Share

Isla (2)

Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Graciela. Dahan-dahan siyang naglalakad sa kahabaan ng kanyang napuntahang kalye, hakbang sa hakbang, habang tumitingin sa mga nadadaanan niyang mga estante ng mga paninda. Napadaan din ang dalagita sa mga magagandang gusaling nakatirik sa dakong iyon at agaw-pansin sa kanya ang mga magagandang bahay-na-bato roon na malayo ang anyo ng pagkakatayo sa mga nakita niyang mga bahay-na-bato sa bayan ng Santa Lucia.

Mukhang mas matibay pa ang mga ito kaysa doon.

Habang naglalakad pa rin siya sa malawak na kalyeng iyon, nakakita bigla si Graciela ng isang matandang lalaki na walang pang-itaas na saplot at nakabahag lang bilang pang-ibaba. Pasayaw-sayaw ito sa kalagitnaan ng kalye at tila kinakausap ang sarili kaya tanto agad ni Graciela na may sakit ito sa pag-iisip. Tinatambangan ng lalaking ito ang mga dumadaang tao sa kalyeng iyon na wala ibang ginagawa sa kanila kundi ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status