"Isabel Vergara, sigurado ka bang maayos ka lang?"
Kunot na kunot ang noo habang matamang naka titig sa kanyang tanong ni Carl, ang kanyang best friend. Nag pilit naman ng ngiti si Izzy saka mabilis na tumango "Oo naman ano, bakit naman hindi ako magiging maayos?" "Aba, Izzy. Tumitingin ka man lang ba sa salamin? Nakikita mo pa ba ang sarili mo? Aba mukha ka nang bangkay sa sobrang putla mo." Naka ngusong sabi pa ni Carl na siya niya namang ikinatawa. "Grabe, bangkay naman agad? Maayos lang talaga ako, promise! Siya nga pala, maraming salamat sa palibreng kape ah? Kaya talaga ikaw ang favorite kong best friend." Ngising asong biro niya kay Carl, napa irap naman ang binata bago itinulak palapit sa kanya ang platitong may lamang muffins. "Nang uto ka pa, para namang may iba ka pang best friend bukod sa akin, eh ako lang naman ang nag tya-tyaga sa katigasan ng ulo mo." Agad napa nguso si Izzy sa kasungitan ng kaibigan, ganun pa man ay tinangap niya pa rin ang meryendang inilapit nito sa kanya. Pasado alas 3 pa lamang ng hapon at kasalukuyan silang nasa coffee shop na kanyang pinapasukan bilang waitress, mabuti na lamang at break time niya nang dumating si Carl. "Ang sungit mo yata ngayon, may regla ka ba?" "Mag tigil ka nga, Izzy. Nakikita mong lalaking-lalaki ako mag tatanong ka ng ganyan, isa pa hindi ako masungit, aba kahiyt sinong malapit sa iyo yata ang makitang ganyan ang itsura mo ay mag iinit ang ulo." Naka simangot pa ring sabi nito. "Aray ha, kapag galing sa iyo parang ang labas eh ang pangit-pangit ko." Sabi niya saka ito inismiran. "Hindi ko sinasabing pangit ka, Izzy. ang akin lang naman mukha ka nang wala nang dugo sa putla, nag papahinga ka pa ba? Masyado kang subsob sa trabaho at pag aaral, sa edad mong bente-dos mukha ka nang trenta anyos at Pamilyado." Sermon pa ni Carl, nag pilit naman ng ngiti si Izzy. "Kailangan eh, tsaka nakakapag pahinga pa naman ako ah? Pagka tapos ng trabaho. Siya nga pala, baka naman may alam kang tangapan oh, pwede mo akong samahan?" Biglang tanong ni Izzy na siya namang ikinasimangot lalo ni Carl. "Eh may sasakyan ka kasi, malaki ang matitipid ko sa pamasahe." Hindi makapal ang mukha niya, sadyang kailangan lamang at sugurado naman siyang sanay na doon si Carl. Halos pitong taon na silang mag best friend ng binata, ang pagkakaiba nga lang ay laking mayaman ito at siya naman ay laking ikwater. "Izzy, may dalawa ka pang trabaho, pagka tapos nito may pasok ka pa hanggang mamayang alas dos ng madaling araw at may pasok sa ikwela ng alas sais ng umaga, balak mo bang mamahinga na ng tuluyan?" Masama ang tinging tanong sa kanya ni Carl. "Carl, alam kong nakakapagod, ako ang nag ta-trabaho eh, at alam mo rin kung gaano ko ka kailangan ito, kung pwede nga lang huwag nang mag pahinga eh." Pilit ang ngiting sabi ni Izzy, napa iling naman ang binata. "Alam ko, your mother is sick and needed an expensive medications, kaya lang ang akin lang sana naman huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo, sa pag papagod mo ng sobra baka ikaw naman ang magka sakit, you need to take a break, Izzy." Mapait na napangiti si Izzy nang marinig ang katotohanang iyon mula kay Carl. May sakit na cancer ang kanyang mahal na ina, alam niyang sa ginagawa niyang walang tigil sa pag kayod at wala na halos pahinga, baka mas mauna pa siya sa nanay niya. Marahas na napa buntong-hininga si Izzy bago muling nag pilit ng ngiti "Kaya ko, Carl... kaya ko pa kahit sobrang nakaka pagod na... hangga't kaya ko pa, hindi ako titigil ilaban ang buhay ni nanay. Kahit ano gagawin ko, madugtungan lamang iyon ng kahit kaunting panahon pa Carl." Seryosong sabi ni Izzy saka lakas-loob na sinalubong ng tingin ang nag aalalang kaibigan -- "Izzy, pinapatawag ka ni sir Pete sa opisina." Agad natigil sa pag pupunas ng lamesa si Izzy nang marinig ang sinabi ng katrabaho, kasabay niyon ang tila hindi maipaliwanag na kaba. "H-hindi naman siguro ako tatangalin sa trabaho hindi ba?" Wala sa sariling tanong ni Izzy. Marami siyang kailangan ngayon, at hindi doon kasama ang mawalan ng trabaho. Kulang na kulang pa nga ang kinikita niya sa dalawa niyang part time jobs para masuportahan ang ina. "Uyy ano ka ba, baka my importante lang na sasabihin sa iyo, huwag ka ngang mag isip ng kung ano, siya puntahan mo na at nag hihintay iyon." Naka ngiting sabi ni Chris, mabilis naman siyang kumilos. Nag da-dalawang isip si Izzy kung kakatok ba siya sa pinto ng opisina ng boss o ano, hindi pa rin kasi mawala ang kaba niya. Kanina pa rin siyang nag iisip kung may nagawa ba siyang masama o pumalpak ba siya sa trabaho ngunit wala. Malakas siyang napa buntong-hininga bago lakas-loob na kumatok. "Come in." Rinig niyang boses mula sa loob bago niya pinihit ang siradura. "P-pinapatawag niyo raw po ako sir? M-may problema ho ba?" Bakas ang pag aalala sa tinig na tanong ni Izzy, ngumiti naman sa kanya ang may katandaan nang boss, saka lamang siya naka hinga ng maluwag nang umiling ito. "Walang problema, mayroon ka lamang tawag dito, tingin ko masyadong importante dahil dito pa sa opisina mismo tumawag, kailangan mong tawagan pabalik." Naka ngiti pa ring sabi ng boss bago iabot sa kanya ang telepono. Ito pa mismo ang pumindot ng kung ano roon, agad siyang natahimik nang marinig iyong mag ring. "Hello? Izzy ikaw ba ito?" Pakiramdam ni Izzy ay kakawala sa dibdib ang kanyang puso nang ang boses ng tiyong Oscar niya ang marinig mula sa kabilang linya. "A-ako nga tiyong, may problema po ba? kamusta po si nanay?" "Iyon na nga, Izzy. Sinugod na namin sa ospital ang nanay mo." "Saang ospital, tiyong papunta na ho ako." Pigil ang luhang tanong ni Izzy, hindi na rin siya nag aksaya pa ng panahong sumagot nang sabihin nito kung saang ospital dinala ang ina. Mabuti na lamang ay agad ring pumayag ang kanyang boss na paalis siya. -- Lakad-takbo na ang ginawa ni Izzy makapag hanap lamang ng daraang jeep, tila wala na rin siyang pakealan pa sa dinaraanan sa labis na pagmamadali, malakas na lamang siyang napasigaw nang may isang magarang sasakyan ang bumusina sa likod niya, hindi na rin niya nagawa pang umiwas nang tumama ang bumper niyon sa kanyang balakang dahilan upang mapasalampak siya sa kalsada. "A-aray..." Mahina niyang daing bago pinilit ang sariling tumayo, ngunit hindi pa man ay nakita niya nang lumabas ang bag mamaneho ng magarang sasakyang naka bundol. sa kanya. "F#ck, are you okay? Why the hell aren't you watching where you're going? You are in the middle of the damn road miss!" Bakas ang galit sa tinig na sabi ng lalaking sa tantsa niya ay nasa edad trenta pataas, naka suot ito ng kulay itim na tuxedo, itsura pa lamang ay mukha nang mataman idagdag pang gwapo ito. "P-pasenya na ho, nag mamadali lang... alam kong ako ang may kasalanan, ayos lang po ako-" "Well then get the fuck up already, Ill be late on my mee-are you sure you are okay?" Mula sa masungit na itsura ng lalaki ay agad iyong napalitan ng pag aala nang makita nito kung paano siyang nahirapang tumayo, naka ngiwi pa siya dahil sa sakit, mayamaya pa ay nagulat na lamang siyaa at natameme nang lapitan siya nito at maingat na binuhat. "No you are not okay, and I am sorry miss, I need to take you to the hospital." Maotoridad na sabi nito saka walang pakealam na isinakay siya sa sasakyan. "H-hindi na ho kailangan, p-pero pwede niyo po ba akong ihatid sa ospital, nag mamadali po kasi ako." Nakangiwi pa ring sabi ni Izzy, sandali pang napatitig sa kanya ang gwapong lalaki bago nag salita. "Well if you insist, which hospital?" Agad binangit ni Izzy ang pangalan ng ospital kung nasaan ang ina, wala namang naging sagot pa ang lalaki, sa halip ay tumango na lamang bago nag madaling sumakay at pinaandar ang sasakyan. -- "My name is Seth Santiago. Pasensya na rin dahil nabanga kita. Nag mamadali rin kasi ako, I didn't mean to be rude too, I forgot to check if you were hurt, and sure you were, are you sure you don't want to be treated?" Seryosong sabi nito habang sa kalsada nka tingin, napa angat naman ng ulo si Izzy saka marahang umiling. "A-ayos lang po ako, hindi na po kailangan ng doctor, ako po si Izzi Vergara." Pagpapakilala ni Izzy, nakita niya kung paanong natigilan ang lalaki at agad na npa tingin sa kanya. "K-kilala niyo po ba ako?" Wala sa sariling tanong niya. "No, are you famous?" Walang ganang sagot nito bago nag bawi ng tingin. "H-hindi ho, parang kung tumingin ho kasi kyo eh parang alam niyo na dati pa ang pangalan ko." Nahihiyang sabi ni Izzy saka muling napangiwi nang sandaling kumirot ang kanyang tagiliran. "No, I do not know you." Iyon lamang ang sabi nito saka natahimik. Ilang minuto lamang ay nakarating rin sila sa ospital, nag mamadaling binuksan ni Izzy ang pinto ng sasakyan saka napa titig sa lalaki nang malamang naka lock iyon. "You have a patient here or something?" Tanong nito, marahan namang tumango si Izzy bilang sagot, saka nangunot ang noo nang walang sabing abutan siya nito ng isang maliit na papel. "A-ano ho ito?" Nakita ni Izzy ang sandaling pag tagis ng bagang nito bago siya matamang tinitigan. Uri ng titig na pakiramdam niya ay hindi niya kayang tagalan, mabilis siyang nag iwas ng tingin sa lalaki. "That is my calling card, since you do not want to be treated, just call me anytime if you need anything." Walang reaksyong sabi nito, napa tango lamang naman si Izzy saka napa tanga sa sunod na sinabi nito. "It's nice to 'finally' meet you, Izzy Vergara. See you around."“Tiyong, kamusta raw ho ang lagay ni nanay? May doctor na ho ba kayong nakausap? May nag aasikaso na ho ba sa kanya?”Sunod-sunod na tanong ni Izzy sa kanyang tiyo Oscar, nakababatang kapatid ng kanyang ina nang maabutan niya itong naka tayo sa tapat ng pinto ng ward ng ospital kung nasaan ang ina.“Wala pa ring sinasabi ang mga doctor, Izzy. Naroon pa rin sila sa loob at nilalapatan ng lunas si mama mo-“Hindi na pinatapos pa ni Izzy ang sasabihin ng tiyohin, sa halip ay nag mamadali na lamang siyang pumasok sana sa loob ng silid, ngunit hindi pa man ay mabilis na siyang pinigilan ng kanyang tiyong Oscar.“Alam mong bawal tayo sa loob, Izzy. Dating gawi hindi ba? Dito lang tayo sa labas mag hihintay.”Malumanay ang tinig na paalala nito sa kanya, nanlulumo namang napaupo na lamang si Izzy sa marmol na sahig ng ospital.“M-magiging maayos naman si nanay ‘diba tiyong?”Maluha-luhang tanong ni Izzy, nag pilit naman ng ngiti ang tiyohin bago sumagot.“Oo naman, Izzy...Tiyak kong magigin
Halos maihi na si Izzy sa kaba habang naka upo at nag hihintay sa loob ng taxi na kanyang sinakyan, kanina pa rin siyang naka titig sa mensaheng mula kay Seth Santiago na halos masaulo niya na yata bawat letra sa ilang ulit niyang pag babasa.“K-kuya, malayo pa ho ba tayo?”Tanong ni Izzy sa taxi driver, sandali siyang napangiwi nang marinig itong mapa buntong hininga, hindi naman ito masisisi ni Izzy, wala pa yatang dalawang minuto ay mag tatanong nanaman siya ng kaparehong tanong.“Limang minuto na lamang ho ma’am, traffic ho kasi kaya medyo matagal ang biyahe, mukha hong masyadong importante at mahalagang tao ang pupuntahan niyo ngayon.”Lalo pang napa ngiwi si Izzie dahil sa katabilan ng driver, dahil na rin marahil sa labis na kaba ay hindi niya na rin naiwasan pa ang maging masungit, matalalim niya itong inirapan dahilan upang agad itong mag bawi ng tingin.“Hindi naman ho kayo tsismoso niyan manong?”“Eh pasensya na ho, hindi ko ho kasi mapigilang mag tanong, sa itsura niyo ho
“Take off your clothes.”Pakiramdam ni Izzy, maging ang kanyang puso ay umangat na rin sa kanyang lalamunan dahil sa matindin kaba nang marinig ang sinabi ng lalaki.“P-po?”Halos pa bulong niyang sabi sabay nag iwas ng tingin matapos makita kung paano nitong nakuyom ang kamao habang mataman siyang tinititigan.“Are you deaf?”Walang imosyong sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang malagkit nitong tingin sa kanya.Hindi naman malaman ni Izzy kung paano pang pag iiwas ang gagawin, kahit pa halos hindi na siya maka hinga sa labis na kaba ay wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang lakas-loob na lamang ding salubungin ang mga mata nito.“I said bingi ka ba?”Ulit nito sa mas malakas na tinig dahilan upang mapa lunok si Izzy“H-hindi naman po…”“Hindi ka bingi… So bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ginagawa ang inutos ko sa iyo?”Seryoso at mariing sabi nanaman nito.Nanginginig ang buong kalamnan maging ang mga kamay na dahan-dahang kumilos si Izzy, gustuhin niya mang iwasa
Pakiramdam ni Izzy ay tila siya pinag suklubang ng langit at lupa habang bigong nag lalakad palabas ng building ng condo ni Seth Santiago.Wala sa sarili, namumula ang mga mata at lumong-lumo habang nag iisip ng iba pang paraan.Basta Izzy ha? Kapag kailangan mo ng tulong pinansyal, kahit ano pa iyan basta’t abot ng kakayahan ko, huwag kang mahihiyang lumapit.Mapait na napangiti si Izzy nang mula sa likod ng kanyang isipan ay narinig niya nag nag aalalang tinig na iyon ni Carl, ang kanyang best friend.Gustohin niya mang humingi ng tulong sa binata pakiramdam ni Izzy ay wala na siyang karapatan. Sa dami ba naman ng naitulong nito sa kanilang mag ina kulang na nga lang ay lamunin ng siya ng labis na hiya dito.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa wakas ay marating niya ang kalsada, sa kabila ng usok na mula sa mga sasakyan, polusyon ng ka Maynilaan hindi niya pa rin mapigi ang sariling hindi maka hinga ng maluwag, mukha kasing mas masarap pang langhapin ang hangin na puno ng
Pakiramdam ni Izzy ay kulang na lamang ay mag dugo na ang sariling mga labi dahil sa diin ng pag kagat niya doon.Ang dahilan?Hindi niya malaman kung anong dapat na isagot sa tanong na iyon ng kanyang best friend.Did you do something illegal?Ilegal na nga bang masasabi ang ginawa niya? Sa laki ng halagang nakuha niya mula kay Seth Santiago na kusa naman nitong ibinigay matapos siya nitong palayasin sa mala palasyo nitong bahay noong nakaraan ay hindi niya alam.Ni hindi niya nga rin malaman kung utang ba iyong maituturing gayong alam na alam niya kung ano ang hihingin nitong kabayaran kung sakali.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa pag angat ng kanyang tingin ay nasalubong niya agad ang nanunukat na mga mata ni Carl.“Don’t try to look away again, it will only convince me that you did something bad, so bad and its making me worry, Isabel.”Puno ng ka seryosohan ang tinig na sabi ng kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kanya.Wala sa sarili namang
Shit…Tahimik na pag mumura ni Izzy matapos mabasa ang maikling text message na iyon na pinadala ng lalaking bagaman at tinulungan ang kanyang ina ay alam niya pa rin masama ang ugali.Seth Santiago…Sa lahat naman ng araw bakit ngayon pa nito naisipang ayain siyang mag ‘lunch’ sa bahay nito? Ngayon pa kung kailan wala siyang maidadahilan sa mga kasama.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy sabay inilipat ang tingin sa naka ngiting ina.Gumanti naman siya ng ngito dito bago dahan-dahan itong nilapitan habang pasimpleng ibinubulsa ang kanyang cell phone.“May problema ba, anak?”Bakas pa rin ang pang hihina sa boses n tanong ng ina.“W-wala ho nay… M-maayos na po ba ang pakiramdam niyo?”“Medyo maayos na, masakit lang ng kaunti ang sugat ko pero maayos naman na ang pag hinga ko…”“M-mabuti naman po kung ganoon, hayaan niiyo, pag labas mo po dito, sigurado akong wala ka ang daramdaming sakit, alam ko po na mag tutuloy-tuloy na ang pag galing niyo, ‘nay…”Pilit pa rin ang ngiting sabi n
“For the last time, Isabel, relax… I won’t bite you, at least not yet.”Muli nanamang sabi sa kanya ni Seth.Hindi malaman ni Izzy kung naiinis ba ang tinig nito o sadyang dala lamang ng pagiging seryoso.Hindi niya naman ito masisi, lalo na at habang papalayo sila ng papalayo sa ospital ay tila lalo siyang hindi mapalagay, halos hingalin na rin siya sa pag pigil ng sariling pag hinga dahil sa kaba.Kung bakit naman kasi ganito na lamang ang epekto sa kanya ng lalaki? Tunay ngang pag dating sa pakikipag salamuha sa ibang tao ay nawawlan siya ng kumpyamnnsa sa sarili pero sigurado naman si Izzy na hindi ganito katindi, iyong halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.Malakas na napa buntong hininga si Faith habang pilit na inaaliw ang sarili sa pag tanaw sa tanawin mula sa bintana ng sasakyan, ramdam rin ni Izzy ang tila unti-unti nang pamamanhid ng kanyang mga binti maging ng likod dahil sa hindi niya oimportableng pag upo, hindi niya pa rin kasi makuhang isandal ang s
Asuwang ho ba kayo?Asuwang ho ba kayo?Wala sa sariling napa ngisi si Seth sanay tipid na tumawa nang maalala ang sinabi kanina ng babaeng naka sunod ngayon sa kanya.What the hell is she thinking?Naiiling na kausap niya sa sarili habang pilit na pinigilang mag palamon sa tuksong tapunan ito ng tingin.Kararating lamang nila sa malaki niyang bahay, pag pasok pa lamang ng sasakyan sa gate ay bakas na agad ang pinaghalong pag tataka at pagka mangha sa itsura ni Isabel Vergara.Hindi rin naman ito masisi ni Seth, lalo at nito lamang nakaraang araw ay sa ibang bahay niya ito dinala.Seth had so many properties and the condo where he first accommodate Isabel Vegara was just one of many.Nang makarating sa pinaka living room ng bahay ay agad huminto sa pag lalakad sa Seth, para lamang makaramdan ng panandalian inis nang ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pag tama ng kung ano sa kanyang likuran.Seriously, how clumsy could this woman be?Inis niyang tanong sa sarili sabay pilit na kum
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard