Share

huto (3)

Minamasdan pa rin ni Crisanto ang pagtupok ng apoy sa mga labi ni Maracela. Nabaling naman ang pandinig niya nang may bumungad bigla na tinig sa kanyang kinatatayuan.

"Natapos na ang kabanata ni Maracela," ang mahinang lahad ng isang malalim na tinig na siyang tumambad kay Crisanto na humawi sa pagdamdam niya sa mga aalala ng kapatid. Nang lumingon si Crisanto para alamin kung kanino galing ang yaong tinig, dito'y nalaman niya na ang nagsalita ay si Lucito Pagaran, ang isa sa mga pinakamatatandang mambabarang na kasapi sa kanilang Payagdugo.

Pinakinggan lamang siya ni Crisanto matapos itong tumingin uli sa umaapoy na silab.

"Sa pagtatapos ng kabanatang ito ay bubuklat na naman ang isang panibagong kabanata, at nawa sa kabanatang ito'y maitutuwid na natin ang nabaluktot na katotohanan ng ating pagiging mga mambabarang," lahad ni Lucito.

"At a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status