Nakatitig sa labas si Zylah, nakatingin sa mga bata na naglalaro. Kasama niya ang dalawang kaibigan dahil niyaya siyang kumain sa restaurant na sinasabi ni Melissa nakaraan pa na puntahan nila. Kung dati ay nagmamadali si Zylah umuwi kahit bihira lang makasama ang mga kaibigan, ngayon ay iniisip niyang sana pwede pa ang mga itong samahan siya ng mas matagal dahil ayaw niya pang umuwi sa condo unit ni Belinda at mag-isa roon dahil busy ang isa. Kung dati ay kahit nasa labas siya ay nasa asawa ang utak niya dahil ayaw niyang may masabi ito na naglalakwatsa siya at nagiging maluho, ngayon ay iniisip na lang niya kung paanong mapawalang-bisa ang kasal niya rito ng mas mabilis.Sa huling pag-uusap nila ni Bryce ay ayaw nitong pumayag na maghiwalay sila. Nasabi na niya iyon kay Belinda at sabi ng kaibigan niya ay magkakaroon ng problema sila sa annulment kung iyon ang ipipilit niyang makuha agad, legal separation lang ang maisasampa nila muna sa korte na appeal ayon pa rito. Wala rin sapa
“Happy birthday, Mommy!” masayang bati ni Jaxon kay Jessa na ikinataas ng kilay ni Zylah. Birthday ni Jessa kaya pala masaya ito. Birthday nito kaya happy na may pamilyang bago kahit inagaw lang.“Thank you, Jax!” masayang wika ni Jessa at niyakap si Jaxon na yumakap din dito at halos ayaw bumitaw. Sinulyapan ni Zylah ang anak ni Jessa, si Brody, na tahimik lang sa tabi ng mommy nito. Iniisip kung hindi ba nagseselos ang bata sa atensyon ni Jessa na lagi ay na kay Jaxon at halos ginagawang dekorasyon na lang ito. “There’s something wrong with that woman, right?” tanong ni Melissa na masama ang tingin kay Jessa. “Hindi ko alam pero may mali sa ka-sweet-an niya kay Jaxon. She looks demure pero alam naman natin na kadalasan ang mga mahinhin ay mahindutin.”“Liz!” saway na naman ni Belinda rito na ikinaikot lang ng mga mata ni Melissa. “Stop saying that!”“Bakit ba?” inis na tanong ni Melissa. “At kanina ka pa, Bel, ha? Alam mo ba ‘yon? Kanina ka pa sigeng saway sa akin na parang nanay
“Zy…” usal ni Jessa at lumapit kay Zylah, dahilan kaya hindi naituloy ni Bryce ang sasabihin pa sana. “Hi…” mahinang bati niya, nanginginig ang boses at nahihiya ang tono. Kunwari. Kunwari dahil nagpapanggap lang naman siyang kawawa sa paningin ng mag-ama ni Zylah. Nagpapanggap para magmukhang inaapi siya sa harap ni Bryce at Jaxon—ang pinaka-alas niya sa larong sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Alam ni Jessa laruin ang sitwasyon. Nakita na niya kung paano mapaikot ang mag-ama. Tuluyan na niyang nakuha ang loob ng mga ito kaya kaunti na lang at siya na ang tunay na asawa ni Bryce. Siya na ang reyna.Alam niya ring siya na ang mahalaga sa mga ito at balewala na si Zylah. Lamang na lamang na siya kay Zylah. Asawa na lang si Zylah ni Bryce sa papel pero siya na ang gustong kasama. Siya na ulit ang importante kay Bryce kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Pagkakataon na mabawi si Bryce mula kay Zylah.In fact, that’s her reason to interrupt Bryce talking to Zylah. Narinig
“Mommy?” kunot-noong tanong ni Melissa kay Zylah dahil sa tawag ng bata sa kaibigan niya. Ngayon lang kasi nito nakita ang bata at hindi kilala. “Never thought may anak kang babae, Zy,” natatawang dagdag nito, nasa tono ang pagbibiro.“She’s Austin Mulliez’ daughter…” bulong ni Belinda kay Melissa. “Austin Mulliez?” tanong ni Melissa na parang iniisip pa kung saan narinig ang pangalan ng lalaking binanggit. “It’s impossible that you don’t know him,” ani Belinda na umikot pa ang mga mata dahil sa pagka-loading ni Melissa. “Mulliez?” ulit ni Melissa at hindi hinihiwalayan ng tingin sina Zylah at ang batang nakayakap dito. “Raffy…” masuyong kausap ni Zylah sa bata. “Where’s your daddy?” tanong niya rito. “Please don’t leave me. Stay with me, mommy…” Niyakap siya ni Raffy mahigpit. Naiiyak ito.Kinarga na ni Zylah ang bata. “Hush, sweetie…” suyo niya rito dahil ayaw siyang bitiwan at humihigpit na ang kapit sa leeg niya. “It’s fine, baby. Daddy will be here any minute.”“I can’t bel
“Hi!” nakangiting nilapitan ni Zylah si Austin. Inimbitahan siya ng lalaki na mag-dinner sa restaurant na nasa hotel nito. Inihatid siya ni Belinda at may pa-message pa sa kaniya si Melissa, nanunukso. Yes, kanina pa siya tinutukso ng dalawang kaibigan kay Austin pero hindi na lang niya pinapansin. Ayaw niya kasing mag-isip ng iba lalo na at wala sa isip niya ang mga sinasabi ng mga kaibigan na mukhang iba na ang kailangan ni Austin sa kaniya. Mukhang hindi lang daw si Raffy ang gusto siyang maging mommy, halata raw na pati si Austin gusto na rin siya gawing mommy ng anak nito.Three days ago ay talagang nag-enjoy si Raffy noong kasama siya nito sa Jollibee, nakipaglaro pa nga ito sa mga batang naroroon. Masayang-masaya at madaldal siyang kinakausap, nagkukuwento. Nagsasabi na sa susunod ay sana huwag na siyang lalayo rito.Nang ihatid siya ni Austin sa condo unit ni Belinda, na nauna sa kaniyang umuwi, ay sinabi ni Austin na ang hapong kasama siya ni Raffy ang ang kauna-unahang bese
“Yeah…” mahinang sang-ayon ni Zylah. Napatango. Alam naman niya iyon.Alam niyang magiging okay siya. Alam niyang dapat unahin ang sarili. Alam niya kung ano rin ang dapat i-priority pero iyon na nga… kahit alam naman niya ang lahat ay hindi niya maiwasang masaktan sa nangyari sa kanila ni Bryce. Isang dekada silang nagsama ni Bryce. Sa mag-ama niya umikot ang buhay. Pero gano’n lang pala iyon kay Bryce, sa biglang pagbalik ni Jessa ay ito na ang gustong makasama, kinalimutan na siya. Ang sabi ni Bryce ay hindi ito papayag na maghiwalay sila, iyon ang bagay na hindi niya maunawaan. Ang sabi pa nga nito ay hinahayaan lang siya at pinagbibigyan. Hinahayaan lang at pinagbibigyan… Nakakatawa na lang para kay Zylah ang walang kwentang dahilan ni Bryce. Ang totoo ay ayaw nitong makipaghiwalay sa kaniya dahil naninigurado na may babalikang asawa ano’t anuman ang resulta ng pakikipagbalikan nito kay Jessa. O baka naman sa isang banda ay may punto si Belinda, baka naman mas tama ang kaibig
“Why are you thinking that way?” medyo natawang tanong ni Austin sa kaniya. “Nakasanayan mo ba ang mag-overthink?”Napatitig si Zylah sa lalaki, parang gusto niyang itanong kung wala ba itong ideya na napakaguwapo nito at single, tapos isa siyang pinagpalit ng asawa at mukhang desperada. Siguro kay Austin ay walang problema ang lahat lalo na at para kay Raffy ang magiging trabaho niya pero alam niya na pwedeng simulan ng issue ng kahit sinong nasa paligid nito ang magiging trabaho niya sakali. “The fact that I’m still married made me look bad kung sa bahay mo ako titira. Kagaya ng alam mo ay hindi pa kami legal na hiwalay ni Bryce. Hindi rin natin sigurado ang magiging implication sa mga makakarinig ng tawag sa akin ni Raffy na mommy in case tinanggap ko nga ang offer mo tapos malalaman na sa bahay niyo ako nakatira. Hindi naman natin pwedeng ipaliwanag na hindi talaga ako ang mommy ni Raffy at trabaho ko lang iyon dahil gusto ako ng anak mo.”Tumango-tango si Austin. “I think you a
Para kay Raffy. Alam ni Zylah na para kay Raffy kaya siya kinukulit ni Austin pero hindi niya maiwasang hindi mapangiti at… kiligin. Pagkakilig na agad niyang inalis sa isipan dahil hindi iyon tama. Mali ang mag-entertain siya ng kung ano dahil may asawa pa rin siya. Technically.“At kung papayag ka ay kagaya ng nasabi ko, ako ang bahala sa lahat ng pinansyal na kailangan mo maliban pa sa suweldo mo na matatanggap para maging mommy ni Raffy.”Tinitigan ni Zylah si Austin. Nangiti at pinipigilan ang sariling matawa sa enthusiasm nito para makumbinsi siya. “That’s tempting…” komento niya. “Pero ano kaya ang kaibahan ng alok mo sa akin ngayon sa alok mo kanina?” “The place where you will stay with my daughter,” seryosong sagot nito. “Sa ngayon ay hindi pwedeng dito tayo tumira sa Pilipinas kung papayag ka maging mommy ni Raffy. Hindi naman pwedeng hindi ko makasama ang anak ko para hayaan kayong nakatira sa ibang bahay. S’yempre kung nasaan ang anak ko ay dapat naroon ako.”Tahimik lan
“And where did you get that idea?” Nakatitig at nagtatakang tanong ni Austin kay Zylah. Sa isip ay baka may sinabi ang ina tungkol sa posibleng pagbago ng isip niyang pakasalan ito. Pabugang huminga si Austin. Mula New York ay nag-aalala siya kay Zylah, na baka kung ano ang sinabi ng ina rito. Mula New York ay ito ang laman ng isip niya. At ang tinatanong nito ngayon ay patunay na may nasabi ang mama niya rito.“May sinabi si Mama kaya mo natanong ‘yan, ‘di ba?” muli ay ungkat ni Austin kay Zylah. Umiling si Zylah at pinong ngumiti. “I told you already… wala siyang sinabi sa akin na dapat mong ika-worry. It’s just that—”“Then why are you asking that?” tanong niya rito. “I mean… who told you that my mother’s opinion could change my mind?” Muli ay isang ngiti ang pinakawalan ni Zylah. Ngiti na puno ng pag-aalala. “It’s you, Austin…” tugon ni Zylah at tinitigan si Austin. “Actually, the idea is from you.”“From me?!” kunot-noong balik-tanong ni Austin. “Yes, Austin. I got the idea f
Napangiti si Zylah sa larawan ni Austin na tinitingnan. Ang larawan ay kuha noong ten years old pa lang si Austin base sa petsa na nasa ibaba ng larawan. At sa larawan ay kasama ni Austin ang mag-asawang McIntyre. Pagbuklat ni Zylah nang panibagong pahina ng photo album ay lalong lumapad ang ngiti niya dahil ang parents naman ni Austin ang kasama nito sa larawan. Napatitig si Zylah sa magandang mukha ni Reina noong kabataan pa nito. Kamukha ni Austin ang ina at napamana nito ang itsura sa anak na si Raffy. Napahawak si Zylah sa tiyan. “Sana kamukha ka rin ni daddy, Baby Raegan…” usal niya at nang gumalaw ang baby niya ay napangiti si Zylah. “I love you, baby…” “I love you, Mommy…” Napalingon si Zylah at napangiti nang makita si Austin na nakasandal patagilid sa hamba ng pinto. Tumayo siya at niyakap ang photo album na hawak. “Kanina ka pa?” tanong niya. Humakbang si Austin palapit kay Zylah at kinuha ang album mula rito. “Kararating lang. Saktong doon lang sa sabi mo sana kamuk
“And who are you?” tanong ni Reina Matsuda Mulliez—mama ni Austin—sa babaeng nasa harap niya. Mapanuri ang mga tingin niya at nang dumako ang tingin niya sa tiyan ni Zylah ay napakunot-noo siya dahil buntis ito. Papasok pa lang siya ng bahay ay narinig na niya ang tawag ng apo rito—Mommy—na ikinagulat niya. Gusto niyang matuwa na nakakapagsalita na ulit si Raffy pero dahil sa babaeng nasa harap niya ay hindi niya magawang ngumiti.“You are not mute…” Napaismid si Reina sa babaeng hindi sinagot ang tanong niya at nakatingin lang sa kaniya. “I heard you were talking earlier.”Si Zylah ay napalunok at napakurap para alisin ang kabang namuo sa dibdib dahil sa uri ng tingin sa kaniya ng mama ni Austin. Ngayon niya lang ito nakaharap ng personal pero dahil sa mga larawang nito na nasa mansion ni Austin sa Pilipinas ay nakilala niya ito agad. Nabigla siya sa pagdating nito at sa uri ng tingin na binibigay sa kaniya ay may mga alaala na naman na bumabalik sa isip niya. Meeting the mother of
“Congrats to your wedding!” sabi ni Cassian pagpasok pa lang ni Austin sa opisina niya. “At salamat naman sa wakas naisip mong magpakita,” pabiro niyang dagdag. “And as I expected…” natawang tugon ni Austin, “you heard it already before seeing me.” Hindi nagulat si Austin na alam ni Cassian ang tungkol sa nalalapit na kasal niya kay Zylah. Kahit bago lang sila personal na nagkita ni Cassian pagkatapos ng ilang taon ay nasabi na sigurado rito ni Mathias ang dahilan kung bakit nagkita sila ng isa sa California. Wala naman problema kay Austin kahit napag-uusapan ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. Normal lang iyon dahil pare-parehong nag-aalala sa kaniya ang mga ito. And partly, he neglected their friendship because he was focused on Raffy’s condition and his hotel business worldwide. Mga matatalik na kaibigan niya sina Mathias, Cassian, at Vito noong college pa kasi iisang kurso silang apat. Brent was out of the picture of them four dahil mula pagkabata niya pa kaibigan ito at hindi
Napakurap-kurap si Zylah dahil nasilaw sa puting ilaw na nabungaran sa pagdilat ng mga mata. Nang bumalik sa kaniya ang alaala nang nagdaang pangyayari kinagabihan ay napatingin siya agad sa tiyan at napabangon. Sa pagbangon ni Zylah ay nagising niya si Austin na nakasubsob ang ulo sa mga braso dahil nakatulog kakabantay sa kaniya. Nag-aalalang tumayo at lumapit si Austin kay Zylah. “The baby is fine…” aniya rito. Payapang napangiti si Zylah dahil saktong pagsabi ni Austin na okay ang anak nila ay gumalaw ito. “Thanks God…” sambit niya sabay hikbi. “Enough with crying…” mahinang wika ni Austin sabay halik sa noo ni Zylah. “I will call the nurse to check on your vitals,” paalam niya kay Zylah at tatalikod sana nang pigilan siya nito. “I’m fine…” ani Zylah habang nakahawak sa braso ni Austin. “The baby’s well and that’s what matters…” Kinuha ni Zylah ang kamay ni Austin at ipinatong sa tiyan niya. “Feel her, Austin…”Napatitig si Austin kay Zylah. He gaped when he felt the movement o
“I was calling your name that night…” mahina ang boses na kuwento ni Zylah habang buhat siya ni Austin at papunta sila ng elevator. “I thought I was only imagining you because of drugs. And I admit, I felt good that the man I slept that night was you…” she sobbed. “I am thankful, Austin. I was…” Kumapit si Zylah kay Austin. Yumakap. At umiyak na naman habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Masaya siya sa nalaman pero natatakot para sa baby niya na kanina pa naninigas at parang gustong lumabas na.“I am thankful, too…” ani Austin. “I am thankful that my name was the one you were moaning that night. At least hindi pangalan ni—” Umiling si Austin. Hindi niya dapat banggitin pa ang pangalan ni Bryce. Hindi na dapat at ayaw niyang isipin ni Zylah na posibleng pagselosan niya ang lalaking ‘yon.“I won’t call any man’s name but you… ikaw talaga ang gusto kong isipin nang gabing ‘yon…” medyo nahihiyang amin ni Zylah. Napangiti si Austin. At dahil ayaw niyang makaramdam pa ng hiya lalo s
“Your name?” Napakurap si Zylah. Wala siyang sinabihan kahit isa tungkol sa bagay na iyon. “It was my name you were calling that night, Zylah… You can’t deny that now.” Tinalikuran ni Austin si Zylah at lumapit sa tokador. Dinampot niya ang envelope na naroon at inabot kay Zylah. “Before you spoke again of your marriage with Bryce… and before you deny you love me… check this first.”“What’s that?” tanong ni Zylah na naguguluhan pa rin sa bagay na alam ni Austin na pangalan nito ang binibigkas niya noong gabing iyon. Napahawak siya sa tiyan dahil muling lumikot ang baby niya. “Please check first…” nakikiusap ang tono na utos ni Austin para hindi na magtanong pa si Zylah at tingnan na lang ang laman ng envelope na iniwan ni Mathias. “It’s one of my surprises for you.”“Is this a contract for our marriage in case I will agree?” Kinuha ni Zylah ang envelope. “Or perhaps a prenuptial agreement. Am I right?” “Better see it for yourself, Zylah…”Tumango si Zylah. Pakiramdam niya ay kahit
“No?” nagtatakang tanong ni Austin. May ideya na siyang kung saan hinuhugot ni Zylah ang mga sagot pero gayunpaman ay hindi niya maiwasang magtaka at… masaktan.“Hindi ko na itatanong kung bakit ‘no’ ang sagot mo,” patuloy ni Austin. “Hindi ko na itatanong dahil may ideya na ako sa kung anong nasa isip mo. But please do consider, Zylah. Marry me.”Umiling si Zylah. “No, Austin…” pahikbing wika niya sa halo-halong nararamdaman. Umatras siya para mabitiwan nito mula sa pagkakayakap sa kaniya. “Marrying you is wrong… I can’t…”“I love you…” amin ni Austin sa nararamdaman. “I love you and it’s true. Imposibleng hindi mo naramdaman. Imposibleng hindi mo naisip kahit minsan man lang na mahal kita. Imposibleng hindi mo nahalata man lang.” Umiling na naman si Zylah. Nanlalaki ang mga mata sa deklarasyon ni Austin. Oo at masasabi niyang naramdaman, naisip, at nahalata niya si Austin pero hindi iyon basta gano’n lang. Hindi dahil mahal na siya nito ay sasamăntalahin niya ang pagkakataon. Hind
“Zylah?” patanong na wika ng isang lalaki mula sa likuran ni Zylah na ikinalingo niya.Ngumiti si Zylah at pilit itinago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa itsura ng lalaking tumawag sa kaniya. Ang asul nitong mga mata at buhok na kulay brown ang nagbigay sa kaniya ng impresyon na ibang lahi ito at nakapagtataka na kakilala siya. Mukha nga itong modelo sa biglaang tingin niya kanina. “Mathias Ivanov,” pagpapakilala ng lalaki at nginitian siya. “I’m Austin’s friend.”“Oh…” ani Zylah at nagtatakang nilibot ng tingin ang hotel na ngayon niya lang napuntahan. Ang akala niya ay sa Hotel Tranquil siya dadalhin ng driver na sumundo sa kaniya pero iba pala ang venue kung saan siya pinapapunta ni Austin. “Hi…” kiming usal niya. “Where’s Austin?”“You’re beautiful,” ani Mathias na kanina pa napapansin ang pagkailang sa mukha ni Zylah. “At napakaganda mo sa suot mo,” dagdag niya na nakangiti. “Nasa presidential suite si Austin, hinihintay ka.”Nanlaki ang mga mata ni Zylah ng bahagya. H