"Patawarin mo ako, Isyong pero wala akong maisasagot sa katanungan mo," ang nalulungkot na sabi ni Padre Mariano. "Subalit, alam ko't batid natin na malala ang kalagayan niya,"
"Gaya ng sabi ko kay Norma, kailangan natin siyang dalhin kaagad sa isang pagamutan. Doktor ang kailangan niya. Ang hinala ko ay nagkaroon siya ng malubhang impeksyon sa kanyang sugat sa tagiliran,"
"Iyan din po ang sinabi ko kay Norma kanina pa, padre," wika ni Criscancio. "Pero ayaw niyang gawin namin ito. Hindi kasi siya nagtitiwala sa sinumang tao na taga gitnang bayan dahil sa katayuan ni Ato. Ngunit sa kasamaang-palad, nandoon lang sa gitnang bayan makikita ang mga magagaling na manggagamot,"
"Naisipan kong puntahan sana ang nabalitaan kong isang binatang doktor na kakarating lang sa Sangrevida. Isa po siyang Pilipinong doktor. Magbabasakali sana akong humingi ng tulong sa kanya ngunit pinigilan akong pumunta ni Norma d
Isang binatang ginoo ang humarap kay Padre Mariano. Nasa mahigit bente anyos na ito, wari niya, dahil sa tindig nito at may kabataan pa ang pagmumukha. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at nakapang-ibaba ng itim na pantalones. Hindi siya katangkaran at katamtaman lang ang kisig ng pangangatawan. Malinis ang pagkakagupit sa buhok ng ginoo na pinakintab ng di malamang pampakintab. Moreno ang pamamalat niya. Maliitin ang mabiluging mukha na may dalawang malalalim na mga mata at matambok na pisngi. Matangos din ang ilong nito at may kapulahan ang mga labi. Dala naman ng binatang lalaki ang mga makakapal na kilay ng mga Guevarra na siyang tandang pagkilala ni Padre Mariano noon kay Don Armando."Ikaw po ba si Dr. Julian Guevarra, ginoo?" ang tanong niya mulang makita ang binatang lalaki. Tumugon naman ito sa kanya. "Opo, ako nga po, padre."Dito nagpakilala ng kura. "Ang pangalan ko ay Jose Mariano Tan
Kumagat ang gabi sa buong Sangrevida, at sa isang munting bahay kubo ng pamilyang Cabignan ay naroon pa rin ang binatang doktor na si Julian Guevarra. Matapos kasi ang matagumpay na pagkuha niya sa apat na parasitismo sa sugat ng pasyente ay napagpasyahan ni Julian na hindi muna umuwi upang bantayan ang kalagayan nito. Inaalam pa kasi niya ang taglay na init sa katawan ng nakalatay na lalaking pasyente niya, sabay pagsaliksik din kung mayroong kakaibang mangyayari dito at nang masigurado ding wala na itong iniindang anupaman sa kaloob-looban ng katawan.Nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay. Si Julian nalang kasi ang naiwang kasama ng yaong pasyente mulang umalis saglit sina Norma at Criscancio, kasama ang kanilang anak, upang pumunta sa botika sa gitnang bayan para bumili ng mga kinakailangang gamot sa pagpapagaling ng maysakit nilang kamag-anak. Di niya napansing umalis na din pala ang matandang padre na nagdala sa kanya roon pagkata
Dala ng matinding galit ay tumakbo si Julian patungo sa lalaking bumaril sa kanyang ama at nilabanan ito na may pagnais na kunin ang hawak nitong rebolber. Sa pilit niyang pang-aagaw sa baril, dito, ay namataan niya ang pintadong ahas sa kamay ng yaong lalaki. Dahil bata pa noon at hindi pa gaano kalakasan, patapon siyang iniwaksi ng lalaking inaagawan niya ng baril na sa pagkawaksi'y napadapa ang batang Julian tungo sa maputik na lupa. Ngunit hindi tumigil si Julian, tumayo siya agad at muling nanlaban, ngunit sa pagkakataong ito ay binaril na siya ng lalaking nakamaskara sa gawi ng kanyang kaliwang binti. Napadapa muli dito sa maputik na lupa si Julian at dahil sa nakuhang tama ng bala ay di na muling makatayo. Dama man ang matinding sakit ng kanyang tama ay pilit pa ring tumayo ang batang Julian buhat nais ihiganti ang napaslang na ama, hanggang sa lumapit sa kanya ang lalaking nakamaskarang may hawak na baril, kung saan kasabay ng malakas na pagkul
Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan ng buong Sangrevida. Walang buwang sumibol sa gabing iyon kaya ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita n
Ang bawat kasapi ng La Indio Independencia ay binibigyan ng mga palayaw o bansag bilang mga lihim na pangalan. Bilang isang tagong kapatiran, kinakailangan ito upang hindi sila matukoy ng pamahalaan at otoridad.Dumating ang tatlo pang kasapi ng La Indio Independencia, gaya ng walong nauna ay may kanya-kanya ring bitbit itong mga lampara. Ang lampara kasi ang sagisag ng buong kapatiran. Ito ay ang bagay na sumasagisag sa mga ilustrados, ang siyang mga kumakatawang kasapi ng kapatiran. At gaya ng mga lamparang ito, ang mga ilustrados ay may layuning magbibigay liwanag ng pag-asa sa lahat, bagkos sa liwanag naman talaga kinuha ang dagnay ng salitang ito.Ang dalawa sa tatlong dumating ay ang mga kilalang mangangalakal ng Sangrevida na sina Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog at si Deodato Locsin, ang Kukong Agila. Kasama nila ang isa pang ginoo na di kilala ni Andracio at
"Ngunit hindi tayo handa para diyaan, Fernan," abat ni Don Condrado ukol sa sinabi ng Batong Kawal. "Sa katayuan natin ay hindi pa hinog ang kapatirang ito para sa isang malawakang paghihimagsik," tugon ni Don Condrado sa Batong Kawal."Ngunit, hanggang kailan tayo maghihintay?! Hanggang kailan tayo magtatago ng ganito?! Kailan tayo lalaban sa kanila?! " mga bulalas na mga tanong ni Sarhento Fernan Loreto, dala ng kanyang damdamin. "Hihintayin pa ba nating umunang gumamit ng dahas ang mga Kastila laban sa atin bago tayo lumaban sa kanila? Ito na ang nakikita kong takdang panahon. Ito na ang panahon para lumaban na tayo kagaya sa ginawa ni Damian!""Hindi tayo dapat magpadalos-dalos, Fernan," tugon ulit ni Don Condrado Guevarra bilang pagtutol sa sarhento. "Sana'y naging aral na sa ating lahat ang nangyari kay Damian at sa kanyang nabigong himagsikan. Hindi pa sapat ang ating lakas para labanan ang pamahalaan. K
Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.Ito ang naging aniya sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng kanyang cuarto ang maganda at papasikat pang araw sa malawak na kalangitan ng Sangrevida. Sumilaw at nadama niya doon ang dala nitong kakaibang init na muli niyang nadarama matapos ang nagdaang tatlong buwan. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init na ito sa mahigpit na yakap ng isang ina. Bagkos, ang lugar ng Sangrevida ay itinuri naman din niyang kanyang inang bayan kung saan minamahal niya at handa niyang ipagtatanggol laban sa anupaman.Gumising siya ng maaga. Di pa dumating ang araw ay namulat na siya. At nang makitang nagsimula nang lumiwanag ang paligid sa labas, dito ay bumangon siya sa kanyang cama at tinungo ang kalapit na di nakasarhang ventanilla na kanyang dinudungawan n
Sumagot naman na may kagalakan at tuwa ang kanyang maestro."Ako'y mabuti lang at buhay na buhay pa, Miguel," tugon ng maestro na may pabiro. "Ikaw? Kamusta ka na? Ano-ano't napasadya ka ngayon dito sa Lazaro?""Hindi mo po ba natanggap ang sulat na ipinadala ko?"May saglit na napatahimik si Maestro Leonidas."Ahh. .oo," bulalas ng maestro ng maalala ang tinutukoy ni Don Miguel matapos ang ilang sandaling pag-alala. "Hindi ko inasahang ikaw pala ang magdadala ng mga ito sa akin, Miguel. Ang buong akala ko nga ay hindi ka na babalik dito sa Santa Barbara kahit kailan,"Napangisi naman ang Tukang Lawin."Sa lahat ng mga lugar dito sa Ilocandia, ang Santa Barbara ang hindi ko kailanman makakalimutan. Marami akong mga masasayang alaala dito noon kasama ang aking pamilya," tugon