Isang bagong araw para sa panibagong kinabukasan.
Ito ang naging aniya sa sarili habang tinatanaw mula sa ventanilla ng kanyang cuarto ang maganda at papasikat pang araw sa malawak na kalangitan ng Sangrevida. Sumilaw at nadama niya doon ang dala nitong kakaibang init na muli niyang nadarama matapos ang nagdaang tatlong buwan. Ito ay ang kakaibang init na dulot ng nakakasilaw na mga silahis ng haring araw na tila ba maiuuring tulad ang init na ito sa mahigpit na yakap ng isang ina. Bagkos, ang lugar ng Sangrevida ay itinuri naman din niyang kanyang inang bayan kung saan minamahal niya at handa niyang ipagtatanggol laban sa anupaman.
Gumising siya ng maaga. Di pa dumating ang araw ay namulat na siya. At nang makitang nagsimula nang lumiwanag ang paligid sa labas, dito ay bumangon siya sa kanyang cama at tinungo ang kalapit na di nakasarhang ventanilla na kanyang dinudungawan n
Sumagot naman na may kagalakan at tuwa ang kanyang maestro."Ako'y mabuti lang at buhay na buhay pa, Miguel," tugon ng maestro na may pabiro. "Ikaw? Kamusta ka na? Ano-ano't napasadya ka ngayon dito sa Lazaro?""Hindi mo po ba natanggap ang sulat na ipinadala ko?"May saglit na napatahimik si Maestro Leonidas."Ahh. .oo," bulalas ng maestro ng maalala ang tinutukoy ni Don Miguel matapos ang ilang sandaling pag-alala. "Hindi ko inasahang ikaw pala ang magdadala ng mga ito sa akin, Miguel. Ang buong akala ko nga ay hindi ka na babalik dito sa Santa Barbara kahit kailan,"Napangisi naman ang Tukang Lawin."Sa lahat ng mga lugar dito sa Ilocandia, ang Santa Barbara ang hindi ko kailanman makakalimutan. Marami akong mga masasayang alaala dito noon kasama ang aking pamilya," tugon
Wala na yatang mas sasariwa pa sa hanging bumabagwis sa loob ng makapal na kagubatan ng Sangrevida. Malinis at malamig ito na nagdudulot ng paggaan sa pakiramdaman tuwing madadama sa hubong balat ang binabayo nitong lamig kahit tirik na tirik sa kalangitan ang araw. Katahimikan ang siyang naghahari sa buong paligid, na talagang nakakabingi pakinggan. Nakakabuhay naman sa kalooban ang tingnan ang mga namumuhay ditong iba't-ibang uri ng mga mabeberdeng halaman at matataas na punongkahoy na tila ba nagpapaalala sa kasiyahang mayroon ang bawat buhay sa mundo. Sa liblib na bahagi ng kagubatan na ito ay para bang napapunta ka sa isang kakaiba ngunit napakagandang lugar, ang isang lugar na talagang malayong malayo kung maihahambing sa magulong pook gaya nang sa gitnang bayan.Kaya naman, di maitatanggi na sa lahat ng mga lugar na makikita sa malawak na kapatagan ng Sangrevida, ang gubat na ito ang pinakamadalas puntahan ng tatlumpu't dalawang taong gulang
Nadatnan din roon ni Teodato ang katabing kausap ng Puno na isang di kilalang lalaki, na wari niya'y isang mayamang ginoo dahil sa kasuotan nitong mamahaling chachetta, dekwelyong camisa at tsaleko na karaniwang isinusuot ng mga ginoo sa gitnang bayan. Matanda na ito, marahil halos limampung taong gulang na kung pagbabatayan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin rin ang makapal nitong mga kilay at mahabang bigote sa mukha.Sa pagkakita ni Ato sa kanila, masasabi niya na talagang magkakilala ang dalawang matandang lalaking nakaupo roon habang nag-uusap sa isa't isa.Ilang saglit pa ang dumaan bago nabatid ni Fernando ang pagdating ni Ato. Agad niyang tinawag at pinapalapit ang binatang tulisan sa kanyang mesa. "Teodato," tawag-batid ni Fernando Valenzuela, ang Puno ng mga tulisanes, sa pangalan ni Ato na may magalak na tinig. "Buti at nandito ka na. Halika, may ipapakilala muna a
Dahil sa mahabang paglalakad na tinahak nila, pagrating sa kubong iyon ay nagpahinga sina Ato at Pablo. Wala pang niisang tulisang taga-Agracia ang nakita nilang nandoon kaya hinintay muna nila ang pagdating ng mga ito. Palubog na ang araw sa kalangitan nang dumating sa wakas sa Pagpag ang mga tulisang kanilang sadya. Sampung armadong mga tulisang taga Agracia ang dumating na agad sinalubong nina Ato at Pablo para ibigay ang mga dala nilang mga kahon."Ito na ba ang mga iyon?" ang naging tanong ng isang matangkad at maykalakihang lalaki na humarap sa kanila. Masunog ang kulay ng balat nito, hindi moreno, kaya batid nilang maylahi itong Negrito. Mapango ang ilong, malaki ang mga mata at maputok ang mapulang labi. Kulot na kulot naman ang kanyang kulay itim na buhok. Nakasuot siya ng puting camisa de chino at itim rin na maong. Sa kaliwang kamay ng lalaki ay may hawak siyang isang mahaba't matulis na sibat. May pata
Napadapa ang tulisan sa lupa at di na magawa pang makatayo. Bumalik naman para sa kanya si Ato para tulungan siya, at inalalayan sa pagtakas. Talagang may pagnanais ang mga kawal na patayin ang dalawang tulisan na nakakita sa kanila at nagpatuloy pa rin sa paghahabol at pagbabaril. Ngayon at inalalayan na niya si Pablo, naging mabagal na sa pagtakbo si Ato. Hindi naman niya kayang iwan ang kasama lalong lalo na't sa sandaling kagaya nito. Hanggang sa bumaril muli sa kanila ang isang kawal, at dito ay natamaan si Ato sa kanyang tagiliran. Dalawa silang malakas na bumagsak sa lupa buhat matamaan si Ato. Bumungad ng mabilis ang napakatinding sakit sa naging tama ni Ato sa kanyang tagiliran. Mapalad pa sila't may kalayuan pa ang mga guardia civil."Tumakbo ka na Ato!" ang sigaw ni Pablo sa kanya matapos silang madapa. "Tumakas ka na!,""Hindi kita iiwan dito! Tatakas tayong dalawa!" pagtutol naman ni Ato sa naging sabi ng k
Itinatag noong 1754, ang kampanaryo ng Catedral de San Pablo ay ang pinakamataas na istrukturang makikita sa buong bayan ng Sangrevida. May taas itong trenta metros na kung titingnan ang tutok nito mula sa lupa ay para bang humahalik na ito sa kalangitan. May lawak ang campanario nang sampung metros na may parisukat ang hugis at sa ibaba ay pinaligiran ito ng iba't ibang uri ng halamang ornamentales at mga makukulay na bulaklak na lalong nagpaganda dito. Yari ang kabuuan ng katawan nito sa makakapal na batong adobe, ilang batong korales, at matitigas na kahoy. Ang pondasyong nagpapatayo naman dito ay gawa sa purong adobe rin na inilibing sa lupa sa may lalim na labinglimang metros bilang pagpapatatag sa kampanaryo laban sa anumang delubyong darating gaya ng mga lindol at pagbagyo. Dahil katabi lang nito ang napakalaking Catedral de San Pablo, kinulayan din ito ng kulay crema
Mag-aalas siete na ng umaga nang matapos ang paunang misa ni Padre Mariano sa capella ng Barrio Umag.Araw iyon ng Martes kaya kaunti lamang ang taong nakita niyang nagsimba roon. Kadalasan kasi sa araw ng Sabado at Linggo lang napupuno ng tao ang bahay-dasalan dahil sa mga araw na ito lang pinahihintulutan ang mga manggagawa sa ibat ibang negosyo na makapagpahinga sa trabaho na inilalaan naman nila lagi sa kanilang pananampalataya. Hindi lamang mga taga Barrio Umag ang nagsisimba sa capella kundi pati na rin ang ilang mga debotong mula't galing sa tisang bayan ng Sangrevida na sumadya pang dumayo doon kaya di maitatatwang ang capella ng Barrio Umag ang itinuring na nangangalawa sa dami ng bilang ng mga nagsisimba kasunod ng Catedral de San Pablo. At kalimitang makikitang nagsisimba roon ay halos mga tubong Pilipino.Nang matapos ang misa at magsilabasan na
"Sige, Donya Juana. Mag-iingat kayo sa daan at nawa ay gabayan kayo ng ating Diyos sa inyong paglalakbay,""Paalam po," huling isinampit ni Donya Juana na may isang malumanay na ngiti at bahagyang pagyuko ng ulo. Matapos makapagpaalam ay pumasok na sa loob ng kanyang karwahe ang matandang donya. Sumunod namang pumasok rin ang kasama niyang alila. Isang pitik naman ng lubid sa balat ng kabayo ang ginawa ng kutsero at dito ay sinimulan nang lumakad ng hayop hila ang nakakabit na degulong na karwahe na siyang nagpausad dito. Tinanaw pa ni Padre Mariano sa may entrada ng capella ang pag-alis ng sinakyang karwahe ng matandang donya at nang makalayo-layo na ito ay naisipan na rin ng matandang Pilipinong prayle ang pumasok sa loob. Aakma na sanang pumasok ang yaong padre, nang mapalingon siya bigla dahil sa narinig na ingay ng matikas na iling ng isang kabayo at tila pagbatid niya na may pumarada na naman sa tapat ng capella. Pag