Maririnig ang malakas at matinding paghihingal ng isang lalaki habang tumatakbo ito sa kalawakan ng school lobby. Sugatan pa ang kaliwang braso nito na tila natusok sa isang matulis na bagay kaya dumaloy at halos naligo na nang kanyang sariling dugo ang buong brasong iyon.Tumatakbo siya sa mga oras na iyon dahil may humahabol sa kanya. Wala namang nakapansin sa kanya kahit nasa eskwelahan pa siya dahil alas dose na ng hatinggabi iyon at wala ng makikitang mga guro at estudyante sa loob nito.Malayo rin sa guardhouse ang gusaling kinaroroonan niya kaya kahit sumigaw pa siya ng tulong ay hindi siya maririnig ng mga nakaposteng security guards ng eskwelahan.At ang natatanging magagawa lamang niya ay ang tumakbo at iligtas ang sarili sa humahabol na panganib.Mula sa faculty room, nakapagtakbo ang sugatang binatang guro na si Walter Miranda upang makalabas ng gusali. Narating man niya ang pintuan palabas dito ngunit hindi niya ito mabuksan. Huli na ng mabatid niyang kinadena pala ang mg
Sumapit na ang gabi at bumalot na ang dilim sa kalangitan. Walang buwang sumg iyoa ang tanging makikita lamang sa buong kalawakan ay ang makikinang at nagningningang mga bituin na tila mga magagandang diyamante na nagkalat sa kalangitan.Buhat sa gusaling pagawaan ng La Guevarra, nilakad lang ni Andracio ang daan papunta sa lugar na kanyang patutunghan. Mula sa mabatong daan mula doon ay narating niya ang isang tisang kalye, ang Calle Ponce. Nilakad niya ang maliit na kalyeng ito na tinitirikan sa gilid ng mga bahay-na-bato hanggang sa may isang esquinita. Maliwanag naman ang buong kalye na kanyang dinadaanan dahil sa makikitang mga nag-iilawang farola na nakatayo sa bawat gilid na umiilaw lang tuwing sasapit ang karimlan ng gabi. May mga ilang calesa at mga kariton pa siyang nadatnan na dumadaan pa rin sa kalyeng iyon. May mga ilan ring tao siyang nakikita na naglalakad na may mga dalang maliit na lampara at karamihan sa mga nakita niyang palakad-lakad ay mga nakaunipormeng kawal ng
"Magandang gabi, mga kasama," pagbati ni Don Condrado sa lahat bilang kanyang panimula. Tumugon naman ng pagbati sa kanya ang lahat ng mga taong kasamang nakaupo sa mesa. "Nakausap ko na ang Tukang Lawin, na kararating lang mula sa Madrid. Dala na niya ang suportang pinansyal ng mga kapwa nating Pilipinong ilustrados doon. Dala na rin niya ang inilikha natin na naghihintay na lang sa ating hudyat," "Kung ganun, ito na ang pinakahihintay natin, Don Condrado. Ito na ang simula ng lahat ng ating mga binalak noon," wika ng isa sa mga matandang kasapi ng kapatiran na si Timoteo Alonzo, ang Butong Niyog."Marahil ito na nga iyon, Butong Niyog. Papakilusin na natin ang usad ng kapatirang ito,""Ganunpaman, mga kasama, hindi niyo ba napapansin? Naging mainit na ang mga mata ngayon ng buong pamahalaan. Sa bawat kanto ng Sangrevida ay may mga nagmamasid at nagbabantay nang mga kawal ng guardia civil. Nagiging ganito lang ito matapos ang bigong himagsikan ng mga obrero ng Hacienda Gonzales na p
[Andracio]Para bang nalimutan na ni Andracio kung anong oras na't napansin na lamang niya sa bintana ng opisina na gumagabi na pala. Buong araw siyang naging abala sa pag-asikaso sa mga nakabinbing gawain sa La Guevarra at dahil na rin ito sa may tinutumbok silang kinauukulang bilang ng mga panibagong cigarillos na kinakailangang gamain para ipadala kaagad sa mga karatig bayan ng Sangrevida na nahinto ng ilang mga araw buhat mangyari ang 'di inaasahang pagkawala ni Don Condrado Guevarra. At dahil wala ang mga may-ari ay hinalilihan muna ni Andracio ang pamamalakad sa buong pagawaan kaya naman ay buong araw siyang naroon at nalibang sa dami ng mga gagawin gaya nang paglantaw sa kalakaran sa pagawaan, pagtatak ng mga selyo't pagpirma sa ilang mga mahahalagang papeles--- mga bagay na karaniwang ginagawa upang masiguradong walang palya ang mga ipapadala nilang cigarillos na siyang tanyag sa ibat ibang mga pamilihan.Sa pag alis ng encargador, ang katahimikan ng buong paligid ang kaagad b
Marahil ay lubos nabighani ang Amang Bathala sa kagandahang hatid ng buwang sumisibol sa makarimlang kalangitan kaya naging mahinahon ang buong Look ng Nawaan. Ang mga malalakas at rumaragasang mga alon na karaniwang makikita sa yaong look ay tila nakakapanibago ang kalumanayan, kahit pa man sa ritmo ng mga along ito'y bumabayo sa paligid ang malakas na hanging amihang hatid ay nakakahindik na lamig na animo'y malalambot na mga kamay kung humahaplos sa sinumang balat na makakaramdam. Batid tunay at nangilabot si Anok sa 'di pangkaraniwang bungad na ito ng look. Kung kaya, habang sumasagwan siya sa sinasakyang bangka ay hindi mapigilang umusbong sa isipan niya ang magtaka kung bakit ganoon kabanayad ang asal ng napuntahang anyong-tubig na siyang taliwas sa mga naririnig niyang mga nakakagimbal na mga kuwento mula sa mga taong nakapaglayag na sa bahaging iyon. "Mukhang pinagpala tayo ni Amang Bathala ngayon mga kasama," imik ng isa mga kasama ni Anok habang nakaupo sa may giliran ng ba
Sa pagbuga ng isang malakas na ugong sa himpapawid ay agad naulinigan ito ng buong mamabumulwak ang tanyag na tarangkahan ng Narigson. Iyong pag ugong ay ang hudyat na ginagawa ng mga nagbabantay sa tarangkahan; isa para sa mga nagbabalik, dalawa para sa paparating na kalaban at tatlo para babalaan ang lahat na lisanin ang buong lungsod. Sa pagkatataong iyon ay isang paghuni lamang ang narinig nila mula sa (horn) na mula sa sungay ng kalabaw at ang paghudyat na ito'y siyang ipinagtaka ng lahat nang mga taong naroon malpit sa tarangkahan kung kaya may daling pag usisa sila kung sino ang pinagbukasang dumating sa lungsod. Tatlong kalalakihan ang makikitang pumasok. Lahat ay nakasakay sa kani kanilang mga kabayo. Mga kawal, siyang pagkilanlan ng mga ito dahil sa kanilang tindig at kasuotan, subalit malayo ang kanilang mga hitsura sa mga kagalang galang na katayuan dahil animoy nanggaling ang mga kalalakihan sa isang matinding digmaan buhat sa putikan at sugatan ang mga ito.Sila ang mga
Wala sa tao ang paghuhusga. Ang tanging Diyos lamang ang may kakayahang husgahan ang sinuman.Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang rosaryong ibinigay ng Santo Papa sa akin magmula noong ako ay maordinahan bilang isang pari. Walang araw simulang mahawakan ko ang yaong rosaryo ang siyang nahiwalay ito sa akin. Para sa akin ay ito ang pinakamatatag na pananggalang sa anumang kasamaan nag-aabang. Walang baril. Walang haligi. Ang kasing tayog ng rosaryong siyang pagmamay-ari ng sugo ng Diyos upang pamunuan ang sangkatauhang naniniwalang lubos sa kanyang kadakilaan."Handa na po ang lahat, Padre" mga salitang siyang bumasag sa aking pagmuni-muni sa malawak na karagatang binaybay ng aming sinakyang barkong Cristiana. Sa dako roon ay makikita ang unti-unting paglubog ng haring araw kung kaya'y kumakagat na ring paunti-unti ang kadiliman. "Naihanda mo na ba ang mga kagamitan ko, Ferdinand?" siyang tanong ko sa aking kasamahang binatang lalaki."Aking tiniyak po ang lahat ay naroon na, Padre"
Napatigil ako sa katanungan ng bampira. Anong kahuwaran ito at hindi alam ng yaong halimaw ang tungkol sa makapangyarihang bato. Simula pa noong bata palamang ako ay inaral ko na ang Luna Kristalis. Ako ang siyang humalili sa aking ama para ipagpatuloy ang kanyang sinimulan. Walang panahon ang hindi ko iginugol ang aking sarili sa paghahanap dito. Hanggang sa umabot ako sa hangganan ng aking kaalaman noong matuklasan ko na nasa kamay ito ng Santo Papa. At dahil dito, hindi ako nagpatumpik pa at sinimulan ko ang aking paglalakbay at pumasok sa pagiging pari hanggang sa naordinahan bilang isa sa kanila. Marahil ay masasabi kong ang pagkapari ko ay tawag ng aking sarili at hindi ang Diyos, ngunit walang nakakaalam at baka ang paghahanap sa Luna Kristalis ang Kanyang gawain.Buong buhay ko ay tungkol lahat sa maalamat na batong ito kung kaya napakainsulto sa akin na niisa sa mga halimaw ay walang nakakaalam patungkol sa bagay na ito. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at binigyan ko