“Tiyong, kamusta raw ho ang lagay ni nanay? May doctor na ho ba kayong nakausap? May nag aasikaso na ho ba sa kanya?”
Sunod-sunod na tanong ni Izzy sa kanyang tiyo Oscar, nakababatang kapatid ng kanyang ina nang maabutan niya itong naka tayo sa tapat ng pinto ng ward ng ospital kung nasaan ang ina. “Wala pa ring sinasabi ang mga doctor, Izzy. Naroon pa rin sila sa loob at nilalapatan ng lunas si mama mo-“ Hindi na pinatapos pa ni Izzy ang sasabihin ng tiyohin, sa halip ay nag mamadali na lamang siyang pumasok sana sa loob ng silid, ngunit hindi pa man ay mabilis na siyang pinigilan ng kanyang tiyong Oscar. “Alam mong bawal tayo sa loob, Izzy. Dating gawi hindi ba? Dito lang tayo sa labas mag hihintay.” Malumanay ang tinig na paalala nito sa kanya, nanlulumo namang napaupo na lamang si Izzy sa marmol na sahig ng ospital. “M-magiging maayos naman si nanay ‘diba tiyong?” Maluha-luhang tanong ni Izzy, nag pilit naman ng ngiti ang tiyohin bago sumagot. “Oo naman, Izzy... Tiyak kong magiging maayos si ate Hilda, hindi ba nga at nangako sa iyo si nanay mo na siya pa ang sasama sa iyo sa pagtatapos mo sa kolehiyo? Baka ngayon mahina pa siya, tapos mamaya eh makukuha na agad niyong mag biro, katulad ng palagi niyang ginagawa tuwing dadalhin natin siya rito.” Sa kabila ng labis na pagaalala ay nakuha pa rin namang ngumiti ni Izzy, sana nga ay ganoon, hindi niya itatangging hindi pa siya handang maiwan ng mahal niyang ina. Lalo pa at sila na lamang dalawa, solong anak si Izzy, pitong taon siya nang mamatay sa aksidente sa kalsada ang kanyang ama, ngayon naman ay ang kanyang ina ang may sakit. “Sana nga tiyong, sana nga...” Pabulong na sabi ni Izzy saka wala nang nagawa kung hindi ang tahimik na lamang na umiyak. -- Halos kalahating oras na rin silang nag hintay sa labas ng ward, nag hihintay ng balita mula sa mga doktor sa publikong ospital na iyon, pakiramdam ni Izzy, habang tumatagal ang bawat oras ng kanilang pag hihintay ay lalo lamang siyang hindi makahinga sa kaba. Magiging maayos ka pa ma... Magiging maayos ka pa ma... Tahimik na dasal ni Izzy habang naka salampak pa rin ng upo sa sahig. Halos manakit na rin ang kanyang lalamunan sa pag pigil ng iyak, mayamaya ay hindi na rin siya naka tiis pa at nagmamadali nang tumayo upang pilit na silipin ang ina sa loob ng silid, wala naman siyang makita o marinig man lamang dahilan upang lalo siyang kabahan. Kulang na lamang ay mapatalon siya sa gulat nang mayamaya pa ay bigla na lamang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang isang doctor. Agad nanlumo si Izzy nang makita ang itsura nito. “Izzy...” Agad na tawag sa kanya ng doctor, kilala na rin naman siya nito, halos mag a-apat na taon na rin silang pabalik-balik sa kaparehong ospital, simula rin noon ay ang doktor na ang tumiingin sa kanyang nanay. “D-Doc Martin, kamusta po ang nanay ko?” Puno ng pagaalalang tanong ni Izzy, tinitigan naman siya ng doctor na para bang sinasabing may hindi magandang balita, ayaw mang mag isip ni Izzy ng negatibo nunit hindi na rin niya mapigilan. “Sumunod kayo sa akin sa opisina, Izzy. Doon natin pag usapan?” Malumanay ang tining na sabi ng doctor, mabilis namang tumango si Izzy bilang pag sangayon. -- “Mag a-apat na taon na rin nating na dugtungan ang buhay ng nanay mo sa mga mahal na gamutan, maalubha na sakit ng nanay mo at alam mo naman iyon Izzy, hindi ba?” Agad nahigit ni Izzy ang pag hinga matapos marinig ang panimulang sinabi ng doktor, ganun pa man ay pinili niya na lamang ang tumahimik at marahang tumango. “Ngayon binigyan natin siya ng karagdagan pang mga gamot na iniinom niya naman nitong mga nakaraang buwan kasabay ng kanyang chemo therapy, ganunpaman, ikinalulungkot kong sabihin na ang mga gamot na ibinibigay natin sa kanya ay hindi na umi-epekto, nagkalat na rin ang cancer cell sa katawan niya, Izzy.” Pakiramdam ni Izzy ay gumuho ang kanyang mundo matapos marinig ang impormasyong iyon, ayaw niyang mawalan ng pagasa, lalaban siya hanga’t kaya niya pa. “K-kung ganoon po doc, a-ano pa po kaya ang pwede nating gawin para kay nanay?” Pigil ang luhang tanong ni Izzy, maging ang kanyang tiyong Oscar ay tahimik lamang na isnag sulok at nakikinig. “Isa na lamang ang pwede nating gawin para sa pasyente, operasyon na ang kailangan ng nanay mo Izzy, kaya lamang ang problema, ang ospital natin ay hindi gumagawa ng ganoon, kailangan natin siyang ilipat sa mas malaki at maayos na ospital, iyon lamang ay mas malaking halaga ng pera ang kakailanganin niyo.” Deretsahang sabi ni Doc Martin, tila naman nabingi si Izzy sa narinig. Iyong mahal na mga gamot ng kanyang ina kahot paano ay naigagapang niya iyon... “Magkano ho kaya ang kakailanganin doc?” Tanong ng kanyang tiyong Oscar na hindi na naka tiis pa at kusa nang lumapit. Lalo lamang namang nanghina si Izzy nang marinig ang sagot ng doctor. -- “S-saang kamay ng diyos naman kaya natin kukunin ang ganoon kalaking halaga, Izzy? Ang hirap na ngan hanapin ng limang-libo paano pa ang isa’t kalahating milyon na kakailanganin sa opersyon ni ate Hilda?” Puno ng pagaalalang tanong sa kanya ng kanyang tiyong Oscar. Napabuntong-hininga naman si Izzy saka napatitig sa baso ng kapeng iniinom. “H-hindi ko alam tiyong, pero g-gagawan ko ng paraan...” “Siguraduhin mo lamang na kung ano man ang nasa isip mo eh hindi ka mapapahamak ha? Sapat nang ang nanay mo lamang ang narito at may sakit, huwag naman sanang pati ikaw eh ma-“ “M-mag iingat ho ako tiyong, sa totoo lamang naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin, p-pero ako na ho ang bahala... H-hindi rin naman po ako gagawa ng kahit na anong ikapapahamak ko eh. Tsaka huwag niyo po akong alalahanain, ang mahalaga ngayon ay ang lagay ni nanay.” Mahabang litanya ni Izzy kasabay ng sandaling pag iisip ng iilang kakilalang mamaari niyang malapitan. Agad na sumagi sa kanyang isipan ang bestfriend na si Carl Medina, kung mayroon man siyang taong pwedeng mahingan ng tulong ay si Carl iyon. Nagmamadaling kumilos si Izzy upang sana kunin sa knayang bulsa ang kanyang lumang cellophone, balak niyang tawagan sana angbestfriend, ngunit agad ring nangunot ang kanyang noo nang makitang malalaglag sa sahig ang isang maliit papel. Seth Santiago- President Santiago Industries Tahimik niyang basa sa pangalang naka sulat sa papel na nasa sahig pa rin, sa ibaba niyon ay ang numero at ang email ng lalaking naka banga sa kanya kanina. “Santiago Industries?” Wala sa sariling sabi ni Izzy. “Ano ang meron doon? Natangap ka ba sa trabaho doon? Mahirap makapasok sa kumpanyang iyan, Izzy.” Biglang sabi ng tiyong Oscar, napa angat naman ng tingin dito si Izzy. “H-hindi ho tiyong, hindi ko nga alam na may ganitong kumpanya pala.” “Ano ka ba, sa ilang taon mong pag hahanap ng trabaho, hindi mo ba narinig ang Santiago Industries kahit isang beses lang? Malaking kumpanya iyan, Izzy. Kaunti lamang ang nakakapasok riyan dahil sa higpit.” Sagot pa nito na tila ba masyadong maraming alam tungkol sa nasabing kumpanya. Pero hindi iyon ang tumatakbo sa isipan niya. ‘Ibig sabihin ang naka banga sa akin kanina ay presidente ng isang malaking kumpanya?’ “Since you don’t want to be treated, call me anytime if you need anything.” Mula sa kung saan ay tila echong muli niyang narinig ang sinabi ng lalaki kanina. Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili, mayamaya pa ay nagmamadaling dinampot ang papel sa sahig. “Saan ka pupunta, Izzy?” “M-mayroon lang akong tatawagan sandali, tiyong. Kung sakaling magising si nanay at hanapin ako, sabihin mo babalik ako kaagad.” Sabi niya saka mabilis nang tumakbo palabas ng ospital na iyon. -- Kasalukuyan siyang naka tambay sa isang karenderya sa tapat ng ospital, kulang na lamang rin ay matunaw na ang calling card niyang hawak dahil sa lagkit ng pag titig niya roon. “Tatawagan ko ba?” Tila isang baliw na tanong niya sa sarili. “kung tatawagan ko naman, ano naman ang sasabihin ko?” Dagdag niya pa. Baka isipin pa ng lalaki na masyadong makapal ang kanyang mukha kung dito siya manghihingi ng tulong para sa kanyang ina gayong hindi naman sila nito magkakilala. “Pero pakapalan na ng mukha ito Izzy, para kay nanay kailangan mong suungin lahat.” Paalala niya sa sarili, mariin pa siyang napakpikit bago nag pipindot sa keypad ng kanyang cell phone. Nahigit niya pa ang pag hinga bago lakas loob na pinindot ang call button. Isang ring pa lamang ay halos manginig na siya sa kaba nang marinig ang baritonong boses ng sumagot sa kabilang linya. “Hello? Who is this?” “H-hello po? Si sir S-Seth Santiago po ba ito? A-ako po ito, si Isabel Vergara ho, iyong nabanga niyo po kanina.” Halos hindi na makahinga sa labis na kabang tuloy-tuloy na sabi ni Izzy. “Yes this is Seth Santiago, what do you need?” Mariing nakagat ni Izzy ang pang ibabang labi nang marinig ang sagot ng lalaki, may kasungitan ang tinig nito na tila ba sinasabing- ang lakas naman ng loob mong tawagan ako. Ganoon pa man ay pikit-mata pa ring nag sabi ng kailangan si Izzy. “P-pwede ko po ba kayong makausap tungkol sa isang importanteng bagay? M-may ipapakiusap lamang po s-sana ak-“ “Where are you?” Agad na putol nito sa kanyang sasabihin, mabilis namang sinabi ni Izzy ang lugar kung nasaan siya. “Okay, stay there, I’ll be there in 15 minutes.” Iyon lamang at pinagbabaan na siya nito agad. Napa tanga na lamang naman si Izzy kasabay ng pagkataranta. Kung bakit ba naman ganoon na lamang kabilis kausap ang lalaking iyon. Hindi pa man naibaba ang cell phone ay tumunog na iyon, mabilis niya iyong sinagot nang makita ang Seth Santiago ang tumatawag. “Actually no, if you are in position to travel, just take a cab and meet me in my condo, it’s close to where you are, I will text you the address.” toot-tootHalos maihi na si Izzy sa kaba habang naka upo at nag hihintay sa loob ng taxi na kanyang sinakyan, kanina pa rin siyang naka titig sa mensaheng mula kay Seth Santiago na halos masaulo niya na yata bawat letra sa ilang ulit niyang pag babasa.“K-kuya, malayo pa ho ba tayo?”Tanong ni Izzy sa taxi driver, sandali siyang napangiwi nang marinig itong mapa buntong hininga, hindi naman ito masisisi ni Izzy, wala pa yatang dalawang minuto ay mag tatanong nanaman siya ng kaparehong tanong.“Limang minuto na lamang ho ma’am, traffic ho kasi kaya medyo matagal ang biyahe, mukha hong masyadong importante at mahalagang tao ang pupuntahan niyo ngayon.”Lalo pang napa ngiwi si Izzie dahil sa katabilan ng driver, dahil na rin marahil sa labis na kaba ay hindi niya na rin naiwasan pa ang maging masungit, matalalim niya itong inirapan dahilan upang agad itong mag bawi ng tingin.“Hindi naman ho kayo tsismoso niyan manong?”“Eh pasensya na ho, hindi ko ho kasi mapigilang mag tanong, sa itsura niyo ho
“Take off your clothes.”Pakiramdam ni Izzy, maging ang kanyang puso ay umangat na rin sa kanyang lalamunan dahil sa matindin kaba nang marinig ang sinabi ng lalaki.“P-po?”Halos pa bulong niyang sabi sabay nag iwas ng tingin matapos makita kung paano nitong nakuyom ang kamao habang mataman siyang tinititigan.“Are you deaf?”Walang imosyong sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang malagkit nitong tingin sa kanya.Hindi naman malaman ni Izzy kung paano pang pag iiwas ang gagawin, kahit pa halos hindi na siya maka hinga sa labis na kaba ay wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang lakas-loob na lamang ding salubungin ang mga mata nito.“I said bingi ka ba?”Ulit nito sa mas malakas na tinig dahilan upang mapa lunok si Izzy“H-hindi naman po…”“Hindi ka bingi… So bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ginagawa ang inutos ko sa iyo?”Seryoso at mariing sabi nanaman nito.Nanginginig ang buong kalamnan maging ang mga kamay na dahan-dahang kumilos si Izzy, gustuhin niya mang iwasa
Pakiramdam ni Izzy ay tila siya pinag suklubang ng langit at lupa habang bigong nag lalakad palabas ng building ng condo ni Seth Santiago.Wala sa sarili, namumula ang mga mata at lumong-lumo habang nag iisip ng iba pang paraan.Basta Izzy ha? Kapag kailangan mo ng tulong pinansyal, kahit ano pa iyan basta’t abot ng kakayahan ko, huwag kang mahihiyang lumapit.Mapait na napangiti si Izzy nang mula sa likod ng kanyang isipan ay narinig niya nag nag aalalang tinig na iyon ni Carl, ang kanyang best friend.Gustohin niya mang humingi ng tulong sa binata pakiramdam ni Izzy ay wala na siyang karapatan. Sa dami ba naman ng naitulong nito sa kanilang mag ina kulang na nga lang ay lamunin ng siya ng labis na hiya dito.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa wakas ay marating niya ang kalsada, sa kabila ng usok na mula sa mga sasakyan, polusyon ng ka Maynilaan hindi niya pa rin mapigi ang sariling hindi maka hinga ng maluwag, mukha kasing mas masarap pang langhapin ang hangin na puno ng
Pakiramdam ni Izzy ay kulang na lamang ay mag dugo na ang sariling mga labi dahil sa diin ng pag kagat niya doon.Ang dahilan?Hindi niya malaman kung anong dapat na isagot sa tanong na iyon ng kanyang best friend.Did you do something illegal?Ilegal na nga bang masasabi ang ginawa niya? Sa laki ng halagang nakuha niya mula kay Seth Santiago na kusa naman nitong ibinigay matapos siya nitong palayasin sa mala palasyo nitong bahay noong nakaraan ay hindi niya alam.Ni hindi niya nga rin malaman kung utang ba iyong maituturing gayong alam na alam niya kung ano ang hihingin nitong kabayaran kung sakali.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy nang sa pag angat ng kanyang tingin ay nasalubong niya agad ang nanunukat na mga mata ni Carl.“Don’t try to look away again, it will only convince me that you did something bad, so bad and its making me worry, Isabel.”Puno ng ka seryosohan ang tinig na sabi ng kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kanya.Wala sa sarili namang
Shit…Tahimik na pag mumura ni Izzy matapos mabasa ang maikling text message na iyon na pinadala ng lalaking bagaman at tinulungan ang kanyang ina ay alam niya pa rin masama ang ugali.Seth Santiago…Sa lahat naman ng araw bakit ngayon pa nito naisipang ayain siyang mag ‘lunch’ sa bahay nito? Ngayon pa kung kailan wala siyang maidadahilan sa mga kasama.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy sabay inilipat ang tingin sa naka ngiting ina.Gumanti naman siya ng ngito dito bago dahan-dahan itong nilapitan habang pasimpleng ibinubulsa ang kanyang cell phone.“May problema ba, anak?”Bakas pa rin ang pang hihina sa boses n tanong ng ina.“W-wala ho nay… M-maayos na po ba ang pakiramdam niyo?”“Medyo maayos na, masakit lang ng kaunti ang sugat ko pero maayos naman na ang pag hinga ko…”“M-mabuti naman po kung ganoon, hayaan niiyo, pag labas mo po dito, sigurado akong wala ka ang daramdaming sakit, alam ko po na mag tutuloy-tuloy na ang pag galing niyo, ‘nay…”Pilit pa rin ang ngiting sabi n
“For the last time, Isabel, relax… I won’t bite you, at least not yet.”Muli nanamang sabi sa kanya ni Seth.Hindi malaman ni Izzy kung naiinis ba ang tinig nito o sadyang dala lamang ng pagiging seryoso.Hindi niya naman ito masisi, lalo na at habang papalayo sila ng papalayo sa ospital ay tila lalo siyang hindi mapalagay, halos hingalin na rin siya sa pag pigil ng sariling pag hinga dahil sa kaba.Kung bakit naman kasi ganito na lamang ang epekto sa kanya ng lalaki? Tunay ngang pag dating sa pakikipag salamuha sa ibang tao ay nawawlan siya ng kumpyamnnsa sa sarili pero sigurado naman si Izzy na hindi ganito katindi, iyong halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.Malakas na napa buntong hininga si Faith habang pilit na inaaliw ang sarili sa pag tanaw sa tanawin mula sa bintana ng sasakyan, ramdam rin ni Izzy ang tila unti-unti nang pamamanhid ng kanyang mga binti maging ng likod dahil sa hindi niya oimportableng pag upo, hindi niya pa rin kasi makuhang isandal ang s
Asuwang ho ba kayo?Asuwang ho ba kayo?Wala sa sariling napa ngisi si Seth sanay tipid na tumawa nang maalala ang sinabi kanina ng babaeng naka sunod ngayon sa kanya.What the hell is she thinking?Naiiling na kausap niya sa sarili habang pilit na pinigilang mag palamon sa tuksong tapunan ito ng tingin.Kararating lamang nila sa malaki niyang bahay, pag pasok pa lamang ng sasakyan sa gate ay bakas na agad ang pinaghalong pag tataka at pagka mangha sa itsura ni Isabel Vergara.Hindi rin naman ito masisi ni Seth, lalo at nito lamang nakaraang araw ay sa ibang bahay niya ito dinala.Seth had so many properties and the condo where he first accommodate Isabel Vegara was just one of many.Nang makarating sa pinaka living room ng bahay ay agad huminto sa pag lalakad sa Seth, para lamang makaramdan ng panandalian inis nang ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pag tama ng kung ano sa kanyang likuran.Seriously, how clumsy could this woman be?Inis niyang tanong sa sarili sabay pilit na kum
Halos takasan ng kulay sa ang dati nang maputlang balat ni Izzy nang marinig ang sinabing iyon ni Seth Santiago.Agad pa siyang napalunok nang makita ang tila puno ng panganib nitong pag ngisi, isama pa ang matalim nitong mga mata.“W-wala p-po kas-”“Relax… Wala akong balak na singilin ka ngayon. I know you are not prepared for what ever reason, besides, I want my woman to be game and willing, sa nakikit ko ngayon…”Mariing nakagat ni Izzy ang pag ibabang labi nang sadyain nitong bitinin ang sasabihin saka muling ngumisi, bahagya pa siyang napa atras nang lapitan siya nito sabay hinaplos ng marahan ang kanyang nanunutong mga labi.Pakiramdam tuloyy ni Izzy ay kaunti na lamang tila sasabog na ang kanyang puso dahil sa pinag halong takot at kaba, isama pang tila mas nakaka takot ang paraan ng pag titig nito sa kanya.Isabel Vergara… Ano ba itong pinasok mo?Tahimik niyang bulong sa sarili saka mariing napa pikit nang maramdaman ang kamay nitong gumapang mula sa kanyang mga labi pababa
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard