Share

Puksain (3)

Dahil sa mahabang paglalakad na tinahak nila, pagrating sa kubong iyon ay nagpahinga sina Ato at Pablo. Wala pang niisang tulisang taga-Agracia ang nakita nilang nandoon kaya hinintay muna nila ang pagdating ng mga ito. Palubog na ang araw sa kalangitan nang dumating sa wakas sa Pagpag ang mga tulisang kanilang sadya. Sampung armadong mga tulisang taga Agracia ang dumating na agad sinalubong nina Ato at Pablo para ibigay ang mga dala nilang mga kahon.

"Ito na ba ang mga iyon?" ang naging tanong ng isang matangkad at maykalakihang lalaki na humarap sa kanila. Masunog ang kulay ng balat nito, hindi moreno, kaya batid nilang maylahi itong Negrito. Mapango ang ilong, malaki ang mga mata at maputok ang mapulang labi. Kulot na kulot naman ang kanyang kulay itim na buhok. Nakasuot siya ng puting camisa de chino at itim rin na maong. Sa kaliwang kamay ng lalaki ay may hawak siyang isang mahaba't matulis na sibat. May pata

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status