Share

Likha (2)

Di nakaimik si Abtok sa tungaw ni Onop sa kanya.

"Hindi mo ba naisip na kaya nila tayo tinatakot na pumunta sa lugar na ito ay dahil may nandirito na ayaw nilang makita natin?" ang naging mapangbuyong katanungan ni Onop kay Abtok. "Ni minsan ay sumagi ba kahit kunti sa kulang-kulang mong pag-iisip na baka sa loob ng ilib na nakita ko ay maaaring makita na natin ang bagay na matagal na nating hinahanap?"

Hindi pa rin kumibo si Abtok at piniling makinig na lamang muna sa mga ihahayag ng nakatatandang kapatid. "At kapag nahanap nga natin ang bagay na iyon, alam na alam mong isa lamang ang ibig sabihin nun," pagpaalalang sambit ni Onop. "'Sa awa ng Bathala, kapag mapalad nga tayong makita iyon, makukuha na natin sa wakas ang matagal na nating minimithing kalayaan mula sa kasumpa-sumpang lugar na ito,"

Bumukas ang isipan ni Abtok sa mga sinabing iyon ni Onop. Nakuha niya ang gusto nitong ipatindi sa kanya kung saan ay abot-napagwari rin niyang maaari ngang tama ang itinuran sa kanya ng k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status