Hindi napigilan ni Zylah ang mapahikbi sa narinig na wish ng anak. Bakit naman naging gano’n? Alam niyang bata pa si Jaxon at baka naman nakakatuwaan lang ang Jessa na ‘yon pero… pero hindi niya kasi maiwasan ang masaktan. Magselos.
“Zylah?” tawag ni Bryce na ikinalingon niya. “Umiiyak ka? Why?” “Sino…” Huminga ng malalim si Zylah. Kinalma niya muna ang sarili para hindi mapiyok ang boses. “Sino si… si Jessa Moreno, Bryce?” direktang tanong niya kahit hindi nililingon ito. Hindi sumagot si Bryce na lalong ikinasama niya ng loob. Nang tingnan ni Zylah ang asawa ay nagbibihis na ito at parang binalewala lang pala ang tanong niya. Nilapitan niya ito at inabot ang tablet ni Jaxon para makita nito ang group chat na ikinasasama ng loob niya. “Mama Jessa pa talaga ang tawag sa kaniya ni Jaxon…” naiiyak niyang wika. “Siya ang ex mo, ‘di ba?” “I can explain,” ani Bryce at kinuha ang tablet sa kaniya para ipatong sa headboard. “Explain what?” masama ang loob na tanong ni Zylah. “Ipapaliwanag mo kung bakit mas gusto ng anak natin ang ibang mommy? How could you let it happen? Hinayaan mong magkaroon kayo ni Jaxon ng ibang pamilya? You let our son call another woman Mama? At alam mo ang masakit? Ang ex mo pa…” “Please listen to me, Zylah. Hindi ko akalain na magiging close si Jaxon kay Jessa. Nagkataon lang na nasa parehong park kami noong araw na una silang nagkakilala. Nakalaro ni Jax ang isang bata na hindi ko alam ay anak ni Jessa. Mga bata alam mo na…” Inakbayan ni Bryce si Zylah. “Nang lumapit si Jessa dahil hinahanap ang anak ay doon ko lang nalaman na siya ang mama ng kalaro ni Jax. Iyon lang ‘yon sana kaso makulit si Jax dahil gusto na raw niya gawing kapatid ang anak ni Jessa. I told you many times, gusto ni Jaxon maging kuya.” “At bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa 'coincidence' na pagkikita ninyo ni Jessa?” nagdududa pa ring tanong ni Zylah. “Mahirap bang ipaalam sa akin ang pagkikita niyo na hindi sinasadya? Kung hindi ko pa nakita ang GC ay hindi ko malalaman na itinatago ninyo ni Jaxon sa akin ang pakikipagkita sa ex mo!” Hindi na niya naiwasan mapataas ang tono ng boses. “Lagi ka kasing abala… Kapag sinasama ka namin lumabas ay ayaw mo dahil sabi mo may tatapusin ka pang mga gawain. Halos wala ka ng panahon sa amin. Nalulungkot si Jaxon at nataon naman na magkasundo sila ng anak ni Jessa.” “Laging abala?” tanong ni Zylah pabalik. Sa pagkakatanda niya ay kaya siya laging may gawain sa bahay ay para rin kina Bryce at Jaxon. May OCD si Bryce kaya pinipilit niyang nakaayos lahat sa bahay nila. Ayaw niyang kahit kaunting bagay ay maging dahilan ng pagtatalo nila. Totoo na hindi siya nakakasama dahil kapag nagyayaya lumabas ang asawa ay pagod na pagod na siya at nagpapahinga, pero kadalasan ay dahil naglalaba pa siya o naghahanda ng kakainin nila. She always made sure na bawat pagkain nila mula sa breakfast, lunch, at dinner ay hindi replica ng sinundang araw. Madaling maumay ang anak niya sa pagkain kaya sinisigurado niyang hindi iyon paulit-ulit. “Lagi ba akong abala?” muli ay tanong ni Zylah. “O baka naman ang totoo ay ginagamit mo lang si Jaxon para makita ang ex mo dahil mahal mo pa siya?” “Zy!" Bryce exclaimed and chuckled. "Ano ba? Walang gano'n. And believe me, mali ka ng iniisip…” Yayakapin sana ni Bryce ang asawa pero umatras si Zylah. Bryce sighed. Nailing. “It’s not what you think… Maniwala ka sana na naging magkasundo lang sina Jaxon at Brody, plus malambing din kasi si Jessa sa anak natin kaya pakiramdam ni Jaxon ay may another mommy siya. In fact, that GC was Jaxon’s idea. Pinagbigyan na lang namin ni Jessa para hindi na siya mangulit pa at mag-tantrums.” “Pero sana sinabi mo…” Naiyak na si Zylah. “Sana sinabi mo para hindi ako ganito. Pakiramdam ko ayaw na pala sa akin ng anak ko tapos wala akong alam. At ang mga pictures… bakit hinahayaan mo si Jaxon sa maraming sweets. Alam mo ang kondisyon niya, ‘di ba?” “Hindi naman sa hinahayaan... At hindi makakasama kung pagbibigyan natin si Jaxon paminsan-minsan sa sweets.” “Pagbibigay na dahilan kaya naisip niyang mas gusto na niya si Jessa maging mommy niya,” bweltang padabog ni Zylah. “Can’t you see? Ang tingin tuloy ni Jaxon ay ako na ang villain sa buhay niya. Sa batang isip niya ay kung si Jessa nga naman ang mommy niya ay pagbibigyan siya lagi.” "Well..." Kumibit-balikat si Bryce at hinawakan ang kamay ni Zylah. “I’m sorry, Zy…” puno ng sinseridad ang tono na wika nito. “Hindi ko gustong masaktan ka ng gan’yan at iba ang isipin. Isa pa ay hindi ko rin ginustong itago ang tungkol sa friendship nina Jaxon at Brody, nataon lang na nawawala sa isip ko para makwento sa 'yo. Hindi naman kasi importante sa akin si Jessa para alalahanin ko. I hope you understand.” Pinunasan ni Zylah ang mga luha. Masama pa rin ang loob niya nang titigan si Bryce. “Sabi mo hindi mo ginustong masaktan ako… Pero iyon ang tingin kong problema mo, Bryce. Hindi mo iniisip una pa lang kung makakasakit ba ang gagawin mo o hindi.” Dahil sa sinabi ni Zylah ay nagkaroon ng katahimikan kaya lalo siyang naiyak. Masakit sa kaniyang tanggapin na ang anak ay may ibang gusto maging ina. Kahit anong pilit niyang isipin na bata lang si Jaxon ay hindi pa rin mabago ang katotohanan na hinayaan ni Bryce mangyari sa kaniya ang ganito, ang ipagpalit sa iba ng anak. “What do you want me to do now?” tanong ni Bryce na bumulabog sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan ni Zylah muli ang asawa. Gusto niyang sabihin dito na kahit anong gawin pa nito ay tapos na, may iba nang mas mabuting mommy sa tingin ng anak nila. Gusto niyang isigaw na mas mabuti sigurong maghiwalay muna sila para sa katahimikan ng puso niya dahil kahit anong paliwanag ni Bryce ay hindi kayang alisin ang pagdududa niyang niloloko siya nito. At kalokohan rin na paulit-ulit itong nakikipagkita sa ex kasama ang anak nila tapos sasabihin na nawawala sa isip kaya nalilimutan ipaalam sa kaniya. Tama… mas mabuting makipaghiwalay siya muna. Kaso… maisip pa lang niya ang inosenteng anak ay naawa na siya rito. At baka lalo lang siyang mapasama sa paningin ng anak kapag inilayo niya ito sa ama. “Delete the GC,” mahinang utos ni Zylah. “You want to do something then delete the GC and stay away from your ex.” Tumango si Bryce. “I will. Promise. Aayusin ko lahat para sa atin.”Nakangiting hinila ni Bryce si Zylah para maupo sa tabi niya. Pinunasan niya rin ang mga luha ng asawa. Hinalikan niya ito at inihiga sa kama. “Stop worrying, Zy. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mommy ni Jaxon. Tayo ang pamilya. Walang kwenta isipin ang mga bagay na hindi naman natin dapat pahalagahan.” Hindi umimik si Zylah. Hinayaan na lang niya ang asawang hagkan siya nito. At muli… muli ay pinagsaluhan nila ang pagiging iisa. At kung dati ay mainit ang bawat sandali para kay Zylah, ngayon ay naramdaman niya ang mawalan ng gana. Nakatulugan ni Zylah ang yakap ni Bryce. Nakatulugan niya hanggang magising siya sa tunog ng alarm clock dahil kailangan na niyang bumangon para ipaghanda ng almusal ang kaniyang mag-ama. Pumupungas pa si Zylah na pumunta ng kusina at kahit inaantok ay sinimulan na niya ang daily routine. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator at kung kahapon ay homemade chicken nuggets ang hinanda niya kasama ng fried egg at sinangag, ngayon ay naisip niya ang pabori
Ibinalik ni Zylah ang sulat sa loob ng envelope at ipapasok na sana sa drawer nang makita ang isang sulat pa sa loob ng drawer. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon para mabasa kung ano ang nakasulat doon. Sulat iyon mula kay Jessa at kung tama ang iniisip niya ay iyon ang tugon ng babae sa sulat na mula kay Bryce. ‘Bryce, I’ve moved on. Tama na. Hayaan mo na ako maging masaya. Please respect my decision and don’t contact me again. Ayokong mag-isip ng hindi maganda ang asawa ko.’ Natigilan si Zylah hanggang sa ibalik niya ang mga sulat sa sobre. Si Jessa talaga ang mahal ni Bryce at isa lang siyang tagasalo ng lalaking nabigo sa first love nito. At kagaya ng naisip niya, dahil bumalik na si Jessa ay balewala na kay Bryce ang nararamdaman niya kaya okay lang dito kahit masaktan siya. Tunog mula sa phone ang umistorbo sa kung anong iniisip niya. Kinuha niya ang phone sa bulsa at si Bryce ang caller.Zylah cleared her throat and answered the call, “Hi,” pinilit niyang magin
“Bakit?” tanong ni Zylah Kay Bryce nang matapos itong makipag-usap kay Jessa. “Bakit kasama ni Jessa si Jaxon? Akala ko ba kasama si Jax ng mommy mo?” Hindi siya pinansin ni Bryce at isinuksok na ulit ang phone sa bulsa. Hindi rin sinagot ang tanong niya hanggang lumabas na ito ng bahay nila. Kinuha ni Zylah ang phone na nakapatong sa mesa at sinundan si Bryce. Sasama siya puntahan ang anak at hindi siya pwedeng balewalain ng asawa. Binuksan ni Zylah ang pinto ng passenger seat at sumakay ng kotse. “Sasama ako,” aniya. Punong-puno ng pagtitimpi rito ang boses niya at pag-aalala para sa anak niya. Katahimikan ang namayani habang papunta sila ng ospital. Katahimikan na lalong dumudurog kay Zylah. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng asawa pero isa lang ang totoo, niloloko siya nito paulit-ulit. At ang kaninang iniisip niya na gusto nitong maging maayos sila ay isang kalokohan. Gusto lang nito magmukha siyang tanga at maging sunod-sunuran. Inuuto habang masaya itong kasa
“Jax…” malungkot na usal ni Zylah. “What are you saying?” Malambing ang boses na tanong niya sa anak. Tinabihan niya ito sa kama, naupo siya sa gilid. Agad bumangon si Jaxon kahit nanghihina. Itinutulak siya ng mga kamay nito para paalisin sa tabi nito. “Jaxon…” usal ni Zylah. “Gusto mo bang mamasyal tayo sa Enchanted Kingdom? O sa Star City? Saan mo gusto?”Tiningnan lang siya ng anak at saka tumingin kay Bryce. “You promised me and Brody Disneyland…” Pigil ni Zylah ang mga luha na huwag pumatak. Bata pa si Jaxon, iyon ang dapat niyang tandaan. Tumalikod na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Hinayaan na lang niya si Bryce na asikasuhin ang anak na paulit-ulit sinasabing gusto makita ang Mama Jessa niya. “Zy…” tawag ni Bryce sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya lumapit si Bryce para hawakan ang braso niya na agad naman niyang hinila para mabitiwan siya nito. “Sorry…” sabi ni Bryce. Malungkot ang boses nito pero ayaw na niyang magpadala. “You keep on lying at me, Bryce…” ma
“Jaxon!” malakas ang boses na saway ni Bryce sa anak nang marinig niyang sinisigawan nito si Zylah. “What are you doing?” “Alam mo naman na ayaw ko na sa kaniya, ‘di ba?!” Umiiyak na wika ni Jaxon habang tinuturo si Zylah. “Sabi ko, Daddy, doon na lang tayo kay Mama Jessa kung ayaw ni Mommy umalis dito!”Nilingon ni Bryce ang asawa na namumuo na rin ang mga luha. Lalapitan nito sana si Zylah nang lalong laksan ni Jaxon ang iyak. Inuna na lang ni Bryce ang anak at dinala sa kuwarto nito. Pinangakuan na rin na mamamasyal sila mamaya para hindi na nito awayin pa ang ina. Binalikan ni Bryce si Zylah. Naabutan niya ito sa kusina na naghahalo ng kung anong niluluto nito. Nilapitan niya ang asawa at kinuha ang sandok mula rito para siya na ang magpatuloy ng ginagawa nito. Pinahid ni Zylah ang mga luhang pumatak sa pisngi. Hindi niya alam kung sino ba ang dapat niyang sisihin sa mga nangyayari? Si Bryce at ang pakikipagkita nito kay Jessa? O siya na hinayaan si Jaxon sa pangangalaga ni Bryc
Desperate. Hindi hiniwalayan ng tingin ni Zylah ang anak na hawak-hawak ni Jessa palayo. Napailing na lang siya. Huminga siya ng malalim. Hindi siya papayag na tuluyan siyang magmukhang kawawa sa paningin ng mang-aagaw ng pamilya na si Jessa. Hinabol niya ang dalawa. “Jaxon!” Hila ni Zylah sa anak mula kay Jessa. “Don’t be bad, ‘nak! Ako ang mommy mo… Hindi tamang sabihin mong iba ang mommy mo at yaya mo lang ako… Bad magsinungaling, ‘nak, ‘di ba?”“But you are!” sigaw ni Jaxon sa ina. Naiiyak na lumapit at kumapit pa kay Jessa. “Mommy, may bad woman… Alis na tayo rito…”“Jaxon…” hikbi ni Zylah. Hindi matanggap ang pakikipagtulungan ng anak kay Jessa para ipahiya siya. “Guard!” sigaw na tawag ni Jessa na naman. “Guard, tulong! Ano ba?!” Masamang tingin ang ibinigay ni Zylah kay Jessa. Naghihirap man ang kalooban niya sa kalokohan nito ay minabuti niyang lumakad na lang palayo sa mga ito. Pinagtitinginan na sila at hindi na niya kayang dagdagan ang pamamahiya ng mga ito sa kaniya.
Hindi na napigilan ni Zylah ang sarili. Napaiyak na siya. Paimpit. Tinakpan na lang niya ang bibig para walang makarinig sa kaniya. “Kung sana bumalik si Jessa bago ang kasal namin ni Zylah, sana wala kaming problema. Sana hindi ako nahihirapan balansehin ang sitwasyon na siya ang gusto kong makasama at itago ang totoong nararamdaman ko kay Zylah…” patuloy ni Bryce na lalong dumudurog sa puso ni Zylah. “Iyon naman pala, eh!” natawang wika ni Albert. “Ganito lang ‘yan. Hiwalayan mo na si Zylah para tapos na ang paghihirap mo.”“Albert’s right, pare…” segunda ni Timothy. “Annul your marriage with Zylah. End your agony. Be with Jessa again.” “Madaling sabihin pero mahirap simulan…” ani Bryce pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. “Zylah was there when Jessa left me for Harry.”“But I think that Jessa has learned her lesson.” Nasa boses ni Carlo na parang ang tino-tino ni Jessa at dapat hangaan na natuto na ito. “Iniwan niya si Harry at naging single mom ng halos dalawang taon mahig
Mapanghamon na tingin ang ibinigay ni Zylah sa tatlong kaibigan ng asawa na puro tahimik na bigla at nagpapalitan na lang ng tingin sa bawat isa. Masama ang loob niya. Masamang-masama. Tumayo si Timothy at gano’n na rin ang dalawa. “Labas na kami…” paalam nito kay Bryce.“Kaya nga…” wika naman ni Carlo. “Una na kami, pare.”Si Albert ay tamang tinapik lang sa braso si Bryce at sumunod na rin sa dalawa. “Zy… kung ano man ang narinig mo ay mali ka ng interpretasyon,” mabilis na paliwanag ni Bryce sa asawa. “Bakit? May iba pa bang interpretasyon sa mga narinig ko?” tanong ni Zylah. “Saan doon ang akala mong mali ang dating sa akin? Iyong inamin mo na mahal mo pa rin si Jessa? Iyong sinabi ni Timothy na ginagamit mo si Jaxon para may paraan ka makita at makasama ang ex mo?”“Zy…”“Why, Bryce?” Pumiksi si Zylah nang plano ni Bryce hilahin siya para yakapin.Napailing si Bryce. Napatingin sa kisame na parang makakakita ng maikakatwiran doon. “It’s not what you think.”“And what should I
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamuk
“And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H
“Are you nervous?” natawang tanong ni Mathias—ang nakatatandang kapatid ni Nikias—kay Austin, na kanina pa hindi mapakali sa pabalik-balik na paglalakad. “This is not your first time to propose marriage, bud…” nailing nitong dagdag. Bahagyang natawa si Austin sa sinabi ng kaibigan. “Ilang taon na tayong hindi nagkita Mathias?” “I don’t count. I’m not a fan of it, but I’m always here for a friend.”Napatango si Austin. Alam niya iyon. Si Nikias ang may kailangan sa kaniya nakaraan pero dahil lang nabanggit niya ang hihilingin kapalit ng kung anong pabor na kailangan ng mga ito ay nagparamdam na sa kaniya itong si Mathias. At nakaraan pa nga inaalam kung sino ang ex-husband ng babaeng gusto niyang pakasalan. Pwede naman daw mabalo si Zylah kay Bryce kung gusto niya.But Austin said ‘no.’ Sinabi niyang siya ang bahala kay Bryce at kung ano man ang pabor na kailangan kapalit ng pagkabura ng kasal nina Bryce at Zylah sa kahit anong registry sa Pilipinas ay gagawin niya para sa mga ito bil