Tulalang nakatitig sa kisame si Zylah. Mag-isa na lang siya sa kwarto. Nagpaalam si Bryce na ihahatid ang mommy nito at doon na rin daw muna si Jaxon habang nagpapagaling pa siya. Nang muling pumasok sa isip ang nangyari kagabi ay muli siyang umiyak. Her unborn child… Her poor baby…May nagbukas ng pinto pero ayaw niyang tingnan kung sino ang dumating. Nakatagilid siya at ayaw tumigil sa pag-iyak. “Baby ko…” usal niya.“Zylah…” Natigilan si Zylah. Napalingon. “Bel…” Naiiyak na niyakap siya ng kaibigan. “We heard what happened, I’m sorry for your loss…”“Ang baby ko, Bel…” Humigpit ang yakap niya rito. “Pinatay siya ni Jessa…” “Zylah…” ani Belinda, nagtaka sa narinig. “What… are you saying?”“Hindi ako basta nakunan.” Umiling si Zylah. “Promise you believe me, Bel…”“I do,” tugon ni Belinda. “Of course, I do! Tell me, Zy. Anong nangyari? Lahat.”“It was Jessa I saw, siya ang kasama ni Jaxon kagabi. Plano ni Jessa iyon, siya ang nag-utos kay Jaxon.” Muling humagulhol si Zylah nang m
Tinitigan ni Zylah ng libingan ng anak na hindi man lang niya naisilang. Naiyak na naman siya. Sa likod niya ay naroon sina Belinda at Melissa, parehong nakikidalamhati sa kaniya. Ang dalawa na rin ang umasikaso ng lahat para sa libing ng anak niya ngayong umaga. “Zy…” tawag ni Melissa sa kaniya. “Umaambon na.”“You can go…” mahina ang boses niyang sabi. “Dito na muna ako.”“Mauna ka na sa kotse, Liz. Samahan ko lang dito si Zylah,” wika naman ni Belinda. “You need to convince her that we need to go…” bulong ni Melissa kay Belinda. “She’s not well. Baka magkasakit pa siya dahil sa ulan.”At iyon nga ang nangyari. Nagkasakit talaga si Zylah kaya imbes na iuwi na ito nila Belinda ay ibinalik nila sa ospital. Mataas ang lagnat ni Zylah nang ihatid sa ospital. Nanginginig. Nangangatal. Tulog si Zylah nang magpaalam si Belinda sa nurses na bantayan ang kaibigan dahil kailangan nitong umuwi muna at para bumili na rin ng mga prutas. Nag-usap sila ni Melissa na pagtutulungan samahan si Zyl
“He was here last night, mga seven p.m.,” imporma ni Belinda kay Zylah. Hindi umimik si Zylah. Ang totoo ay wala na siyang pakialam kung maalala pa siya ni Bryce o hindi. Masyado siyang apektado sa nangyari sa pinagbubuntis niya. Ito pa rin ang sinisisi niya sa lahat. Hindi maglalakas loob si Jessa ipahamak siya kung hindi ito hinayaan ni Bryce maging feeling importante.“I was calling him…” dagdag ni Belinda. “Mukhang busy kaya hindi sumasagot.” Hindi na sinabi ni Belinda ang paalam ni Bryce kagabi na may emergency sa bahay ng kaibigan. Ayaw niyang sumama pa ang loob ni Zylah.“Naayos mo na ba ang pag-file ng legal separation namin?” tanong ni Zylah sa kaibigan. “Zylah…” ani Belinda at nilapitan ang kaibigan. “Legal separation isn’t as easy as you think. Same lang sila ng annulment na may mga grounds na dapat basehan.”“But the procedure of it will take less time than annulment, right?” “One year,” mahinang tugon ni Belinda. Nakita niya ang panlulumo sa mga mata ni Zylah. “Sorry p
Tatlong araw ang nakalipas at nakalabas na rin si Zylah ulit sa ospital. Kagaya ng sinabi niya ay ayaw niyang umuwi sa bahay nila at doon siya nakituloy kay Belinda. “Are you sure okay ka lang iwan ko ngayon?” tanong ni Belinda sa kaniya habang nasa harap ito ng salamin at nag-aayos ng buhok. “Sabagay at nagbilin ako kay Manang Rina na huwag kang iiwan since puno naman ang ref at kaka-grocery lang natin last night. She can cook any food you like, Zy.”“I’m fine, Bel…” mahinang tugon ni Zylah para maging panatag ang kaibigan. May gusto siyang sabihin dito. May gusto siyang puntahan, kaso… kaso naisip niyang baka hindi rin pala siya payagan nito. Sa susunod na lang.“I should bring you to the firm next time…” ani Belinda nang makita ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. Lungkot na hindi na yata mawawala. Ang totoo ay nag-aalala si Belinda sa lagay ni Zylah dahil hindi normal na lagi itong umiiyak. Minsan ay naisip niyang kausapin si Bryce na kumbinsihing umuwi si Zylah pero kahit siya
“Me?” kunot-noong tanong ni Zylah sa lalaking titig na titig sa kaniya. “Do you—know me?”Ngumiti ang lalaki. Masuyong ngiti. “I’m Austin, by the way,” pakilala nito kay Zylah, “and this exquisite one here is my daughter.”Tumango si Zylah. Nginitian niya ang batang nakatitig pa rin sa kaniya. “Zylah,” banggit niya sa pangalan. “And may I know how do you know me, sir?” magalang niyang tanong kahit naguguluhan kung sino ang lalaki sa harap niya. Kung kanina ay nagtaka siya sa sinabi ng lalaki na hindi nagsasalita ang anak nito. Ngayon ay naguguluhan siya kung bakit siya kilala nito. Paano naman kasi… hindi ordinaryo ang aura ng lalaki para hindi niya maalala kung sakaling nakilala niya ito dati. Well, the man looks so handsome. Mukha itong artistahin o mas tamang sabihin na mukha itong modelo dahil sa tindig at porma nito. Hindi ang gaya nito ang madaling kalimutan.Sinulyapan niya ang batang babae na anak nito, nginitian ng masuyo. Napakagandang bata. Nang malala niyang tinawag siya
“Or maybe the name is Jessa?” tanong ni Zylah kay Austin, na iniisip pa rin kung ano ba ang pangalan ng babaeng kasama ng bata na pinahanap niya nang gabing iyon.“Jessa…” ulit ni Austin sa pangalan. “Yeah, it could be the woman’s name… Nalimutan ko lang pero parang ‘yan nga ang pangalan na sinabi no’ng babae. You know the woman?”Zylah smiled in her thoughts. Iniisip na may alas pa siya kung gano’n. Sakaling makahanap ng footage na kasama ni Jaxon si Jessa nang gabing madulas at malaglag siya sa hagdan ay madidiin ito bilang mastermind.“Zy?” tawag ni Belinda sa kaibigan. Lumitaw siya mula sa fire exit at nilapitan si Zylah. Napatingin kay Austin. Napakunot-noo dahil parang pamilyar sa kaniya ang lalaki at iniisip kung saan nakita ito.Nginitian ni Austin si Belinda at muling tiningnan si Zylah. “Mauna na kami,” magalang na paalam nito.“Mommy…” ani naman ng batang karga ni Austin. Humikbi pa ito. Naiiyak dahil ayaw malayo sa babaeng iniisip ay kahawig ng ina.Natigilan si Austin. Na
“Sa tingin mo tutulungan niya tayo?” tanong ni Zylah kay Belinda nang pabalik na sila sa bahay ng isa. Nasa kotse sila ni Belinda at ito ang nagmamaneho. “Yes,” tugon ni Belinda sa tanong ng kaibigan. “And please stop being negative. Maayos kausap si Austin kaya isipin na lang natin na mananalo tayo sa kaso. Footage na lang ang kailangan natin, Zy, para may laban na tayo sa simula pa lang ng kaso.”Napabuntong-hininga si Zylah. Napatango. Tama ang kaibigan, footage lang ang kailangan nila at madididin na si Jessa. Footage na makikitang magkasama sina Jessa at Jaxon sa ospital pagkatapos ng krimen na planado ng una. “Ang ganda ng anak ni Austin… sayang at ayaw magsalita.” “She’s just traumatized…” malungkot na turan ni Zylah. Hindi niya maiwasan malungkot. Ikinwento kasi ni Austin ang dahilan kaya ayaw magsalita ni Raffy at naapektuhan siya. Dinamdam ni Raffy ang naging kamatayan ng ina. Dahil doon ay naisip niya ang kaibahan ni Raffy kay Jaxon. Hindi matanggap ni Raffy ang pagkawa
“At huwag kang mag-alala, Bryce…” dagdag ni Zylah at pinahid ang mga luhang pumatak sa pisngi. “Wala na akong planong tumira ulit rito. Wala na akong plano ipaglaban pa ang pamilyang sinira ninyo ni Jessa! Ang gusto ko lang sana ay makausap ang anak ko at baka mailigtas ko pa siya sa kasamaan na itinuturo niyo!”“No…” Umiling si Bryce. Hindi siya papayag na maghiwalay sila ni Zylah. Alam ni Bryce na may mali siya sa tingin ng iba nang bigyang halaga niya ang ex dahil hindi niya ito kayang tiisin at mapasama. Masyadong mahina si Jessa at natatakot sa asawa nito kaya kailangan niyang tulungan. Hindi ito kagaya ng ibinibintang ni Zylah kaya umaasa pa rin siyang maunawaan ng asawa. “And I’m telling you, Bryce…” Muling napahikbi si Zylah nang maisip ang anak na nawala. “Hindi ako titigil… Hindi ako titigil hanggang hindi ko mapapanagot ang Jessa na ‘yan sa nangyari sa akin. At sa nangyari sa baby ko…” “It was Jaxon, Zy…” ani Bryce, parang hirap na hirap sabihin ang mga kataga. Ang tono
“Anak…” ani Lani. Kakatok pa sana siya sa pinto ng kuwarto ng anak pero nang iikot niya ang door knob ay bukas naman pala iyon kaya pumasok na siya. Si Zylah ay naabutan ni Lani na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa ito nakauwi, pasado alas-otso ng gabi. Mga isang oras na pero mula nang dumating ay hindi na lumabas ng kuwarto kaya inakyat niya na. Nag-alala kasi ang asawa na baka umiiyak na naman ang anak nila kaya sinilip na niya para lang makasigurado.Nalaman nila ang lahat ng nangyari rito kina Melissa at Belinda. Ang dalawa ang nagkuwento sa kanila ng mga pinagdaanan ni Zylah sa piling ni Bryce. Nakunan ang anak niya, iniwan si Bryce dahil inuwi na si Jessa, kinidnap ni Bryce para ibigay sa ex ni Jessa, at nagkaroon ng trauma dahil sa drogā.Galit na galit ang mga anak niyang lalaki at halos ika-stroke na naman ni Ricardo ang nalaman. Siya lang ang pinakakalmado sa lahat kaya siya na ang laging lumalapit kay Zylah para tanungin ito kapag
Zylah gaping eyes gazed at Austin. Palaging may gano’ng palinya si Austin sa kaniya. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang concern nito pero hindi na kasi basta kaibigan na lang ang turing ni Austin sa kaniya. She knows of course.Sinalubong niya ang mga tingin ni Austin. “Do you—”Zylah sighed. Hindi niya kayang itanong. Maliban sa nahihiya siya ay paano kung mali ang iniisip niya. Ayaw niyang maging katulad ni Jessa sa paningin ni Austin. Ayaw niyang pag-isipan nito ng masama sa pag-assume niya. At isa pang ayaw niya, ang masira ang pagkakaibigan nila.Bago pa lang ang friendship nila pero importante sa kaniya ang maging kahit kaibigan lang nito. At si Raffy? Ayaw niyang malagay sa alanganin ang pagiging ‘mommy’ niya kay Raffy kapag sakaling si Austin na ang nailang sa kaniya kapag nalaman na pinag-iisipan niya itong interesado sa kaniya.“Do I what?” tanong ni Austin. Umiling si Zylah. Ngumiti. “Nothing. Kain na sigu—” she stopped completing her sentence. Wala pa nga
“A penny for your thoughts?”Napatingin si Zylah kay Austin na nasa harap na pala niya pero hindi niya agad napansin. Tatlong araw na mula nang natapos ang birthday celebration ng papa niya na medyo ginulo ni Bryce kaya natutulala pa rin siya kapag bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. “Where’s Raffy?” tanong ni Zylah nang maupo si Austin sa tapat niya at nginitian ito. Dapat nakabalik na sa Manila sina Austin at Raffy kahapon pero hindi natuloy. Nagbago ang plano ng mag-ama kasi isasabay na lang daw siya. Iyon ang gusto ni Raffy na hindi niya natanggihan. Hindi pa kasi siya makaalis kasi hindi pa rin siya nakapaalam sa mga magulang na aalis siya ng bansa. Paano naman kasi siya magpapaalam? Paano niya sasabihin sa mga magulang ng maayos na sasama siya kina Austin at Raffy sa California na hindi mamasamain ng mga ito ang desisyon niya?“Raffy’s still sleeping,” tugon ni Austin sa tanong ni Zylah. Lumingon siya para tumawag ng table attendant. He ordered breakfast for two next. Na
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig na sinabi ni Austin. Yes, alam niyang iginaganti lang siya ni Austin kay Bryce pero hindi naman ang uri ni Austin ang gagawa ng kuwento para lang mang-inis ng kausap nito. Napatitig siya kay Austin. Kung gusto ito ni Jessa at magkagusto rin ito sa isa… siguradong kawawa si Bryce. Siguradong ipagpapalit na naman ito ng pinakamamahal na si Jessa.“Sorry to say that…” dagdag ni Austin sabay ngiti kay Bryce. A kind of smile na wala itong kalaban-laban sa kaniya. Never nagmalaki si Austin sa mga naabot niya pero kung sa tulad ni Bryce na masyadong mayabang ay bakit hindi? Austin smiled. “Don’t worry, Bryce, I have no intention to entertain Jessa. Just curious with your relationship with her.”Ngiti ang reaksyong itinugon ni Bryce. Ngiti na pilit. Kailangan niyang maging kalmado. Hindi siya dapat magpaapekto sa sinasabi ni Austin na kung ano tungkol kay Jessa. Kilala niya si Jessa, hindi siya nito ipagpapalit sa gaya ni Austin kahit sobrang yaman
“Am I right, Austin?” tanong ni Bryce kay Austin nang wala itong naging reaksyon sa mga sinabi niya. Nasa mga mata niya ang simpeng pag-analisa ng komplikadong sitwasyon na napasukan. Hindi basta-basta ang tulad ni Austin sa business world at hindi niya gugustuhin na pag-initan siya nito. Ngumiti naman si Austin. Ngiti na pilit pero siguradong hindi mahahalata ni Bryce ang galit niya. Ngiti na pang-uto niya lang dito. Bryce was obviously manipulating him but he ain’t stupid, he knows how to play the game. Just another year to wait at sisimulan na niya pabagsakin ito. At sa taas ng lipad ni Bryce ay siguradong sobrang sakit ang magiging pagbagsak nito. “I know this is an awkward moment, Austin, but can I take the chance to talk to you about business? A dinner perhaps,” pag-iba ni Bryce ng topic. Hindi niya pa rin mabasa ang nasa isip ni Austin pero dahil business-minded ito ay iyon ang nakita niyang paraan para makaalis na sila sa kung anong mga nangyari kanina. “Or what about a lunc
“Austin,” nakangising usal ni Bryce sa pangalan ng lalaking palapit sa kanila. Ang totoo ay hindi siya natuwa sa pagbanggit nito ng apelyido niya kanina. Kung ibang tao lang ito ay kaya niyang pagsalitaan na huwag itong mangialam, kaso… hindi ito ibang tao. Ito lang naman ang may pinakamalaking halaga na kayang i-invest sa kumpanya niya at kailangan niya ito para masigurado ang hindi pagka-bankrupt ng Almendras Pharma. Kung bakit ito nandito? Malalaman niya rin. “Nandito ka pala…” wika niya, nananantya. “Small world, aren’t we?”Oo at nasa Tranquil sila, hotel na pag-aari ni Austin. Pero sa dinami-daming hotel nito sa buong mundo ay sino ba ang mag-iisip na narito ito ngayon? “There’s a management meeting I attended here,” tugon ni Austin sa sinabi ni Bryce. Pinipilit niya lang maging kalmado sa harap nito para hindi masira ang kung anong plano niya para rito. Tiningnan niya si Zylah. “Are you okay?” tanong niya na nag-aalala lalo at namumula ang mga mata nito. Tumango si Zylah.
Nanlaki ang mga mata ni Zylah lalo at pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa sinabi ni Bryce. Bulungan ang kasunod na maririnig…“Nanlalaki si Zylah?” “Dios mio, patawarin… kaya naman pala…”“Kaya pala may iba siyang kausap na lalaki kanina… baka iyon ang lalaki niya…”“Iyang batang babae sa likod niya? Iyan ‘yong kasama ng lalaki na bisita niya, ‘di ba?”Naririnig ni Zylah ang mga bulungan. Naririnig niya pero ayaw niyang tingnan kung sino ang mga nagsasalita. Ano’t ano man ay hindi niya mapipigilan ang reaksyon ng mga ito dahil sa kung anong kasinungalingan ni Bryce. Huminga siya ng malalim at itinaas ang baba, wala siyang dapat ikatakot. Hindi siya ang sumira ng pamilya nila. Ito.“Hindi ako nanlalaki!” malakas ang boses na apela ni Zylah. “Alam mo ang totoo, Bryce!” “Talaga?” tanong ni Bryce. Nakangisi at nananadya dahil alam niyang galit na si Zylah. Kailangan pabor sa kaniya ang sitwasyon. Nanggulo na rin lang siya kaya sagarin na niya. Hindi siya tanga kaya alam niyang sa pag
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa sinabi ni Bryce. Pasimple niyang hinanap ng tingin si Austin. Kinakabahan sa reaksyon nito sa sinabi ni Bryce na bastarda si Raffy. Nang makita niya si Austin na nakatayo katabi ni Belinda ay kita niya ang galit sa mga mata nito. Nagtitimpi lang ito. “Zylah, anak…” nag-aalalang wika ni Lani at sumingit na para awatin ang nagtatalong anak at ex-husband nito. Napatingin siya kay Bryce at nakikiusap ang tono ng boses nang muling magsalita, “Bryce, baka mas mabuting pag-usapan ninyo na lang ni Zylah ng maayos ang—”“Maayos?” galit na tanong ni Bryce. “Hindi nga maayos ang ugali ng anak ninyo kaya ano pang dapat pag-usapan?” Hinawakan niya ang kamay ni Jaxon at tiningnan si Zylah. “Sana ay hindi ko na lang dinala si Jaxon dito kung alam ko lang na gan’yan ka na talaga kasamang ina, Zylah!” “Umalis ka na,” hindi nakatiis na sabat ni Belinda. Kalmado ang boses niya na nilapitan si Bryce kahit kanina pa siya galit sa kung anong kalokohan nito. “And here you
Natigilan si Jaxon sa sinabi ng ina at muling tiningnan ng masama si Raffy. Sa isip niya ay may bagong ‘anak’ na pala ang mommy niya kaya ayaw na sa kaniya. Ang sabi ng Mommy Jessa niya ay hindi na kasi siya love ni Zylah kaya hindi na siya pinupuntahan para makita. Totoo pala. Hindi na siya love kasi may ibang bata na itong gusto gawing anak. Ayaw niya kay Zylah, mas love niya ang Mommy Jessa niya. Pero kahit ayaw niya sa tunay niyang mommy ay hindi ibig sabihin dapat itong magkaroon ng ibang anak na ipagtatanggol sa kaniya. Ang sabi ng Mommy Jessa niya ay dapat hindi maging happy ang mommy niya kasi bad ito, sinisisi pa nga siya kaya nawala ang baby sa tummy nito. Nanigkit ang mga mata ni Jaxon, sa batang isip niya ay si Jessa lang ang tama at dapat pakinggan niya. Kung sabi ng Mommy Jessa niya ay dapat awayin niya lagi ang totoong mommy niya para hindi siya iwan nito, iyon ang gagawin niya. “Alis ka d’yan!” Hinawakan ni Jaxon ang braso ni Raffy at hinila para mabitiwan ito ng