag nito sa kaniya. Nakatitig lamang siya sa mukha nito. Masasabi niyang isa ito sa may pinaka-magandang ngiti na nakita niya. Dahil sa hiya ay natataranta siyang bumalik sa katotohanan mula sa kaniyang imahinasyon. Kaagad niyang inabot ang kamay nito at saka pilit na ngumiti dito.

"Phana," pakilala naman niya dito.

"Okay, so pwede na ba tayong umuwi?" Nasa ganoon sitwasyon pa rin sila nang maagaw ang kanilang atensyon ni Lily. Naging dahilan iyon para bawiin niya ang kamay mula dito. Nakita niyang napakamot sa likod ng ulo si Dylan dahil sa hiya.

Kung pwede lang na batukan si Lily ay matagal nang ginawa ni Phana dahil hindi niya maiwasan na mainis sa mga nakakalokong tingin at ngiti nito sa kaniya. Alam na alam niya kung paano umandar ang utak nitong kaibigan niya kaya hindi na rin bago iyon sa kaniya.

"Mukhang kanina pa kayo dito," muli siyang napatingin kay Dylan dahil sa sinabi nito.

"Oo nga eh, nakakainis!" Huli  na nang mapagtanto niyang mula sa kaniyang bibig ang naging tugon sa sinabi ni Dylan. Hindi naman naiwasan ni Dylan at Lily ang mapatingin kay Phana dahil sa sinabi niya. nakaramdam na naman siya ng hiya sa mga oras na iyon.

Narinig naman niyang pasimpleng napa-hagikhik si Dylan at sinundan naman iyon ni Lily.

"Ihahatid ko na kayo," biglang saad nito sa kanila na ikinagulat naman nilang dalawa.

"Talaga?!" Hindi na nakasabay si Phana sa mabilis na tugon ni Lily. Nanatili na lang siyang tahimik at nagpapasalamat dahil sa wakas ay makakauwi na rin siya.

"Oo naman!" Masayang tugon nito kay Lily. Pasimple naman niya itong nginitian.

"Maraming salamat, Dylan," nahihiya niyang sabi. Ngumiti at saka mabilis na lumapit sa kaniya.

"You're welcome!" Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha nito.

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Mabilis siya nitong inakbayan at naging dahilan iyon para maidikit ang kaniyang katawan sa katawan nito. Naramdaman niya ang paninigas ng kaniyang katawan nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang tagiliran nito. Init ang lumatay sa kaniyang katawan dahil doon at dahil sa pagkagulat ay kaagad siyang kumawala mula dito at saka nagsalita.

"Umuwi na tayo," naiilang na sambit niya dito. Tila hindi naman nahalata ni Phana ang pagkalito sa mukha ni Dylan kaya pasimple siya nitong nginitian.

"Sure." Nagsimula na silang maglakad papunta sa sasakyan nito habang hindi maalis ang mapang-asar na tingin ni Lily kay Phana.

****

"So, anong tingin mo kay Dylan Chen?" Kahit nasa telepono ay napapaghalataan pa rin ni Phana ang kagalakan sa boses ni Lily.

Kasalukuyan siyang nasa ibabaw ng kaniyang higaan at binabasa ang ilan sa mga gawain bago simulang sagutan ang mga iyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Phana kung anong tinutukoy ng kaniyang kaibigan. Saglit siyang napaisip bago sagutin ang tanong nito.

"Mabait naman siya," walang kasiguraduhan niyang sagot kay Lily.

"'yon lang?!" hindi makapaniwalang tanong nito. Natawa naman siya sa reaksyon ng boses nito. Kung nasa harapan lang niya ang kaibigan ay sigurado siyang tatanungin na naman siya nito ng kung anu-ano.

"Alam mo Lily, marami tayong assignments!" natatawang kantiyaw niya dito na mas lalo namang ikinainis ni Lily.

"Makikita natin ulit si Dylan." Tila umurong ang kaniyang dila dahil sa sinabi ni Lily. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang kaniyang reaksyon.

"Mukha naman siyang mayaman, bakit siya mag-aaral sa public school?" Minabuti ni Phana na maging ganoon ang kaniyang tanong para hindi mahalata ng kaibigan ang kaniyang pagkailang nang banggitin nito ang pangalan ni Dylan.

"Kasi, laking probinsiya ang nanay ni Dylan at balita ko, nakapag asawa ang mama niya ng isang gwapo at mayamang instik kaya siguro gwapo si Dylan," pulidong saad ni Lily. Kahit anong bagay talaga na may kinalaman sa buhay ng ibang tao ay alam ng kaibigan ni Phana. Bilib na bilib siya kay Lily sa tuwing may ikwe-kwento ito.

"Bakit kayo magkakilala?" Biglang tanong niya dito. Kung pwede lang na tanggalan ng tainga si Lily ay kanina pa sana niya ginawa subalit huli na ang lahat. Nahulaan na niya ang susunod na sasabihin nito kaya inihanda na niya ang sarili.

"Bakit parang naging interesado ka 'ata kay Dylan?" natatawang tanong nito. Napamaang na lang siya sa sinabi nito. Likas talaga kay Lily ang manuri ng tao.

"Ha? Anong interesado? Nagtatanong lang naman," depensa naman niya sa sarili. Mabuti na lang at hindi niya ito kausap ng harapan dahil sigurado siyang aasarin siya nito.

"Sabi mo eh," natatawang saad nito pero halatang hindi naman ito naniniwala.

"Alam mo, asikasuhin mo na lang ang assignments mo diyan!" Biglang iba niya ng usapan. Mas mabuti nang hindi na niya palawigin pa ang usapan tungkol kay Dylan dahil sigurado si Phana na siya ang pupunteryahin ni Lily sa mga mapang-asar nitong banat.

"Tapos na ako," deretsong tugon naman nito sa kaniya. Himala na natapos ito kaagad sa takdang aralin. Magkaibigan sila ni Lily at alam na alam ni Phana kung paano kumilos ang kaibigan. Nakakapagtaka na tapos na agad ito samantalang nagsisimula pa lamang siyang gawin ang mga takdang aralin.

"Bago 'yan ah!" Pang-aasar niya dito. Saglit naman itong napahagikhik.

"Syempre, tinulungan ako kanina ni Dylan." Ramdam ni Phana ang pagmamalaki sa boses ni Lily.

"Tinulungan ka niya?" Tila hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ni Lily.

"Napapaghalataan ka na talaga," natatawang kantiyaw nito sa kaniya.

"'ayan ka na naman, Lily. Palagi mo akong inaasar sa mga sinasabi mong wala namang maayos na patutunguhan." Kunwari ay tumawa subalit hindi niya maikubli ang totoong kaba.

"Sige na, baka mapagalitan ka pa diyan ng magaling na Greg na 'yan." Alam na alam ni Lily kung ano ang ugali ni Greg dahil kinu-kwento niya ang dinaranas niya.

"Oo na," tugon naman niya dito at saka bahagyang tumawa. Marahan niyang pinatay ang linya at saka ibinaling ang atensyon sa kaniyang ginagawa.

Nasa kalagitnaan siya sa pagbabasa nang biglang kumalabog ang pinto. Deretsong tumama ang kaniyang paningin doon at laking gulat niya nang makita si Greg. Ramdam niya agad ang galit nito at kitang-kita iyon sa mukha nito.

"Anong oras na?! Hindi mo pa rin tinatapos ang assignments ko?! Wala si nanay dito, kaya umayos ka kung ayaw mong masaktan." Dinaig pa nito ang isang masamang taonsa kalye kung magbanta. Wala siyang ibang maisip kundi ang galit nito. Sigurado siyang hindi maganda ang mangyayari kapag wala pa siyang ginawa.

Kaagad siyang kumilos at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito.

"Kukunin ko na po sa kwarto niyo kuya," naiilang niyang sagot dito habang iniiwas niya ang kaniyang paningin mula kay Greg.

Akmang lalampasan na niya ito sa may pintuan nang mahigpit nitong hawakan ang kaniyang braso. Napapikit siya nang mariin dahil sa sakit ng pagkakahawak nito.

"Tinapos ko na," pabulong na sabi nito habang nakikita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang panggigigil nito. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sa pagkakahawak nito. Mabuti na lamang at tinanggal na nito ang kamay.

Subalit isang galawa ang ginawa nito na hindi niya inaasahan. Mabilis na naglandas ang mga kamay nito sa baba ng kaniyang dibdib at naramdaman niya ang palad nito sa kaniyang puson. Tumatagos ang init niyon sa kaniyang damit. Tila nawalan na ng lakas si Phana para gumawa ng kahit isang salita man lang.

"Kuya Greg ano pong ginagawa niyo–" Kaagad na tinakpan ni Greg ang bibig ni Phana at nagsimula na ngang kabugin ang dibdib ni Phana dahil sa takot. Aminado siyang malaki ang pangangatawan nito at marami na ring mga babae ang madalas na pumunta sa bahay nila dahil may gusto ang mga ito sa kaniyang kiya Greg.

"Hindi mo ba ako aasikasuhin?" Nagsitayo ang balahibo sa buong balat ni Phana dahil sa boses ni Greg. Kasalukuyan itong nasa kaniyang likod at ibinulong iyon sa kaniyang tainga. Sa sobrang lapit ng bibig nito sa kaniyang tainga ay parang nagbigay iyon ng kakaibang pangamba. Pinanatili niya ang kaniyang sarili na kalmado at hindi isipin kung ano ang gagawin nito.

"Kuya Greg, aayusin ko na po ang mga gamit niyo para bukas–"

"Shhh... Ang gusto ko, ako ang aasikasuhin mo." Nagulat siya nang mabilis nitong nahawakan ang kaniyang kamay at agad siyang iniharap dito. Parang napaso ang kaniyang palad dahil paglagay nito ng kamay niya sa loob ng damit ni Greg at naging dahilan iyon para mahawak niya ang katawan nito. Hindi maitanggi ng isipan ni Phana ang mainit na katawan nito.

"K-kuya Greg, m-may lakad pa po ako," saad niya dito habang hindi tumitingin dito.

"Anong gagawin mo sa labas? Dis-oras na ng gabi." Napangisi ito sa sinabi at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi uuwi si nanay. Matagal tagal ko na rin itong gustong gawin." Nakaramdam ng panginginig si Phana sa mga sandaling iyon. Alam niyang takot ang nararamdaman niya at kung ano man ang balak nito ay nakahanda siyang pigilan ito.

Nagitla siya nang kabigin nito ang katawan niya palapit sa katawan nito. Literal na namilog ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ni Greg. Ramdam ni Phana ang kabuuan nito at ang kaigasan ng katawan nito. Dahil mas mataas ito sa kaniya ay awtomatikong napatingala siya sa mukha nito at nalilitong tinitigan niya ito.

"Sobrang nipis ng suot mong shorts at sando, sinasadya mo ba talagang tamaan ako sa 'yo?" Sabi nito sa mapang-akit na boses nito.

Inilapit nito ang mukha at walang anu ano'y kaagad siya nitong hinalikan. Parang sinasalo nito ang bawat hangin na dumadaan sa kaniyang bibig at nagiging dahilan iyon para mawalan siya ng hininga. Huli na nang mapagtanto ni Phana na manipis nga ang putot na sinuot niya at gayun din ang kaniyang sando.

Nagsimula siyang magpumiglas pero hindi niya malabanan si Greg. Ang isang kamay nito ay nasa ilalim ng kaniyang bibig at sinasadyang tulungan na mas maibuka niya ang kaniyang bibig.

Ginamit niya ang buong lakas para pigilan ito. Iniisip niya kung paano siya makakakanta para makatulog ito at maitigil ang ginagawa.

"Kuya Greg! 'wag po! Itigil niyo po 'to!" Dahil sa matinding takot ay hindi na napigilan ni Phana ang mapasigaw.

Naging masama ang tingin nito habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa katawan niya. Napatingin ito sa ibaba ng kanilang katawan at saka ngumisi. Napalitan ng nakakalitong ngiti ang mukha nito.

Ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito nang marahas na naman siya nitong siilin ng halik hanggang sa umangat ang kaniyang paa at mapansing karga na siya nito. Pinipilit na ilayo ni Phana ang sarili pero habang tumatagal ay mas lalo lamang iyong humihigpit. Pinipilit niyang iiwas ang mukha sa mukha nito pero sa sobrang agresibo nito ay mas lalo lang lumalalim ang ginagawang paghalik nito.

Nakaramdam siya ng hangin nang sandaling pakawalan nito ang kaniyang bibig. Ramd rin niya ang hapdi sa kaniyang bibig dahil sa marahas nitong mga halik. Nagulat na lamang siya nang pabagsak siya nitong inihiga sa kama.

Nakita niya si Greg na mabilis ang kilos sa pagtanggal ng damit at ng sinturon sa pantalon nito. Ang buong katawan ni Phana ay naghuhumindik dahil sa nakikita. Nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi niya inaasahan ang ganitong bagay sa kaniyang buhay.

Nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa kaniyang mga namumuong luha sa mata ngunit hindi nawala ang kaniyang paningin kay Greg. Isang saplot pang-loob na lamang ang suot nito. At kitang kita ng kaniyang mga mata ang buong katawan ni Greg.

Mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang magkabilang paa at saka mabilis na hinatak palapit sa dito.

Halos piksiin na nito ang kaniyang damit para lang mahubad. Sa pagkakataong iyon ay tiwala walang kapangyarihan ang lumalabas sa kaniyang katawan. Tanging sama ng loob at lungkot lamang ang kaniyang nararamdaman.

Natanggal na nga nito ang kaniyang damit at tanging pang-loob na lamang niya ang natira. Walang anu ano itong dumagan sa kaniya. Ramdam niya ang bigat nito.

"Kuya Greg p–" Kahit ang pagsigaw niya ay nakaya nitong pigilan. Nawawalan na siya ng lakas para labanan ito. Isang panalangin na lamang niya ay may kung anong lakas ang mangibabaw sa kaniya para mapigilan niya ito.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 4|•°*

    "Kuya 'wag niyo naman po itong gawin sa 'kin," nanginginig na sabi ni Phana. Tila ang lahat ng takot sa katawan niya ay napunta sa mukha niya. Kitang-kita niya kung paano siya nito pwersahin at nagiging dahilan ang bawat galaw nito para kapusin siya ng hangin sa paghinga."Mabilis lang ito." Narinig ni Phana ang pagbulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam niya ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang balat hanggang sa bumaba na nga iyon papunta sa kaniyang leeg at doon na nga isinubsob ang mukha nito. Napapaluha siya habang nakapikit ang mga mata.Tinutulak niya pa rin ito ngunit hindi pa rin niya ito magawang mailayo. Sadyang may kung ano sa pagkatao nito na nagpapahina sa kaniya."Tulungan niyo ako!" sigaw niya habang ramdam niya pa rin ang bigat ng katawan ni Greg sa kaniyang ibabaw. Mabilis ang naging kilos ni Greg at kaagad din naman na natakpan ang kaniyang bibig."Tumahimik ka!" Nang sandaling sabihi

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 5|•°*

    "Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip. "Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg. "Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • Ang Huling Alpana   *°•|MENSAHE NG MAY-AKDA|•°*

    Narito na naman po ang iyong lingkod na si RyanRayl!😅💗 Maraming maraming salamat dahil sa wakas ay nakapag sulat na naman ako ng isang bagong istorya na siguradong maghahatid sa inyo ng inspirasyon❤️ gusto kong pasalamatan ang panginoon dahil patuloy niya akong binibityan ng lakas para ipagpatuloy itong aking pagsusulat. Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan dahil malaki ang ambag nila sa akin para mabigyan ako ng magagandang inspirasyon para sa istoryang ito💗 higit sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil binabasa mo ito❤️ sana ay magbigay ito ng aral at madagdagan ang inspirasyon mo sa iyong buhay💗 salamaaaat❤️😇

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • Ang Huling Alpana   *°•|MGA PAALALA|•°*

    Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • Ang Huling Alpana   *°•|PROLOGUE|•°*

    Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan. Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa. "Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag. "Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 1|•°*

    Bukod sa gawaing bahay ay marami ring kayang gawin si Phana pero ang lahat ng kakayahan niya ay limitado dahil nababaling ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at paninilbihan sa kaniyang tiyahin. Kaunting oras na lang ay matatapos na si Phana sa gawaing bahay. Sunod niyang tatapusin ay ang kaniyang mga takdang aralin. Nasa kolehiyo na si Phana at pinapangarap na maging isang guro. Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pag abandona ng kaniyang mga magulang sa kaniya, naging kalbaryo niya araw araw ang mabibigat na gawain sa kaniyang tiyahin. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi nawawala ang suporta nito sa kaniyang pag-aaral. Iyon na lang din ang minimithi niya sa buhay. "Huy, Phana! Punasan mo nga 'tong sapatos ko! Ang kupad-kupad mo!" Halos lumipad na ang sandok mula sa kamay ni Phana dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa pananghalian at sadyang nahihirapan na siya dahil mayroon pang nakatambak na mga gawain

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 2|•°*

    "Sigurado ka bang, hindi ka sasali?" Ilang ulit na tinatanong ni Lily kay Phana kung sasali siya sa singing contest. Ilang ulit na rin na tumatanggi si Phana. Kahit na alam niyang marunong siyang kumanta, hindi sumagi sa isipan niya na sumali sa kahit na anong uri ng mga patimpalak. Lalong-lalo na sa pagkanta. "Marunong lang ako kumanta." Magdadahilan pa sana siya nang kaagad naman itong magsalita at sinadyang takpan ang kaniyang bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid aralan at tahimik na nakikinig ng radio clip. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil nabalitaan niyang may pagpupulong ang mga guro. "Shhh!! Hindi ka lang marunong, magaling ka! Tandaan mo, magaling ka!" Nakita ni Phana kung paano siya nito ipagmalaki. Kahit kailan ay hindi niya iyon naramdaman sa sarili. Masaya na si Phana na kumanta sa isang araw ngunit ang sumali sa isang patimpalak ay parang kalabisan sa kaniya. "Ano ba, Lily! Kahit na ano pang sabihin mo, wala ring mangyayari!" Angal ni

    Huling Na-update : 2021-08-06

Pinakabagong kabanata

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 5|•°*

    "Aba'y gago naman pala 'yang kuya Greg mo!" halos maisigaw na ni Lily. Kitang-kita ni Phana kung paano tumaas at bumaba ang kilay nito dahil sa sobrang galit at panggagalaiti. Ilang araw na rin ang lumipas at kahit sa mga araw na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang mga nangyari. Sadyang binabagabag siya ng kaniyang isip. "Hayaan mo na, Lily," malumanay na saad niya dito ngunit tila hindi naman natinag ang galit sa mukha nito. Ngayon lang din naisipan ni Phana na sabihin kay Lily ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Anong hayaan?! Phana, pinagsamantalahan ka niya!" sigaw nito na siya namang ikinabahala niya dahil baka marinig sila ng nanay nito na nasa baba lamang ng kwarto ni Lily. Napabuntong hininga na lamang siya dahil may pagkakamali rin siya sa mga oras na may nangyayari sa kanila ni Greg. "Inawat ko siya, Lily. Pero hindi ko akalain na ang lahat ng sama ng loob ko ay unti-unting nawawala sa simula

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 4|•°*

    "Kuya 'wag niyo naman po itong gawin sa 'kin," nanginginig na sabi ni Phana. Tila ang lahat ng takot sa katawan niya ay napunta sa mukha niya. Kitang-kita niya kung paano siya nito pwersahin at nagiging dahilan ang bawat galaw nito para kapusin siya ng hangin sa paghinga."Mabilis lang ito." Narinig ni Phana ang pagbulong nito sa kaniyang tainga. Ramdam niya ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang balat hanggang sa bumaba na nga iyon papunta sa kaniyang leeg at doon na nga isinubsob ang mukha nito. Napapaluha siya habang nakapikit ang mga mata.Tinutulak niya pa rin ito ngunit hindi pa rin niya ito magawang mailayo. Sadyang may kung ano sa pagkatao nito na nagpapahina sa kaniya."Tulungan niyo ako!" sigaw niya habang ramdam niya pa rin ang bigat ng katawan ni Greg sa kaniyang ibabaw. Mabilis ang naging kilos ni Greg at kaagad din naman na natakpan ang kaniyang bibig."Tumahimik ka!" Nang sandaling sabihi

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 3|•°*

    "So, 'yon ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumalis sa mga singing contest?" Hindi na alam ni Phana kung paano pa makakaiwas sa mga katanungan ni Lily. Kanina pa ito simula nang magsimula ang klase. "Hindi naman sa gano'n, kaya ko namang kontrolin 'yong boses ko nang hindi nakakatulog ang sino man na makarinig sa 'kin," paliwanag niya dito habang tinatanaw ang kahabaan ng kalsada. Dumidilim na at hindi pa rin sila nakakauwi. "Ayon naman pala, edi sana sumali ka." Wala kay Lily ang kaniyang atensyon. Abala siya sa paghihintay ng masasakyan. Sigurado siyang nagtataka na ang tiyahin kung bakit hindi pa siya nakakauwi. "Ang tagal naman ng mga sasakyan." Dahil sa sinabi niya ay tila nabuhay ang inis kay Lily. Bigla siya nitong kinalabit. "Kanina ka pa diyan," biglag sabi nito. "Lily, wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Kailangan na nating makauw

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 2|•°*

    "Sigurado ka bang, hindi ka sasali?" Ilang ulit na tinatanong ni Lily kay Phana kung sasali siya sa singing contest. Ilang ulit na rin na tumatanggi si Phana. Kahit na alam niyang marunong siyang kumanta, hindi sumagi sa isipan niya na sumali sa kahit na anong uri ng mga patimpalak. Lalong-lalo na sa pagkanta. "Marunong lang ako kumanta." Magdadahilan pa sana siya nang kaagad naman itong magsalita at sinadyang takpan ang kaniyang bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid aralan at tahimik na nakikinig ng radio clip. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil nabalitaan niyang may pagpupulong ang mga guro. "Shhh!! Hindi ka lang marunong, magaling ka! Tandaan mo, magaling ka!" Nakita ni Phana kung paano siya nito ipagmalaki. Kahit kailan ay hindi niya iyon naramdaman sa sarili. Masaya na si Phana na kumanta sa isang araw ngunit ang sumali sa isang patimpalak ay parang kalabisan sa kaniya. "Ano ba, Lily! Kahit na ano pang sabihin mo, wala ring mangyayari!" Angal ni

  • Ang Huling Alpana   *°•|KABANATA 1|•°*

    Bukod sa gawaing bahay ay marami ring kayang gawin si Phana pero ang lahat ng kakayahan niya ay limitado dahil nababaling ang kaniyang oras sa pagtatrabaho at paninilbihan sa kaniyang tiyahin. Kaunting oras na lang ay matatapos na si Phana sa gawaing bahay. Sunod niyang tatapusin ay ang kaniyang mga takdang aralin. Nasa kolehiyo na si Phana at pinapangarap na maging isang guro. Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pag abandona ng kaniyang mga magulang sa kaniya, naging kalbaryo niya araw araw ang mabibigat na gawain sa kaniyang tiyahin. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi nawawala ang suporta nito sa kaniyang pag-aaral. Iyon na lang din ang minimithi niya sa buhay. "Huy, Phana! Punasan mo nga 'tong sapatos ko! Ang kupad-kupad mo!" Halos lumipad na ang sandok mula sa kamay ni Phana dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa pananghalian at sadyang nahihirapan na siya dahil mayroon pang nakatambak na mga gawain

  • Ang Huling Alpana   *°•|PROLOGUE|•°*

    Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan. Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa. "Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag. "Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang

  • Ang Huling Alpana   *°•|MGA PAALALA|•°*

    Walang bahagi sa istorya o sa librong ito ang maaaring mailipat sa anumang anyo at paraan. De kuryente o gawa sa makina, kasama na ang pagngongopya, pagtatala, o anumang impormasyon tungkol dito ay maiging binigyan ng seguridad. Ang pangongopya ay itinuturing pamamlahiya o pagnanakaw.Ang istoryang ito ay purong gawa lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakapareho ng tagpuan, tauhan, panahon, at oras ay hindi sinasadya ng may-akda.Ang mga bahagi sa kuwentong ito ay napapalooban ng sekswal at iba pang maramdaming eksena, kung kaya't kinakailangan na ang mambabasa ay tasado sa gulang na labing-walo pataas.Ibinabahagi ng may-akda na ang istoryang ito ay may kinalaman sa komunidad ng LGBTQ+. Kung hindi ito ang iyong tipo na basahin ay maaari kang humanap ng ibang babasahin na naaayon sa iyong interes.Kung mayroong tanong at kung gusto niyo laging ma update sa akin, narito ang aking fb account: Ryan RaylMaraming salamat!😇

  • Ang Huling Alpana   *°•|MENSAHE NG MAY-AKDA|•°*

    Narito na naman po ang iyong lingkod na si RyanRayl!😅💗 Maraming maraming salamat dahil sa wakas ay nakapag sulat na naman ako ng isang bagong istorya na siguradong maghahatid sa inyo ng inspirasyon❤️ gusto kong pasalamatan ang panginoon dahil patuloy niya akong binibityan ng lakas para ipagpatuloy itong aking pagsusulat. Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya at mga kaibigan dahil malaki ang ambag nila sa akin para mabigyan ako ng magagandang inspirasyon para sa istoryang ito💗 higit sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil binabasa mo ito❤️ sana ay magbigay ito ng aral at madagdagan ang inspirasyon mo sa iyong buhay💗 salamaaaat❤️😇

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status