“Happy birthday, Mommy!” masayang bati ni Jaxon kay Jessa na ikinataas ng kilay ni Zylah. Birthday ni Jessa kaya pala masaya ito. Birthday nito kaya happy na may pamilyang bago kahit inagaw lang.“Thank you, Jax!” masayang wika ni Jessa at niyakap si Jaxon na yumakap din dito at halos ayaw bumitaw. Sinulyapan ni Zylah ang anak ni Jessa, si Brody, na tahimik lang sa tabi ng mommy nito. Iniisip kung hindi ba nagseselos ang bata sa atensyon ni Jessa na lagi ay na kay Jaxon at halos ginagawang dekorasyon na lang ito. “There’s something wrong with that woman, right?” tanong ni Melissa na masama ang tingin kay Jessa. “Hindi ko alam pero may mali sa ka-sweet-an niya kay Jaxon. She looks demure pero alam naman natin na kadalasan ang mga mahinhin ay mahindutin.”“Liz!” saway na naman ni Belinda rito na ikinaikot lang ng mga mata ni Melissa. “Stop saying that!”“Bakit ba?” inis na tanong ni Melissa. “At kanina ka pa, Bel, ha? Alam mo ba ‘yon? Kanina ka pa sigeng saway sa akin na parang nanay
“Zy…” usal ni Jessa at lumapit kay Zylah, dahilan kaya hindi naituloy ni Bryce ang sasabihin pa sana. “Hi…” mahinang bati niya, nanginginig ang boses at nahihiya ang tono. Kunwari. Kunwari dahil nagpapanggap lang naman siyang kawawa sa paningin ng mag-ama ni Zylah. Nagpapanggap para magmukhang inaapi siya sa harap ni Bryce at Jaxon—ang pinaka-alas niya sa larong sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Alam ni Jessa laruin ang sitwasyon. Nakita na niya kung paano mapaikot ang mag-ama. Tuluyan na niyang nakuha ang loob ng mga ito kaya kaunti na lang at siya na ang tunay na asawa ni Bryce. Siya na ang reyna.Alam niya ring siya na ang mahalaga sa mga ito at balewala na si Zylah. Lamang na lamang na siya kay Zylah. Asawa na lang si Zylah ni Bryce sa papel pero siya na ang gustong kasama. Siya na ulit ang importante kay Bryce kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Pagkakataon na mabawi si Bryce mula kay Zylah.In fact, that’s her reason to interrupt Bryce talking to Zylah. Narinig
“Mommy?” kunot-noong tanong ni Melissa kay Zylah dahil sa tawag ng bata sa kaibigan niya. Ngayon lang kasi nito nakita ang bata at hindi kilala. “Never thought may anak kang babae, Zy,” natatawang dagdag nito, nasa tono ang pagbibiro.“She’s Austin Mulliez’ daughter…” bulong ni Belinda kay Melissa. “Austin Mulliez?” tanong ni Melissa na parang iniisip pa kung saan narinig ang pangalan ng lalaking binanggit. “It’s impossible that you don’t know him,” ani Belinda na umikot pa ang mga mata dahil sa pagka-loading ni Melissa. “Mulliez?” ulit ni Melissa at hindi hinihiwalayan ng tingin sina Zylah at ang batang nakayakap dito. “Raffy…” masuyong kausap ni Zylah sa bata. “Where’s your daddy?” tanong niya rito. “Please don’t leave me. Stay with me, mommy…” Niyakap siya ni Raffy mahigpit. Naiiyak ito.Kinarga na ni Zylah ang bata. “Hush, sweetie…” suyo niya rito dahil ayaw siyang bitiwan at humihigpit na ang kapit sa leeg niya. “It’s fine, baby. Daddy will be here any minute.”“I can’t bel
“Hi!” nakangiting nilapitan ni Zylah si Austin. Inimbitahan siya ng lalaki na mag-dinner sa restaurant na nasa hotel nito. Inihatid siya ni Belinda at may pa-message pa sa kaniya si Melissa, nanunukso. Yes, kanina pa siya tinutukso ng dalawang kaibigan kay Austin pero hindi na lang niya pinapansin. Ayaw niya kasing mag-isip ng iba lalo na at wala sa isip niya ang mga sinasabi ng mga kaibigan na mukhang iba na ang kailangan ni Austin sa kaniya. Mukhang hindi lang daw si Raffy ang gusto siyang maging mommy, halata raw na pati si Austin gusto na rin siya gawing mommy ng anak nito.Three days ago ay talagang nag-enjoy si Raffy noong kasama siya nito sa Jollibee, nakipaglaro pa nga ito sa mga batang naroroon. Masayang-masaya at madaldal siyang kinakausap, nagkukuwento. Nagsasabi na sa susunod ay sana huwag na siyang lalayo rito.Nang ihatid siya ni Austin sa condo unit ni Belinda, na nauna sa kaniyang umuwi, ay sinabi ni Austin na ang hapong kasama siya ni Raffy ang ang kauna-unahang bese
“Yeah…” mahinang sang-ayon ni Zylah. Napatango. Alam naman niya iyon.Alam niyang magiging okay siya. Alam niyang dapat unahin ang sarili. Alam niya kung ano rin ang dapat i-priority pero iyon na nga… kahit alam naman niya ang lahat ay hindi niya maiwasang masaktan sa nangyari sa kanila ni Bryce. Isang dekada silang nagsama ni Bryce. Sa mag-ama niya umikot ang buhay. Pero gano’n lang pala iyon kay Bryce, sa biglang pagbalik ni Jessa ay ito na ang gustong makasama, kinalimutan na siya. Ang sabi ni Bryce ay hindi ito papayag na maghiwalay sila, iyon ang bagay na hindi niya maunawaan. Ang sabi pa nga nito ay hinahayaan lang siya at pinagbibigyan. Hinahayaan lang at pinagbibigyan… Nakakatawa na lang para kay Zylah ang walang kwentang dahilan ni Bryce. Ang totoo ay ayaw nitong makipaghiwalay sa kaniya dahil naninigurado na may babalikang asawa ano’t anuman ang resulta ng pakikipagbalikan nito kay Jessa. O baka naman sa isang banda ay may punto si Belinda, baka naman mas tama ang kaibig
“Why are you thinking that way?” medyo natawang tanong ni Austin sa kaniya. “Nakasanayan mo ba ang mag-overthink?”Napatitig si Zylah sa lalaki, parang gusto niyang itanong kung wala ba itong ideya na napakaguwapo nito at single, tapos isa siyang pinagpalit ng asawa at mukhang desperada. Siguro kay Austin ay walang problema ang lahat lalo na at para kay Raffy ang magiging trabaho niya pero alam niya na pwedeng simulan ng issue ng kahit sinong nasa paligid nito ang magiging trabaho niya sakali. “The fact that I’m still married made me look bad kung sa bahay mo ako titira. Kagaya ng alam mo ay hindi pa kami legal na hiwalay ni Bryce. Hindi rin natin sigurado ang magiging implication sa mga makakarinig ng tawag sa akin ni Raffy na mommy in case tinanggap ko nga ang offer mo tapos malalaman na sa bahay niyo ako nakatira. Hindi naman natin pwedeng ipaliwanag na hindi talaga ako ang mommy ni Raffy at trabaho ko lang iyon dahil gusto ako ng anak mo.”Tumango-tango si Austin. “I think you a
Para kay Raffy. Alam ni Zylah na para kay Raffy kaya siya kinukulit ni Austin pero hindi niya maiwasang hindi mapangiti at… kiligin. Pagkakilig na agad niyang inalis sa isipan dahil hindi iyon tama. Mali ang mag-entertain siya ng kung ano dahil may asawa pa rin siya. Technically.“At kung papayag ka ay kagaya ng nasabi ko, ako ang bahala sa lahat ng pinansyal na kailangan mo maliban pa sa suweldo mo na matatanggap para maging mommy ni Raffy.”Tinitigan ni Zylah si Austin. Nangiti at pinipigilan ang sariling matawa sa enthusiasm nito para makumbinsi siya. “That’s tempting…” komento niya. “Pero ano kaya ang kaibahan ng alok mo sa akin ngayon sa alok mo kanina?” “The place where you will stay with my daughter,” seryosong sagot nito. “Sa ngayon ay hindi pwedeng dito tayo tumira sa Pilipinas kung papayag ka maging mommy ni Raffy. Hindi naman pwedeng hindi ko makasama ang anak ko para hayaan kayong nakatira sa ibang bahay. S’yempre kung nasaan ang anak ko ay dapat naroon ako.”Tahimik lan
“Actually, I can visit Raffy if you ask me to,” patuloy ni Zylah at ngumiti para iparamdam kay Austin na natutuwa siya kay Raffy at gusto rin itong makasama. “I can help her. Pwede ko siyang alagaan pero hanggang doon lang. I can’t commit for a long time. Ayaw kong masaktan at mabigo kapag minahal ko siya bilang anak. Call me unprofessional but just to share with you what I felt with Bryce and Jaxon… Mas masakit ipagtabuyan ng anak kaysa ng asawa. Mas madali ko pang natanggap na ayaw sa akin ni Bryce kaysa noong ayawan ako ni Jaxon at tulungan pa si Jessa para mapahamak ako.”“I’m sorry to hear that…” ani Austin nang ilang saglit natahimik si Zylah. Alam niyang bumalik na naman ito sa nangyari rito months ago. Naalala niya ang anyo nito nang buhatin niya at dalhin sa ER. Putlang-putla at takot na takot. Tinatawag ang pangalan ng asawa at anak habang iniiyakan ang pinagbubuntis nitong nalaglag. “I really wanna help Raffy, too. That’s true.” Matamis na ngumiti si Zylah. “Gusto kong tul
Nakaraang araw pa napapansin ni Jessa na hindi siya gustong kausap ni Bryce at hindi niya alam ang dahilan. Kahit sa kama ay ang lamig nito sa kaniya at parang tamang nagpaparaos lang.Mula nang dumating ito sa kung saan ito pumunta kasama ni Jaxon ay pansin na niya ang pananamlay at panlalamig nito.“Jax, baby…” tawag ni Jessa sa batang access niya sa lahat ng mga plano niya. “Come here, may itatanong lang si mommy.”Iniwan ni Jaxon si Brody at lumapit kay Jessa.“Bakit hindi niyo ako isinama ni daddy nakaraan?” Ngumuso siya. “Sad kami ni Brody… Iniwan niyo kasi kami.”Jaxon pursed his lips in thin line. Hindi niya alam paano magpapaliwanag pero ang sabi ng daddy niya ay huwag niyang sasabihin sa Mommy Jessa niya kung saan sila pumunta kasi magagalit ito at baka iwan siya. Ayaw niyang magalit ang Mommy Jessa niya. Ayaw niyang iwan siya nitio.“Namasyal po kami ni daddy...”“Saan nga?” tanong ni Jessa at may pinakitang chocolate at tinawag si Brody para ibigay. “Bakit hindi niyo kami
Malungkot na ngiti ang iginanti ni Zylah sa sinabi ng ina. “Kahit po ipaglaban ko si Jaxon ay wala na rin halaga. Sa edad niya ngayon ay pwede siyang mamili sino ang gusto niyang samahan at kagaya ng sabi ko ay hindi niya ako gustong piliin. Mas gusto niya si Jessa ang maging mommy niya.”Tumango si Lani. Alam niya na iyon. Hindi pa nila alam ang buong kwento sa mga naganap kay Zylah pero ang tungkol sa pagpili ni Jaxon sa magulang na sasamahan ay dati pa naipaalam ng anak sa kanila. Walang naging laban si Zylah para makuha si Jaxon dahil ayaw ng bata sa tunay nitong ina. At hindi na rin talaga pinilit ni Zylah makuha ang anak na noong una ay hindi niya maunawaan. Doon sa kaarawan na lang ng asawa niya naunawaan ang lahat. Hindi maganda ang ugali ng apo dahil sa pag-i-spoil dito. Kahit sa gano’ng edad pa lang ay tunay na naging bastos na anak si Jaxon kay Zylah. “Gusto kong maging masaya ka, anak…” wika na lang ni Lani. “Iyong totoong kasiyahan at hindi pinipilit lang para ipakita
“Anak…” ani Lani. Kakatok pa sana siya sa pinto ng kuwarto ng anak pero nang iikot niya ang door knob ay bukas naman pala iyon kaya pumasok na siya. Si Zylah ay naabutan ni Lani na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa ito nakauwi, pasado alas-otso ng gabi. Mga isang oras na pero mula nang dumating ay hindi na lumabas ng kuwarto kaya inakyat niya na. Nag-alala kasi ang asawa na baka umiiyak na naman ang anak nila kaya sinilip na niya para lang makasigurado.Nalaman nila ang lahat ng nangyari rito kina Melissa at Belinda. Ang dalawa ang nagkuwento sa kanila ng mga pinagdaanan ni Zylah sa piling ni Bryce. Nakunan ang anak niya, iniwan si Bryce dahil inuwi na si Jessa, kinidnap ni Bryce para ibigay sa ex ni Jessa, at nagkaroon ng trauma dahil sa drogā.Galit na galit ang mga anak niyang lalaki at halos ika-stroke na naman ni Ricardo ang nalaman. Siya lang ang pinakakalmado sa lahat kaya siya na ang laging lumalapit kay Zylah para tanungin ito kapag a
Zylah gaping eyes gazed at Austin. Palaging may gano’ng palinya si Austin sa kaniya. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang concern nito pero hindi na kasi basta kaibigan na lang ang turing ni Austin sa kaniya. She knows of course.Sinalubong niya ang mga tingin ni Austin. “Do you—”Zylah sighed. Hindi niya kayang itanong. Maliban sa nahihiya siya ay paano kung mali ang iniisip niya. Ayaw niyang maging katulad ni Jessa sa paningin ni Austin. Ayaw niyang pag-isipan nito ng masama sa pag-assume niya. At isa pang ayaw niya, ang masira ang pagkakaibigan nila.Bago pa lang ang friendship nila pero importante sa kaniya ang maging kahit kaibigan lang nito. At si Raffy? Ayaw niyang malagay sa alanganin ang pagiging ‘mommy’ niya kay Raffy kapag sakaling si Austin na ang nailang sa kaniya kapag nalaman na pinag-iisipan niya itong interesado sa kaniya.“Do I what?” tanong ni Austin. Umiling si Zylah. Ngumiti. “Nothing. Kain na sigu—” she stopped completing her sentence. Wala pa nga
“A penny for your thoughts?”Napatingin si Zylah kay Austin na nasa harap na pala niya pero hindi niya agad napansin. Tatlong araw na mula nang natapos ang birthday celebration ng papa niya na medyo ginulo ni Bryce kaya natutulala pa rin siya kapag bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. “Where’s Raffy?” tanong ni Zylah nang maupo si Austin sa tapat niya at nginitian ito. Dapat nakabalik na sa Manila sina Austin at Raffy kahapon pero hindi natuloy. Nagbago ang plano ng mag-ama kasi isasabay na lang daw siya. Iyon ang gusto ni Raffy na hindi niya natanggihan. Hindi pa kasi siya makaalis kasi hindi pa rin siya nakapaalam sa mga magulang na aalis siya ng bansa. Paano naman kasi siya magpapaalam? Paano niya sasabihin sa mga magulang ng maayos na sasama siya kina Austin at Raffy sa California na hindi mamasamain ng mga ito ang desisyon niya?“Raffy’s still sleeping,” tugon ni Austin sa tanong ni Zylah. Lumingon siya para tumawag ng table attendant. He ordered breakfast for two next. Nas
Nanlaki ang mga mata ni Zylah sa narinig na sinabi ni Austin. Yes, alam niyang iginaganti lang siya ni Austin kay Bryce pero hindi naman ang uri ni Austin ang gagawa ng kuwento para lang mang-inis ng kausap nito. Napatitig siya kay Austin. Kung gusto ito ni Jessa at magkagusto rin ito sa isa… siguradong kawawa si Bryce. Siguradong ipagpapalit na naman ito ng pinakamamahal na si Jessa.“Sorry to say that…” dagdag ni Austin sabay ngiti kay Bryce. A kind of smile na wala itong kalaban-laban sa kaniya. Never nagmalaki si Austin sa mga naabot niya pero kung sa tulad ni Bryce na masyadong mayabang ay bakit hindi? Austin smiled. “Don’t worry, Bryce, I have no intention to entertain Jessa. Just curious with your relationship with her.”Ngiti ang reaksyong itinugon ni Bryce. Ngiti na pilit. Kailangan niyang maging kalmado. Hindi siya dapat magpaapekto sa sinasabi ni Austin na kung ano tungkol kay Jessa. Kilala niya si Jessa, hindi siya nito ipagpapalit sa gaya ni Austin kahit sobrang yaman n
“Am I right, Austin?” tanong ni Bryce kay Austin nang wala itong naging reaksyon sa mga sinabi niya. Nasa mga mata niya ang simpeng pag-analisa ng komplikadong sitwasyon na napasukan. Hindi basta-basta ang tulad ni Austin sa business world at hindi niya gugustuhin na pag-initan siya nito. Ngumiti naman si Austin. Ngiti na pilit pero siguradong hindi mahahalata ni Bryce ang galit niya. Ngiti na pang-uto niya lang dito. Bryce was obviously manipulating him but he ain’t stupid, he knows how to play the game. Just another year to wait at sisimulan na niya pabagsakin ito. At sa taas ng lipad ni Bryce ay siguradong sobrang sakit ang magiging pagbagsak nito. “I know this is an awkward moment, Austin, but can I take the chance to talk to you about business? A dinner perhaps,” pag-iba ni Bryce ng topic. Hindi niya pa rin mabasa ang nasa isip ni Austin pero dahil business-minded ito ay iyon ang nakita niyang paraan para makaalis na sila sa kung anong mga nangyari kanina. “Or what about a lunch
“Austin,” nakangising usal ni Bryce sa pangalan ng lalaking palapit sa kanila. Ang totoo ay hindi siya natuwa sa pagbanggit nito ng apelyido niya kanina. Kung ibang tao lang ito ay kaya niyang pagsalitaan na huwag itong mangialam, kaso… hindi ito ibang tao. Ito lang naman ang may pinakamalaking halaga na kayang i-invest sa kumpanya niya at kailangan niya ito para masigurado ang hindi pagka-bankrupt ng Almendras Pharma. Kung bakit ito nandito? Malalaman niya rin. “Nandito ka pala…” wika niya, nananantya. “Small world, aren’t we?”Oo at nasa Tranquil sila, hotel na pag-aari ni Austin. Pero sa dinami-daming hotel nito sa buong mundo ay sino ba ang mag-iisip na narito ito ngayon? “There’s a management meeting I attended here,” tugon ni Austin sa sinabi ni Bryce. Pinipilit niya lang maging kalmado sa harap nito para hindi masira ang kung anong plano niya para rito. Tiningnan niya si Zylah. “Are you okay?” tanong niya na nag-aalala lalo at namumula ang mga mata nito. Tumango si Zylah. N
Nanlaki ang mga mata ni Zylah lalo at pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa sinabi ni Bryce. Bulungan ang kasunod na maririnig…“Nanlalaki si Zylah?” “Dios mio, patawarin… kaya naman pala…”“Kaya pala may iba siyang kausap na lalaki kanina… baka iyon ang lalaki niya…”“Iyang batang babae sa likod niya? Iyan ‘yong kasama ng lalaki na bisita niya, ‘di ba?”Naririnig ni Zylah ang mga bulungan. Naririnig niya pero ayaw niyang tingnan kung sino ang mga nagsasalita. Ano’t ano man ay hindi niya mapipigilan ang reaksyon ng mga ito dahil sa kung anong kasinungalingan ni Bryce. Huminga siya ng malalim at itinaas ang baba, wala siyang dapat ikatakot. Hindi siya ang sumira ng pamilya nila. Ito.“Hindi ako nanlalaki!” malakas ang boses na apela ni Zylah. “Alam mo ang totoo, Bryce!” “Talaga?” tanong ni Bryce. Nakangisi at nananadya dahil alam niyang galit na si Zylah. Kailangan pabor sa kaniya ang sitwasyon. Nanggulo na rin lang siya kaya sagarin na niya. Hindi siya tanga kaya alam niyang sa pag