"Ilakip mo dito ang report sa laman ng dalang bag ng target kanina. Icheck niyo ng mabuti baka may makuha pa tayo," utos naman ni Alex matapos mai-scan ng mata ang mga dokumentong hawak niya.
"Sige. Ichechek ko ang report tungkol diyan. Ilalakip ko rin ito sa report mamaya sa meeting," patango tangong wika naman ng lalaki sa kanya. Ibinalik niya ang dokumento sa lalaki.
At sa kalagitnaan ng kanilang usapan, biglang may tumawag sa pangalan ni Alex. "Alex?" pagtawag ng malalim na boses. Nakita ni Alex ang taong tumawag sa kanya at ito ay walang iba kundi ang Director-General mismo ng NICA na dumungaw mula sa pintuan ng kanyang opisina.
"Agent Alex, please come inside. We need to talk," anya naman ng Director-General at pumasok muli sa loob.
"Hindi tayo dapat naririto"Ang malaanas na hayag ni Abtok nung bigla siyang makaramdam ng pangingilabot. Maliban kasi sa umiihip na malamig na hangin ay nanghindik din ang balahibo niya dahil sa purong kadilimang nakikita sa bawat sulok nang kanyang dinadaanan na tila ba ang buong palibot ay hindi nasisilawan ng kabilugan ng buwan kahit ito'y buong maliwanag namang nakamasid sa makarimlang langit. Ang tanging ilaw na dala lamang niya sa tinatahak na lugar yaon ay ang umaapoy na sulo [torch] na kanyang hawak sa kaliwang kamay, na bukod dito ay inda rin niya sa kanan ang kabigatan ng isang malaking palakol [stone axe] na siyang pasan din niya habang binabaybay ang lugar na iyon."Tayo ay may kalayuan na't lagpas na sa guhit-hangganan," siyang wika pa ni Abtok at may dala itong pagbabala sa lalaking nangunguna sa daanan—ang kasamahan na kung saang mga hinahakbanga'y kanyang masugid na sinusundan. "Masyado nang mapanganib ang tahakin pa natin ang madilim na bahaging ito kaya ang ma
Di nakaimik si Abtok sa tungaw ni Onop sa kanya."Hindi mo ba naisip na kaya nila tayo tinatakot na pumunta sa lugar na ito ay dahil may nandirito na ayaw nilang makita natin?" ang naging mapangbuyong katanungan ni Onop kay Abtok. "Ni minsan ay sumagi ba kahit kunti sa kulang-kulang mong pag-iisip na baka sa loob ng ilib na nakita ko ay maaaring makita na natin ang bagay na matagal na nating hinahanap?"Hindi pa rin kumibo si Abtok at piniling makinig na lamang muna sa mga ihahayag ng nakatatandang kapatid. "At kapag nahanap nga natin ang bagay na iyon, alam na alam mong isa lamang ang ibig sabihin nun," pagpaalalang sambit ni Onop. "'Sa awa ng Bathala, kapag mapalad nga tayong makita iyon, makukuha na natin sa wakas ang matagal na nating minimithing kalayaan mula sa kasumpa-sumpang lugar na ito,"Bumukas ang isipan ni Abtok sa mga sinabing iyon ni Onop. Nakuha niya ang gusto nitong ipatindi sa kanya kung saan ay abot-napagwari rin niyang maaari ngang tama ang itinuran sa kanya ng k
Mula sa di gaano kahabang paglalakad ay narating na rin sa wakas nang magkakapatid ang ilib na sadya nila. Hindi kalakihan ang bunganga nito—malabutas na kung maihahambing kung kaya pagpasok rito ay kailangan pa nilang yumuko. Unang pumasok sa ilib si Onop at sumunod naman sa kanya pagkatapos si Abtok. Pagpasok naman ni Abtok sa yaong ilib, ay kaagad napagbatid niya ang taglay na kainitan sa loob. Aniya naman niya sa sarili, marahil ay nababalakid sa pagsuong nila ang hanging dumadaloy doon kung kaya uminit ang kaloob-looban ng ilib. Bukod sa init ay bumungad rin sa kanya ang mga nakasabit na malalagkit at makakapal na pinaglumaang agiw [cobwebs] ng mga gagamba, kung saan, kung madaanang 'di sadya ay tatakluban halos ang kabuuan ang pagmumukha. May nadaanan pa siyang ilang malalaking daga at iba't ibang uri ng mga gapang-gapang [insects] tulad ng mga malalaking langgam, gamo-gamo at ilang maiitim na tipaklong na laking taka niyang nabubuhay pa pala sa lugar na iyon. Sa kalagitnaan
"Bahala ka sa buhay mo, Abtok! Lumabas ka mag-isa mo!" biglang sigaw ni Onop na punong puno ng galit. "Basta ako, magpapatuloy ako sa paghahanap. Hindi ako titigil hangga't hindi ako makakakita ni isang katiting ng Crisoveda. Bahala ka sa buhay mo kung nais mong umalis! Ngunit, sasabihin ko sayo, hindi kita babahagian nito kapag makakakita ako!"Tutugon na sana si Abtok sa kapatid subalit napatigil siya nang makitang nagpatuloy muli sa paglalakad si Onop sa lagusan. Hindi na niya nagawang mapigilan ang kapatid nung iniwan siya nito. Gustuhin man niyang ihakbang ang mga paa para sundan ito ay hindi naniya magawa buhat sa siya'y nanghihina na dahil sa iniindang matinding init. Ang tanging nagawa na lamang niya roon ay ang lantawin ang kapatid habang palayong palayo ito mula sa kanyang kinaroroonan. Sa una'y nakikita pa ni Abtok ang buong katawan ni Onop na naglalakad sa kadiliman ngunit sa pagpapatuloy nito sa kailaliman ng lagusan, ang nakikita na lamang niya sa kapatid ay ang ilaw sa
Maririnig ang malakas at matinding paghihingal ng isang lalaki habang tumatakbo ito sa kalawakan ng school lobby. Sugatan pa ang kaliwang braso nito na tila natusok sa isang matulis na bagay kaya dumaloy at halos naligo na nang kanyang sariling dugo ang buong brasong iyon.Tumatakbo siya sa mga oras na iyon dahil may humahabol sa kanya. Wala namang nakapansin sa kanya kahit nasa eskwelahan pa siya dahil alas dose na ng hatinggabi iyon at wala ng makikitang mga guro at estudyante sa loob nito.Malayo rin sa guardhouse ang gusaling kinaroroonan niya kaya kahit sumigaw pa siya ng tulong ay hindi siya maririnig ng mga nakaposteng security guards ng eskwelahan.At ang natatanging magagawa lamang niya ay ang tumakbo at iligtas ang sarili sa humahabol na panganib.Mula sa faculty room, nakapagtakbo ang sugatang binatang guro na si Walter Miranda upang makalabas ng gusali. Narating man niya ang pintuan palabas dito ngunit hindi niya ito mabuksan. Huli na ng mabatid niyang kinadena pala ang mg
Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan. Walang buwang sumg iyoa ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita na naglalakad na may mga dalang maliit na lampara at karamihan sa mga nakita niyang palakad-lakad ay mga nakaunipormeng kawal ng
"Magandang gabi, mga kasama," pagbati ni Don Condrado sa lahat bilang kanyang panimula. Tumugon naman ng pagbati sa kanya ang lahat ng mga taong kasamang nakaupo sa mesa. "Nakausap ko na ang Tukang Lawin, na kararating lang mula sa Madrid. Dala na niya ang suportang pinansyal ng mga kapwa nating Pilipinong ilustrados doon. Dala na rin niya ang inilikha natin na naghihintay na lang sa ating hudyat," "Kung ganun, ito na ang pinakahihintay natin, Don Condrado. Ito na ang simula ng lahat ng ating mga binalak noon," wika ng isa sa mga matandang kasapi ng kapatiran na si Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog."Marahil ito na nga iyon, Butong Niyog. Papakilusin na natin ang usad ng kapatirang ito,""Ganunpaman, mga kasama, hindi niyo ba napapansin? Naging mainit na ang mga mata ngayon ng buong pamahalaan. Sa bawat kanto ng Sangrevida ay may mga nagmamasid at nagbabantay nang mga kawal ng guardia civil. Nagiging ganito lang ito matapos ang bigong himagsikan ng mga obrero ng Hacienda Gonzales na p
[Andracio]Para bang nalimutan na ni Andracio kung anong oras na't napansin na lamang niya sa bintana ng opisina na gumagabi na pala. Buong araw siyang naging abala sa pag-asikaso sa mga nakabinbing gawain sa La Guevarra at dahil na rin ito sa may tinutumbok silang kinauukulang bilang ng mga panibagong cigarillos na kinakailangang gamain para ipadala kaagad sa mga karatig bayan ng Sangrevida na nahinto ng ilang mga araw buhat mangyari ang 'di inaasahang pagkawala ni Don Condrado Guevarra. At dahil wala ang mga may-ari ay hinalilihan muna ni Andracio ang pamamalakad sa buong pagawaan kaya naman ay buong araw siyang naroon at nalibang sa dami ng mga gagawin gaya nang paglantaw sa kalakaran sa pagawaan, pagtatak ng mga selyo't pagpirma sa ilang mga mahahalagang papeles--- mga bagay na karaniwang ginagawa upang masiguradong walang palya ang mga ipapadala nilang cigarillos na siyang tanyag sa ibat ibang mga pamilihan.Sa pag alis ng encargador, ang katahimikan ng buong paligid ang kaagad b