Ang pagmimina ng batong apog ang isa sa mga nagpapaunlad sa bayan ng Canoan. Ang uri ng batong ito ay makikita't sagana sa mga bulubunduking pumapalibot sa isla ng Siquijor, kaya ang ilang mamamayan ng isla, lalong lalo na ang mga taga Canoan, ay ito ang pinagkukunan nila bilang pangunahing hanapbuhay. Ang El Sector Miniera de Larena ay ang nangunguna at pinakamalaking minahan ng mga batong apog sa buong isla. Ito ay itinatag ng apat na kalalakihang mga mayayamang ilustrados noong taong 1871 sa mga burol na makikita sa pinakadulo't kanlurang bahagi ng Canoan. Sa simulang nagbukas, makalipas ang dalawampu't tatlong taon ay patuloy pa rin ang takbo ng pagmimina sa Larena na siyang kinakatawa't binubuo na ngayon ng dalawang daang lalaking mga minero. Ang kasalukuyang namumuno sa pagpagpatakbo sa El Sector Miniera de Larena ay ang isa sa apat na ilustradong nagtaguyod sa minahan, at siya ay may pangalang Ginoong Venancio Castillo y Reinos.
Dahil nag-iisang anak ng taong namumuno
Hindi ito maaari, ang naging bulalasa ni Sergio sa sarili. Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon? Nakadama siya ng inis ng malamang ang kanyang mga magulang ay nasa loob ng bahay ng kanyang kaaway. Di niya ito gusto, di niya talagang gusto, kahit wala naman roon si Angelo. Alam niya dahil nabalitaan niyang lumuwas ito ng Maynila para doon mag-aral. Ginawa pa ni Angelo na magkalapit ang paaralan niya sa paaralan ni Stella, isang bagay na kinaiinisan niyang wariin. Dahil nandoon na't walang magagawa, pumasok rin si Sergio sa loob ng bahay ng mga Rodrigo. Alam niyang matatagalan ang usapin doon at mababato lang siya kapag hihintayin pa ang mga magulang. Nangamba din siya na nasa loob ang ama at ina dahil baka magsasalita ang mga ito ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Kung saan di niya gusto na karaniwang ginagawa ng mga magulang niya sa mga kausap, lalong lalo na ngayo't kaharap nila ang mga magulang ng kanyang mortal na kaaway.Pagpasok niya sa loob, nakita niya sa may salahan
"Saan po tayo pupunta?" Ito ang katanungan ni Graciela sa nakilalang babae habang ito'y kanyang sinusundan. Naglalakad sila nun sa kahabaan ng isang mataong kalye na may pagpatungo sa lugar na di naman niya alam kung nasaan."May gaway rin po ba kayo?, ang dagdag pang katanungan ng dalagita.Isang dahilan lang ang hawak ni Graciela sa sarili kung bakit niya sinusundan ang yaong manang---at ito ay dahil, simula nung makarating siya sa Isla del Fuego, ang babaeng ito ang pinakaunang nakilala niya sa isla na may kaalaman tungkol sa gaway,ang tawag sa kapangyarihang tinataglay niya. At nawari naman kaagad ni Graciela--kaya ganoon ang sunod niyang katanungan---na ang babaeng nakilala ay marahil isa ring manggagaway tulad niya.Hindi naman sumasagot sa kanya ang babae. Maging ang lumingon man lang kahit saglit ay di ginawa nito--buhat sa mga katanungan
Itinatag noong taong 1775, sa pangunguna ng Kastilang manlalakbay na si Heneral Rolando Esteban---kasama ang ilang mga misyonerong pari---ang Bacauan ay ang kauna-unahang bayang naitaguyod noon ng mga Kastila sa Isla del Fuego.Pinangalanan nila itong Bacauan mula sa pangalan ng isang uri ng kahoy na nabubuhay sa tabing dagat---ang bakawan---dahil noong dumating rito ang mga dayuhan, ang mga kahoy na ito ang unang sumalubong sa kanila sa dalampasigan. Noo'y napakalaki ang nasasakupang lupain ng Bacauan, at napabilang dito ang mga lupain sa kanluran at hilagang silangan ng isla, hanggang sa noong taong 1810 ay hinati ito ni Heneral Esteban sa dalawang magkaibang lugar kung saan naitaguyod niya ang mga mahahalagang bayan ngayon sa buong isla; ang silangang bayan ng Camenao at ang sentrong bayan ng Canoan sa hilagang silangan. M
ang isang kasunduan na bumago sa magkasalungat na mundo ng mga mambabarang at ng mga mangagaway.At ang kasunduang ito ay ang Kasunduan sa Hating Tala.Ang malaking hangarin ng Kasunduan sa Hating Tala ay ang maipagpatuloy ang pagbubuklod at pagkakaayos ng dalawang uri ng mga gumagamit ng kapangyarihang gaway para maibalik ang nawalang kapayapaan sa Isla del Fuego. Unang lakip sa kasunduang ito ay pagkakatatag ng guhit-hangganan sa pagitan ng mga lupaing sakop ng dalawang katipunan kung saan ang bayan ng Camenao, sa kalinga ng Punong Dalungdongan, ay naging lupain para sa mga gumagamit ng itim na gaway o barang habang ang bayan naman ng Canoan ay naging lupain para sa mga gumagamit ng puting gaway o wani sa pangunguna naman ng Punong Manggagaway. Dahil sa napagkasunduang mga guhit-hangga
Minamasdan pa rin ni Crisanto ang pagtupok ng apoy sa mga labi ni Maracela. Nabaling naman ang pandinig niya nang may bumungad bigla na tinig sa kanyang kinatatayuan."Natapos na ang kabanata ni Maracela," ang mahinang lahad ng isang malalim na tinig na siyang tumambad kay Crisanto na humawi sa pagdamdam niya sa mga aalala ng kapatid. Nang lumingon si Crisanto para alamin kung kanino galing ang yaong tinig, dito'y nalaman niya na ang nagsalita ay si Lucito Pagaran, ang isa sa mga pinakamatatandang mambabarang na kasapi sa kanilang Payagdugo.Pinakinggan lamang siya ni Crisanto matapos itong tumingin uli sa umaapoy na silab."Sa pagtatapos ng kabanatang ito ay bubuklat na naman ang isang panibagong kabanata, at nawa sa kabanatang ito'y maitutuwid na natin ang nabaluktot na katotohanan ng ating pagiging mga mambabarang," lahad ni Lucito."At a
Binondo, Manila.Ito ay mas kilala sa pangalang Chinatown. Itinaguyod ito noong taong 1594 ni Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmarinas ng Espanya para maging permanenteng tahanan ng mga imigranteng Kristiyanong Instik na noon ay tinawag nilang mga sangleys. Matatagpuan ito sa hilaga ng Pasig River, na katapat naman ang Intramuros. Sinadya itong itinaguyod sa tapat ng Intramuros na noo'y pinalagian ng mga Espanyol kung saan matatanaw sa kanilang mga kanyon upang makontrol at maiwasan ang anumang paghihimagsik ng mga Tsino sa kanila. Ito rin ang naging tahanan ng mga kilalang personaheng kagaya nina St. Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipinong santo at Mother Ignacia del Espiritu Santo na nagtatag sa Congregation of the Religious Virgin Mary.Ngayon, ang Binondo ay buhay na buhay pa na nagpapatuloy sa pagiging sentro ng kalakalan at kulturang Tsino sa buong Pilipinas at ito rin ang tinaguriang pinakamatandang c
"O! Nandito ka na pala!", bulalas ni Agent Marjon nang makita ang kaibigan na kararating lang sa opisina ng NICA.Nakasuot si Agent Alex Calisto ng isang puting teeshirt na ipinaloob niya sa isang itim na leather jacket. Nakapang ibaba rin ito ng itim na semi-fit denim jeans at sa mga paa niya naman ay suot ang puting magkapares na sneakers shoes. Mala-Robin Padilla ang dating ni Agent Alex kaya badboy siyang tingnan ngunit di hamak na mas bata pa ang agent kaysa sa aktor na nasa hindi higit sa tatlumpu lang ang gulang niya. Maganda ang gupit ng kanyang buhok, napakalinis tingnan, at mabalbasin ang panga nito. Matangkad rin si Agent Alex na mas mataas pa kaysa kay Agent Marjon ng mga ilang pulgada. Kung hindi naging pulis si Agent Alex, basi sa hitsura niya, malamang ay naging artista na ang NICA agent dahil sa pagkamestiso nito na dinagdagan pa ng magagandang mga mata at katangusan ng ilong.
"Agents," pagkuha ng atensyon ng direktor sa mga nasa meeting room sa pagkakapasok nito. Kasama niyang pumasok, ang isang babaeng may dalang maliit na leathercase. Sa tindig at anyo ng babae, masasabing isa itong maestra.Siya ang pinadalang tauhan ng Phil. Historical Association."This is Ms. Ana Diane Lacierda. Isang historian na nakabasi sa National Museum. Siya ang pinadala ng Philippine Historical Association para tulungan tayo sa kasong ito," pagpapakilala ni Gen. Trinidad sa kasama nitong babae. Nakauniporme ito ng kulay asul na blouse at slux. Maganda, maputi, matangkad at may kapayatan ito. Sa unang tingin ay maaakalang isang beauty queen ang pinakilalang historian na ito."Good morning," nakangiting pagbati ni Ms. Ana sa lahat ng mga nakaupo matapos maipakilala. Sa pagbati ay may sabay sulyap-tingin siya sa nakaupong si Alex."Ms. Lacierda, ito si Private Andrew Montejo," pagpapakilala ni Gen. Trinidad kay Private Montejo. Tumayo naman ang sunda